top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 25, 2025



Photo: Willie Revillame - Will to Win


Marami ang nakakapansin na hindi gaanong seryoso si Willie Revillame sa kanyang pagtakbo bilang senador sa darating na midterm elections. 


‘Yung ibang kandidatong senador, halos hindi na magkandaugaga sa pag-iikot sa buong Pilipinas para mangampanya. ‘Yung iba naman ay may kani-kanyang gimik upang mapansin ng media at ng mga botante. 


Importante kasi na magkaroon ng ingay at awareness sa tao ang isang kandidato upang hindi makalimutan ng mga botante. 


Pero si Willie, relaxed na relaxed at chill lang. Hindi siya nagpa-panic tulad ng ibang senatoriables at hindi rin siya nababahala kung hindi siya kaalyado ng malalaking partido. Hindi pa rin siya nag-iikot sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao. 


Naisip tuloy ng mga netizens na hindi gaanong interesado si Revillame na manalong senador. Ni hindi nga ito nagpaparamdam sa kanyang mga media friends.


In short, hindi ‘atat’ na maging senador si Willie. Mas gusto pa rin niya ang magpatuloy sa pagho-host ng kanyang programang Wil To Win (WTW) sa TV5.



SA araw na ito ay gaganapin ang Imelda Papin special birthday concert sa Newport Performing Arts Theater. Magsasama sa concert na ito ang Papin sisters na sina Imelda, Gloria at Aileen. Special guests sina Maffi Carrion at Gary Cruz. 


Through the years ay hindi nagbago ang magandang tinig ng Jukebox Queen na si Imelda Papin. Tinatangkilik pa rin ng mga Pinoy abroad ang kanyang mga shows. 


Kasabay ng pagsikat niya ang pagkakaroon din ng singing career ng kanyang mga kapatid na sina Gloria at Aileen. Kaya naman, madalas ay nahihilingan silang kumanta o mag-perform na magkakasama. Kuhang-kuha nina Gloria at Aileen ang timbre ng boses ni Imelda.


Ang Imelda Papin special birthday concert ay mula sa direksiyon nina Gabby Ramos at Bobby Papin. 


Samantala, hindi ikinahihiya ni Imelda ang kanyang pagiging loyalista sa pamilyang Marcos. Napatunayan niya ang kanyang katapatan sa panahon na dumaan sa matinding pagsubok ang Marcos Family. 


Iniwan niya ang kanyang singing career, pero hindi niya ‘yun pinagsisisihan. 

Ngayon ay nagagawa na ni Imelda na pagsabayin ang kanyang singing career at ang pagtupad sa kanyang tungkulin bilang isa sa Board of Directors ng PCSO. 


Kaisa si Papin sa pagsusulong ng mga benepisyo ng maliliit na manggagawa sa pelikula at telebisyon.



PINSAN pala ni Heart Evangelista sa mother side ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria. Kaya naman puring-puri ni Heart si Jodi sa naging desisyon nito na bigyan ng prayoridad ang kanyang pag-aaral at pagkuha ng Master's Degree sa Psychology. 

Pangarap kasi ni Jodi na makapagpatayo ng clinic na tututok sa mental health. 


Sey pa ni Heart, “Jodi is a nice person. She knows what she wants. Hindi lang sa showbiz umiikot ang kanyang mundo.” 

Bibihira raw sa mga artista ngayon ang kayang iwanan ang career upang ipagpatuloy ang pag-aaral. 


Well, at this point of her life, nagawa na ni Jodi Sta. Maria ang mga gusto niya bilang aktres. At gusto naman niyang abutin ang pangarap niyang palawakin ang kanyang kaalaman sa aspeto ng mental health. 


Nakikita niya sa henerasyon ng GenZ na maraming kabataan ang dumaranas ng matinding depression at anxiety na nangangailangan ng kalinga at pagsubaybay. Dito ngayon gustong luminya ni Jodi Sta. Maria.



MARAMING Kapuso artists ang maituturing na loyal sa GMA Network. Nandiyan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Julie Anne San Jose na 12 years nang Kapuso, habang si Barbie Forteza ay 15 years naman. 

Sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay nagsimula bilang child stars sa GMA-7, ganoon din si Jillian Ward.


Pinakamatagal sa lahat ng artists na nanatiling Kapuso ay ang Comedy Genius na si Michael V. Twenty-eight years na si Bitoy sa GMA Network at naging bahagi ng longest-running gag show ng GMA-7, ang Bubble Gang (BG).


Bukod sa BG, si Bitoy din ang nasa likod ng tagumpay ng sitcom na Pepito Manaloto (PM). Mahigit isang dekada na itong umeere. Malaki ang tiwala ng mga big bosses ng GMA kay Michael V.. Malaki ang naiambag niya sa BG at PM bilang creative director, kaya hindi pinagsasawaang panoorin ng mga loyal nilang viewers.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 24, 2025



Photo: Bea Alonzo - Instagram


Bilyonaryo na si Bea Alonzo base sa kanyang mga properties at investments. 

Bukod sa napakalawak niyang farm sa Zambales, marami pa siyang negosyo na naipundar. May bahay na rin siya sa USA at apartment sa Spain. 


Magaling mag-manage ng negosyo ang mom ni Bea, kaya natutulungan siya at nabibigyan ng advice. 


Sa guesting ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit niya na ang lahat ng kanyang negosyo ay nakapangalan sa kanya. At binigyan niya ng sariling negosyo ang kanyang ina na naaalagaan at napapalago naman nito.


Masinop sa pera si Bea dahil nakita niya kung paano nagsikap ang kanyang ina upang itaguyod ang kanilang pamilya. Kaya nang nabigyan siya ng big break sa showbiz at kumikita na nang malaki, ang kapakanan ng kanyang ina at mga kapatid ang naging prayoridad niya. 


Binigyan niya ng sariling bahay ang kanyang ina. 


At ngayon, kahit nasa tamang edad na siya at puwedeng mamuhay nang solo, humihingi pa rin siya ng advice/guidance kapag tungkol sa aspeto ng kanyang love life. 

Naniniwala pa rin si Bea Alonzo na “Mother knows best.” Ayaw niyang magkamali sa larangan ng pag-ibig.  



NAGSIMULA sa showbiz bilang child star si Miguel Tanfelix at nakasabayan ni Bianca Umali. Hindi naman siya nawalan ng projects sa GMA Network, at smooth ang naging journey ni Miguel bilang Kapuso star. 


Naging matagumpay ang remake ng Voltes V kung saan isa si Miguel sa major cast. At ngayon, sa bagong primetime seryeng Mga Batang Riles (MBR), makikita ang malaking pagbabago kay Miguel. Hindi siya naalangan sa mga bagets na Kapuso actors na kasama niya sa MBR


Well, akmang-akma kay Miguel ang kanyang role bilang si Kidlat. At mas gusto ng mga viewers na mapanood siya sa kakaibang pagganap.


Pinagpahinga muna ng GMA-7 ang love team nila ni Ysabel Ortega. Magandang desisyon ito para sa career ni Miguel dahil mas lumawak ang mga roles na puwede niyang gampanan, hindi na siya matatali lang sa love team. 


Bentahe sa kanila ni Ysabel ang mag-solo-solo muna. Serious actor si Miguel Tanfelix, dito muna siya dapat luminya.


Samantala, mahilig sa adventure si Miguel at naging memorable para sa kanya noon ang kanyang 18th birthday dahil naranasan niyang mag-travel abroad nang solo lang at nagawa niya ang lahat ng gusto niya. ‘Yun ang total freedom na na-enjoy niya.



MARAMING netizens ang nagtataka kung bakit sobrang generous naman ni Willie Revillame at binigyan kaagad ng P1 million cash si Rufa Mae Quinto. Ito ay para ibayad sa bail niya sa mga kasong isinampa sa kanya ng mga taong nag-franchise sa derm clinic na ine-endorse niya. 


Malaking halaga ang P1M, kaya inakala ng marami na siguro ay may “nakaraan” sina Rufa Mae at Willie kaya siya tinulungan ng TV host. 


May nagsabi naman na baka bayad ito ni Revillame sa pagkampanya ni RMQ para sa TV host. Kandidato si Willie sa pagka-senador sa midterm elections. 


Pero nang mag-guest recently si Rufa Mae sa programang Wil To Win (WTW), nilinaw ni Willie na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng sexy actress.Talaga lang daw close sila ni RMQ, kaya tinulungan niya sa problema nito. 


Kuwento pa ni Revillame, ang talagang type niya noon ay ang BFF ni RMQ, pero hindi natuloy dahil sinulot ito ni Rufa Mae. Biro lang ‘yun ni Willie Revillame dahil magkaibigan sila. 


Well, masuwerte nga si Rufa Mae dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan na dumamay at tumulong sa kanyang mga kinakaharap na problema. Gagawin naman ni RMQ ang lahat upang patunayan na hindi siya scammer at wala siyang nilokong tao.



Maganda na, matangkad at smart pa…

GABBI, UMAMIN KUNG BAKIT ATRAS MAG-BEAUTY QUEEN 


Marami ang nagpapayo sa Kapuso star na si Gabbi Garcia na sumali na sa Miss Universe Philippines (MUP) beauty pageant. Taglay naman daw niya ang mga katangian ng isang beauty queen - matangkad, maganda, smart, at may karisma.


Sayang naman daw ang oportunidad kung palalagpasin pa ni Gabbi.  


Tamang-tama na rin ang kanyang edad ngayon kung sasali na siya sa Miss U. Dapat na mag-undergo na siya ng training (personality development) na kakailanganin ng mga kandidata. 


Pero nagdadalawang-isip pa rin si Gabbi kung sasali sa beauty pageant. Marami pa siyang commitments na dapat tapusin. Unang-una na rito ang kontrata niya sa GMA Network, at may mga shows pa siyang gagawin. Isa na rito ang Sang’gre: The Encantadia Chronicles


May mga endorsements din siya at nag-aalala siyang baka magkaroon ng conflict kapag sumali siya sa beauty pageant, kaya pag-iisipan daw munang mabuti ni Gabbi ang gagawing desisyon sa pagsali sa Miss Universe. 


Suportado naman siya ng boyfriend niyang si Khalil Ramos sa landas na gusto niyang tahakin.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 23, 2025



Photo: Philip Salvador - FB


Naghihimutok at namomroblema ngayon ang aktor na si Phillip Salvador dahil sa ginawang pagbabago ng COMELEC sa dating numero niya sa balota. Dati ay No. 57 ang ibinigay sa kanyang numero, tapos biglang ginawang number 58.


Ang problema ni Phillip ay dati na niyang naipa-print ang campaign tarps na No. 57 ang kanyang slot, kaya panibagong gastos at trabaho na naman ito on his part.


Sa latest update ni Kuya Ipe, marami na siyang naikutang probinsiya sa Visayas at Mindanao. Papaano pa niya papalitan ang kanyang candidate number?


Ganunpaman, wala na raw atrasan si Phillip sa kanyang pagtakbong senador sa midterm elections. Kahit ano pang problema ang kanyang sasagupain, idadaan na lang niya sa dasal ang lahat. 


At naiintindihan din niya kung hindi man siya lantarang maikampanya ng mga BFF niyang sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, Jr. dahil magkaiba sila ng partido.  

Win or lose, tatanggapin ni Phillip ang kanyang kapalaran, at paninindigan ang hindi pag-atras.



Feeling super blessed si Judy Ann Santos ngayong 2025. Matapos niyang manalong Best Actress sa MMFF 2024, natapos na rin niya ang kanyang kurso sa Culinary at ngayon ay isa na siyang ganap na chef. 


Nagkaroon pa siya ng chance na ma-meet nang personal ang British celebrity chef na si Gordon Ramsay. Pumasa sa panlasa nito ang special halo-halo na ginawa ni Juday. 


Kaya naman, tuwang-tuwa at halos hindi makapaniwala ang aktres na nakasama niya ang iniidolong chef.  


Well, kahit bihirang tumanggap ng movie/TV project si Juday, na-maintain pa rin niya ang kanyang popularidad. In demand pa rin siyang product endorser at nabibigyan niya ng panahon ang negosyo nilang Angrydobo na patuloy na dinarayo.


As a wife and mother, fulfilled na si Judy Ann. Career-wise, kahanay pa rin niya ang mga sikat na artista ngayon. Naabot na rin niya ang kanyang matagal nang pangarap na maging ganap na chef. 


At this point of her life, wala nang mahihiling pa si Judy Ann Santos. Bumubuhos ang madaming blessings sa kanyang buhay.



MARAMING supporters ni Herbert Bautista ang labis na nalulungkot at nakikisimpatya sa dating mayor ng Kyusi.


Hindi nila inaasahan na hahantong sa ganitong problema ang mabait at masipag na actor-politician. 


Ilang taon ding nanungkulan si Bistek sa Lungsod ng Quezon bilang konsehal, vice-mayor, at mayor. Maganda ang naging imahe niya bilang public servant. Marami siyang infrastructure na naitayo sa Kyusi na napapakinabangan ngayon ng marami. 


May mga nagsasabing napulitika at pinagplanuhan ng mga kalaban si Herbert, kaya’t ginawan siya ng isyu at sinampahan ng kaso. 


Maraming residente ng Kyusi ang hindi naniniwala sa mga ibinibintang ng mga kalaban kay Bistek at naniniwala sila na lalabas din ang totoo at malilinis ang pangalan niya.  

Well, umapela ang kampo ni Bistek at nag-file na sila ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan. Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga supporters ni Herbert Bautista at naniniwala silang malalampasan nito ang mga kasong isinampa sa kanya. Lalabas din ang katotohanan.



MASAYA at nagdiriwang ngayon ang Team Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) dahil sa mataas na ratings na naitala ng kanilang premiere episode.


Ang bilis ng pacing at maaaksiyon agad ang mga eksena. Mismong si Ruru Madrid ay hindi makapaniwala na ganoon kalaki ang mga eksena sa unang araw pa lang ng Lolong. 


Pumasok agad ang mga main kontrabida tulad nina Pancho Magno, Boom Labrusca, Martin del Rosario, atbp..


Tuloy, naikukumpara ang Lolong sa Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin. 

Pero ayon sa ilang netizens, walang point of comparison ang Lolong at BQ. Mahigit dalawang taon na ang BQ, samantalang ang Lolong ni Ruru Madrid ay kauumpisa pa lamang. 


Mas ginalingan ni Ruru Madrid ang kanyang mga stunts sa tulong ni Ronnie Ricketts.


Samantala, mas kaiinisan ng mga viewers ang mga characters nina Martin del Rosario at Pancho Magno. Kasama rin sa Lolong ang dating ka-love team ni Barbie Forteza na si Joshua Dionisio.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page