top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 29, 2024



Photo: Julia Barretto at Gerald Anderson - IG


Pasabog at tiyak na ikagugulat ng buong showbiz ang prediction ng psychic/card reader na si Mama Gloria Escoto (a.k.a. Mamu) na maghihiwalay sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa pagpasok ng 2025. Ito ay sa kabila ng ilang taon nilang matatag na relasyon. 


Sina Julia at Gerald ang magiging hot topic sa 2025 at mapupunta kay Gerald ang sisi sa kanilang paghihiwalay.  


Ayon pa sa prediction ni Mamu, masasangkot si Gerald sa isang malaking iskandalo na magiging dahilan upang siya ay pagdudahan ni Julia. Kaya ngayon pa lang ay pinag-iingat na sila ng psychic na si Gloria Escoto.  



BUKOD sa nanalong Best Float ang Topakk, pinagkalooban din ito ng Special Jury Prize — ang Fernando Poe, Jr. Memorial Award sa ginanap na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night. 


Nominado rin si Arjo Atayde sa Best Actor category.  

Umaasa naman ang Team Topakk na kahit R-16 at R-18 ang rating ng pelikula ay tatangkilikin pa rin ito ng moviegoers, lalo na ng mga kalalakihan na mahilig sa hardcore action movies. 


Hindi biro ang effort na ibinigay ni Arjo sa kanyang role rito, ganoon din nina Julia Montes, Sid Lucero at iba pang cast ng Topakk.  


Ganu’n din ang hirap at pagod ng producer na si Sylvia Sanchez na ina ni Arjo, na all-out ang ginawang pagpo-promote sa movie. 


Una nang kinilala ang Topakk sa Cannes Film Festival noong ito ay ipinalabas sa France. Ibang klase ang atake ni Direk Richard Somes, lumutang nang husto ang galing ni Arjo Atayde bilang action star!  



DAHIL sobrang nami-miss ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang paggawa ng pelikula, sa action-seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) Season 3 niya ibinuhos ang kanyang panahon. Ito ay handog niya sa kanyang mga fans at supporters.  


Mistulang isang malaking action movie ang mapapanood sa Season 3 ng WMNPSMNM na umeere sa GMA-7 tuwing Linggo ng gabi. May kakaibang twist na mangyayari sa istorya, at dito papasok ang karakter nina Gloria Diaz at Jillian Ward.


Mabubuking ni Beauty Gonzalez (as Gloria, misis ni Tolome) na may naging anak ang mister sa kanyang ex-GF!  


Ayon kay Sen. Bong Revilla, Jr., walang limit ang budget ng TWMNPSMNM, kaya todo ang mga action scenes, at marami silang pasabog at matitinding eksena. 


Taun-taon, may dagdag sa koleksiyon…

P9.6 M HERMES BAG, X-MAS GIFT NI HAYDEN KAY DRA. BELO


MASAYANG-MASAYA si Dra. Vicki Belo nang matanggap ang regalo sa kanya ni Hayden Kho noong Pasko. Hindi niya napigilan ang sarili na i-post sa kanyang Instagram (IG) ang luxury bag na Christmas gift sa kanya ng kanyang hubby.  


Isa itong mamahalin at rare na Hermes bag (Faubourg) na ang halaga ay P9.6 million. 

Taun-taon ay mga luxury bags ang gift ni Hayden Kho sa kanyang beloved wifey para idagdag sa kanyang bag collection.  


Ang iba sa mga luxury bags ni Dra. Belo ay ibinibigay niya bilang regalo sa kanyang mga malalapit na kaibigang artista at sa mga loyal clients ng Belo Clinic tulad nina Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, atbp.. 


Tahimik at masaya ang married life ni Dra. Vicki Belo sa piling ni Dr. Hayden Kho, kaya wala na siyang mahihiling pa sa buhay.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 28, 2024



Photo: Luis Chavit Singson - FB


Maganda ang plano ni Chavit Singson upang makatulong sa mga negosyo sa TV at movie industry, ganoon din sa modernized transportation. Una siyang nag-venture at nagtayo ng negosyo sa Korea. At ngayon ay tuloy ang kanyang pakikipag-co-produce sa GMA Network ng ilang TV shows at pelikula. 


Balak isama ni Chavit ang ilang Korean stars sa mga Kapuso stars para sa projects na kanilang gagawin, at handa niya itong gastusan para mas lumawak pa ang viewership ng GMA Network. 


Samantala, nagpahayag pa rin ng interes si Chavit na muling i-produce ang Ms. Universe beauty pageant. Ito ay sa kabila ng kanyang pagkalugi noong una niyang binili ang franchise ng pageant. 


Naniniwala pa rin siya na magbibigay ng prestige sa Pilipinas ang Ms. Universe kapag ito ay gagawin sa ating bansa.


Puwede itong mag-boost ng turismo kapag ipinakita ang magagandang tourist spots sa ‘Pinas. 


Sa ngayon, ang kanyang kandidatura bilang senador sa darating na 2025 elections ang pinagkakaabalahan ni Chavit Singson, kung saan isa siyang independent candidate.



HINDI matapus-tapos ang mga papuri ng mga nakapanood ng Green Bones (GB) kina Dennis Trillo at Ruru Madrid. So far, ito raw ang pelikulang pinaka-nag-excel at tumatak nang husto ang husay at galing ni Dennis bilang aktor. 


Sobrang intense ng kanyang character na ginampanan, at nasabayan ni Ruru ang kanyang galing. 


Lahat ng nakapanood ay naantig sa mga eksena ng GB. Napakaganda ng istorya, ganoon din ang pagkakadirek ni Zig Dulay.


Kaya hindi na nakapagtataka kung ang GB ang tanghaling Best Picture sa MMFF 2024. 

And for sure, tulad ng Firefly last year, magiging word of mouth ang GB at pag-iinteresang panoorin. 


Well, ang mga Kapuso actors na tumatatak at lalong humuhusay sa pag-arte ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Ruru Madrid.



ACTING piece para kina Arjo Atayde at Julia Montes ang pagganap nila sa kanilang role sa pelikulang Topakk. Napakalaki ng naging transformation ni Arjo Atayde at talagang nagpamalas ng galing sa isang hard action movie. Mukhang dito nga lilinya ang actor-politician na mister ni Maine Mendoza. 


Maikukumpara si Arjo sa magagaling na action stars tulad ng yumaong si Rudy Fernandez at Ace Vergel. Puwede siya sa drama at action movies.


Well, ginastusan nang husto ng Nathan Studios ang Topakk, at grabe ang special effects na ginamit sa action scenes. 


Bukod kina Arjo at Julia Montes, markado rin ang role rito ni Sid Lucero na pang-Best Supporting Actor ang dating. Pasadung-pasado naman si Julia Montes bilang Action Queen, kinaya niya ang mahihirap na stunts na ginawa niya sa movie.


Tiyak na magugustuhan ng kalalakihan ang Topakk



PAREHONG masaya ang holiday season sa pamilya nina Michael V. at Manilyn Reynes. Nagkaroon sila ng bonding time sa kanilang mga mahal sa buhay. 


Tradisyon nang gawin ni Bitoy (Michael V.) na magbakasyon abroad kasama ang kanyang pamilya at doon sila nagdaraos ng Pasko at Bagong Taon. Ito na rin ang pinakaregalo ni Michael V sa kanyang sarili dahil nakakapagpahinga siya sa taping ng Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG). 


Si Manilyn naman, kahit ang PM lang ang show niya sa GMA-7 ay kuntento na dahil mahigit 20 years nang umeere ang comedy serye at maganda ang feedback sa ratings ng kanilang sitcom.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 27, 2024



Photo: Aga Muhlach sa Uninvited - Instagram


Matapos mapanood ng ilang entertainment media ang pelikulang Uninvited, nagkaisa ang lahat sa pagsasabing malakas ang laban ni Aga Muhlach upang maging Best Actor. Kakaiba ang role na ngayon lang niya ginawa, ang gumanap bilang bad boy na puno ng katiwalian. 


Siguradong maging ang kanyang mga loyal fans ay magugulat o masa-shock sa karakter ni Aga bilang si Guilly Vega.  


Hindi na siya ang dating matinee idol na hinangaan ng marami. Malaking challenge para kay Aga ang kanyang role sa Uninvited, lalo na’t marami siyang matitinding eksena kay Vilma Santos.


Malaki rin ang chance ng Star for All Seasons na tanghaling Best Actress dahil sa kakaiba niyang character na ngayon lang mapapanood ng lahat.  


Maging si Nadine Lustre ay lutang din ang role sa Uninvited at hindi siya natabunan ni Vilma sa kanilang mga eksena.


Sey nga ni Ate Vi, sa edad niyang 71 years old, naghanap siya ng kakaibang role na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres. Kaya agad niyang nagustuhan ang Uninvited nang ialok sa kanya.  


Si Dan Villegas ang direktor ng movie at produced ng Mentorque Productions. Ngayon pa lang, ang Uninvited ang hinuhulaang magiging top grosser sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.  



Idinaan sa DSWD… SEN. ROBIN, NAMIGAY NG PAMASKO SA MGA MOVIE WORKERS




Maraming pinasayang maliliit na movie workers si Sen. Robin Padilla dahil sa kanyang inirekomendang pamasko galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 


Dahil dama ni Sen. Robin ang kalagayan ng mga manggagawa sa showbiz, lalo na iyong per day o per project lang ang inaasahan, nakiusap siya sa DSWD na bigyan ng konting pamasko ang mga small workers.  


Malaking tulong na ito upang kahit papaano ay may magastos sila sa panahon ng holiday season, kaya naman labis na ipinagpapasalamat ng maliliit na manggagawa kay Sen. Robin. Siya ang tunay na bayani ng mga mahihirap na manggagawa sa showbiz.  



ESPESYAL ang selebrasyon ng 50th Metro Manila Film Festival sa gaganaping Gabi ng Parangal sa Solaire Hotel (Parañaque) sa araw na ito. Kumpirmadong dadalo sa nasabing event si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, kaya pinaghahandaan ang nasabing golden anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF).  


Tiyak din na dadalo ang malalaking artista na bida sa mga pelikulang kalahok sa MMFF 2024. 


Taun-taon ay pinaghahandaan ng MMFF committee ang pagpili sa magagandang pelikula na kasali sa filmfest. Lahat ay nag-aabang kung sinu-sino ang mga winners sa mga major categories.  


Sa taong ito, may entry sa filmfest sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Vic Sotto, Piolo Pascual, Vice Ganda, Eugene Domingo, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Dennis Trillo, Ruru Madrid, Arjo Atayde, Julia Montes, Aicelle Santos, atbp..  



MARAMI kaming nami-miss na showbiz celebrities kapag sumasapit ang Pasko. Sila iyong mga artistang milyon ang kinikita, and yet, hindi man lang magparamdam sa media friends. Hindi man lang makaisip na mag-share ng blessings.


Hindi naman kailangan na mahal ang gifts na ipamimigay. Ito rin ang paraan upang makipag-bonding sila sa entertainment press. Kaya naman hanggang ngayon, hindi makakalimutan ng media si Kuya Germs Moreno (SLN) na December 1 pa lang ay may pa-Christmas party na sa press people at bongga ang mga appliances na pa-raffle.


Si FPJ, hindi rin nakakalimot sa mga maliliit na manggagawa sa pelikula na nakasama niya sa Christmas party sa FPJ Studios. 


Naalala rin namin noong sumisikat na si Dingdong Dantes, nagpa-Christmas party siya sa press at bumaha ng maraming appliances sa raffle.  


Ngayon ay inaabangan ng lahat kung may Christmas party para sa media sina Gretchen Barretto, Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Willie Revillame, Vice Ganda, Manny Pacquiao, Piolo Pascual, Anne Curtis, atbp..

 
 
RECOMMENDED
bottom of page