top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 9, 2024



Photo: Nadine Samonte at Marian Rivera - Instagram


Halos maiyak sa tuwa si Nadine Samonte nang matanggap ang padalang Pop Mart Doll mula kay Marian Rivera. 


Isang malaking Angel in the Cloud Labubu doll na nagkakahalaga ng higit sa P50K at may personal na dedication mula kay Marian ang ipinadala kay Nadine. 


Matatandaan na naging magkaibigan sila ni Marian nang magkasama sa seryeng Super Twins (ST) ng GMA-7, kung saan si Marian ang gumanap na nanay nina Nadine at Jennylyn Mercado.


At kahit may mga issues noon si Marian, ayos pa rin ang kanilang samahan at napatunayan niyang magkaibigan sila ni Nadine at hindi sila nag-aagawan sa mga Labubu dolls. 


Siguro naman, matitigil na ang pamba-bash kay Nadine Samonte dahil mismong si Marian Rivera na ang nagpapatunay na magkaibigan sila. 


Mga starlet at movie produ ang target…

BAGUHANG DIREKTOR, NAMIMIGAY NG MGA IMBENTONG AWARDS PARA KUMITA


BLIND ITEM:

IBANG klase ang raket ngayon ng isang hindi kasikatang direktor. Palibhasa'y wala siyang mga movie projects na ginagawa, naisipan niyang magbigay ng mga “imbentong” awards sa mga baguhang artista at movie producers na willing magbayad para lang makakuha ng award. 


Hindi naman nagtanong o nagduda ang mga binibigyan ng award kung legit at rehistrado ba ang mga ibinibigay nito.


Target ng hindi sikat na direktor ang mga baguhang artista at movie producers na handang magbayad para magka-award lang. 


Bukod sa pagbibigay ng mga imbentong awards, nangongontrata rin siya ng mga shows sa mga probinsiya. Kumukuha siya ng mga artistang jobless at pinapangakuan ng malaking talent fee (TF), pero pagkatapos ng show at nakuha na ang bayad, halos kalahati ng TF ng mga artista ang kinakaltas niya.


Kaya naman sira na ang imahe ng direktor sa ibang mga artista, bistado na kasi ang raket niya. Mas malaki pa ang kita ng nasabing direktor kaysa sa mga artistang napapagod sa mga out-of-town shows. 


Sey ng mga nabiktima ng direktor, “May karmang katapat ang panloloko ni direk!”


After umamin sa relasyon… PAG-AMIN NINA COCO AT JULIA SA MGA ANAK NILA, INAABANGAN


NGAYONG inamin na ni Coco Martin na 'katuwang' niya sa buhay na nagmamahal sa kanya si Julia Montes, ang next na inaabangan ng lahat ay ang pag-amin nilang kasal na sila at may tatlo nang anak.


Ilang taon na ring usap-usapan ang relasyong Coco at Julia pero talagang tahimik ang dalawa at pangiti-ngiti lang tuwing inuurirat sa kanilang love life, bagama't ang mga malalapit na kaibigan at katrabaho nila ay alam na alam ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Ang ipinagtataka lang ng mga fans nina Coco at Julia, paano nagiging normal ang buhay ng mga anak nila kung totoo mang hindi nila inilalabas ang mga bata para maitago mula sa mata ng publiko?

Naka-homeschooling ba ang mga ito? Paano ipinapasyal nina Coco at Julia ang mga bata para magkaroon ng normal na childhood? 

At kung sakaling nagkakasakit ang mga bata, ang doktor din ba ang pumupunta sa bahay nila?

Well, masasagot lang ang tanong ng bayan kapag finally ay sina Coco at Julia na ang mismong nagsalita at kumumpirma ng matagal nang haka-haka ng taumbayan.


Gusto ng parents na maging lawyer… 

VICE, YUMAMAN NANG TODO SA PAGIGING COMEDIAN


PANGARAP noon ng mga magulang ni Vice Ganda na maging abogado siya, pero sa showbiz nga luminya si Vice at dito siya sumikat nang husto. 


Abogado raw kasi noon ang lolo ni Vice at ang tatay niya ay sinubukang mag-aral upang maging abogado.


Hindi man naging lawyer si Vice, malayo naman ang narating niya at nakapagpundar ng maraming properties. Siya na rin ang tumatayong mentor ng mga baguhang stand-up comedians na nangangarap ding mapansin at mabigyan ng break. 


May ilang artista ring malalapit kay Vice Ganda tulad nina Ryan Bang at Awra Briguela na itinuring niyang mga anak-anakan. Nagtayo pa siya ng comedy bar upang bigyan ng break ang mga aspiring comedians. 


Araw-araw na nagho-host si Vice Ganda sa It's Showtime (IS) at natapos pa niya ang pelikulang entry sa MMFF 2024, ang And The Breadwinner Is.


Nasa peak ng kanyang tagumpay sa career si Vice Ganda ngayon. Isa rin siya sa Top 10 highest-earning showbiz personalities at masaya siya sa kanyang love life.


Ano nga ba ang legacy na maiiwan ni Vice Ganda sa showbiz sakaling magretiro siya? Meron kaya? 


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 8, 2024



Photo: Marian Rivera at mga Labubu dolls - Instagram


Marami ang labis na naiinggit ngayon sa tagumpay at kasikatan ng Primetime Queen na si Marian Rivera. Sa kabila ng pagiging mommy at wife, mabenta pa rin siyang product endorser at kumikita sa takilya ang kanyang mga pelikula. 


Nagkamit na rin siya ng ilang acting awards, bukod pa sa pagiging Box Office Queen. 

At ngayon, ang kanyang collection ng Pop Mart Labubu dolls ay ginagawan ng isyu ng mga bashers. Dapat daw ay i-donate na lang ni Marian ang perang ipinambili niya ng mga Labubu dolls na sobrang mahal.


Depensa naman ng mga fans at supporters ni Marian, pati ba naman ang libangang ito ng aktres ay kailangan pang pakialaman ng mga inggiterong bashers? 


Sariling pera naman ni Marian ang ginagamit niya sa pagbili ng mga Labubu dolls. At kung charity projects ang pag-uusapan, matagal na itong ginagawa nina Marian at Dingdong Dantes. Lagi silang nagdo-donate kapag may kalamidad na dumarating sa bansa.


Katulad ng kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga binaha noong Bagyong Kristine. Hindi nga lang nila ibinabandera sa publiko ang kanilang pagkakawanggawa.


Deserve naman ni Marian Rivera ang sumaya sa pagkakaroon ng collection ng Labubu dolls, para siyang bumalik sa pagkabata. Sobra lang ang inggit ng mga bashers sa kanya pero wala namang masama kung gusto niyang mag-collect nito.



SOSYAL at yayamanin ang impresyon ng marami kay Gabbi Garcia. Ka-level daw niya si Heart Evangelista na may image na “richie rich” dahil likas na mayaman ang kanyang pamilya bago pa siya naging artista.


Ang tulad daw ni Gabbi ay hindi puwedeng bigyan ng role na anak-mahirap na inaalipin. Malakas ang personalidad nito at pang-beauty queen ang porma. 


Marami ang nagpu-push kay Gabbi na mag-join sa malalaking beauty pageants, pero marami pa siyang showbiz commitments na dapat tapusin, isa na rito ang major role niya sa Sang’gre: The Encantadia Chronicles.


Hinahasa na rin ng GMA-7 ang kanyang hosting skills na ginagamit niya sa mga malalaking events. 


Happy ang love life ni Gabbi Garcia sa piling ng kanyang long-time BF na si Khalil Ramos. May common interest sila — ang hilig sa pagta-travel abroad.


Recently, nagbakasyon sila sa China at dito sila nag-enjoy sa pamamasyal. 


Laging naglalaan ng oras sina Gabbi at Khalil para sa kanilang bonding. Ito ang sikreto kung bakit tumagal ang kanilang relasyon.



BAGAMA’T isa siya sa mga napiling nominees ng TUPAD Partylist, hindi rito nakasentro ang pansin ni Bayani Agbayani. 


Marami siyang shows na tinanggap sa lalawigan ng La Union, bukod pa sa mga shows niya sa mga casinos. Super-hataw si Bayani upang kumita para sa future ng kanyang pamilya. 


At kahit na busy sa kanyang mga out-of-town shows, hindi pinababayaan ni Bayani ang kanyang taping sa Da Pers Family (DPF) ng TV5 at ang programa nilang Goodwill sa Net25. 


Nag-e-enjoy si Bayani sa taping ng DPF dahil nagkakasama sila ng BFF niyang si Aga Muhlach. Hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-arte sa sitcom.


Masaya ang buong cast ng DPF kapag nagte-taping sila dahil parang pamilya silang nagkukulitan sa set.


Ang hindi lang matanggap ngayon ni Bayani ay ang hindi paglabas sa pelikula dahil sa nalalapit na midterm elections.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 7, 2024



Photo: Matteo Guidicelli - IG


Pansamantalang magpapahinga sa kanyang showbiz career si Matteo Guidicelli. Nag-enroll siya sa Harvard University para sa isang short course lang. 


Marami naman ang nagsasabing napakamahal mag-aral sa Harvard. May sapat bang kakayahan si Matteo upang tustusan ang kanyang pag-aaral? 


At paano na raw ang kanyang pinirmahang kontrata sa GMA Network? Wala na ba siyang project na dapat tapusin? 


May ilang mga netizens din ang nag-comment na sana ay isinabay na ni Matteo si Sarah sa pag-e-enroll sa Harvard University para lagi silang magkasama.


Alam ng lahat na gustung-gusto rin ni Sarah na makatapos sa pag-aaral. 

Samantala, may mga fans na nagtatanong kung para saan ang ginawang bazaar nina Sarah at Matteo kung saan nagbenta sila ng kanilang mga damit, sapatos, atbp. na hindi na ginagamit. Halos good as new ang mga ito, at dinagsa ng kanilang mga fans at supporters. Mismong sa kanilang Studio G ginawa ang bazaar. Fundraising ba ito para sa mga biktima ng Bagyong Kristine at pagbaha? 


Well, magiging abala pa rin sina Sarah at Matteo hanggang 2025, at hindi pa rin binabanggit kung kailan ang kanilang baby project. Naiinip na ang kanilang mga fans!



Hindi ikinahiyang aminin ni Heart Evangelista na nagbenta siya ng kanyang mga alahas upang makabili lang ng apartment sa Paris. 


Siya rin mismo ang nag-ayos at nag-interior design sa kanyang apartment. Maging sa pamimili ng ilang ornamental plants, siya rin ang gumawa. 


May mga paborito siyang paintings na dinala niya sa Paris para sa kanyang bagong biling apartment. 


“My Tree House” ang tawag ni Heart sa kanyang apartment. Lagi niyang naaalala ang kanyang tree house sa farm nila sa Cavite. 


Ngayon, mas magiging maginhawa na para kay Heart ang kanyang pagpunta sa Paris Fashion Week (PFW) dahil may sarili na siyang apartment na titirhan. 


So far, wala nang mahihiling pa si Heart dahil natupad na lahat ng kanyang mga pangarap. Sumikat siya sa fashion world, financially stable na siya, okey ang kanyang married life, at may career sa showbiz. Isa rin siya sa mga top celebrity endorsers. 


Inaabangan din lagi ng kanyang mga fans at supporters ang mga next episodes ng kanyang TV special, ang Heart World na nagsimula na.



MABUTI naman at pumayag si Azenith Briones na mainterbyu ni Morly Alinio ng DZRH. 

Maraming issues ang kumalat nang mapabalitang kinidnap siya ng sariling anak at dinala sa isang rehabilitation center. Pinalalabas daw na lulong sa casino si Azenith at inuubos ang kanyang yaman sa sugal dahil gabi-gabi raw na nasa casino ang aktres.


Labis na nabahala ang malalapit na kaibigan ni Azenith nang bigla siyang nawala. Maging ang sarili niyang ina at mga kapatid ay hindi raw pinapayagang makita siya at makausap noong nasa rehab center siya.


Ganunpaman, nagawa naman ni Azenith na maka-adjust, kahit hindi siya pinapayagan na gumamit ng cellphone sa loob ng rehab center. 


Ayon pa sa kuwento niya, wala siyang pinirmahang mga papeles o dokumento para sa kanyang mga properties. At wala siyang ibinigay sa sinuman sa kanyang mga anak sa kanyang mga naipundar na ari-arian. 


Nilinaw din niya kay Morly Alinio na hindi totoong adik siya sa pagka-casino at inubos ang kanyang ipon sa sugal. 


Tanging wish ngayon ni Azenith Briones ay maayos ang relasyon niya sa kanyang mga anak at maresolba ang anumang problema sa kanilang pagitan.


Nagpapasalamat din si Azenith sa lahat ng kaibigan sa showbiz na nag-alala at nagmalasakit sa kanya.


It’s a girl uli… PRAMIS NI IYA, PANG-LIMANG ANAK, LAST NA TALAGA!



Baby girl ang magiging pang-limang anak ng showbiz couple na sina Iya Villania at Drew Arellano. Ipinaalam na nila ito sa apat nilang anak na excited na rin para sa kanilang bagong kapatid.


Bale 2 babae at 3 lalaki na ang mga anak nina Iya at Drew. 


Sabi ni Iya, last na talaga ang kanyang pagbubuntis ngayon sa ika-limang anak. Medyo hirap na rin daw siya sa pag-aasikaso ng kanyang mga anak. 


Hindi raw planado na umabot sa lima ang anak nila ni Drew. Akala ni Iya ay stop na siya sa ika-apat nilang anak.


Para kay Drew, super mom si Iya dahil nagagawa pa rin nito ang maging hands-on mom kasabay ng kanyang pagiging segment host sa 24-Oras


It seems nag-e-enjoy si Iya sa kanyang pagiging mom. Hindi siya nagmumukhang losyang at stressed. Maganda pa rin siya at physically fit. Maganda siyang magdala ng pagbubuntis.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page