top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 21, 2024



Photo: Mercy Sunot - Aegis Band


Ang labis na ipinagtataka ng kanyang kapatid na si Juliet Sunot ay kung bakit agad na namatay si Mercy isang araw lang matapos siyang maoperahan. May kapabayaan kayang nangyari sa panig ng mga doktor sa ospital?


Ang dahilan ng pagkamatay ng Aegis lead vocalist ay lung cancer. 

Tumira si Mercy Sunot sa California, USA ng walong buwan upang magpagamot at sumailalim sa chemotherapy. 


Single mom si Mercy at may dalawang anak na naiwan. May gagawing concert sa New Frontier Theater ang AEGIS bilang tribute sa yumaong lead vocalist. 


Bago pumanaw si Mercy Sunot, naging guest pa siya ng Jukebox Queen na si Eva Eugenio sa isang show sa USA, kung saan kinanta niya ang mga big hit songs ng Aegis tulad ng Luha at Ibigay N’yo Na Ang Aming Christmas Bonus. Kaya marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay ni Mercy Sunot. 


Nangako pa naman siya sa kanyang mga anak na uuwi siya ng Pilipinas sa Disyembre upang magkasama-sama sila sa Pasko.



Nakilala ang Kapuso actress na si Rufa Mae Quinto (RMQ) sa kanyang karakter bilang jologs na komedyana. ‘Yun ang tumatak sa kanya, pati na rin ang paborito niyang linyang, “Go, go, go!” 


Pero ngayon na nagma-mature na siya, gusto na rin ni RMQ na magbago ng imahe. Gusto niyang gumanap sa mga seryosong role sa telebisyon at pelikula, at willing siyang mag-undergo ng acting workshops upang ma-achieve ang pangarap niyang maging seryosong aktres at magtagal sa showbiz dahil passion niya ang umarte at mag-perform. Iiwanan na niya ang dati niyang image na “BOOBA!”.


Well, maganda ang desisyong ito ni RMQ, pero hindi iyon magiging madali para sa kanya. Dapat niyang seryosohin ang kanyang pagsalang sa acting workshop. Subukan niyang magpaturo/magpatulong sa magaling na acting coach na si Anne Villegas. Tapos, mag-guest siya sa isang episode ng Magpakailanman


Pero, ang tanong, tanggapin kaya ng publiko ang isang seryosong Rufa Mae Quinto?



MAY pelikula na ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas. First time nilang magkakasama sa isang movie project na pinamagatang Sweet As Chocolate (SAC). 


Sa Bohol kinunan ang kabuuan ng pelikula na idinirek ni Rado Peru. Ang tourist attraction na Chocolate Hills ang naging main location ng pelikula.

Ang SAC ay naka-schedule ipalabas sa Pebrero 2025.


May bago ring show si Mikee Quintos sa GMA Network, ang Lutong Bahay (LB) na araw-araw napapanood. Dito, nagge-guest sila ng iba’t ibang celebrities.


Bukod sa pagluluto, nakakapag-share rin ang mga guests ng iba't ibang aspeto ng kanilang buhay, at nakakapag-promote ng kanilang TV shows, concerts at pelikula. 


Excited din si Mikee Quintos sa pagbabalik ng Sang’gre: The Encantadia Chronicles kung saan isa siya sa mga lead stars.


So far, going strong ang relasyon nila ni Paul. Suportado nila ang isa’t isa, at malaki ang ipinagbago ni Paul Salas nang dumating sa buhay niya si Mikee Quintos. Ine-enjoy nila ang panahon na lagi silang magkasama.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 20, 2024



Photo: Archie Alemania at Rita Daniela - Instagram


Marami ang dismayado kay Archie Alemania sa ginagawa niyang aksiyon laban kay Rita Daniela. 


Sa kagustuhan niyang linisin ang kanyang pangalan sa kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ng aktres ay binabaligtad pa niya ang istorya. 


Todo-deny pa na binastos ni Archie si Rita gayung marami ang saksi na nang malasing sila sa party na pinuntahan nila ni Rita ay kung anu-anong bastos na pananalita ang sinabi niya sa actress-singer.


At isang matibay na ebidensiya ang pag-text ni Archie kay Rita na nag-sorry sa kanyang ginawa. 


Tapos ngayon, pati ang asawa ni Archie na si Gee Canlas ay sumawsaw na rin at nagpo-post sa kanyang Instagram (IG) ng patama kay Rita Daniela? Todo-tanggol si Gee sa kanyang mister, eh, hindi naman niya nakita mismo ang tunay na nangyari. 


Sa December 3 ay nakatakda na ang preliminary hearing ng kasong isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania. Desidido si Rita na panindigan at ipaglaban ang kanyang karapatan, para na rin sa anak niyang si Uno.



VERY supportive kay Ai Ai delas Alas ang tatlo niyang anak na sina Sancho, Sofia at Nicolo. 


Sa pinagdaraanan ngayon ni Ai Ai na kahihiwalay lang sa ex-husband niyang si Gerald Sibayan, tulung-tulong ang mga anak ng Comedy Queen sa pagbibigay ng moral support upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. 


Strong woman si Ai Ai, pero kailangan pa rin niya ang pagmamahal at kalinga ng kanyang pamilya at mga kaibigan. 


Sa mga natulungan ni Ai Ai, marami ang nakikisimpatya sa kanya ngayon. Maging ang mga madre na kanyang natulungan sa mga charity projects ay nagdarasal para sa Comedy Queen upang mabilis itong makapag-move on sa kabiguang pinagdaraanan. 


Payo naman ng ilang nagmamalasakit na netizens kay Ai Ai ay ipahinga muna ang kanyang puso at mag-focus na lang sa kanyang career. 


Ngayong hiwalay na sila ni Gerald, hindi na niya kailangang mamalagi pa sa USA. Maaasikaso na niya nang husto ang kanyang career sa 'Pinas.



MASAYANG-MASAYA si Janice de Belen nang magdiwang ng kanyang 56th birthday last November 9. 


Isang surprise birthday celebration ang inihanda ng kanyang tatlong anak na sina Inah, Kyla at Moira. Bale joint birthday celebration na nila ito ng anak niyang si Yuan. 


Ngayong malalaki na ang mga anak ni Janice, sila naman ang nag-effort na bigyan siya ng memorable birthday celebration. Na-appreciate ni Janice ang pagmamahal at pagbibigay sa kanya ng importansiya, ibang-iba ang feeling dahil nararamdaman niya na pinahahalagahan ng kanyang mga anak ang kanyang pagiging ina. 


Hindi istriktong mom si Janice sa mga anak niyang babae. Nasa tamang edad na ang mga ito at malaki ang tiwala niya na kaya nang magdesisyon ng mga ito. 


At malaking achievement para sa tulad niyang ina na mapalaki nang maayos ang kanyang mga anak kahit pa siya ay single mom.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 19, 2024



Photo: Coco Martin, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz


Hindi na nga maawat ang kasikatan at pagyaman ngayon ni Coco Martin dahil sa sunud-sunod na seryeng kanyang pinagbidahan, ang Juan dela Cruz, Ang Probinsyano (AP) at Batang Quiapo (BQ). 


Highest-paid endorser din siya at malalaking produkto ang kanyang ine-endorse. 

Kung pagbabatayan ang kanyang kinikita sa serye, pelikula at mga endorsements, daig na ngayon ni Coco sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa dami ng properties na kanyang naipundar. 


Lumaki sa hirap si Coco kaya masipag at madiskarte. Lumaki siya sa poder ng kanyang lola na masipag na negosyante. Ang lola niya ang naging idolo ni Coco, kaya nagsikap siya sa buhay. 


Nagsimula siya sa showbiz nang lumabas sa mga indie films, hanggang sa napadpad sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan naging ganap siyang malaking artista. 


Co-producer, director at actor si Coco sa AP at BQ, kaya malaki ang kanyang kinikita at nakapagpundar ng negosyo at mga properties. At dahil sinuwerte, nag-share siya ng blessings sa kanyang mga kapatid. Binigyan niya ng sariling bahay ang apat niyang kapatid. 


Binigyan din niya ng negosyo ang mga ito upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Ganoon kabait na kapatid si Coco Martin, kaya tuluy-tuloy ang kanyang suwerte.


Kuntento raw sa GMA-7…

RHIAN, 'DI LILIPAT SA ABS-CBN



Mismong si Rhian Ramos ang nagsabing hindi totoo ang balitang nagkaroon siya ng pag-uusap sa mga big bosses ng ABS-CBN para sa kanyang paglipat. 


Masaya na raw siya at kuntento sa pangangalaga ng GMA Network, at wala siyang balak na lumipat sa ibang TV stations, lalo na ngayon na kasama siya sa pantaseryeng Sang’gre: The Encantadia Chronicles.


Nakapag-taping na raw siya ng ilang araw at excited siya sa kanyang role. Masaya si Rhian na makatrabaho ang mga bagong henerasyon ng mga Sang'gres. 


Habang naghihintay sa pag-resume ng taping sa Encantadia, tumatanggap muna si Rhian ng pelikula. At isa na rito ang ‘Wag Mo 'Kong Iwan (WMKI) na idinirek ni Joel

Lamangan. Nagsisilbing hamon kay Rhian ang role na kanyang ginagampanan. 


Masaya ang love life ni Rhian Ramos ngayon at tatlong taon na ang relasyon nila ng partylist congressman na si Sam Verzosa. Kumakandidato ngayong midterm election si SV bilang mayor ng Maynila at makakalaban niya sina Isko Moreno at Honey Lacuna.



BLOOMING ngayon si Azenith Briones, kaya tinutukso siya ng mga kaibigan na baka in love. 


Pitong taon na ring biyuda si Azenith at malalaki na ang apat niyang anak at may sarili nang pamilya.


Likas na masipag, masinop at business-minded si Azenith, kaya nakapagpundar ng mga properties. Nag-e-enjoy na lang siya sa pagta-travel abroad, kasama ang pamilya at mga kaibigan. 


Pero, may chika na may ardent suitor ngayon si Azenith na isang rich foreigner, at hindi sila nagkakalayo ng edad.


For sure, guwapo ito dahil pumasa kay Azenith. LDR (long distance relationship) daw sila at next year ay muling magkikita dahil bibiyahe ang aktres pa-USA sa January. 


Well, deserve naman ni Azenith na magkaroon ng love life upang may makasama siya sa kanyang pagtanda. Hindi na siya pumupunta sa casino ngayon upang hindi na sila magkaproblema ng kanyang mga anak. 


Negosyo ang pinagkakaabalahan ngayon ni Azenith Briones at kumikita sa pagbebenta ng mga properties.



HINDI naawat ang lady producer na si Marynette Gamboa na sumugal upang i-produce at gawin ang pelikulang IDOL: The April Boy Regino Story na idinirek ni Efren Reyes, Sr.. 


Bago nag-pandemic noong 2020 ay handa na ang lahat para sa shooting ng nasabing pelikula. Pero inabot ng COVID pandemic na tumagal ng tatlong taon kaya pansamantalang nakansela ang shooting ng movie. 


Gayunpaman, may pangako si Ms. Marynette sa pamilya ni April Boy Regino na kahit ano'ng mangyari ay itutuloy at tatapusin ang movie, at maayos na natapos ang pelikulang kanilang pinaghirapan. 


Bagama't hindi sila pinalad makapasok sa MMFF 2024, maaga naman itong mapapanood sa mga sinehan. Showing na ang IDOL: The April Boy Regino Story sa November 27. Ang baguhang aktor na si John Arcenas ang gumanap bilang si April Boy.


Kasama rin sa movie sina Irene Celebre, Kate Yalung, Dindo Arroyo, Rey "PJ" Abellana, at may special role ang Jukebox Queen na si Imelda Papin. 


Buo ang paniniwala ni Marynette ng WaterPlus Productions na tatangkilikin ng mga tagahanga ni April Boy Regino ang pelikula. Dito malalaman ang mga hirap na kanyang pinagdaanan bago siya sumikat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page