top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 25, 2024



Photo: Nadine Lustre at James Reid - Uninvited trailer, Instagram


Sobrang proud at excited si Nadine Lustre na nakatrabaho niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pelikulang Uninvited na produced ng Mentorque Productions. Magaling din ang direktor ng movie na si Dan Villegas. 


Hindi lahat ng artista ay nagkakaroon ng chance na makasama ang isang award-winning actress na si Vilma Santos. At mas magiging challenge kay Nadine Lustre na pagbutihin ang pagganap sa kanyang role sa Uninvited


Nakabuti kay Nadine na nakawala siya sa love team nila ni James Reid, nakakatanggap siya ng iba’t ibang klaseng roles at nakakatrabaho ang ibang aktor. 


Okey din kay Nadine ang maging kontrabida at tumanggap ng offbeat role kahit na magalit pa sa kanya ang mga moviegoers.


Sa trailer pa lang ng Uninvited ay nagmarka ang eksena nila ni Aga Muhlach dahil walang pakundangan ang murahan nila. Tiyak na marami ang masa-shock. 


Sabi naman ng mga netizens, mas lalawak ang acting career ni Nadine Lustre sa kanyang pagganap ng offbeat role.



Matatandaang naibalita noon na may colon cancer ang actress na si Deborah Sun, at kasalukuyang nag-a-undergo ng chemotherapy. Ganunpaman, hindi siya kakikitaan ng lungkot at depresyon. Nagagawa pa niyang mamasyal at dumalo sa ilang showbiz events. 


Fighter sa buhay si Deborah, at naka-survive na sa maraming pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Idinadaan daw niya sa dasal ang lahat at tuloy pa rin ang kanyang positive na pananaw. 


Ipinagpapasalamat din ni Deborah na marami ang tumutulong sa kanya ngayon upang matustusan ang kanyang mga gamot at iba pang pangangailangan sa araw-araw. 

Hindi siya pinababayaan ni Phillip Salvador na laging nangungumusta sa kanyang kalagayan. Si Maricel Soriano naman ay regular na tumutulong sa kanya dahil bukod sa cash ay may groceries at prutas na ipinadadala. 


Ang King of Talk na si Boy Abunda ay pinadadalhan din si Deborah ng pambili ng kanyang mga gamot. 


Abut-abot din ang pasasalamat ni Deborah Sun kay Ara Mina na pinatira siya nang libre sa kanyang townhouse sa Quezon City. Ten years nang nakatira si Deborah sa townhouse ni Ara na walang binabayarang renta. 


Bukod sa mga kaibigan niyang artista, may mga non-showbiz friends si Deborah na tumutulong sa kanya ngayon. At suwerte siya na may mga kaibigan na dumaramay sa kanyang kalagayan.



MARAMING dapat ipagpasalamat sa buhay ang aktres na si Glenda Garcia. Hindi siya nababakante sa GMA Network at tuluy-tuloy ang kanyang mga projects. 

Kasama si Glenda sa cast ng afternoon soap na Lilet Matias: Atty. At Law. Vibes sila ni Jo Berry at nag-e-enjoy sa kanilang role bilang mag-ina. 


Good news din na extended ang Lilet Matias until next year, at marami pang celebrities ang nakatakdang mag-guest sa serye. 


Nauna nang nag-guest sina Odette Khan, Gina Alajar at Bibeth Orteza. May kakaibang twist na magaganap sa kuwento ng Lilet Matias, kaya iyon ang dapat abangan. 


Samantala, at the age of 55, feeling blessed na at complete na ang buhay ni Glenda Garcia. May anak siyang mabait, mapagmahal, at marespeto, hindi na niya hinahangad na magkaroon ng love life pa. 


At ang tanging wish ni Glenda ngayong Pasko ay mas matatag na future para sa unico hijo niyang si Carlo. 


Para sa kanya, ang kalusugan at magandang takbo ng kanyang career ang tangi niyang hiling.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 24, 2024



Photo: Barbie Forteza - Instagram


Ang laki-laki siguro ng inggit kay Barbie Forteza ng ilang mga bashers na nagsasabi na huwag nang isama si Barbie sa programang All-Out Sunday (AOS) dahil panira lang ang boses niya.


Pero bakit, musical variety show naman ang AOS, kaya dapat ay masigla at mataas ang pitch ng kanyang boses.


Komento pa ng ilang bashers, nakakatorete raw pakinggan ang matinis na boses ni Barbie sa AOS


Pero depensa ng mga fans ni Barbie, hindi puwedeng lalamya-lamya ang aktres kapag nasa AOS siya or else, matatabunan siya ng ibang Kapuso stars na kasama niya sa show.


Bentahe pa para kay Barbie na nakakapag-host siya, at kumakanta-sumasayaw din ‘pag kailangan. 


Dramatic star siya, pero kapag may mga shows ang GMA-7 na kailangan niyang mag-perform ay game si Barbie Forteza para mapasaya ang mga fans.



Hindi na nga ang pagiging matinee idol ang image na gustong i-maintain ni Aga Muhlach. Habang nadaragdagan ang edad, gusto naman niyang magbago ng image bilang isang aktor. Tapos na raw siya sa mga wholesome na roles na lagi niyang ginagampanan sa big screen.


Nagawa na niya ang halos lahat ng klaseng role sa pelikula kasama ang magagaling na aktres. 


Nang pansamantala siyang nagpahinga sa pag-arte, piling-pili na lang ang mga projects na kanyang tinatanggap. Naghintay lang siya ng tamang project na gigising sa kanyang interest at hahamon sa kanyang kakayahan bilang isang aktor. At dumating nga ang offer ng Mentorque Productions para gawin ang Uninvited movie. 


Kasama sa trabaho niya rito sina Vilma Santos, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, atbp.. Si Dan Villegas ang direktor. 


Dark ang character ni Aga at pumayag siyang maging kontrabida. Kaya tiyak na magugulat ang kanyang mga fans kung bakit niya tinanggap ang Uninvited movie. Kasali ito sa darating na MMFF 2024.



Ano na kaya ang nangyari sa Cats Cafe business na binalak itayo noon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo? Cat lover ang mag-asawa at marami silang alagang imported na pusa.


Balak sana nilang gawing atraksiyon sa kanilang Cats Cafe ang mga ito. Kaya may mga nagtatanong kung itutuloy pa ba nina Jennylyn at Dennis ang kanilang negosyo?

Inabutan na kasi sila ng COVID pandemic. Tapos, inuna rin nilang itinayo ang kanilang container house, kaya hindi na nila naasikaso at nabigyan ng panahon ang kanilang Cats Cafe. 


Ganunpaman, bongga naman ang Christmas gift nina Jennylyn at Dennis para sa kanilang sarili. Isang brand-new white Land Cruiser ang kanilang binili para may magamit sila sa kanilang road trip. Karagdagan ito sa mga dati nilang sasakyan na naipundar. Deserve naman nila na regaluhan ang kanilang sarili ngayong Pasko.



MAPAPANOOD na ngayon ang Part 2 ng 29th anniversary celebration ng Bubble Gang (BG). Pinaghandaan ito ng production team ng BG dahil kakaibang presentasyon ang kanilang ihahandog sa mga viewers.


Hindi lang mga bagong gags ang mapapanood sa BG, may musical portion din at sasalang sa kantahan at sayawan ang cast.


Sasabak din sa mga skits ang beauty queen na si Rabiya Mateo. 


Hindi nauubusan ng mga magagandang ideya ang team ng BG para hindi sila pagsawaan ng mga viewers. At may partisipasyon ang buong cast sa kanilang anniversary presentation. Kitang-kita ang ibinibigay na effort nina Michael V., Paolo Contis, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Kokoy de Santos, atbp..

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 22, 2024



Photo: Heart Evangelista - Instagram


Ang bongga-bongga at napaka-generous talaga ng fashion icon na si Heart Evangelista. 

Maaga siyang namigay ng Christmas gift sa kanyang glam team, na pinasaya niya nang husto sa regalong kanyang ibinigay. 


Hermes bags ang iniregalo ni Heart, at hindi lang isa o dalawang Hermes bags ang natanggap ng kanyang glam team. 


Ito ang paraan ni Heart ng pagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kanya sa mga pagrampa sa mga dinaluhang Fashion Week sa Paris at New York. Sila ang nag-asikaso ng mga isusuot na damit, bags at sapatos ni Heart. Sila rin ang nagme-makeup at nag-aayos ng buhok ng aktres. 


Malaking tulong kay Heart ang kanyang glam team, kaya alagang-alaga niya ang mga ito. Itinuturing na ni Heart na mga kaibigan ang kanyang glam team, kaya kung anuman ang biyaya na kanyang natatanggap ay isine-share niya sa kanila at binibigyan ng mga mamahaling regalo. 


Well, kailan kaya magse-share si Heart Evangelista ng kanyang mga blessings sa entertainment press? 


Misis, wala pang bagong BF… 

TOM, AGAD-AGAD PINALITAN SI CARLA, NAANAKAN PA



Nag-react ang mga fans ni Carla Abellana nang aminin at ilantad na sa publiko ni Tom Rodriguez ang kanyang 4-month-old baby na anak niya sa non-showbiz girl na nasa USA.


Malinaw lang na mas nauna si Tom na naka-move on sa hiwalayan nila ni Carla at kumuha siya agad ng kapalit. Hindi man lang daw ba pinanghinayangan ng aktor ang sampung taon nilang pinagsamahan ng kanyang ex-wife? 


Kahit na sabihin pa na na-grant na ang divorce nila, naghintay na muna sana si Tom ng konti pang panahon o itinago muna niya ang tungkol sa kanyang anak. 


Anyway, wala nang galit at bitterness sa pagitan nina Carla at Tom. Natanggap na ng aktres ang kinahantungan ng kanilang marriage. Hindi sila itinakda na magsama forever. 


Hindi pa rin naghahanap si Carla ng bagong karelasyon kapalit ni Tom. Abala siya sa kanyang career at marami siyang plano upang lumawak pa ang kanyang kaalaman. May mga negosyo na rin siyang itinayo. 


Maraming non-showbiz friends si Carla, kaya hindi siya makaramdam ng lungkot kahit na loveless siya ngayon. At naririyan naman ang kanyang pamilya na nagpapasaya sa kanya.


Target mag-vice-mayor… ANJO, OLATS SA BICOL, SA LAGUNA NAMAN TUMAKBO


DATI raw ay sa Bicol ang balwarte ng pamilya Yllana, hindi nga lang pinalad si Anjo Yllana na manalo nang kumandidato siya. 


Ngayong tumatakbong vice-mayor ng Calamba City, Laguna ang aktor-komedyante, may nagsabing mga kamag-anak sila ni Anjo sa mother side, kaya kahit papaano, may mga tutulong at susuporta sa kandidatura ng kuya ni Jomari Yllana.


Ganunpaman, kailangan pa rin ni Anjo ng campaign fund dahil mataas na posisyon ang kanyang tatakbuhin. ‘Yun ngang barangay chairman lang ay gumagastos nang malaki sa kanilang kampanya upang makasiguro ng panalo. 


May mga sponsors kaya si Anjo na magba-back-up sa kanyang kandidatura? Sinu-sino sa kanyang mga showbiz friends ang tutulong kay Anjo Yllana?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page