top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 7, 2025



Photo: Sanya Lopez, Jak Roberto,David Licauco at Barbie Forteza - Instagram


Hangga’t hindi nagsasalita si Jak Roberto sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Barbie Forteza, marami pang iba’t ibang espekulasyon ang lalabas, at marami pang tao ang madadamay. Patuloy itong pag-uusapan sa mundo ng showbiz at maging sa iba’t ibang hanay ng mga tagahanga.  


Si Barbie ang sinisisi ng mga tagahanga ni Jak Roberto dahil masyado raw itong naging malapit kay David Licauco na ipinareha sa kanya sa ilang serye ng GMA-7. 


Depensa naman ng mga fans ni Barbie, si Jak daw ang naging marupok at bumigay sa tukso sa kanyang paligid. Nasubukan daw ang katatagan at loyalty ni Jak sa relasyon nila ni Barbie.


Maging si Sanya Lopez na kapatid ni Jak ay idinawit na rin sa breakup ng JakBie. Diumano, si Sanya raw ang “spy” at taga-sumbong kay Jak kung gaano ka-sweet sa isa’t isa sina Barbie at David sa set ng Pulang Araw (PA), ang katatapos lang na historical serye ng GMA-7. 


Dahil daw sa sumbong ni Sanya, hindi napigilan ni Jak na magselos kay David Licauco, at humantong ito sa breakup nila ni Barbie.


Well, tutol ang mga fans ni Sanya sa bintang na ito sa Kapuso actress. May malasakit siya sa JakBie love team at nalulungkot din siya na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.  


After makasama si Alden…

KATHRYN, MAS GUSTONG MAG-SOLO MUNA SA NEXT MOVIE



Matitigil na rin siguro ang ilusyon ng mga KathDen fans na naniniwalang may relasyon na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Noong New Year’s eve ay sinunod ni Kathryn ang pamahiin tungkol sa pagkain ng ubas sa ilalim ng mesa upang magkaroon na ng love life. Patunay lamang ito na single pa rin si Kathryn.


‘Yung sa kanila ni Alden Richards ay para sa kanilang career at sa mga fans. Screen partners sila, at hindi magkasintahan in real life. ‘Wag daw madaliin, ipilit o umasa!  

Besides, hindi naman kapani-paniwala na agad kukuha si Kathryn ng kapalit ni Daniel Padilla pagkatapos ng kanilang breakup. 


Mas naka-focus ngayon si Kathryn sa kanyang career kesa sa kanyang love life. Gusto rin niyang gumawa ng movie projects na walang kapareha. Bentahe niya ang pagiging solo artist dahil makakapili siya ng project na gusto niyang gawin. Hindi siya mape-pressure at mai-stress.  


Sana, maintindihan ito ng KathDen fans at tanggapin na wala pang commitment sa isa’t isa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Darating ‘yun, kung sila ang itinakda para sa isa’t isa.  



Malaking challenge para kay Miguel Tanfelix ang kanyang karakter sa bagong primetime serye ng GMA Network, ang Mga Batang Riles (MBR).


For a change, sasabak si Miguel (bilang Kidlat) sa action-drama, at masusubok ang galing niyang umarte. 


Ibang-iba ang karakter ni Miguel sa MBR — agresibo, daring at palaban. Mas mature na ang kanyang pagganap.


Pahinga muna ang tambalan nila ni Ysabel Ortega. Willing naman si Miguel na mag-change image bilang aktor. Kinarir nang husto ni Miguel ang kanyang pagganap bilang bida sa MBR.


Ang MBR ay mula sa direksiyon ni Richard Arellano. Nag-undergo pa ng training sa martial arts ang major cast nito at ginabayan ni Ronnie Ricketts sa pagtuturo ng arnis. 


Samantala, pabor naman ang mga fans/supporters na wala muna siyang ka-love team sa bago niyang proyekto.  


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 6, 2025



Photo: Jak Roberto at Ava Mendez - Instagram


Matapos ipahayag ni Barbie Forteza na break na sila ng nobyong si Jak Roberto, marami ang nag-abang at naghihintay ng statement ng Kapuso actor. 


Labis na ipinagtataka ng marami kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay matapos ang pitong taong relasyon.  


Ganunpaman, marami ang nagpapayo na mas makabubuti kay Jak kung mananahimik na lamang muna at huwag nang magbigay pa ng statement. Baka raw may mahalungkat pang ibang sikreto ni Jak. 


Maugong na pinag-uusapan ngayon ang umano’y pagkaka-involve niya sa Vivamax sexy star na si Ava Mendez, na lumabas na rin sa Batang Quiapo (BQ). Umamin nga itong si Ava na nagkasama sila ni Jak Roberto sa inuman at nagkuwento pa na ‘pag nalalasing na raw ang aktor ay clingy at touchy na ito.  


Meron pang isang chika na diumano ay may nakarelasyon si Jak na isang mas may-edad na babae. Dahil daw sa kawalan ng oras ni Barbie sa nobyo, humanap si Jak ng atensiyon sa ibang babae. 


Well, hindi aasahan na ibubunyag ni Barbie Forteza ang tunay na dahilan ng kanilang breakup. Pero, malinaw na siya ang kumalas sa relasyon nila ni Jak Roberto.  



Ayon sa ilang GMA insiders, pagpapahingahin muna ang tambalang BarDa (Barbie Forteza/David Licauco) at bibigyan ng magkaibang proyekto. 


Hindi na ito rom-com, kundi ibi-build-up si David Licauco bilang isang action star at may seryeng pagbibidahan na Hari ng Tondo (HNT). 


Pero ngayon pa lamang ay tinututulan na ito ng mga fans at supporters ni David dahil hindi pa raw ready na mag-switch sa pagiging action star ang kanilang idolo. Huwag naman daw biglain ang change of image ni David, puwede rin naman siya sa serious at dramatic role, tulad ng karakter niya sa Pulang Araw (PA).


Okey lang daw na paghiwalayin muna sila ng proyekto ni Barbie Forteza, lalo na ngayon na nag-break na ang aktres at si Jak Roberto. Pero kung patuloy ang demand ng publiko sa tambalang BarDa, mas makakabuti ito sa career nina Barbie at David. Maging ang malalaking kumpanya ay ang tambalan nila ang gustong kunin bilang endorser ng kanilang produkto.  


Never daw ginawa kay Bea…

DOMINIC, SERYOSO KAY SUE, IPINAKILALA KAY JUDAY



Marami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit si Sue Ramirez ay nagawang ipakilala ni Dominic Roque kay Judy Ann Santos, samantalang ang long-time GF at ex-fiancee nitong si Bea Alonzo ay hindi.


Si Juday ang BFF ng tita ni Dominic na si Beth Tamayo. Para na ring anak ang turing ni Judy Ann kay Dominic. 


Bakit daw noong si Bea ang karelasyon ni Dominic ay hindi nito dinala at ipinakilala kay Juday? 


At ngayon, mas komportable nga si Dominic na ipakilala si Sue Ramirez sa ilang family friends.


Nangangahulugan ba ito na seryoso na si Dominic sa relasyon nila ni Sue? 

Hindi na rin itinatago nina Dominic at Sue ang kanilang relasyon dahil madalas silang spotted na magkasama sa iba’t ibang events. 


Inaabangan naman ng mga netizens kung hanggang saan at gaano katagal ang kanilang relasyon. At si Sue Ramirez na ba ang “the one” sa buhay ni Dominic Roque?


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 5, 2025



Photo: BINI PH - IG


Ang sikat na card reader/psychic na si Mamu Hayi (Gloria Escoto) ay may prediction o pangitain na ang girl group na BINI ay posibleng ma-disband dahil sa selos at inggit.


Ilan daw sa mga miyembro ng BINI ay nakakaramdam na ng inggit sa ibang kasama na feeling-sikat na at mas pinapaboran ng kanilang manager. Kaya may ilan sa grupo na gusto nang kumalas sa BINI at mag-solo na lang. 


Tiyak na ikalulungkot ito ng kanilang mga loyal fans. Nakapanghihinayang kung madi-disband dahil marami pa naman silang malalaking endorsements.


Kailangang maagapan kung anuman ang problema ng BINI bago sila tuluyang magkawatak-watak. Ilang taon din ang kanilang ginugol sa training bago sila napansin at nabigyan ng break. 



Ka-love team, ‘di raw third party…

BARBIE, TODO-PAKIUSAP SA FANS NA ‘WAG IDAMAY SI DAVID SA HIWALAYAN NILA NI JAK



HUMABOL pa sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa mga showbiz couples na naghiwalay noong 2024. Pero, Enero 2, 2025 na ginawa ni Barbie ang announcement tungkol sa breakup nila ni Jak na boyfriend niya for 7 years. 


Sa halip na paninisi at panunumbat sa nobyong si Jak, puro pasasalamat sa masasayang alaala ang sinabi ni Barbie sa kanyang ex-boyfriend. Maayos daw ang kanilang naging paghihiwalay.  


Iba’t iba ang naging reaksiyon ng publiko sa ginawang announcement ng aktres sa kanilang breakup. Almost perfect kasi ang kanilang relasyon at marami ang naiinggit sa kanila. 


Full-support sila sa isa’t isa. Nagpatayo pa nga ng bahay si Jak bilang paghahanda sa kanilang future ni Barbie. Kaya’t isang malaking katanungan para sa marami kung ano ang mabigat na dahilan at nakipag-break si Barbie kay Jak.  


Hindi na sila magkasama noong Pasko at Bagong Taon. 

Wala pang opisyal na statement si Jak Roberto tungkol sa breakup nila ni Barbie, pero maugong ang balitang may third party involved sa side ng aktor.


Hindi naman sangkot sa hiwalayan ang ka-love team ni Barbie na si David Licauco. Mismong si Barbie ang nakiusap sa JakBie fans na huwag idamay si David dahil wala siyang kinalaman sa breakup nila ni Jak Roberto.



Bukod sa problema sa pag-iisip… VICE, PINAG-IINGAT SA CAR ACCIDENT NGAYONG 2025 



HINDI raw dapat balewalain ni Vice Ganda (VG) ang ilang predictions ng mga psychics para sa taong 2025. May isang psychic ang nagsabing dapat na pagtuunan ng pansin ni Vice ang kanyang mental health, at umiwas sa matinding pag-iisip at depresyon. 


Sa kabila ng kanyang naipundar na kayamanan, hindi maramdaman ni Vice ang tunay na kaligayahan, kaya madalas siyang nalulungkot kapag nag-iisa na.  


May isa pang psychic ang labis na nag-aalala para kay VG dahil may nakikita siyang car accident na involved ang comedian-TV host. Kaya dapat daw ay dobleng ingat si Vice Ganda at maging alerto lagi. Dapat siyang pumili ng driver na maingat sa pagmamaneho. 


Well, wala namang mawawala kung makikinig si Vice Ganda sa payo ng mga taong nagmamalasakit sa kanya. Sa isang katulad niya na isang sikat na celebrity na maraming pinasaya, lahat ay nagdarasal para ilayo siya sa anumang kapahamakan.  



Nag-enjoy nang husto ang pamilya nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado noong Pasko at Bagong Taon. Magkakasama silang nagbakasyon sa South Korea at nagkaroon ng panahon na makapag-bonding. 


Naka-break sa kani-kanilang trabaho sina Sen. Bong at Congw. Lani, kaya nagkaroon sila ng panahon na magkasama. Nakapagpahinga at nakapag-relax si Sen. Bong bago sumabak muli sa trabaho at makapag-ikot para sa kanyang pangangampanya para sa midterm election sa Mayo. 


Samantala, hindi nakaapekto kay Sen. Bong ang kanyang pag-amin sa media na nagkaroon siya ng anak sa iba bukod sa mga anak nila ni Congw. Lani. Hindi ito inilihim ni Bong sa kanyang maybahay, ganu’n din sa kanilang mga anak. 


Ang mahalaga ay tinanggap niya ang kanyang responsibilidad at wala siyang itinago sa publiko. Nagampanan naman niya ang kanyang tungkulin bilang public servant at marami siyang natulungan.


Walang nagawang pelikula si Sen. Bong para sa MMFF 2024 pero may Season 3 ang action-serye na Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) na napapanood sa GMA-7 tuwing Linggo ng gabi. Punumpuno ito ng action scenes with comedy kaya nagugustuhan ng mga viewers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page