top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 6, 2025



Photo: Bea Alonzo - IG


Medyo marami ang naiintriga at nagtatanong kung sino kaya sa mga nakarelasyon noon ni Bea Alonzo ang sobrang inayawan ng kanyang ina at kapatid na humantong sa matagal na pagtikis sa kanya ng mga ito?  


Tinutulan ng ina at kapatid na lalaki ni Bea ang naging karelasyon niya noon, pero hindi niya pinakinggan ang payo ng kanyang pamilya, kaya matagal siyang hindi kinausap ng kanyang ina at kapatid. ‘Yun ang pinakamabigat na sitwasyon na pinagdaanan ng aktres.


Pero, hindi rin siya nakatiis at pinili ang kanyang pamilya. 


May mga nagsasabi na ang naging karelasyon noon ni Bea na inayawan ng kanyang pamilya ay si Gerald Anderson, na nagkaroon pa ng isyu sa ‘ghosting’. Bigla na lang daw itong naglaho at hindi na nagparamdam kay Bea. Wala silang naging closure sa kanilang paghihiwalay.


Matagal itong pinagpiyestahan sa showbiz, at napunta ang simpatya ng lahat kay Bea. 

Anyway, nalagpasan naman ni Bea ang malulungkot na chapter ng kanyang buhay-pag-ibig. Marami lang ang nanghinayang sa relasyon nila ni Dominic Roque, na muntik nang ikasal kay Bea, pero hindi na natuloy.



NAGDADALAMHATI at nabigla ang TV host na si Willie Revillame sa pagkamatay ng lady pilot na si Captain Julia Flori Po. 


Matagal nang kaibigan ni Willie ang tatay ng lady pilot na si Archie Po, isang bigtime businessman. 


Ginamit ang chopper noong Pebrero 1 nang inihatid ni Capt. Po sa Baguio si Senador Bato Dela Rosa. Nagpa-refuel pa raw sa Binalonan, Pangasinan pagkahatid kay Sen. Bato at nu’ng bandang hapon ay naibalita na lang na may nag-crash na chopper sa isang swamp sa Barangay San Miguel sa Guimba, Nueva Ecija.  


Agad na sumugod si Willie sa pinangyarihan ng aksidente at kinuha ang mga labi ni Capt. Po at inilipat sa Heritage Park sa Taguig. 


Dahil sa nangyari, marami ang concerned kay Willie at nag-aalala lalo’t piloto na rin ngayon ng kanyang sariling chopper ang TV host. Madalas niyang gamitin ang kanyang chopper kapag nagpupunta sa Puerto Galera at sa iba pang malalayong lugar na gusto niyang puntahan nang mabilisan.


Ngayon, tiyak na mas mag-iingat na si Revillame sa kanyang pag-iikot at pangangampanya. Hindi na siguro siya gagamit ng chopper o ng kanyang private plane.  


Nagtataka lang ang marami sa news report na sa airport ng Binalonan, Pangasinan,

noong nag-refuel ang chopper ay nahirapan na raw mag-start ang engine nito. Eh, bakit kaya pinalipad pa rin ng lady pilot?  


Kesa kay Juday… 

VILMA, MAS OKS PUMALIT KAY CHARO SA MMK


Si Judy Ann Santos ba ang karapat-dapat na sumunod sa yapak ni Charo Santos?

Sakaling i-revive at magpatuloy muli sa telebisyon ang Maalaala Mo Kaya (MMK), si Juday na raw ang hahalili at magbabasa-magkukuwento ng istorya ng mga letter senders. 


Mahigit dalawang dekada ring umere ang MMK noon sa ABS-CBN. Maraming makukulay na istorya ang kanilang itinampok na ginampanan ng mga sikat na artista.


Pero, kayanin naman kaya ng schedule ni Juday ang MMK sakaling i-offer sa kanya? 

Bukod sa pagiging hands-on mom, may resto business siyang inaasikaso, ang Angrydobo. At piling-pili na rin ang tinatanggap niyang movie projects.


Siguro, puwedeng mas mature na artista ang ipalit kay Char. Dapat ay ‘yung artista na respetado ang image tulad ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 5, 2025



Photo: Gladys Reyes - IG


Markado ang pagiging kontrabida ni Gladys Reyes simula nang pasukin niya ang showbiz. 


Sa lahat halos ng nilalabasan niyang serye ay salbahe ang kanyang role, kaya ito ang tumatak na image niya sa publiko. Kaya, medyo ilag sa kanya ang mga baguhang artista. 


Pero, bentahe kay Gladys ang kanyang ‘bad girl’ image dahil hindi siya nawawalan ng projects. Nakapag-guest pa nga siya sa ibang TV shows tulad ng It’s Showtime (IS)

Sobra namang natuwa si Gladys dahil bibida na rin siya sa bagong serye ng GMA-7, ang Cruz vs. Cruz (CVC), kasama si Vina Morales. 


Excited si Gladys na makatrabaho si Vina dahil magkasama sila noon sa That’s Entertainment (TE) at pareho silang member ng Thursday group. 


Well, sa dami ng artista ngayon, isa rin si Gladys Reyes sa mga hindi nababakante at hindi nawawalan ng shows. Bukod kasi sa professional siya sa kanyang trabaho ay magaling din siyang makisama sa lahat. 


At kahit super busy siya sa kanyang career, may time pa rin si Gladys na tumulong sa kanilang resto business, ang That’s Diner na dinarayo dahil sa masasarap na version ng kanilang bulalo. 


Hindi pa rin pala naibebenta ni Cesar Montano ang kanyang farm sa Zambales na 20 hectares ang laki. Nalaman namin ito sa isang reliable source dahil until now, for sale pa rin daw ang farm.


For sure, mabibigyan din naman ng parte ang tatlong anak nila ni Sunshine Cruz sakaling maibenta na ang farm. 


Naging masinop si Montano sa kanyang mga kinita sa showbiz noong kanyang kasikatan, kaya siya nakapagpundar ng mga properties at nakapag-invest sa mga negosyo. 


Madiskarte rin sa buhay si Cesar at hindi niya naging bisyo ang pagsusugal. Hindi siya maluho at hindi nangolekta ng mga luxury cars. 


Sa real estate siya nag-invest, kaya secured na ang future ng kanilang pamilya. Kaya kahit wala siyang TV shows at pelikula ngayon, secured na ang kinabukasan ng kanyang mga anak at natulungan ang kanyang mga kapatid.



ISA sa matatagumpay na negosyante ang aktres na si Isabel Rivas. 

Lumalabas-labas pa rin naman siya sa telebisyon kapag may offer at gusto niya ang project, pero, at this point of her life, nasanay na siya sa tahimik at stress-free na buhay. 


At kahit na ina-advise ng kanyang mga kaibigan na muli siyang umibig at magkaroon ng love life upang may makasama sa buhay, hindi ito sineseryoso ni Isabel.

May anak naman siya at may dalawang apo at nalilibang sa pag-aasikaso ng kanyang malawak na farm sa Zambales. 


Bukod sa mga fruit-bearing trees, may poultry, piggery at fishpond sa farm ni Isabel. Ito ang kanyang source of income, kaya financially stable na siya ngayon at afford nang mabuhay nang marangya kahit bihirang lumabas sa telebisyon at pelikula. 


Nae-enjoy niya ang buhay na malaya, kaya ayaw na niyang magkaroon pa ng karelasyon. 


Well, may mga loyal at trusted friends naman si Isabel tulad nina Lorna Tolentino, Amy Austria, Azenith Briones atbp. na laging nakasuporta sa kanya. Sapat na iyon kaya wala na sa plano ni Isabel Rivas ang magkaroon ng love life at mag-asawa pa.




 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 4, 2025



Photo: Vic Sotto - TVJ


Marami ang labis na nagtataka kung bakit habang nadaragdagan ang edad ng TV host/comedian na si Vic Sotto ay lalong bumabata at pumopogi ang kanyang hitsura. 


Sa edad niyang 70 ay malakas pa rin ang kanyang sex appeal. Pang-leading man pa rin ang kanyang porma. Hindi siya alanganing tingnan kapag magkasama sila ni Pauleen Luna dahil hindi siya mukhang matanda.


May nagsasabing natagpuan daw ni Bossing Vic ang ‘fountain of youth’, kaya napanatili niya ang bagets na hitsura. 


Pero, mula sa ilang reliable sources, inilantad na ang sikreto ni Bossing Vic kung bakit nananatiling malakas, masigla, at young-looking ay nagpapa-stem cell ito tulad din ng ginagawa ng ibang senior stars. 


Medyo may kamahalan lang daw ang stem cell procedure ni Bossing Vic Sotto, pero sulit naman dahil bumata siya at aktibo pa rin ang kanyang sex life. Nagkaroon pa sila ng dalawang anak ni Pauleen Luna.


Nagagawa pa nilang mag-travel abroad on special occasions. Sa Japan sila nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary ni Pauleen, kasama ang kanilang mga anak.  


Galanteng BF daw… JERICHO, MAY PA-TRIP TO JAPAN KAY JANINE, PATI GLAM TEAM, BITBIT


GALANTENG BF (boyfriend) pala itong si Jericho Rosales dahil niregaluhan niya si Janine Gutierrez ng trip to Japan, kasama ang glam (makeup) team ng aktres. 

Kaya naman tuwang-tuwa at todo-pasasalamat si Janine kay Echo. Sobra siyang na-flatter sa kabaitan at pagiging generous ni Jericho.  


Bukod dito, todo-effort din ang aktor para suportahan ang career ni Janine. Nag-volunteer si Echo na sumali sa fans club ni Janine at siya pa ang nagbitbit ng placards para sa GF nang pumunta ang mga fans sa isang event na guest ang aktres. 


Kaya naman, pati ang mga fans ni Janine Gutierrez ay napabilib sa ginawa ni Jericho Rosales. Naramdaman nila ang sincerity ng aktor sa kanilang idolo. 


Well, maging si Lotlot de Leon, ang mom ni Janine, ay puring-puri rin ang kabaitan at pagiging gentleman ni Jericho. Malaki ang tiwala niya kay Echo at panatag siya kapag ang aktor ang kasama ni Janine. 


Sa lahat ng nakarelasyon ng kanyang dalaga, kay Jericho Rosales siya pinakamagaan ang loob.


Pramis ni Heart, todo-tipid na…

“CHARAUGHT!” — SEN. CHIZ


NAGSIMULA na ang countdown para sa 40th birthday ni Heart Evangelista sa February 14. Inaabangan na ng kanyang mga fans kung ano ang magaganap na pasabog sa kaarawan ng sikat na fashion icon. May bongga ba siyang selebrasyon, o bibiyahe sila ni Sen. Chiz Escudero out of the country?  


Ano pa bang materyal na bagay ang kailangang iregalo kay Heart, eh, nasa kanya na ang lahat ng mamahaling gamit at alahas na pangarap ng isang babae?


May pangako naman si Heart noong pagpasok pa lang ng 2025, hindi na raw siya gaanong gagastos at magtitipid na. Isang bagay na tinawanan lang ni Sen. Escudero, sabay sabing “Charot!”


Alam niya na mahihirapan si Heart Evangelista na ito ay sundin. Hindi pa rin nga maawat ang kanyang wifey sa pagsa-shopping, lalo na kapag nasa Paris ito. Bale reward na raw ni Heart sa kanyang sarili ang bumili ng mga gamit na magpapasaya sa kanya.

Besides, sarili naman niyang pera ang kanyang ginagastos sa pagsa-shopping.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page