top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 28, 2025



Photo: Alex Gonzaga at Mikee Morada - IG


Labis na dinamdam ni Alex Gonzaga ang ikatlo niyang miscarriage sa baby sana nila ni Konsehal Mikee Morada. Gustung-gusto pa naman ni Alex na magkaanak na. Inggit na inggit siya sa kanyang Ate Toni Gonzaga na dalawa na ang anak. 


Well, tuwang-tuwa si Alex kapag nilalaro si Baby Polly at tinatawag siyang “Tata”. Kaya panay ang dasal niya na sana ay bigyan na rin sila ni Mikee ng kanilang “little angel” na kukumpleto sa kanilang pamilya.


Ngunit sadyang mailap pa rin at hindi mabuo-buo ang kanilang baby. Kahit anong ingat ni Alex sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis ay nauudlot ito at hindi natutuloy. 

Marami ang nag-a-advise kay Alex na total bedrest ang kailangan niya. Kaya dapat ay pahinga na rin muna siya sa kanyang pagba-vlog. Hindi rin siya dapat madalas na nag-iisip at nai-stress.


Kailangan ding magpaalaga na siya sa kanyang OB-Gyne para matulungan na matuloy ang kanyang pagbubuntis. 


Pareho na sila ng kapalaran ni Heart Evangelista na laging nakukunan ‘pag nagbubuntis. 

Well, sa halip na ma-frustrate at malungkot si Alex, kalmahin niya ang sarili at isipin na darating ang kanyang baby sa tamang panahon.


Samantala, nagbigay naman ng assurance ang kanyang mister na si Mikee Morada na kahit wala pa silang anak ay hindi magbabago ang pagmamahal niya kay Alex. At maghihintay sila kung kailan ibibigay sa kanila ang kanilang baby.  


Kasamang young actress, ‘di raw dyowa…

JAK, ‘DI BABAE ANG IPINALIT KAY BARBIE PARA MAKA-MOVE ON



Recently, may lumabas sa socmed (social media) na larawan ni Jak Roberto na may kasamang maganda, sexy at batambatang baguhang artista. May caption pa na ang naturang baguhang artista raw ang ipinalit ni Jak kay Barbie. 


Pero, hindi ito pinaniwalaan ng mga netizens, lalo na ng mga fans ni Barbie. Hindi raw ganoon kadali ang pagpapalit ng nobya, lalo na’t seven years na naging magkarelasyon ang dalawa.


Besides, nagsalita na rin ang young star na nali-link kay Jak na walang katotohanan ang tsismis sa kanila ng ex ni Barbie. Kuya lang daw ang turing niya sa aktor, at malayo ang agwat ng kanilang edad, kaya hindi na rin pinag-interesan ng publiko na pansinin at bigyan ng panahon ang tungkol sa babaeng nauugnay ngayon kay Jak Roberto.  


Sa pagkakaalam ng mga kaibigan ni Jak ay sa kanyang mga hobbies at sports nagpapakaabala ngayon ang Kapuso actor. Ito ang paraan niya upang pansamantalang makalimutan ang breakup nila ni Barbie Forteza.  


Mula nang maging misis ni Arjo… MAINE, ‘DI NA NAG-LEVEL-UP BILANG HOST NG EB!



NAGREREKLAMO at umaapela ang mga tagahanga ni Maine Mendoza kung bakit parang nakakahon na lamang ito bilang host ng Eat… Bulaga! (EB). Bakit daw hindi siya bigyan ng sitcom o serye gayung nakakaarte naman si Maine? 


Kahit hindi na si Alden Richards ang kapareha, basta mabigyan ng chance na maipakita pa niya ang iba pa niyang talent bukod sa hosting.


Choice kaya ni Maine Mendoza na ‘wag tumanggap ng mga projects mula nang magpakasal kay Cong. Arjo Atayde? Desisyon ba ni Maine na bigyan ng sapat na panahon ang kanyang pagiging maybahay? 


Sapat na ba sa kanya ang exposure niya sa EB! kahit payag naman ang kanyang mister na ipagpatuloy ni Maine ang kanyang career?  


Well, nanghihinayang lang naman ang mga loyal fans ni Maine Mendoza sa mga oportunidad niya upang mag-level-up ang kanyang status bilang artist. Hindi pa naman niya iiwan ang showbiz dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.  


Pumasa kina Carmina, Vina at Manilyn…

KEEMPEE, 3 BESES BINASTED NI SUNSHINE 


MARAMING Kapuso actresses ang na-link at niligawan ni Keempee de Leon noong kanyang kabataan. Medyo chickboy kasi siya noon, pero hindi naman nagpakasal sa sinuman sa kanyang mga nakarelasyon. 


Na-link noon si Keempee kina Donna Cruz, Ara Mina, Ina Raymundo, Bernadette Allyson, Valeen Montenegro, atbp..


Sa guesting ni Keempee sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niyang naging GF niya si Carmina Villarroel at two years tumagal ang kanilang relasyon. Si Vina Morales ay mahigit 1 taon niyang naging nobya. Si Manilyn Reynes ang pinaka-short term na tumagal lang ng 4 months.  


Ganunpaman, naging friends naman ni Keempee ang kanyang mga ex-GFs, pati ang kanyang mga niligawan. Tatlong beses daw siyang binasted noon ni Sunshine Cruz. 

May naging nobya siyang non-showbiz, pero hindi niya ito inilantad sa publiko, hindi rin naman sila nagpakasal.  


Samantala, walang update si Keempee kung may love life siya ngayon. Pero ang magandang nangyari sa kanyang buhay sa pagpasok ng 2025 ay bumabalik na ang sigla ng kanyang career, at naayos na rin ang gap at tampo niya sa kanyang dad na si Joey de Leon at mom na si Daria Ramirez. Napatawad na rin niya ang mga taong nanakit sa kanyang damdamin.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 26, 2025



Photo: Ai Ai - Instagram


Hindi lang pala ang pagkakaroon ng bagong babae ni Gerald Sibayan ang labis na ipinaghihimutok ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Ang malaking perang pinaghirapang kitain at inipon sa bangko ay bigla raw naglaho na hindi niya namalayan.  


Ayon sa ilang reliable source, natuklasan ni Ai Ai na halos nasaid na ang pera niya sa bangko na aabot sa P100 million. Joint account daw nila ito ni Gerald Sibayan at hindi niya alam na nawi-withdraw na pala ito ng dating mister.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang Comedy Queen tungkol sa nawawala niyang pera sa bangko at hindi pa rin sila nagkakausap ng dati niyang mister.


Mabigat para kay Ai Ai ang ginawang pagtataksil at panloloko sa kanya ni Gerald, na matagal niyang minahal at pinagkatiwalaan. At hindi na ito nag-effort makipag-usap nang maayos sa kanya, dahil sa Facebook Messenger lang ito nakipag-break. 


Ang matindi pa, nakikitang pumupunta si Gerald sa mga resto malapit sa dati nilang tirahan ni Ai Ai delas Alas — at kasama ang bago niyang babae!


WILLIE, ‘DI NANGANGAMPANYA, PASOK SA TOP 12 SENATORIABLES





Naloka naman kami sa ilang komento ng mga netizens na porke pumasok sa Top 12 sa survey ng senatoriables si Willie Revillame, naglitanya na tungkol sa mataas na presyo ng bilihin at sa nagaganap na inflation ngayon. Ano ang koneksiyon noon kay Revillame?


Survey lang naman ‘yun at walang kinalaman ang Wowowin host sa resulta ng mga surveys na isinasagawa. Hindi naman kasalanan ni Willie kung pumasok ang pangalan niya sa Top 12 senatoriables.  


In fact, hindi nga siya gaanong nag-e-effort mangampanya o mag-ikot sa mga probinsiya. Ang tanging exposure lang ni Willie ay sa programa niyang Wowowin na napapanood araw-araw sa TV5.


Kaarawan ngayon ni Willie Revillame. At tulad ng dati, mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang kanyang kasama sa pagdiriwang ng kanyang 64th birthday. Wala ring materyal na bagay ang hiningi pa ni Willie para sa kanyang kaarawan. Halos nasa kanya na lahat ng kanyang pinangarap—tulad ng malaking bahay, mga luxury cars, yate, chopper, private resort, rest house sa Tagaytay, mga investments, at milyones na pera sa bangko. 


Good health, peace of mind, at pagmamahal ng kanyang pamilya ang tanging kahilingan niya ngayon.


Career, tagilid… 

KYLINE, KAY KOBE NA UMIIKOT ANG MUNDO


NAG-AALALA ang mga fans ni Kyline Alcantara dahil sobra raw itong in love sa nobyong basketball player na si Kobe Paras. Lagi silang magkasama at halos ayaw nang maghiwalay.


Nasa Los Angeles, California, USA ngayon sina Kyline at Kobe upang manood ng NBA Games. Dadalawin na rin ni Kobe ang kanyang mama na si Jackie Forster.  

Concerned lang ang mga fans ni Kyline na baka dahil kay Kobe ay mapabayaan niya ang kanyang career. Buhos na buhos kasi ang panahon at atensiyon ni Kyline sa nobyo niya.  


Dati-rati, masigasig si Kyline sa kanyang career. Pero nang ma-in love kay Kobe ay sa basketbolista na umiikot ang kanyang mundo. Sayang naman kung maunahan pa si Kyline ng mga baguhang artista sa magagandang projects ng GMA Network.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 26, 2025



Photo: VG Marc


Naka-move on na si VG Mark Leviste kaya biglang ipino-post na sa social media ang larawan nila ng bago niyang pag-ibig na si Aira Lopez, na isang stewardess. Isa rin siyang triathlete, vlogger, at mahilig sa sports. 


May dalawa rin siyang kapatid na babae na parehong flight stewardess din.  

Sey ni VG Mark, nagkakasundo sila ni Aira Lopez dahil pareho silang sports-minded, mahilig sa musika, at parehong outgoing ang personalidad. Mas bata si Aira kay VG Mark, pero dahil may mga anak na millennial ang pulitiko ay naiintindihan niya ang mundo ni Aira.  


Ngayon ay masasabi nang naka-move on na si Leviste sa breakup nila ni Kris Aquino. Mahigit isang taon din ang naging relasyon nila ni Kris. 


Well, it seems posibleng sa kasalan na nga mauwi ang relasyon nina Mark Leviste at Aira Lopez dahil wala namang kumokontra.


Anak ni Sharon, kaya hirap makahanap…

BOBONG BF, ‘DI UBRA KAY KC


MARAMI ang nagsasabing mahihirapan daw na makahanap ng boyfriend si KC Concepcion.


Ito’y dahil anak siya ng dalawang sikat na celebrities na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. 


Bukod dito, super rich si KC dahil sa milyun-milyong ipinamana sa kanya ng kanyang Lolo Pablo Cuneta (SLN) at Mamita Elaine Cuneta. Sobra-sobra ang yaman ni KC Concepcion na kahit hindi na siya mag-artista ay buhay-prinsesa pa rin siya.


Marami rin siyang negosyo, mga investments, at collection ng jewelries. Kahit sinong lalaki ay mai-intimidate na ligawan si KC, kahit pa professional o businessman. Bukod kasi sa mayaman at matalino si KC, dapat ay smart ang makuha niyang boyfriend. Kailangan na may goal sa buhay at may taglay na self-confidence at hindi insecure ang gustong lumigaw upang makapasa sa standard niya. 


Ayon kay KC, pagdating sa kanyang love life at personal matters ay hindi nakikialam ang kanyang Mama Sharon. After all, nasa tamang edad na si KC para gumawa ng kanyang desisyon para sa kanyang sarili. Lumaki siyang independent kaya malaki ang tiwala sa kanya ni Sharon Cuneta.  



May ilang grupo na nanggugulo at ginagawang isyu ang diumano'y change of name ni Sen. Bong Revilla, Jr..


Sinisisi ng mga ito ang COMELEC dahil pinapaboran daw si Revilla na nagpalit ng pangalan, kaya napunta ito sa slot na No. 11 sa balota. 


Depensa naman ng kampo ni Sen. Bong, matagal na niyang ginagamit ang pangalang ‘Bong Revilla’. Taong 1998 ay na-grant na ng korte ang pagpapalit niya ng pangalan na Bong mula sa Jose Mari Bautista.  


At noong 2010 ay gamit na niya ang Bong Revilla hanggang 2019. 

Samantala, hindi naman nagpapaapekto si Sen. Bong sa mga bashers niya na nag-iingay ngayon. Basta masaya siya dahil ramdam niya ang pagmamahal at suporta sa kanya ng ating mga kababayan kahit saan siya magpunta.  


Sa mga events na kanyang pinupuntahan ay mainit ang pagtanggap sa kanya ng lahat, tulad sa Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, sa Sinulog sa Cebu, at sa Dinagyang sa Iloilo, patunay na marami ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang public servant.  


Malaking tulong din ang action seryeng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM). Hindi pa rin kumukupas ang karisma niya sa tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page