top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 22, 2025



Photo: Jennylyn Mercado, Bea at John Lloyd - Instagram


Sa GMA Network YouTube (YT) channel, masayang binalikan ni Jennylyn Mercado ang panahon na nakatrabaho niya si John Lloyd Cruz (JLC) sa isang pelikula. 


Hindi pa raw siya sumasali noon sa StarStruck, at talent o extra lamang siya sa isang Bea Alonzo at John Lloyd movie. 


Hindi rin niya akalain na may dialogue siya at pagseselosan pa ni Bea. 

Dahil baguhan pa lang siya noon, sobrang excited si Jen na makasama si JLC na super-sikat na noon.  


Naikuwento rin ni Jennylyn ang paglahok niya noon sa StarStruck. Sila ni Mark Herras ang nanalong first female and male SS Survivor.


Dalawampung taon nang bahagi ng GMA Network si Jennylyn. Marami na siyang nagawang serye rito. Ang huli niyang serye ay ang Love, Die, Repeat (LDR). 


Ngayon, sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA-7, natutuwa ang kanyang mga tagahanga dahil certified Kapuso pa rin si Jennylyn Mercado. 


Sobra rin siyang thankful sa muling pagtitiwala ng network sa kanyang kakayahan. 

Masaya sila ng kanyang asawang si Dennis Trillo dahil magkasama pa rin sila sa iisang network.



Tall, dark and handsome na national athlete…

DEAN ROXAS, BAGONG BF NI GENEVA


MAY bagong boyfriend ngayon si Geneva Cruz pagkatapos ng limang taon na pagiging single at pagpapahinga ng kanyang puso. 


May dalawang anak na si Geneva sa magkaibang karelasyon - ang panganay ay si Heaven na anak nila ng singer na si Paco Arespacochaga, bunso naman niya si London Cruz, na anak niya kay Lee Paulsen.  


Ngayon, ang national athlete na si Dean Roxas (jiu-jitsu) ang bagong boyfriend ni Geneva. Muli siyang umibig dahil sa mga katangian ng atleta. 


Bukod sa pagiging “tall, dark, and handsome”, matalino, funny, sexy, respectful, at mahal ni Dean ang kanyang pamilya.


Sobrang na-inspire si Geneva sa nobyo dahil napaka-supportive raw nito at tinutulungan siyang maging better person.


Wish naman ng mga kaibigan ni Geneva Cruz na mahanap na niya ang kanyang “one true love” sa katauhan nito. Nabigo man siya noon sa mga unang karelasyon, marami ang umaasang matatagpuan na niya si Mr. Right.



ANG aktor at dating konsehal ng QC na si Hero Bautista ang nahalal na bagong pangulo ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) ngayong taon. 


Last year, si Imelda Papin ang namuno sa KAPPT. Pero dahil sa kanyang appointment bilang isa sa Board of Directors sa PCSO, kinailangan niyang iwanan ang kanyang puwesto sa “Actors Guild”.  


Si Hero, na dating VP for Internal Affairs ng KAPPT ang successor ni Papin batay sa by-laws ng asosasyon, kaya siya ang mamumuno ngayon sa samahan. 


Nangako naman si Imelda Papin na makakaasa ang mga miyembro ng KAPPT ng tulong (medical assistance) mula sa PCSO kung kailangan nila ito.  


Ngayon masusubok ang leadership ni Hero sa Actors Guild na dating pinamunuan nina FPJ, Rudy Fernandez, German Moreno, Phillip Salvador, ER Ejercito, atbp..


Sana naman ay makiisa at makipagtulungan ang lahat ng members ng KAPPT para sa mga makabuluhang proyekto para sa lahat. 



ONGOING ngayon ang paghahanap at pagpapa-audition ng WaterPlus Productions para sa bubuoin nilang P-Pop girl group na D’ Bodies: Next Gen. 


Siyam na lucky ladies na makakapasa sa final round ang ite-train sa singing at dancing skills, at ilo-launch pagkatapos ng final selection.  


Maraming young ladies ang nag-audition at masasabing talented at may future. 


Mismong ang lady producer ng WaterPlus Productions na si Marynette Gamboa at si Direk Efren Reyes, Jr., kasama sina Direk Armando Reyes, composer na si Boy Christopher, at ilang media people, ang sumaksi sa audition at nagbigay ng score sa mga aplikante.  


Mala-BINI ang gagawing build-up sa mapipiling bubuo ng D’ Bodies: Next Gen. Agad din silang bibigyan ng exposure sa Thailand at isasama sa cast ng bagong movie ng WaterPlus Productions, ang Marawi.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 21, 2025



Photo: Rufa Mae Quinto / IG


Kahit pinipilit ni Rufa Mae Quinto na maging masaya kapag humaharap siya sa kamera, kapansin-pansin na mabigat ang problemang kanyang dinadala. Haggard na haggard ang kanyang hitsura at halos wala nang bakas ang dati niyang ganda.  


Hindi rin niya maitago ang kanyang kalungkutan, lalo na’t sumabay ang kanilang family problem sa mga kasong isinangkot siya. 


Ganunpaman, nananatiling positibo ang pananaw ni Rufa Mae at naniniwalang malilinis din ang kanyang pangalan. Wala raw siyang niloko.


Tungkol naman sa pakikipaghiwalay sa ex-husband niyang si Trevor Magallanes, sinabi niyang hindi na niya ipipilit ang kanyang sarili kung ayaw na sa kanya. Ang mahalaga ay may mga kaibigan pa rin siyang handang tumulong at dumamay.  


Ang anak niya ang nagbibigay sa kanya ngayon ng lakas ng loob upang malagpasan ang lahat ng pagsubok.



Hindi raw naniniwala ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa sinasabi ng marami na dapat ay sikapin ng magkarelasyon na malagpasan ang pitong taon upang maiwasan ang paghihiwalay, tulad ng nangyari kina Barbie Forteza at Jak Roberto na nag-break after 7 years ng kanilang relasyon.


Paniwala ni Ruru, dapat ay laging iparamdam ng magkasintahan ang pagmamahal nila sa isa’t isa upang manatiling matatag ang kanilang relasyon. Pairalin ang pagtitiwala at respeto, at iwasan ang pagiging seloso at insecure.


Ayon pa kay Ruru, malaki ang binago ni Bianca Umali nang dumating ito sa kanyang buhay. Nagkaroon siya ng direksiyon sa kanyang career at na-inspire siyang i-level-up ang kanyang pagiging aktor.


Samantala, bonggang-bongga ang pagbabalik ng action-seryeng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Fifty plus ang mga artistang bubuo sa cast na may kani-kanyang role.


Malalaking artista ang susuporta kay Ruru, at doble ang effort na ibinigay niya sa kanyang character sa Lolong.  


Ilan sa cast ay sina Shaira Diaz, Jean Garcia, Paul Salas, Mikoy Morales, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Nikki Valdez.

May special role rin sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, Tetchie Agbayani, atbp.. 


Maraming daring at mahihirap na eksena ang ginawa ni Ruru sa Lolong. Pero naging running joke ng lahat ang sinabi ni Ruru na mas takot siya kay Bianca kesa sa buwayang si Lolong. 



SOBRANG pag-aalaga ang ibinibigay ni Mikael Daez sa kanyang preggy wifey na si Megan Young. Ibinibigay ni Mikael ang anumang pagkain na gustong kainin ni Megan at

sinasamahan pa niya ito kung gusto nitong mag-walking o jogging.  


Kaya naman, nag-e-enjoy si Megan sa kanyang pagbubuntis. Para siyang baby na ini-spoil ng kanyang mister na si Mikael.


Kaya marami ang natutuwa sa tuwing nagpo-post sila sa social media para mag-update ng latest tungkol sa pregnancy journey ni Megan.


Napaka-supportive raw na husband ni Mikael, kaya hindi masungit ang naglilihi niyang misis. Parehong excited sina Megan at Mikael sa pagdating ng kanilang “little angel”.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 20, 2025



Photo: Alden Richards at Luis Manzano - Instagram


Ginagawang usap-usapan ngayon ang pag-eendorso ni Alden Richards ng isang sikat na sabong panlaba, kahit na sa tunay na buhay ay hindi naman daw siya naglalaba dahil super rich na siya ngayon.  


Pero sa depensa ni Alden, ibinahagi niyang noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, naranasan niyang maglaba ng sarili niyang damit at maglinis ng kanilang bahay. 


“Hindi ko ikinakahiya ang mga pinagdaanan ko noon,” ani Alden, na tila sagot sa mga pumupuna sa kanya.  


Si Alden Richards ang ipinalit kay Luis Manzano bilang endorser ng nasabing produkto. 

Si Luis ay kasalukuyang tumatakbo bilang vice-governor ng Batangas, kaya’t bawal na siyang mag-endorso ng anumang produkto.  


Samantala, tanong naman ng ilang fans ni Alden, bakit nga ba maraming celebrities na hindi naman marunong maglaba o magluto ang kinukuha pa rin bilang endorser ng mga produkto? Ilan sa mga naungkat na pangalan ay sina Regine Velasquez, Kris Aquino at Anne Curtis, na pawang naging mukha ng iba’t ibang household products noon.  


Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling confident si Alden sa kanyang role bilang endorser, lalo’t isa siya sa mga pinakamaaasahang pangalan sa industriya ngayon.


After magsayaw sa gay bar para kumita…

MARK, NAGBENTA KAY BOSS TOYO NG LUMANG PERA




Matapos maging isyu sa showbiz ang pagso-show ni Mark Herras sa isang gay bar, napansin naman sa social media ang pagbebenta niya kay Boss Toyo ng kanyang koleksiyon ng vintage coins. 


Nasa P20 thousand ang presyo ni Mark sa kanyang vintage coins, pero tinawaran ito ni Boss Toyo ng P15 thousand. Nagkasundo sila sa halagang P18 thousand at may dagdag pang free dance album ni Mark Herras na pinirmahan pa niya.


Well, curious ang mga netizens kung ano pa ang susunod na ibebenta ni Mark para lang kumita ng extra para maitaguyod ang kanyang pamilya.


Mabuti na lang at nakapagpundar na siya ng sariling bahay bago siya nag-settle down. 

Wish naman ng mga tagahanga ni Mark, sana ay isama siya ng GMA Network sa mga bagong serye sa taong 2025 upang magkaroon siya ng regular na pagkakakitaan.

Handa namang magbago si Mark Herras para mabigyan ng magandang future ang kanyang pamilya.  


Knows mo ‘yan, Aljur…

BF NI KYLIE, ‘DI PA NALALANTAD SA PUBLIKO, BREAK NA





Maugong ang balitang break na raw si Kylie Padilla sa kanyang rumored non-showbiz boyfriend. Hindi pa nga raw nakikita ng publiko ang hitsura ng boyfriend ni Kylie ay tinapos na nila ang kanilang relasyon.


Hindi kasi nagpo-post sa social media si Kylie ng larawan nilang mag-boyfriend kaya pahulaan pa rin kung sino at ano ang hitsura ng guy.  


Payo naman ng marami kay Kylie Padilla ay pagpahingahin muna ang kanyang puso at huwag na munang pumasok sa bagong relasyon. Ibuhos na lang niya ang kanyang panahon sa dalawa niyang anak na sina Alas at Axl, at mag-focus na lang sa kanyang career.  


Hindi naman kailangang patunayan ni Kylie na makakakuha siya ng kapalit ni Aljur Abrenica sa kanyang puso. Mas maa-appreciate ng marami kung mananatili siyang loving at caring mom sa mga anak niyang sina Alas at Axl. Darating din sa tamang panahon ang tunay na pag-ibig na deserve ni Kylie.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page