top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 15, 2024



Photo: AI AI Delas Alas - Instagram


Sa naganap na paghihiwalay nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan, maraming kababaihan ang nakisimpatya sa Comedy Queen. Nakakalungkot nga naman na pagkatapos ng 10 taon ng kanilang relasyon, nauwi rin sa paghihiwalay ang lahat. 


Ang hindi niya mabigyan ng anak ang mister ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Gerald Sibayan kay Ai Ai. At ‘yun nga, senior citizen na ang Comedy Queen. 


Gayunpaman, may ilang mga netizens na gustong magbigay ng payo at paalala kay Ai Ai. Dapat daw ay tanggap na nito na sa kanyang edad ngayon, huwag na siyang umasa pa na may “forever” at sana ay seseryosohin siya ng sinumang lalaki, lalo na kung mas bata sa kanya. 


Sabi nga ng isang vlogger, dapat hindi ibinuhos nang todo-todo ni Ai Ai ang kanyang pagmamahal kay Gerald Sibayan. Maliwanag na ginamit lang siya nito para sa pansariling interes, kaya ang payo nila sa Comedy Queen ay huwag nang pumasok uli sa seryosong relasyon kapag muling umibig. Pa-“fling-fling” na lang upang hindi siya masyadong madurog kapag naghiwalay.


Alam ng lahat na may pagka-“La Vida Loca” si Ai Ai kapag nai-in love, todo-bigay at buo ang tiwala.



Dahil big hit ang Kathryn Bernardo at Alden Richards movie, wish ng mga KathDen fans na ‘wag silang matulad sa ALDUB (Maine at Alden).


Sobra-sobra ang pagbubunyi ng mga KathDen fans sa big, big success ng pelikulang Hello, Love, Again (HLA). Kumita ito ng P85 million sa opening day at ipinalabas sa 700 theaters nationwide. 


Muling pinatunayan ng tambalang KathDen na box office stars sila at malakas ang hatak sa takilya. Sobra ang hatid na kilig sa moviegoers ng tambalan nila at muling nabuhay ang interes ng publiko sa mga love teams


Tulad din sa kasikatan ng Bea Alonzo at John Lloyd Cruz tandem, marami ang naka-relate sa love story ng KathDen.


Ang tanging hiling lang ng mga fans nina Kathryn at Alden ay sana, hindi sila matulad sa naging kapalaran ng AlDub. Sana raw ay magpakatotoo sila sa kanilang real feelings sa isa’t isa, at huwag lang maging sweet on cam para sa kanilang career. 


Okey na magsimula silang magkaibigan muna, huwag paniwalain ang kanilang mga fans na may relasyon sila in real life.


Ganoon ang nangyari noon kina Maine Mendoza at Alden Richards, kaya hirap na makalimot ang mga AlDub fanatics nang malantad na si Arjo Atayde ang tunay na karelasyon ni Yaya Dub at nauwi pa sa pagpapakasal. 


Ayun, tuluyang nabuwag ang AlDub love team.

ay pagka-“La Vida Loca” si Ai Ai kapag nai-in love, todo-bigay at buo ang tiwala.



Hindi matigil-tigil ang tsismis at panunukso ngayon sa tambalan nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid sa set ng Batang Quiapo (BQ). May chemistry daw kasi ang pinuno (Lito Lapid) at ang magandang dilag na si Lorna Tolentino. Maraming viewers ang

kinikilig sa kanila. 


Bagama’t alam ng publiko na may pamilya na si Sen. Lito at tahimik ang kanyang private life, naghahanap pa rin ang viewers ng bagong tambalan sa BQ. At wala naman daw masama kung magiging malapit sa isa’t isa sina Lorna T. at Sen. Lito, dahil matagal nang biyuda si Lorna at ang aktor naman ay bukas sa publiko ang mga nakarelasyong artista tulad nina Azenith Briones at Melanie Marquez. And for sure, alam lahat ito ni Lorna. 


Ang tanong, pumayag naman kaya sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, Jr. na magkaroon na ng kapalit sa puso ni Lorna ang yumao nilang BFF na si Rudy Fernandez?

Boto ba sila kay Sen. Lito Lapid para kay Lorna Tolentino?


‘Yan ang aabangan ng lahat!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 14, 2024



Photo: Philip Salvador, Sen. Bong Go, Sen. Robin at Sen. Bato - FB


Win or lose, hindi raw pagsisisihan ni Phillip Salvador ang pagtakbo niyang senador. 

Hindi sinasadya ang pagkikita namin ni Phillip recently. Huli namin siyang nakita bago pa nanalo si Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, naging busy kasi si Kuya Ipe noon sa pagtulong sa pangangampanya nila para kina Duterte at Sen. Bong Go. 


Hindi na rin siya nakapag-focus sa paggawa ng pelikula, kaya ikinagulat namin ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ni Phillip para kumandidato bilang senador.


Malaki ang pondong kailangan sa mga tatakbo bilang senador. Kakayanin kaya niya?


Bakit siya naengganyo na pumasok ngayon sa pulitika? Sinu-sino ang kumumbinse sa kanya? Nahirapan ba siyang magdesisyon? 


Ayon kay Kuya Ipe, sina Sen. Robin Padilla at Sen. Bong Go ang nag-advise sa kanya na tumakbong senador sa darating na midterm elections. Ginawa pa raw example ni Sen. Robin ang kanyang sarili, na wala ring malaking pondo noong siya ay kumandidato bilang senador, at wala ring experience sa pulitika. Ipinakita lang ni Sen. Padilla ang kanyang sincerity upang makatulong sa mga mahihirap. At dito nabuo ang desisyon ni Phillip Salvador na tumakbong senador.


Win or lose, masasabi niyang sinubukan niya at hindi siya umatras sa laban. Wala raw malaking pondo ang kanyang partido, ang PDP, pero nangangako sila ng tapat na serbisyo sa mga nangangailangan. 


Alam ni Phillip Salvador na matindi ang labanan sa senatorial race, kaya dasal na lang ang kanyang hiling sa kanyang mga kaibigan at supporters, lalo na’t nakakaranas siya ngayon ng matinding bashing mula sa mga netizens.


Gerald, shut up na lang… AI AI, SANAY NA RAW IWAN NG LALAKI, MAKAKA-MOVE ON DIN


MAG-BFF sina Ai Ai delas Alas at OWWA Deputy Director Arnell Ignacio. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nu’ng pareho pa lang silang nagsisimula sa showbiz.


Nagdadamayan sila kapag may problema ang isa’t isa. 

Open si Ai Ai kay Arnell kapag may problema siya sa kanyang love life, kaya lahat ng chapter ng pag-ibig ng Comedy Queen ay kabisado ni Arnell.


Kagaya nang inamin ni Ai Ai na hiwalay na sila ni Gerald Sibayan, agad na kinausap siya at dinamayan nito. Idinaan na lang sa biro ni Ignacio ang kanyang payo sa Comedy Queen, sinabihan daw nito si Ai Ai na huwag nang mag-emote at mag-drama dahil sanay naman itong mahiwalayan ng kanyang nakakarelasyon.


Pero, may patama si Arnell sa ex-husband ni Ai Ai na si Gerald Sibayan. Makakabuti raw kung mananahimik na lang ito at huwag nang magdetalye pa kung bakit niya hiniwalayan ang Comedy Queen. 


Naniniwala si Arnell na in time ay makaka-move on din si Ai Ai sa paghihiwalay nila ni Gerald. Beterana na sa larangan ng pag-ibig si Ai Ai delas Alas, ilang beses na itong nabigo at nasaktan sa pag-ibig, pero nakakabangon at patuloy na lumalaban sa buhay.



ANG pagkakasama ni Jennylyn Mercado sa bagong Station ID ng GMA Network ay patunay na mananatili pa rin siyang Kapuso artist. Hindi totoo ang balitang lilipat siya sa Kapamilya Network at sa Net25 dahil artista pa rin siya sa GMA-7, at dito siya komportable, kaya hindi niya maisip na iwanan ang Kapuso Network. 


At nasa GMA-7 din si Dennis Trillo, kaya mas maganda kung dito na sila manatili. Magaling na artista si Jennylyn Mercado, hindi pa naman kumukupas ang kanyang acting career. 


Puwede siyang isama kahit sa mga veteran stars, box-office stars, at mga bagets stars. At hindi naman siya nagde-demand na bigyan lagi ng lead role, kakayanin niya ang mga challenging roles na ibibigay sa kanya. 


Singer din si Jennylyn, at magagamit siya sa All-Out Sundays (AOS). Hindi rin siya tumaba, at na-maintain niya ang kanyang figure, kaya marapat lang na bigyan siya ng magagandang projects sa GMA-7.



MAY bagong pinagkakalibangan ngayon ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix. Nag-aaral siyang mag-drums, at si Dingdong Dantes ang nagtuturo sa kanya. 


Maraming bagay siyang natutunan sa kanyang kuya-kuyahan na si Dingdong, lalo na pagdating sa acting. 


Abala ngayon si Miguel sa upcoming serye niyang Batang Riles (BR). Excited siya sa kanyang role dahil panibagong hamon ito sa kanyang kakayahan bilang artista. 


Dating child actor si Miguel at nalinya sa drama. Maraming kinikilig sa tambalan nila ni Isabel Ortega.


Ganunpaman, marami ang nag-advise kay Miguel na huwag mag-stick sa love team formula para mag-level-up ang kanyang career. Dapat ay sumubok siya sa iba't ibang roles at mag-grow sa mature roles sa mga susunod pa niyang projects sa GMA Network.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 13, 2024



Photo: Sue Ramirez - IG @sueannadoodles


Matapos makipag-break sa BF niyang politician-businessman na si Javi Benitez, marami na ang gustong manligaw kay Sue Ramirez. Isa na rito si Dominic Roque na nakasama niya sa isang bar sa Siargao recently. Nag-viral pa sa social media ang kanilang kissing photo. 


Paliwanag naman ni Dominic, hindi ‘yun matatawag na kissing kundi friendly beso-beso lang. Nagiging kaugalian na ang beso-beso sa showbiz, kaya walang malisya 'yun para kay Dominic.


May tsika naman mula sa reliable source ni Ogie Diaz na nagpaparamdam din ang isang sikat na male personality kay Sue Ramirez na may initial na P.P. Marami ang humuhula na posibleng si Piolo Pascual ‘yung guy. 


Ang bongga talaga ng beauty ng tisay na si Sue Ramirez dahil marami ngayon ang nagkakainteres na siya ay ligawan. 


Aabangan na lang ng mga netizens kung sino ang lucky guy na magugustuhan niya na kapalit ni Javi Benitez. Four months na silang hiwalay ngayon, at marami sa kanilang mga kaibigan ang nanghihinayang sa kanilang dating masayang relasyon.



Gusto raw magtira ng respeto sa sarili…

AI AI, 'DI NA FEEL HABULIN SI GERALD PARA MAKIPAGBALIKAN



Bumuhos ang luha ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang aminin niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang mapait na katotohanan na hiwalay na sila ni Gerald Sibayan.


Ten years tumagal ang kanilang relasyon, at umasa si Ai Ai na makakabuo sila ng kanilang pamilya. 


Sa chat lang idinaan ni Gerald ang kanyang pakikipaghiwalay, isang bagay na labis na ipinagtaka ni Ai Ai, bakit daw hindi man lang hinintay ng kanyang mister na makabalik siya sa USA at makapag-usap sila nang maayos? 


Masakit para sa Comedy Queen ang sinabi ni Gerald na hindi na siya masaya at gusto niyang magkaanak bago pa sila nagpakasal. Alam naman ni Gerald na sa kanyang edad ay mahirap na siyang magbuntis, at sumubok sila ng IVF, pero hindi nabuo. 


Though may isa pang egg cell si Ai Ai na naka-freeze na maaari nilang subukan, pero bumitaw na nga si Gerald. 


At nang tanungin ni Boy Abunda kung bakit ayaw niyang ipaglaban ang relasyon nila ng dating mister, tanging sagot ni Ai Ai ay gusto naman niyang magtira ng konting respeto at dignidad sa kanyang pagkatao.


Sa ngayon, hindi pa sila nagkakausap ni Gerald matapos nitong makipaghiwalay via chat message. At hindi niya alam kung mapapatawad pa niya ang dating mister. 

Ganunpaman, wini-wish pa rin ni Ai Ai delas Alas na lumigaya si Gerald Sibayan.



IBANG-IBA na ang aura ng dating aktres-beauty queen na si Azenith Briones nang ma-meet namin recently. Maaliwalas at peaceful na ang kanyang hitsura at masayang-masaya na nakakapunta na siya kahit saan niya gusto. 


Hindi mababakas na may pinagdaanan siyang matinding pagsubok nang ipa-rehab siya ng kanyang mga anak sa pag-aakalang lulong siya sa casino o sugal. 


Maraming kaibigan ang labis na nag-alala para kay Azenith nang bigla siyang nawala. Nanawagan pa ang kanyang BFF na si Isabel Rivas para kalampagin ang mga taong may kinalaman sa kanyang pagkawala.


Ganunpaman, tiniyak ni Sen. Lito Lapid na nasa mabuting kalagayan si Azenith. Six months na may news blackout sa kanya.


Maraming realizations sa buhay si Azenith nang mapunta siya sa rehab. At dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap nang masinsinan ang kanyang mga anak sa payo na rin ng mga psychiatrists/psychologists sa rehab center. 


Unti-unti ay naliwanagan ng kanyang mga anak ang kanilang mga pagkakamali. Pinanindigan ni Azenith ang kanyang pahayag na hindi siya adik sa sugal at kontrolado niya ang paggastos sa kanyang pera.


Sa ngayon ay malaki na ang ipinagbago ng mga anak ni Azenith at madalas na silang mag-bonding. At ‘yun ang labis na ipinagpapasalamat ni Azenith sa Diyos. Panatag at masaya na rin ang mga kaibigan ni Azenith nang muli siyang nakita. 


May ilang movie producers naman ang nagkainteres na gawing pelikula ang buhay ni Azenith Briones. Open din naman siya na muling bumalik sa pag-arte sakaling may magandang offer sa kanya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page