top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 13, 2024



Photo: Ang Supremo Senador Lito Lapid - FB


Suportado ng kapwa niya senador si Sen. Lito Lapid sa kanyang muling pagtakbong senador sa midterm elections sa 2025. Kaya naman labis niyang pinasasalamatan ang mga kapwa niya senador na nagtitiwala sa kanyang kakayahan tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Go, at iba pa.  


Plano na lang sana ni Sen. Lito na muling bumalik sa Pampanga bilang gobernador. Pero dahil lagi siyang pasok sa Top 10 senatoriables, pinayuhan siya ng mga kaibigang senador na tumakbong muli para sa kanyang ikaapat na termino.  


Malaking tulong kay Sen. Lapid ang exposure niya ngayon sa seryeng Batang Quiapo (BQ), kung saan markado ang kanyang role bilang si Primo. At kahit na senior actor na siya, maraming viewers ang kinikilig sa tambalan nila ni Amanda (Lorna Tolentino).


Gustung-gusto ng lahat ang love team nila bilang “Primanda” (Primo at Amanda).  

Well, hindi ikinahihiya ni Sen. Lapid na siya ngayon ang pinakamatanda sa mga action stars. He’s 69 years old, pero ganado pa rin siyang umarte. Kahit ang mga delikadong stunts ay kaya pa rin niya. At hanga siya sa pagiging aktor-direktor ni Coco Martin sa BQ.


Napakapropesyonal nito at alagang-alaga ang kanyang mga artista.  


Samantala, napakasisipag ng mga staff at supporters ni Sen. Lapid sa pag-iikot upang magkabit ng mga streamers. Isang residente ng Nasugbo, Batangas ang nagkuwento sa amin na pati raw sa sementeryo ay nagkalat ang streamers ni Sen. Lito Lapid.



Gatecrasher ang tawag sa taong dumadalo sa event na hindi imbitado. Dahil dito, nabuo ang suspense movie na Uninvited ng Mentorque Productions na kasali sa MMFF 2024. 


Pinagbibidahan ito nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre, ito ay mula sa direksiyon ni Dan Villegas.  


Sa interview kay Star for All Seasons, natanong kung gusto ba ni Ate Vi na maging gatecrasher? Well, basta raw sa party ng idol niyang Hollywood actor na si Richard Gere, handang mag-gate crash si Ate Vi.  


At kung siya naman ang magpapa-party, ang kanyang dream guests ay sina Richard Gere, Meryl Streep, Mother Teresa, isang janitor, at isang teacher.


Idol na idol ni Vilma Santos si Richard Gere. Si Meryl Streep naman, tatanungin niya ang sikreto ng kasikatan nito at kung bakit respetado siya ng kanyang mga kapwa Hollywood stars.


Interesado rin ang Star for All Seasons na malaman kung paano napagkakasya ng isang janitor ang kanyang suweldo para buhayin ang kanyang pamilya. 


Sa pamilya nila ay may guro, at marami siyang gustong tanungin tungkol sa kanilang misyon na makapagturo.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 12, 2024



Photo: Gretchen Barretto - Instagram


Sobrang nami-miss ng mga small workers sa showbiz si Gretchen Barretto ngayong Pasko. 


Last year kasi ay namigay si La Greta ng ayuda, Christmas box para sa maliliit na manggagawa sa movie industry. May bigas, groceries at ‘yung iba ay nakatanggap din ng financial assistance.


Pati ang mga artista, talents, at bit players sa pelikula at telebisyon ay nakatanggap ng pamasko ni Gretchen. Marami siyang pinasayang taga-industriya.  


Pero, dahil sa kontrobersiya ng e-sabong, kung saan meron siyang farm ng mga manok na panabong, medyo nag-lie-low at hindi na muna nagpakita sa publiko si Gretchen. 


Walang makapagsabi kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni La Greta. Hindi na siya gaanong lumalabas. Ang mga private at personal na lakad na lamang niya ang nababalitaan kasama ang kanyang mga loyal friends.


Well, hopefully, one of these days, muling magparamdam si Gretchen Barretto sa showbiz at magpasaya sa Pasko.




Anaaak ng tupa naman! BILYONARYANG DATING AKTRES, HINUHUGASAN ANG LEFTOVER AT IPINALULUTO ULI SA MGA MAIDS


Paboritong topic ng mga kaibigang artista ang super rich na veteran actress dahil sa sobra nitong kakuriputan at pati sarili ay tinitipid upang hindi mabawasan ang kanyang yaman. 


Kung tutuusin, bilyonarya ang veteran actress sa dami ng assets-properties na kanyang naipundar. Hindi katas ng showbiz ang yaman ng veteran actress, sadya lang siyang masipag, madiskarte, masuwerte at nakapag-asawa ng foreigner na mayaman.


Ang dami-dami niyang properties na nabili — ilang condo units, apartments, resort, farm, atbp.. 


Pero ang nakakatawa, kapag daw may party sa kanyang bahay, ang mga leftovers ng mga bisita ay kanyang iniipon at pinapahugasan sa mga maids, ipinare-recycle ito at iniluluto ulit. ‘Yun daw ang ulam nila nang ilang araw. 


Bawal ding kumuha ng food sa ref ang kanyang mga katulong na hindi nagpapaalam dahil bilang niya ang laman nito.


Iniisnab na lang ng veteran actress ang showbiz at wala siyang balak balikan ang pag-aartista dahil sobra-sobra na ang kanyang kadatungan.



Mababago na ang mundo ng talent manager/businessman/influencer na si Wilbert Tolentino kapag lumusot ang Ahon Mahirap Partylist sa 2025 elections kung saan siya ang first nominee. 


Hindi na kasi siya sa showbiz world sasabak, kundi magiging public servant at congressman na. 


Hindi na siya magma-manage ng mga talents tulad nina Herlene Budol, Madam Inutz, atbp..


Ganunpaman, patuloy pa rin daw siyang tutulong at susuporta sa career ng mga dati niyang alagang artista. 


At dahil sa magandang adbokasiya ng Ahon Mahirap Partylist, maraming celebrities ang sumusuporta rito at tumutulong sa pagpo-promote nang walang talent fee, as in libre, tulad nina Regine Velasquez, Katrina Halili, Herlene Budol, Madam Inutz, atbp..


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 11, 2024



Photo: Angelica at Carlos Yulo - Instagram


Dahil nalalapit na ang Araw ng Pasko, marami ang nag-aabang kung magagawa na ng Paris Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang dumalaw sa kanyang mga magulang at makipag-bonding sa kanyang mga kapatid. 


Hindi naman kailangan na magdala siya ng mamahaling regalo o magbigay ng malaking halaga sa kanyang mga magulang. Sapat na sa kanyang Mama Angelica at Papa Andrew na siya ay makita, mayakap at muling makapiling. Kaligayahan na ng mga magulang na makasama ang kanilang anak, lalo na kapag Araw ng Pasko.


Hindi naman galit at walang sama ng loob ang Nanay Angelica ni Carlos. Lagi nitong idinarasal na sana ay muli niyang mayakap ang anak. Alam ni Nanay Angelica na darating ang tamang panahon na maaayos din kung anuman ang naging problema nilang mag-ina. 


Sabi naman ng ilang netizens na nagmamalasakit, mas lalong susuwertehin sa buhay si Carlos kapag naging mabait sa kanyang mga magulang.



Hindinga rin ba nagustuhan ng comedian-TV host na si Vice Ganda ang naging pahayag ni Maris Racal tungkol sa iskandalo ng mga screenshots ng text nila sa phone ni Anthony Jennings na nakunan ng ex-GF nitong si Jamella Villanueva?


Mas nakisimpatya raw si Vice sa ex-GF ni Anthony. Hindi kumbinsido si Vice na hindi alam ni Maris na may relasyon pa sina Jamela at Anthony. Mas pinaniwalaan ni Maris ang sinabi ni Anthony na single ang aktor, kaya naman na-in love rin siya rito.  


Ilang beses ngang nag-deny si Anthony at pinapaniwala niya si Maris na break na sila ni Jamela. 


Samantala, maging ang talent manager-TV host na si Boy Abunda ay nakasilip din ng butas sa naging pahayag ni Maris tungkol sa relasyon nila ni Anthony. 


Dahil dito, hindi madaling intindihin ang sitwasyon ngayon ni Maris. Maging ang publiko ay naaawa sa ex-GF ni Anthony Jennings na inagawan ng boyfriend ni Maris, na tiyak na magmamarka sa pagkatao niya.



Ibang klase talaga ang kasosyalan ng fashion icon na si Heart Evangelista, pati ang ginagamit niyang pantaboy ng lamok ay kakaiba at hindi ordinaryong produkto lamang. 


Hindi ito katulad ng nakasanayang katol lamang na ginagamit ng masang Pinoy. Ang gamit ni Heart ay para lang pabango na ini-spray niya sa paligid upang hindi siya dapuan ng lamok. 


Well, lahat na yata ng produkto ay gustong si Heart ang maging endorser. Kaya kahit wala siyang pelikula at regular na soap ay kumikita pa rin siya nang milyones.  


Sa lahat ng artista ngayon, tanging si Heart ang certified na may class at kinikilala sa fashion world abroad. Gustung-gusto siyang kunin ng mga sikat na fashion designers at ng mga world-class na brand ng cosmetics, bags, shoes, at mga damit.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page