top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 21, 2024



Photo: Sunshine Cruz at Atong Ang - Circulated


Matapos mag-viral sa social media ang kissing photo ni Sunshine Cruz at ng business tycoon na si Atong Ang, inamin na nga ng billionaire na may malalim na silang relasyon ng ex-wife ni Cesar Montano. Lantaran na rin silang nagkakasama sa iba’t ibang events.


May balita rin na balak nang pakasalan ni Atong si Sunshine. Isa-isa na raw dinadalaw ng businessman ang mga kamag-anak ng aktres para ipaalam sa mga ito ang kanyang intensiyon.  


Well, ang labis lang na ipinagtataka ng marami ay kung bakit sa dinami-rami ng babaeng nakarelasyon ni Atong, si Sunshine ang ninais niyang pakasalan gayung may tatlo na itong anak. 


Samantala, humanga naman ang ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano kay Atong Ang dahil sa pagiging gentleman nito sa pag-amin sa relasyon nila ni Sunshine. 

Wish ni Cesar na maging maligaya ang kanyang ex-wife sa piling ni Atong.


Bakas naman sa aura ni Sunshine Cruz ang sobrang kaligayahan dahil muli niyang naramdaman ang umibig. Iba talaga ang feeling kapag in love, at muli niyang naramdaman ang kilig kapag kasama si Atong Ang.  


Relo ang bigay ng BF…

KYLINE, RUBBER SHOES ANG GIFT KAY KOBE



Marami ang nakapansin na medyo pumayat ngayon si Kyline Alcantara pero mas bumata ang kanyang hitsura. 


Nang dumalo si Kyline sa Christmas party ng PMPC, tinanong namin kung ano ang kanyang Christmas gift sa nobyong si Kobe Paras. Isang pares daw ng rubber shoes na size 14. 


Isang mamahaling ladies’ watch naman ang Christmas gift sa kanya ni Kobe, na madalas niyang suut-suot. Tiyak na sa bahay nina Kyline magdiriwang ng Pasko si Kobe Paras. Nabanggit na niya ito noon, bago pa pumasok ang December.  


Gusto sana ni Kobe na makasama ang kanyang mom na si Jackie Forster, pero abroad na ito naninirahan kaya ang pamilya na lang ni Kyline ang makakasama niya ngayong Pasko dahil komportable na siya sa mga ito.


Itinuturing na siyang bahagi ng pamilya ni Kyline. Super in love si Kobe kay Kyline, kaya

ayaw na niyang humiwalay pa sa aktres. 



Punumpuno ang schedule ni Bayani Agbayani ngayong holiday season. Kabi-kabila ang kanyang mga shows sa iba’t ibang Casino Filipino sa mga key cities. Madalas ay sa Casino Hotel sa La Union siya naiimbitahan.


Hataw nang husto sa kanyang mga raket at shows si Bayani, pero hindi niya napapabayaan ang kanyang sitcom sa TV5, ang Da Pers Family (DPF) na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Charlene Gonzalez at ng kambal na sina Atasha at Andres. 


Kasama rin sa DPF ang magaling na comedian na si Roderick Paulate. 

May isa pang regular show si Bayani sa TV5, ang Angels


Samantala, magiging abala na rin si Bayani sa pangangampanya sa unang buwan ng 2025 dahil siya ang first nominee ng TUPAD Partylist.  


Si Bayani rin ang magho-host ng New Year Countdown ng Iglesia ni Cristo na gagawin sa Philippine Arena.


Masuwerte si Bayani sa taong 2024 dahil hindi siya nababakante ng trabaho. Ang Viva Artist Management ang nagma-manage ngayon sa kanyang career.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 20, 2024



Photo: Sunshine Cruz at Gretchen Barretto - IG


Sobrang natuwa ang mga press people sa ipinamigay na Christmas gift na bag of groceries ni Sunshine Cruz. 


Puro imported at mamahaling grocery items ang laman ng Christmas bag ni Sunshine, kaya marami siyang napasaya.


Tantiya namin, nasa P2K to P3K ang halaga ng mga imported groceries na ipinamigay ni Sunshine. Siya lang ang celebrity na nagbigay ngayon ng bonggang regalo sa press people.


Kung matatandaan, noong panahon ng pandemic, namigay din si Gretchen Barretto ng Christmas box na puro imported groceries ang laman with matching 10 kilos of rice. 


Bumuhos din ang ayuda ni La Greta sa lahat ng miyembro ng MOWELFUND. Pati ang mga artista sa telebisyon at pelikula ay nakatanggap din ng love box ni Gretchen. 

Kaya naman, hinahanap ngayon ang pamasko ni Gretchen sa maliliit na manggagawa sa movie industry. 


Samantala, marami ang nagtatanong kung may koneksiyon nga ba sa business tycoon na si Atong Ang ang Christmas love box ni Gretchen at Christmas grocery bag ni Sunshine na parehong puro imported ang laman? 


Parehong nali-link sina Greta at Sunshine sa bilyonaryong si Atong at mukhang nagpapasiklaban ang dalawang aktres sa kanilang regalong pamigay sa press.



Sobrang depressed daw ngayon ang kontrobersiyal na young actress na si Maris Racal. Malungkot ito at laging umiiyak dahil sa ibinabatong kahihiyan dulot ng iskandalo ng screenshot ng convo nila ni Anthony Jennings. 


Gusto na muna niyang umalis ng bansa upang makaiwas sa mga pambabatikos sa kanya.


Ayon kay Hayi “Mamu” Cruz, isang kilalang psychic, balak ni Maris na tapusin muna ang kanyang mga natanggap na commitments at saka aalis ng bansa. Plano raw nitong magpahinga muna at mag-quit na sa showbiz.


Taliwas ito sa naunang sinabi ni Maris na sa kabila ng mga nangyari ay tuloy pa rin ang kanyang showbiz career.


Samantala, ang ka-love team niyang si Anthony Jennings ay naapektuhan din ng kanilang iskandalo. Hindi na raw uusad ang career ni Anthony at posible ring tumigil na ito sa pag-aartista. 


Nakakapanghinayang nga ang magandang oportunidad sa career nina Maris at Anthony. Sampung taon ang pinaghirapan ni Maris sa kanyang showbiz career bago nabigyan ng big break, pero nasira lang ito dahil sa kanyang ka-love team na naghangad agad na biglang sumikat.



Aray ko! SUE, MAS TANGGAP NG FANS PARA KAY DOMINIC KESA KAY BEA



Hindi na nga maitatago pa na may namumuo nang relasyon kina Sue Ramirez at Dominic Roque. Inseparable ang dalawa at madalas nakikitang magkasama sa iba’t ibang events. 


Hanggang sa pagbili ng bagong kotse ni Sue, si Dominic ang kanyang kasama para mabigyan siya ng advice kung ano ang babagay sa kanya. 


Spotted din sina Sue at Dominic na namamasyal sa Siargao. 


It seems mas okey na kay Sue na ma-link ngayon kay Dominic, tahimik at safe sa mga isyu at intriga kahit nakikita sila sa mga public places. At aprubado sa mga fans ni Dominic si Sue, kumpara noong si Bea Alonzo ang karelasyon niya. 


Sobrang panlalait at bashing ang inabot noon ng aktor at inakusahan pang “user” at ginamit lang si Bea para umangat ang kanyang career. 


Tutol din kay Dominic ang kampo ni Bea at ayaw nilang makasal ang aktres sa aktor kahit nag-propose na. 


May lumutang pang isyu tungkol sa prenup agreement, kaya naudlot ang planong pagpapakasal nina Bea at Dominic Roque, hanggang sa tuluyan nang nag-break ang dalawa. 


Hanggang ngayon, walang malinaw na dahilan kung ano ang sanhi ng tuluyang pagkalas ni Bea kay Dominic. Pero, sadyang hindi sila itinakda para sa isa’t isa at ito ay natanggap na nina Bea at Dominic, kaya naka-move on na silang pareho at humanap ng bagong pag-ibig.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 19, 2024



Photo: Atong Ang at Gretchen Barretto - IG


Nag-viral sa social media ang nakunang kissing photos sa sabungan ni Sunshine Cruz at ng business tycoon na si Atong Ang. Ang tagpong iyon ang nagkumpirma na may relasyon nga ang dalawa na nu’ng unang lumabas ay itinatanggi pa ng aktres.


Nabalita naman na tanggap ng mga anak ni Sunshine ang relasyon nila ni Atong Ang. 

Gayunpaman, may reaksiyon dito ang mga fans ni Gretchen Barretto. Anila, huwag daw masyadong magsiguro at magdiwang si Sunshine dahil alam ng lahat na marami nang babae ang na-link kay Atong, kahit pa umamin na ngayon ang negosyante sa relasyon nila.


Pero ang pinaka-special pa rin ay si Gretchen Barretto, dahil limang taon ang kanilang relasyon kahit hindi nila ito inaamin sa publiko. 


Marami ang nagsasabing si La Greta pa rin ang may karapatan sa trono at hindi ito kayang agawin ni Sunshine Cruz. Iba pa rin ang karisma ni Gretchen at siya ang naging lucky charm ni Atong Ang sa mga negosyo nito.



58 si lalaki, 37 si babae… JOSE, KAMUKHA RIN NG UNANG ASAWA ANG BAGONG PINAKASALAN




Ikinasal na si Jose Manalo sa dating EB Babes na si Mergene Maranan sa isla ng Boracay. Tumayong best man ni Jose sina Alden Richards at Ryan Agoncillo. 


Nandu’n din at sumaksi sa kasalan si Bossing Vic Sotto na kasama sina Pauleen Luna at kanilang dalawang anak.


Bago pa ang Boracay wedding nina Jose at Mergene, nagkaroon ng photoshoot sina Jose at ang kanyang bride-to-be. Marami ang naaliw sa concept ng kanilang pictorial.


Hindi naging hadlang ang agwat ng kanilang edad sa pagmamahalan nina Jose Manalo (58 years old) at Mergene Maranan (37). 


May ilang netizens lang ang nakapansin na kahawig ng dating asawa ni Jose na si Anna Lyn ang pinakasalan niyang EB Babe na si Mergene.



SINGLE, senior, but not lonely! 


Ito ang tiniyak sa amin ni Carmi Martin nang makausap namin sa mediacon ng action-seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM).


At her age now, hindi nai-insecure si Carmi sa mga kasabayang artista na may kani-kanyang pamilya at happily married, tulad ng BFF niyang si Gladys Reyes.


Nagkaroon ng karelasyon noon si Carmi, pero personal niyang choice ang maging single. Hindi naman daw siya choosy sa lalaking mamahalin, pero sadyang hindi pa dumarating ang kanyang Mr. Right.


Masaya si Carmi sa buhay niya ngayon at may mga projects na pinagkakaabalahan tulad ng seryeng TWMNPSMNM, kung saan siya ang gumaganap na nanay ni Beauty Gonzalez.


Hindi ikinahihiya ni Carmi ang pagiging senior. Na-maintain pa rin niya ang kanyang ganda at sexy figure. Wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha at hindi rin nagpa-lipo para manatiling sexy. Alaga niya ang katawan sa regular na exercise at tamang diet.



Agree, Sharon? GABBY, PINAKA-ROMANTIC SA LAHAT NG NAGING BF NI JANICE




BONGGA ang love life ni Janice de Belen dahil puro guwapong heartthrobs sa showbiz ang kanyang naging karelasyon tulad nina Gabby Concepcion, Aga Muhlach at John Estrada. 


Sa tatlong aktor, si Gabby daw ang pinaka-romantic at mahilig magbigay ng love letters sa kanya. Kung hindi raw sila magkikita ng isang linggo dahil sa mga commitments, gagawa si Gabby ng pitong love letters para kay Janice para sa bawat araw na hindi sila magkikita. Ganu’n ka-romantic na boyfriend si Gabby. 


Ang relasyon naman nila ni Aga Muhlach ay masalimuot at bittersweet, lalo na’t nagbuntis si Janice at hindi pumayag ang partido ni Aga na sila ay magpakasal dahil nasa peak noon ang career ng aktor. 


Ganunpaman, tinanggap na lang pareho nina Janice at Aga ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Nakita namin kung gaano nasaktan si Aga habang ikinukuwento sa ilang kaibigan sa media ang paghihiwalay nila ni Janice. 


Nagkaroon sila ng isang anak, si Igi Boy, na isa nang chef at may sarili na ring pamilya. Okey naman ang naging relasyon ng mag-amang Igi Boy at Aga.


Samantala, ang pinakamatagal na naging karelasyon ni Janice ay ang aktor na si John Estrada. May apat silang anak, pero nauwi rin sa paghihiwalay. 


Malalaki na ang mga anak nina Janice at John Estrada. Hindi na ulit nagkaroon ng boyfriend si Janice matapos nilang maghiwalay ng aktor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page