top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 10, 2025



Photo: Keempee De Leon at Joey De Leon - FB


Hindi napigil ni Keempee de Leon ang maiyak nang ikuwento niya sa ilang media friends kung paano sila nagkabati ng kanyang amang si Joey de Leon. Limang taon na hindi sila nagkita at nagkausap na mag-ama. Malaki ang hinanakit ni Kimpoy sa kanyang dad na si Joey de Leon, kaya natiis niyang lumayo at hindi magpakita sa loob ng 5 taon. 


Maging sa kanyang kapatid na si Cheenee ay pinutol din ni Keempee ang komunikasyon.  


Hanggang sa dumating ang panahon na na-realize ni Keempee ang kanyang pagkakamali. Masyado niyang pinairal ang kanyang pride at hindi magawang magpakumbaba. 


Pero noong June 2024, sa Father’s Day celebration ng Eat… Bulaga! (EB!), bigla siyang sumipot sa studio at binati ang kanyang dad na si Joey de Leon. Ikinalulat ito ng kanyang dad, at sila ay nagyakapan at nagkaiyakan. Humingi ng tawad si Keempee sa kanyang mga naging pagkakamali at kasalanan.


Mula noon ay nagkaroon na ng regular na komunikasyon sina Kimpoy at Joey. Lubos na naunawaan ni Keempee ang kanyang mga pagkakamali. Masaya siya na muling naramdaman na may pamilya siyang nagmamahal sa kanya. 


Sabi nga ni Keempee, napatawad na rin niya ang mga taong nakasamaan ng loob. Ngayon ay bumabalik ang magandang direksiyon ng kanyang career. Kasama siya sa bagong serye ng GMA-7, ang Prinsesa Ng City Jail (PNCJ).  



Labis na ikinalungkot ng mga anak ni Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo Sotto ang pagpanaw ng kanilang stepdad na si DA Undersecretary DV Savellano, na dating naging gobernador ng Ilocos Sur. He’s only 65 years old, at 62 naman si Dina.


Ayon kay Danica, napakabait at chill na stepdad si DV, kaya napalapit sa kanilang magkapatid. Nakapagbakasyon pa sa Japan sina Dina at DV Savellano during the holiday season. 


Samantala, bumuhos ang pakikiramay kay Dina mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Ilan sa mga unang dumating sa burol ay sina Amy Austria, Isabel Rivas, Melissa Mendez, atbp..


Hindi madali kay Ms. Dina ang pagpanaw ng kanyang mister. 


Ganunpaman, sinikap niyang magpakatatag at tanggapin ang lahat. Maraming kaibigan ang nakiramay kay Dina ngayong biyuda na siya. 


Anyway, may career pa naman siya, at naririyan ang kanyang mga anak at apo na handa siyang damayan.


Fans, kahit inip na inip na… 

MAINE AT ARJO, ‘DI PA RIN MAGKAKA-BABY NGAYONG 2025




Naiinip na ang mga fans nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde na nag-aabang ng kanilang announcement tungkol sa kanilang baby project ngayong 2025. Lagi na lang itong itinatanong sa kanila ng kanilang mga tagahanga. At ilang taon na rin silang nag-aabang at naghihintay.


Pero parehong abala ngayon sina Maine at Cong. Arjo. Si Maine ay patuloy sa pagho-host sa Eat… Bulaga! (EB!), at si Arjo Atayde ay busy sa kanyang pagiging public servant at sa paggawa ng pelikula. Pero ready naman sila kung sakaling ibibigay na sa kanila ang kanilang “little angel”.


Maging ang malalapit nilang kaibigan at pamilya ay excited nang makita ang kanilang baby. 


Pero mukhang hindi pa ngayong 2025 magkakaroon ng katuparan ang baby project nina Maine at Cong. Arjo. Ayon sa prediction ng isang psychic, hindi pa mabubuntis si Maine ngayong Year of the Wooden Snake. Kaya walang aasahan ang mga fans na may makikita na silang little Maine o little Arjo.  


Well, sina Megan Young nga at Mikael Daez ay 13 years bago na-grant ang wish na magkaanak. Darating sa tamang panahon ang baby project nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 9, 2025



Photo: Darryl Yap VinCentiments - FB


Matagal nang namayapa ang dating sexy star na si Pepsi Paloma. Isa siya sa mga Softdrink Beauties na alaga noon ng yumaong si Dr. Rey Dela Cruz. 


Ginawang isyu noon ang diumano’y iskandalo ni Pepsi Paloma na idinadawit ang mga sikat na TV hosts/comedians na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.  


Ganunpaman, wala namang napatunayan at walang ebidensiya na totoo ang mga akusasyon sa TVJ. 


Kaya marami ang labis na nagtataka kung bakit muling binuhay ang isyu at isinapelikula pa ang buhay ni Pepsi, na ang nagdirek nga ay si Darryl Yap. 


Bakit ayaw patahimikin si Pepsi? Ano ang motibo ng producer-direktor at bakit nag-iingay para pag-usapan ang pelikula?  


Mismong si Coca Nicolas — isa sa mga Softdrinks Beauties at BFF ni Pepsi Paloma — na ang nagsabi na hindi totoo ang rape issue kay Pepsi. 


Sa interbyu ni Coca kay Julius Babao, sinabi niyang gawa-gawa at gimmick lang ng kanilang manager na si Rey dela Cruz (SLN) ang tungkol sa rape issue ni Pepsi. Personal daw niyang tinanong si Pepsi noon tungkol dito, at itinanggi ng yumaong sexy star na siya ay ni-rape.  


For sure, mga detractors ng TVJ ang may pakana sa paninirang ito sa mga Eat… Bulaga! hosts. At hindi basta-basta maniniwala ang mga fans at supporters ng TVJ sa paninirang ito.



20-anyos na raw… 

JILLIAN, PINAYAGAN NANG MAG-SOLO SA CONDO





Naging emosyonal si Jillian Ward sa recent interview sa kanya ni Nelson Canlas sa segment ng 24-Oras


Napag-usapan kasi sa nasabing interbyu ang tungkol sa pamilya, at dito na inamin ni Jillian na naghiwalay ang kanyang parents noong nakaraang taon, 2024.  


Hindi nagdetalye si Jillian sa dahilan ng hiwalayan, pero sinabi niyang mahal na mahal niya ang kanyang mom dahil nakita niya ang mga sakripisyo nito noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista. 


Ang pinagdaraanang personal na problema ng kanilang pamilya ang naging motivation ni Jillian kaya nakaya niya ang mabibigat niyang eksena noon sa seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP).  


Ngayon, may bagong serye si Jillian sa GMA-7, ang My Ilongga Girl (MIG). Bagong challenge ito kay Jillian Ward kung paano niya gagampanan.


Samantala, nabanggit din ni Jillian sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na pinayagan na siyang tumira sa sarili niyang condo. Mae-experience na rin niya ang maging independent ngayon. 


Twenty yrs. old na siya. Malaki ang tiwala kay Jillian ng kanyang mom. Alam niyang strong ang personalidad nito at hindi magpapagamit sa mga taong bad influence sa kanya.  



After thirteen years, sa wakas ay biniyayaan na rin sina Megan Young at Mikael Daez ng kanilang idinadasal na “little angel” na kukumpleto sa kanilang pamilya.


Pagkatapos nilang magpakasal, hindi nagmadali sina Megan at Mikael na magkaroon agad ng baby. Nag-enjoy muna sila sa kanilang pagta-travel abroad. 

Pareho silang mahilig sa adventure at pinaka-bonding na nila ang maglakbay sa mga lugar na nasa kanilang bucket list. Sinulit nila ang mga panahon na lagi silang magkasama.  


May ilang nagtanong noon kay Megan kung wala pa siyang balak maging mommy tulad ng ibang kasabayan niya sa showbiz. 


At minsan, inamin ni Megan na takot siyang magbuntis at hindi niya alam kung kakayanin niya ang hirap na daranasin sa panganganak.  


Pero ngayon, preggy na si Megan at baby boy ang kanilang magiging panganay. Mukhang na-overcome na ni Megan ang kanyang takot sa pagbubuntis, excited na

siyang makita ang kanyang baby. 


Marami na rin ang nag-aabang kung sino sa kanila ni Mikael ang kamukha ng kanilang baby. Marami na ring pinamiling toys si Mikael para sa kanilang “little Mikael”.  



MASAYANG-MASAYA ang mga fans ni Julie Anne San Jose dahil sa natanggap nitong pagkilala mula sa Aliw Awards bilang Entertainer of the Year.


Deserving daw sa nasabing award si Julie Anne dahil matagumpay ang kanyang mga concerts at shows. Bagay sa kanya ang titulong “Limitless Star”. 


Well, hindi lang sa pagkanta at pagpe-perform magaling si Julie Anne, marunong din siyang tumugtog ng musical instruments tulad ng guitar, piano, at drums.  


Hindi lang sa isang genre ng awitin siya nag-e-excel. Sumasabay si Julie Anne sa musika ng mga Gen Z. 


Marami rin ang nagkagusto sa ginawa nilang collab ni Stell ng SB19. 


Malawak pa ang kaalaman na makakamit ni Julie sa larangan ng musika. Malayo pa ang kanyang mararating.  


Nagsisimula pa lang siyang humakot ng awards bilang singer/performer. Nagsisilbing inspirasyon ni Julie Anne San Jose ang nobyong si Rayver Cruz na supportive sa kanyang career.  

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 8, 2025



Photo: Gerald at Julia - Instagram


Isang sikat na psychic/card reader ang nagsabing may plano nang magpakasal ngayong 2025 ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.


Pero, abroad daw nila ito gagawin at itatago sa publiko. Proteksiyon na rin ito kay Julia, na may existing contracts pa sa ilan niyang product endorsements.


Ganunpaman, hindi nila basta maililihim ang kasal dahil pareho silang mga sikat na artista. Mabubunyag din ito sa lahat.


Samantala, may mga netizens naman ang nagpapayo kay Julia na huwag munang magpakasal kay Gerald. Sayang daw ang mga endorsements na mawawala kapag nag-asawa ang aktres. Mababawasan na rin ang kanyang premium bilang bankable actress.


Kung makakapaghintay pa si Gerald ng 2 to 3 years bago sila magpakasal, magiging bentahe ito sa nobyang si Julia Barretto. Sa panahon ngayon, dapat ay mas maging praktikal sila sa buhay. 


Mas rich ang madir sa anak?

BAGONG BAHAY NI RUFFA, REGALO NI ANNABELLE


Bongga ang taong 2025 para kay Ruffa Gutierrez dahil lumipat siya sa bagong bahay na binili ng kanyang mom na si Annabelle Rama. Mismong si Annabelle ang namahala sa pag-aayos ng bagong bahay ni Ruffa. Ipinaalis ni Annabelle ang mga lumang gamit at ipinatago sa bodega. 


Lahat ay bagong gamit ang gusto niyang makita sa bagong bahay, kaya walang nagawa si Ruffa kundi sundin ang kanyang mom.  


May mga netizens naman ang nagtataka at nagtatanong kung bakit si Annabelle ang bumili at nagregalo ng bahay kay Ruffa. Wala bang sariling pera ang anak? At anu-ano ang pinagkakaabalahan niyang gawin bukod sa kanyang pagbibiyahe abroad? 


Paano ang gastusin ng dalawa niyang anak? Nakakatanggap ba ng sustento sina Venice at Lorin mula sa kanilang amang si Yilmaz Bektas?  



SA pagbabalik ng session sa Senado ngayong Enero, hihikayatin ni Sen. Lito Lapid ang mga kapwa niya senador na aprubahan ang panukala niyang ideklara ang Quiapo bilang national heritage at cultural zone. Ito ay nakapaloob sa kanyang Senate Bill 1471. 


Layunin ng bill na muling buhayin ang Quiapo bilang sentro ng ekonomiya ng Maynila.


Malaki ang naging bahagi ng Quiapo sa paglinang ng ating kasaysayan, tradisyon, turismo, at ekonomiya.  


Si Sen. Lito Lapid ang chairman ng Senate Committee on Tourism. At ngayong darating na Pista ng Poong Nazareno, dadagsain muli ng mga deboto ang Quiapo at magiging atraksiyon din ito sa mga turista.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page