top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 18, 2024



Photo: Maris Racal at Andrea Brillantes - IG


Magkakaiba ang reaksiyon at opinyon ng mga netizens sa tambalang Maris Racal at Anthony Jennings. May nagsasabi na may dating sa publiko ang kanilang love team, kaya dapat ay ‘wag buwagin. 


Pero marami rin ang nagsasabing mas makakabuti kay Maris kung maging solo artist na lang siya, mas malawak ang oportunidad niya kung walang ka-love team. 


Ang magandang ideya ay kung pagtatapatin sina Maris at Andrea Brillantes na mala-Nora Aunor at Vilma Santos ang peg. Parehong palaban at strong ang personalidad nila, pareho rin silang may mga isyu at kontrobersiya na kinasangkutan. 


May kani-kanyang katangian sina Maris at Andrea na nagustuhan ng kanilang mga fans at supporters. Mas iinit ang kanilang career kung may magaganap na kompetisyon. 


Mas makakabuti sa kanilang career kung sila ang pagtatapatin. Hayaan na lang si Anthony Jennings na maging solo artist.



Bago pa pumasok sa political arena, nag-artista muna si Mark Lapid. Nakalabas siya sa ilang pelikula at nakatambal ang ilang sikat na aktres. 


Hindi lang dumepende si Mark Lapid sa kanyang ama na si Sen. Lito Lapid upang magkaroon ng sariling project, nagsumikap siya on his own merit. 


Well, ang kanyang amang si Lito ay may kissing scenes sa mga nakaparehang aktres. Puwede rin kayang gawin ito ni Mark? 


Pero, nagpakatotoo at umamin siyang hindi na puwede na may kissing scene sa kanyang leading lady. Selosa kaya ang kanyang wifey na dating aktres na si Tanya Garcia? 


Anyway, si Mark Lapid ang COO (Chief Operating Officer) ngayon sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at dati rin siyang nakapuwesto sa Department of Tourism (DOT). May mga nagsasabi naman na posibleng sumabak siyang muli sa pulitika pagkatapos ng termino ng kanyang ama bilang senador. 


Ngayon, kasalukuyang bumibida ang mag-ama sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo (BQ).




Ang ganda-ganda ngayon ng FPJ Studios sa Del Monte Ave. sa Quezon City. Ito ngayon ang nagsisilbing museum ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) at dito na inilagak ang lahat ng memorabilia ni Da King na maayos na naka-display. 


Halos lahat ng posters ng nagawang pelikula ni FPJ ay narito, ganoon din ang mga trophies niya nang manalong Best Actor mula sa iba’t ibang award-giving bodies. 


Dito rin naka-display ang lumang BMW big bike na gamit ni Da King. May sarili ring theater sa loob ng FPJ Studios na bagung-bago.


Well, dito na ginagawa ang restoration ng mga lumang pelikula ni FPJ. Tumatanggap din ang FPJ Studios ng restoration ng pelikula mula sa ibang movie outfits. 


Ang pamangkin ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces na si Jeffrey Sonora ang namamahala at nag-aalaga sa FPJ Studios ngayon. 


Bagama’t hindi pa open sa publiko ang FPJ Studios para sa tour dahil marami pang dapat ayusin, posibleng ipakikita rin nila ito sa lahat, lalo na sa mga diehard fans ni FPJ. 


May gagawin din na isang libro tungkol sa buhay ni FPJ na isusulat ni Eric Ramos. Target release ng libro ay sa kaarawan ni Da King next year, August 2025.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 16, 2024



Photo: Bong Revilla Jr. at VP Sara Duterte - FB


May kumakalat na fake news ngayon sa social media na diumano’y si Sen. Bong Revilla, Jr. ang malakas na contender sa puwesto ni VP Sara Duterte sakaling ma-impeach siya dahil sa mga kasong isasampa sa kanya.


Sinasabing si Sen. Bong ang pinaka-qualified at malakas ang impact upang pumalit sa puwesto ni VP Sara. At mukhang pabor naman daw ang majority ng mga kasamahan niyang senador kung siya ang mauupong VP. 


Todo-tanggi naman si Sen. Bong sa mga kumakalat na tsismis na siya ang papalit sa puwesto ni VP Sara. 


Ayon sa kanya, gusto lang manggulo ng ilan sa mga kalaban niya sa pulitika, at walang-wala sa plano niya ito. 


Masaya na siya sa kanyang pagiging senador at sa kanyang paglilingkod sa mamamayang bumoto at nagtiwala sa kanya. 


Nagpapasalamat din si Sen. Bong sa lahat ng kanyang mga fans at supporters na patuloy na tinatangkilik pati ang kanyang showbiz career. 


Bagama’t wala siyang pelikulang nagawa sa taong ito (2024), may Season 3 naman ang action serye niyang Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM)


Mapapanood ito sa GMA-7 simula sa Disyembre 22. Ang mga dating cast pa rin ang kasama rito sa pangunguna ng leading lady niyang si Beauty Gonzales, Niño Muhlach, Carmi Martin, Maey Bautista, Liezel Lopez, Jeff Tam, Jestoni Alarcon, at may mga special guests din sa Season 3 tulad nina Jillian Ward, Gloria Diaz, Boss Toyo, John Lucas, atbp..


Ito ay mula sa direksiyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen. 

Ayon kay Sen. Bong Revilla, walang limit ang budget ng TWMNPSMNM, kaya mistula itong isang malaking action movie na ginastusan nang husto.  



AYON kay Sen. Lito Lapid, si Lorna Tolentino (LT) ang tumatayong acting coach niya sa Batang Quiapo (BQ). Dahil sa kanyang pagiging Kapampangan, madalas daw na may “H” ang kanyang mga salitang binibigkas, bukod pa sa mahirap niyang alisin ang kanyang nakasanayang punto. 


Kaya tuwing may mga seryosong eksena sila ni LT sa BQ, laging nagpapaalala ang aktres kapag lumilitaw na ang puntong Kapampangan ni Sen. Lapid. 


Ayon sa mga viewers ng BQ, malakas ang chemistry nila ni Lorna bilang screen partners, mala-KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) o BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) ang dating, kaya marami ang kinikilig.


Labis namang ikinalulungkot ng mga fans ng Primanda (Primo at Amanda) na mawawala o magbabakasyon muna ang karakter ni Primo (Lito Lapid) kapag ipinatupad na ang pagbabawal sa mga artistang kakandidato na lumabas sa anumang shows sa telebisyon. 


Ganunpaman, hindi naman “pinatay” sa kuwento ng BQ si Primo, kaya inaasahang makakabalik siya pagkatapos ng eleksiyon.



Vlogger, artista na rin… 

BOSS TOYO, INAMIN SI INA




Sumabak na rin sa showbiz ang sikat na influencer, Pinoy Pawnstar owner, at businessman na si Boss Toyo. Kasama siya sa cast ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) Season 3. 


Ayon kay Sen. Bong Revilla, natural na natural kung umarte si Boss Toyo, na isa rin palang Caviteño. 


Sa kuwento, hoholdapin ng masasamang loob ang tindahan ni Boss Toyo at lilimasin ang laman nito, pati na ang isang antigong artifact. Ang team ni Police Colonel Bartolome (Bong) ang tutulong kay Boss Toyo.


Mukhang mag-e-enjoy si Boss Toyo sa showbiz, at malapit na rin siyang magkaroon ng sarili niyang show sa kanyang bagong network. 


Sa dami naman ng magaganda at sexy stars sa showbiz, inamin ni Boss Toyo na attracted siya kay Ina Raymundo, na matagal na niyang crush mula nang mapanood niya ito sa Sabado Nights (SN). Looking forward siya na ma-meet in person ang actress.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 15, 2024



Photo: Incognito cast - Facebook, Star Magic, circulated


Tama lang na mag-react si Janice de Belen at idepensa ang anak nitong si Kaila Estrada. Tinawag kasi itong “anak ng cheater” dahil lahat daw ng artistang na-cast sa seryeng Incognito ay mga cheaters (except Ian Veneracion). 


Ilan sa major cast ay sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Maris Racal at Anthony Jennings, kaya pati si Kaila Estrada ay idinamay na rin. 


Pero bawing-bawi naman ang pagkuha ng ABS-CBN sa magagaling na artistang kasama sa serye. Magugustuhan ng mga viewers ang Incognito dahil punumpuno ng action scenes, at kinunan ang mga eksena sa magagandang lugar.


Hanggang sa Italy ay dumayo pa sina Ian, Daniel, Richard, Maris, Anthony at Kaila. Ginastusan nang husto ang mga special effects ng serye.


Well, tiyak na papalag din ang cast ‘pag nabanggit na sila ay mga ‘cheaters’.



Hindi na nga maitatago pa sa publiko ni Rufa Mae Quinto ang katotohanan sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Trevor Magallanes. Talk of the town ito ngayon at patunay din na inalis na ni Trevor sa kanyang Instagram (IG) ang mga larawan nila ni Rufa Mae. 


May screenshot din na nakuha ang ilang netizens sa naging mainit na sagutan nina Trevor at RMQ via chat mula sa ipinost na Instagram Stories ni Trevor. 


Nagde-demand ngayon si Rufa Mae ng sustento para sa kanilang anak na si Athena. 

Marami naman ang nakikisimpatya sa aktres sa paghihiwalay nila ng kanyang mister. Pero, alam naman ng kanyang mga kaibigan na malalagpasan ni Rufa Mae ang pagsubok na pinagdaraanan ngayon. 


Palaban sa buhay si Rufa Mae at hindi basta sumusuko sa anumang problema. Hindi siya ang tipo na magmumukmok at iiyakan ang mga kabiguan sa pag-ibig. Mananaig pa rin ang kanyang masayahing personalidad. 


At madali siyang makaka-move on. Tulad ni Ai Ai delas Alas, idadaan na lang sa pagko-comedy ni Rufa Mae ang lahat.



MARAMING direktor ang pumupuri kay Dennis Trillo dahil sa pagiging professional nito at sobrang dedikasyon sa kanyang trabaho bilang aktor. Kaya naman, nabibigyan niya ng buhay ang bawat karakter na kanyang ginagampanan sa pelikula at telebisyon. 


Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry ng GMA Pictures na Green Bones (GB), nag-aral pa siya ng sign language upang maging realistic ang kanyang pagganap sa kanyang role. 


Nadala rin ng aktor si Ruru Madrid at nakipagsabayan sa kanya sa aktingan. 


Kakaiba ang tema ng GB at may hatid itong good vibes. Tiyak na tulad ng Firefly movie last year, mapapansin ng mga hurado ng MMFF 2024 ang merits ng pelikula. 


May paniniwala ang marami na ang taong na-cremate na kinakitaan ng “green bone” ay isang mabait na tao. Isa na rito ang aktres na si Jaclyn Jose nang ma-cremate. Ganu’n din ang kuwento ng isang ginang na nai-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), may “green bone” rin na nakita nang siya ay ma-cremate dahil mabait at matulungin noong nabubuhay pa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page