top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 24, 2024



Photo: Ken Chan - Instagram


Nasa ‘Pinas pa raw ang aktor na si Ken Chan contrary sa bali-balitang nasa ibang bansa na ito ngayon upang makaiwas sa mga taong naghahabol sa kanya dahil sa mga negosyong pinasok na nalugi at pumalpak.  


Ayon sa isang source, may isang malaki at maimpluwensiyang tao ang inutangan niya nang milyones para sa isang negosyo, pero, hindi niya nagawang ibalik at bayaran. 


At base sa vibes ng isang psychic, sa parteng Mindanao nagtatago si Ken. Ito ang binabantayan ngayon ng mga awtoridad. 


Well, sana naman ay malagpasan ni Ken Chan ang kanyang mga kinahaharap na problema. Sayang ang kanyang career na pinaghirapan.



Walang third party na involved sa paghihiwalay ni Rufa Mae Quinto (RMQ) at ng mister niyang si Trevor Magallanes. Ito ang na-vibes ng psychic na si Gloria Escoto. 


Pera raw ang ugat ng kanilang problema, kaya nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama. 


Nagalaw diumano ang kanilang savings, pero hindi na binanggit kung sino sa kanila ang gumastos at nakialam sa pera.


Sa ngayon ay depressed na depressed si RMQ dahil bukod sa kanyang marital problem ay sumabay pa ang problema sa ine-endorse niyang beauty product. Siya ngayon ang hinahabol ng mga nag-franchise ng nasabing negosyo.


Marunong lang magdala ng problema si RMQ at pinipilit maging masaya. May anak siyang dapat na itaguyod kaya hindi siya dapat bumigay sa mga pagsubok. 


Naniniwala naman ang mga kaibigan niya na makakabawi siya at maaayos din ang mga problema at kontrobersiyang dumating sa kanyang buhay.



Ang kanyang mga anak ang kasama ngayong Pasko ni Willie Revillame. Sila na lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas, inspirasyon at kaligayahan sa kabila ng pamba-bash sa kanya. 


Bilyonaryo na si Willie sa dami ng naipundar niyang properties at financially stable na rin. 


Ganunpaman, kakambal ng kanyang pagyaman ang mga problemang dumarating sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na makamit ang kaligayahan at peace of mind. 


Gustung-gusto pa rin niya ang pagho-host ng sariling show. Pero nagsilbing hamon kay Willie ang pagpasok sa pulitika. Nag-file siya ng kandidatura para tumakbong senador. 


Pero, may babala ang psychic na si Gloria Escoto na dapat daw ay ingatan ni Willie ang kanyang kalusugan sa taong 2025. Isang seryosong sakit ang iindahin ni Willie Revillame, kaya dapat niya itong paghandaan at ingatan ang kanyang sarili.



Proud na proud si Eugene Domingo nang ikuwento kay Mikee Quintos na niregaluhan siya ni Boy Abunda ng mamahaling pabango worth P50 thousand. 


Gustung-gusto ni Uge ang amoy ng nasabing pabango, kaya todo-pasalamat siya kay Tito Boy. 


Bibihira na ang nagreregalo ngayon ng mamahalin. Pero dahil dati na silang magkaibigan ni Kuya Boy, lagi siyang may regalo mula sa Fast Talk host.


Samantala, may mga netizens ang nagtatanong kung bakit support-support na lang daw si Uge ngayon sa pelikula? Dati-rati ay siya ang bumibida kapag may entry siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF). 


Kasama si Eugene Domingo sa pelikulang And The Breadwinner Is… (ATBI) na pinagbibidahan ni Vice Ganda. 


Masaya ang love life ngayon ni Eugene dahil natagpuan na niya ang kanyang “The One”, na isang Italyano.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 23, 2024



Photo: Sunshine Cruz at Atong Ang - Instagram


Ngayong inamin na sa publiko ni Atong Ang ang relasyon nila ni Sunshine Cruz, maraming kababaihan ang super-inggit na inggit sa magandang kapalaran ng aktres, lalo na’t ipinagpapatayo na raw siya ni Atong ng isang mansion sa isang sosyal na subdivision sa bandang South.


Ang susunod na aabangan ng mga Marites ay ang pagsusuot ni Sunshine ng mga alahas na milyones ang halaga, tulad ng mga jewelries ni Gretchen Barretto na dating na-link kay Atong. 


Napaka-generous nito sa mga babaeng nauugnay sa kanya, hindi lang bahay at kotse ang kanyang inireregalo dahil may alahas at trip abroad pa. 


Sey naman ng mga netizens, hindi nakakapanghinayang gastusan si Sunshine Cruz dahil bukod sa maganda at sexy, flawless din ang kutis na mala-labanos sa puti at mukhang lagi itong mabango. Masasabing “trophy girlfriend” si Sunshine at puwedeng i-display ni Atong saanman siya pumunta.


Samantala, kahit na hindi pa sila kasal ni Atong, balitang magla-lie-low sa showbiz si Sunshine at hindi muna tatanggap ng anumang project sa telebisyon at pelikula.

Well, tutal ay singer din si Sunshine, bakit hindi niya karirin ang kanyang pagiging singer upang meron siyang pagkaabalahan? Puwede rin niyang tulungan si Atong Ang sa ibang negosyo nito.


Well, marami ang nagsasabing hindi nagkamali si Atong Ang sa pagpili kay Sunshine Cruz dahil maganda ang reputasyon nito at isa pang mabuting ina.  



Ayon sa psychic na si Gloria Escoto, maganda ang vibes niya sa pelikulang Uninvited at posibleng maging isang blockbuster sa takilya. Ang ibang movies tulad ng Green Bones (GB) ay magkakamit ng award. Malakas din ang laban ni Dennis Trillo bilang Best Actor.


Sa tuwing ginaganap ang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang inaabangan ng lahat ng moviegoers ay mga pelikulang comedy-fantasy, ganoon din ang horror films.


Ganunpaman, may hatak sa mga moviegoers ang mga pelikulang hahakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2024. 


Inaabangan din ang mga pelikulang mananalo ng major awards tulad ng Best Picture, Best Actress, Best Actor, at Best Director. 


Malaking factor din para panoorin ang isang pelikula ang “word of mouth” ng mga moviegoers. Kapag mismong ang nakapanood ng pelikula ang nagsabing maganda ang isang movie, tiyak na magiging curious din ang lahat na ito ay panoorin.


Ang ibang pelikula na hindi gaanong kakagatin sa takilya, babawi na lang sa mga filmfests abroad. 



Nagbabayad sa mga na-scam… 

NERI, GAGAWIN LAHAT PARA MALINIS ANG NAME





Nakalaya man, malungkot pa rin ang magiging Pasko ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda dahil sa kinasasangkutang malaking problema ng dating aktres nang dahil sa mga pinasok nitong negosyo. 


Balitang nagbebenta ngayon ng mga properties si Neri para maibayad sa mga investors na naghahabol ng interes sa kanilang investments. 


Maraming kaibigan naman ang nakikidalamhati sa mag-asawa na biktima rin daw ng negosyanteng dapat ay siyang nananagot sa mga tinakbuhang investors. 


Mabigat man ang pinagdaraanan ngayon ng mag-asawa, ang mahalaga ay buo ang tiwala at suporta sa kanila ng kanilang pamilya at mga kaibigan na nagbibigay-lakas sa kanila upang malagpasan ang problemang ito.


Well, strong woman si Neri Naig at hindi ito basta susuko sa mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay. 


Gagawin lahat ni Neri upang linisin ang kanyang pangalan. Paninindigan niya na wala siyang nilokong tao at isa rin siyang biktima ng mga scammers.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 22, 2024



Photo: Coco Martin - Instagram


Sikat na sikat ngayon si Coco Martin dahil sa serye niyang Batang Quiapo (BQ) na araw-araw napapanood. Siya ang tinaguriang ‘King of Television’ at pinaka-in demand na product endorser. Kaya marami ang nagtataka kung bakit wala siyang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 na nataong pagdiriwang pa naman ng ika-50 taon nito. 


Inaabangan ng mga tagahanga ni Coco Martin ang kanyang movie sa filmfest. Tiyak daw na hihigitan niya ang mga action scenes na ginagawa niya sa BQ.


Pero aminado si Coco na kabado siya sa mga artistang makakatapat niya tulad nina Vilma Santos-Aga Muhlach (Uninvited), Vic Sotto-Piolo Pascual (The Kingdom), Vice Ganda-Eugene Domingo (And The Breadwinner Is), Dennis Trillo-Ruru Madrid (Green Bones), Arjo Atayde-Julia Montes (Topakk), atbp.. 


Dati na silang nagkasama ni Vice Ganda sa isa ring filmfest entry noong 2016, ang Super Parental Guidance (SPG) at dahil kaibigan niya si Vice, wala siyang kaba at hindi siya pressured dahil sikat na sikat ito. Kumita nang malaki sa box office ang kanilang pelikula.


Well, baka sa susunod na taon ay makakaisip si Coco Martin ng mas malaki at mas magandang proyekto para isali sa MMFF. Pakikiramdaman muna niya kung sino at ano ang gusto ng mga moviegoers.  



In full force na dumating ang halos buong angkan ng mga Sotto sa premiere night ng The Kingdom (TK) na ginawa sa Gateway Cinema. Pinagbibidahan ito nina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual, kasama sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero at Cedric Juan, with special participation of Iza Calzado.


Dumating sa premiere night si Sen. Tito Sotto at ang mga anak na sina MTRCB Chair Lala Sotto, Ciara at Gian Sotto.


Naroroon din sina Ai Ai delas Alas, Ara Mina, Pauleen Luna, Marco Gumabao at Dominic Roque.  


Taun-taon ay naging panata na ni Bossing Vic Sotto ang paggawa ng pelikulang pang-filmfest. Sa taong ito, sumabak siya sa seryosong character at hindi magpapatawa.


Marami tiyak ang maninibago sa role ni Vic Sotto sa TK. Hindi siya ang Vic Sotto na komedyante kundi isang seryosong Lakan Makisig na pinuno ng kaharian. Anak niya rito sina Bagwis (Sid Lucero), Matimyas (Cristine Reyes), at Lualhati (Sue Ramirez).  


Maging si Piolo Pascual ay kakaiba rin ang role. May leksiyon na ibabahagi sa lahat ang TK at may maganda itong mensahe sa mga manonood. Ito ay idinirek ni Mike Tuviera. 


Samantala, aminado si Bossing Vic Sotto na may nerbiyos at takot siya na gawin ang TK.


Pero dahil na rin sa payo ng kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Vico, at Tali na gumawa naman siya ng seryoso at kakaibang pelikula na mala-Godfather ang dating, pumayag na siyang gawin ang TK.


Ito ay produced ng MQuest Ventures at M-Zet Productions.



Mala-Michael Jackson… CARLO, MUKHANG TUYOT AT TUMANDA SA KAPAYATAN




Maraming fans ang nagtataka at nalulungkot sa bagong hitsura ni Carlo Aquino. Dahil sa sobrang kapayatan, nagmumukha raw siyang haggard, tuyot at hapis kaya mukha siyang tumanda.


Hindi rin ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang kanyang transformation, at may ilan pa ngang nagsasabing naging kahawig niya sina Michael Jackson, Harry Styles, at ang local actor na si Jake Cuenca.  


Tanong ng marami, bakit kaya naisipan ni Carlo Aquino na magpapayat nang husto? Sino kaya ang nagkumbinse sa kanya na magbago ng hitsura?


Para sa karamihan, mas gusto nila ang dating Carlo Aquino na hindi mukhang tuyot o malnourished.  


Napansin din ng ilang tagahanga na tila nabawasan ang kanyang appeal dahil sa sobrang kapayatan. Umiikot ngayon ang espekulasyon kung may personal na problema ba si Carlo, kaya nagbago ang kanyang hitsura? 


Umaasa ang kanyang mga fans na babalik siya sa kanyang dating anyo—ang mas malusog at mas kaakit-akit na Carlo Aquino na minahal nila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page