top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 3, 2025



Photo: Gretchen Barretto - FB


Sa kabila ng bali-balitang nagkakalabuan na sina Sunshine Cruz at Atong Ang, may kumalat na  post sa social media na nagpadala ng bouquet of roses na may kasamang singsing ang millionaire businessman sa kanyang GF na aktres. Worth P2 million daw ang nasabing singsing. Maagang Valentine’s gift umano ito ni Atong Ang.


Sey naman ng ilang netizens, baka nanunuyo lang si Atong Ang dahil nagkaroon sila ng tampuhan ni Sunshine, kaya pati ang regalong kotse ni Atong ay isinoli raw ng aktres.


Pero marami ang naiintriga dahil halos kasabay ng paglabas sa social media ng regalong bulaklak at singsing ni Atong Ang kay Sunshine ay nag-post naman si Gretchen Barretto na ipinakikita niya sa kanyang mga amiga ang bagong bili niyang diamond ring na 5 carats ang kilatis. Tiyak na milyones din ang halaga ng diamond ring ni La Greta.


Sey naman ng mga kaibigan ni Gretch, hindi na raw kailangan ng aktres ang sinumang sponsor para bumili ng alahas. Kayang-kaya naman daw bumili ni Gretchen ng mamahaling alahas. May pinatatamaan kaya ang kampo ni La Greta?



AT this point of her life, mukhang hindi na priority ni Bea Alonzo ang magpakasal at magkaroon ng anak. Nang makipag-break siya kay Dominic Roque at makansela ang plano nilang pagpapakasal ay hindi na binigyan ng panahon ni Bea ang kanyang love life at paghahanap ng kanyang Mr. Right. 


Sa kanyang career na lamang siya nag-concentrate at sa pagtutok sa kanyang mga negosyo. Tanggap na rin ni Bea na sadyang hindi pa siya makatagpo ng lalaking magiging katuwang niya sa buhay.


Katwiran niya, darating din ang kanyang “the one” kung sadyang ibibigay sa kanya. Hindi na niya kailangan na maghanap pa.


Marami ang nagsasabing nai-intimidate ang mga gustong manligaw kay Bea dahil napakayaman niya at sikat na sikat pa. 


Setback kay Bea Alonzo na bilyonarya siya at isang celebrity. Ang dapat niyang matagpuan ay isang self-made man na successful na at hindi maa-outshadow ni Bea. ‘Yun ang lalaking nababagay at katapat ni Bea Alonzo.



LUMALAKAS ang following ng Singing Queens ng Eat… Bulaga! (EB) na binubuo nina Eunice Jane, Sam Rascal, Jean Drilon, Anne Ferrer, at Khayzy Bueno. Aliw na aliw ang mga viewers ng EB! sa kanila. 


Bukod sa magaganda at magagaling kumanta, ay game na game rin sila kahit ano ang ipagawa sa kanila sa show. Maitutulad sila sa kasikatan noon ng Sexbomb Girls.  


At dahil araw-araw silang napapanood sa Pera o Bayong segment ng EB!, marami na ang nakakakilala sa Singing Queens. Hinahasa rin ang hosting skills ng SQ.


Bukod kina TVJ, Jose Manalo, Allan K, Maine Mendoza, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Atasha Muhlach, Miles Ocampo, at Carren Eistrup, dagdag-attraction din sa EB! ang Singing Queens. 


Masaya ang bawat episode ng EB!, at marami silang natutulungan sa kanilang Sugod Bahay portion.



ANG sipag-sipag at halos walang kapaguran si Yorme Isko Moreno sa kanyang pag-iikot sa mga distrito ng Maynila. Napakarami niyang imbitasyon para sa iba’t ibang events—halos lahat ay kanyang pinagbibigyan.


Naglaan siya ng oras upang dumalo sa oathtaking ng mga bagong opisyales ng PMPC na ginanap sa Hotel Adriatico, Malate. Siya ang nag-officiate ng oath-taking at nagpa-dinner para sa lahat ng dumalo.


Pansin lang namin kay Yorme Isko, wala siyang masyadong kasamang bodyguards kapag lumalakad. Walang mga hawi boys at hindi heavily guarded. 


Kaya tinanong namin kung wala ba siyang natatanggap na death threats ngayong mainit ang labanan sa pagka-mayor ng Maynila? 


Sa mga surveys ay nangunguna si Yorme Isko Moreno. Buo pa rin ang tiwala sa kanya ng majority ng mga Manileño. Naniniwala sila na maipagpapatuloy ni Isko ang magagandang projects na sinimulan niya sa Maynila.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 2, 2025



Photo: Alden at Kathryn - KathDen FB


Balik sa pagho-host sa All-Out Sundays (AOS) si Alden Richards ngayong tapos na ang lahat ng kanyang commitments.  


May bagong show na inihahanda para sa kanya ang GMA Network, kaya break muna siya pansamantala sa serye. 


Masaya at nag-e-enjoy naman si Alden sa AOS. Bale pinaka-bonding na niya ito sa mga dating kaibigang Kapuso artists.


Ngayong 2025, looking forward si Alden sa mga TV at movie projects na kanyang gagawin. Thankful din siya dahil patuloy ang dating sa kanya ng malalaking endorsements.


Samantala, naghihintay naman ng update ang KathDen fans sa latest na status ng kanilang relasyon. Wala pa bang kasunod ang Hello, Love, Again (HLA).


Kahit sana endorsements na magkasama sila ni Kathryn, masaya na ang KathDen fans. 


Pero sa ngayon, okay na kay Alden na walang label ang closeness nila ni Kath. Basta may regular silang communication at updated sa mga kaganapan ng isa’t isa. 


Anytime na kailangan siya ni Kathryn, naririyan lang siya. Ayaw ni Alden na magpa-pressure sa gusto ng mga fans ng KathDen.



Bonggang-bongga at napaka-generous na girlfriend ni Julie Anne San Jose. Isang mamahaling gitara ang ibinigay niya kay Rayver Cruz bilang anniversary gift. Labis na natuwa at nagpasalamat si Rayver sa natanggap na regalo na gustung-gusto niya.


Hindi lang nag-post si Rayver kung ano naman ang ibinigay niyang anniversary gift kay Julie Anne. Mapantayan kaya ng aktor ang pagiging galante ng nobya sa pagbibigay ng regalo? 


Well, mukhang suwerte sa isa’t isa sina Julie Anne at Rayver Cruz. Nag-click sila bilang tandem at swak ang kanilang partnership bilang singers, performers, at hosts. Ang hilig nila sa musika ang nagbuklod sa kanila at nauwi sa seryosong relasyon. Kaya wish ng kanilang mga fans ay tumibay pa ang kanilang pagmamahalan at patuloy na magtagumpay sa kanilang showbiz career.


So far, wala pa namang away o tampuhan na nababalita kina Julie Anne at Rayver Cruz. At dasal ng kanilang mga fans ay huwag sana silang matulad kina Barbie Forteza at Jak Roberto na nag-break after 7 years ng kanilang relasyon.


Buo naman ang tiwala ni Julie Anne sa nobyo. At sisikapin nilang malagpasan ang 7-year itch at magtagal ang kanilang relasyon.



MABUTI naman at may daily TV exposure ngayon si Jak Roberto habang wala pa siyang regular na serye sa GMA.


Kasama na siya ngayon sa mga hosts ng It’s Showtime (IS) at mapapanood araw-araw, Lunes hanggang Sabado—except Tuesday. 


Mahahasa siya nang husto sa pagho-host at mae-experience niya na makatrabaho ang mga Kapamilya stars tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Amy Perez, Kim Chiu, Bela Padilla, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren Espanto, Ryan Bang, atbp.. 


Sey ng mga fans ni Jak, mas mabuti na kung may pinagkakaabalahan ang aktor upang makalimutan ang paghihiwalay nila ni Barbie Forteza.


Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga JakBie fans at kumakapit sila sa paniniwalang magkakabalikan sina Barbie at Jak Roberto. 


Nag-e-effort naman si Jak na makapag-usap at magkaayos sila sa naging problema nila ni Barbie.  


May tsika nga na nagpapadala raw ng bulaklak kay Barbie si Jak at nangungumusta. Hindi naman daw naputol ang kanilang komunikasyon. 


Ayon naman sa malalapit na kaibigan ni Jak, hindi siya basta susuko at gagawin ang lahat upang magkabalikan sila ni Barbie.


Payo naman ng mga netizens sa aktor ay huwag nitong madaliin ang lahat. Mag-focus muna siya sa kanyang career. Pasasaan ba’t maaayos din ang lahat kung sila talaga ni Barbie Forteza ang nakatakda para sa isa’t isa.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 1, 2025



Photo: Coco Martin - IG


Namamayagpag at nasa peak ng kanyang success ngayon si Coco Martin. Nagbunga rin ang kanyang pagsisikap ng ilang taon bago nabigyang-pansin ang kanyang talento bilang aktor. 


Ang TV version ng Ang Probinsyano (AP) ni FPJ, na tumagal ng pitong taon (7) sa ere, ang naging malaking factor kaya sumikat nang husto si Coco Martin at nagkasunud-sunod din ang malalaking endorsements niya. 


Nagmarka si Coco Martin sa AP, at ngayon, tinatangkilik din ng kanyang mga fans ang Batang Quiapo (BQ) dahil sa malalaking artista na kasama niya sa pangunguna nina Sen. Lito Lapid, Charo Santos, Lorna Tolentino, Ivana Alawi, John Estrada, atbp..

Dahil sa BQ, nadoble ang kasikatan ni Coco Martin. Kilalang-kilala siya at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta. 


Sey nga ni Sen. Lapid, kung ginusto lang ni Coco Martin na kumandidatong senador ngayong midterm election, tiyak na panalo na siya at kasama sa Top 12 senatoriables.

Chika ng mga netizens, nang mag-lie low si John Lloyd Cruz (JLC) sa showbiz, nagkaroon ng puwang na mapansin si Coco Martin. Ang malalaking endorsements noon ni JLC ay kay Coco Martin napunta. 


At dati-rati, sina JLC at Piolo Pascual ang pambatong aktor ng ABS-CBN. Ngayon, aktibo pa rin si Piolo Pascual sa pelikula pero wala siyang regular series tulad ni Coco Martin. At mas malalaki ang mga endorsements ngayon ni Coco Martin. 


Habang nasa US sila ni Kobe…

KYLINE, BUNTIS, KALAT NA



Aware kaya si Kyline Alcantara na habang nasa U.S. sila ni Kobe Paras ay may kumakalat naman sa social media (socmed) na diumano ay inamin niyang buntis siya at si Kobe ang ama ng dinadala niyang baby?


Sana naman ay fake news ito, dahil labis na nanghihinayang ang kanyang mga fans. Gumaganda na ang takbo ng career ni Kyline at wrong timing kung bigla siyang titigil sa pag-aartista. Malayo pa ang kanyang mararating at marami pang oportunidad na naghihintay sa kanya.


Hindi naman tinututulan ng kanyang mga tagahanga kung ma-in love si Kyline kay Kobe Paras. Gusto rin naman ng mga fans na makitang masaya ang kanilang idolo. Pero matagal niyang pinaghirapan na maabot ang katuparan ng kanyang pangarap na sumikat. Halos abot-kamay na niya ang tagumpay at binigyan siya ng magagandang

shows ng GMA Network.


Sabi nga, isang malaking fake news ang balitang buntis si Kyline.  



INSPIRADO at ganadong mag-promote ang cast ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) lalo na’t two weeks na lang silang mapapanood sa ere dahil campaign period na.


Kakandidatong muli sa pagka-senador si Sen. Bong Revilla, Jr., kaya itinodo na niya ang malalaking action scenes sa action-serye na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7.  


Last week ay napanood na ang pagtulong ni Alyas Pogi kay Major Bartolome (Bong Revilla, Jr.) sa kanyang pakikipaglaban sa mga sindikato. Dalawa pang karakter ni Sen. Bong ang darating sa mga susunod na episodes at ‘yun ang dapat abangan ng mga viewers.


Samantala, magkakaroon ng motorcade ngayon ang cast ng TWMNPSMNM at iikot sila sa iba’t ibang barangay sa Kyusi. Ito ang paraan ni Sen. Bong upang magpasalamat sa lahat ng viewers na sumubaybay sa kanilang action-serye mula noong Season 1 hanggang Season 3.  


Madalas na kasa-kasama at sidekick ni Sen. Bong Revilla si Niño Muhlach, na isa sa cast. Kasama rin sina Beauty Gonzalez, Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Mae Bautista, Leo Martinez, atbp. Special guests sina Jillian Ward at Gloria Diaz.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page