top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 12, 2025



Photo: Sharon, Gretchen at Heart - The Aivee Clinic


May namumuong rivalry-competition ngayon sa pagitan nina Dra. Vicki Belo at Dra. Aivee Aguilar-Teo dahil sa kanilang mga celebrity endorsers. 


Dati-rati ay nasa poder ni Dra. Belo ang mga sikat na celebrities sa showbiz. Sa kanya nagpapaalaga ng kutis ang malalaking artista.  


Ngayon, nasa kanya pa rin naman ang mga artistang loyal sa Belo Clinic tulad nina Anne Curtis, Julia Barretto, Kim Chiu, Alex Gonzaga, Isabelle Diaz, Solenn Heussaff, Andrea Brillantes, Maris Racal, atbp..


Pero unti-unti nang nagiging popular sa mga big stars si Dra. Aivee Teo, na isang magaling na dermatologist. Ang kanyang mga celebrity clients ay sina Gretchen Barretto, Heart Evangelista, Sharon Cuneta, Jennylyn Mercado, atbp..


Ang Belo Medical Clinic ay may 15 branches na at hanggang Cebu at Davao ay may clinic sila. Si Dra. Vicki Belo ang CEO at Medical Director ng Belo Medical Group. Hindi lang sa mga medical service at procedure sila kumikita kundi pati na rin sa mga beauty products na pang-masa.


Samantala, ang Aivee Clinic ay nagsisimula pa lang sa kanilang expansion, pero gumagawa na sila ng pangalan at dinarayo ngayon ng mga top celebrities at ng mga ‘richie-richie’ (mayayaman) socialites.



NAGMARKA sa marami ang term na ‘Sharon Cuneta’ kapag may mga nagte-takeout o nagbabalot ng mga ulam sa anumang handaan. At nakakatuwa naman na mismong si Megastar Sharon Cuneta ay aminadong nagsa-‘Sharon’ din, lalo na kapag may handaan sa bahay ng kanyang Tita Helen Gamboa.


Ang ‘Sharon Cuneta’ term ay galing sa hit song noon ni Shawie na Bituing Walang Ningning (BWN) kung saan may linyang…“Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal.”


At para hindi halata ang term na ‘balutin’, ginawa na lang itong “I-Sharon Cuneta mo!” 


At dahil popular nga sa lahat ang nasabing termino, kinuhang endorser ng life insurance si Megastar Sharon Cuneta. Ang concept ng commercial ay tungkol sa pagte-take home ng mga natirang ulam sa mga handaan.


Sa nasabing commercial ni Shawie para sa isang insurance company, naglabas siya ng plastic bags at plastic containers na lalagyan ng leftover food. Nagbigay pa siya ng tips kung paano magsa-‘Sharon Cuneta’ sa handaan.


Nakakatuwa at marami ang makaka-relate sa nasabing commercial ng insurance. Sana mapanood ito sa telebisyon. 

Curious naman ang mga netizens kung magkano kaya ang ibinayad na talent fee (TF) kay Megastar Sharon sa nasabing commercial?  



Ibang klase ang pagkakaibigan ng Diamond Star na si Maricel Soriano (Marya) at ni Chanda Romero.  


Malaki ang respeto ni Marya kay Chanda at itinuturing niya itong best friend at second mom. Naging close sila dahil nagkasama sa mga pelikulang Saan Darating ang Umaga (SDAU) Yesterday, Today & Tomorrow (YT&T), Pabling, atbp..


Kung si Maricel Soriano ay mataray at palaban—isang image na kinatatakutang makatrabaho ng ibang artista—sweet naman siya at jologs kapag si Chanda Romero ang kasama. 


Kaya sa vlog ni Maricel na “Maganda Ako” kung saan si Chanda Romero ang kanyang nakatsikahan, hindi matapus-tapos ang kanilang kuwentuhan. Panay ang flashback nila sa mga panahong gumagawa sila ng pelikula sa Regal Films. At natutuwa sila noon kay Snooky Serna dahil napakabagal daw kumilos, kaya binansagang ‘pagong’. 

Hinding-hindi makakalimutan ni Maricel na sa panahon na may problema siya sa kanyang love life, si Chanda Romero ang dumamay sa kanya at nagbigay ng motherly advice. Kaya hanggang ngayon, “Nanay” ang tawag niya sa aktres.



MARAMING fans ni Gabbi Garcia ang natuwa nang finally ay siya ang napili na maging co-host nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa PBB Collab Celebrity Edition. 


Hindi na maninibago pa si Gabbi sa kanyang pagho-host dahil may experience na siya sa pagho-host ng iba’t ibang events. Smart siya at very confident sa sarili.


Mas gagaling pa siya at mahahasa ang kanyang hosting skills ngayong host na rin siya sa PBB Collab Celebrity Edition. Matutulungan din siya nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.  


Ang tanong ng mga fans ngayon ay kung mararanasan din kaya ni Gabbi ang mapasok sa Bahay ni Kuya tulad ng pinagdaanan nina Bianca at Robi? Paano siya makaka-relate sa mga celebrity contestants na mapipili?  


Matatandaang nag-audition din noon si Gabbi Garcia sa PBB Season 4 noong 2012. Hindi siya pinalad na mapili at makapasok. Kaya ngayon, hindi niya akalain na isa siya sa mga co-hosts ng PBB Collab Celebrity Edition.





 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 11, 2025



Photo: Yasmien at Mark - Instagram


Sa isang panayam ni Yasmien Kurdi sa ilang media people, ipinagtanggol niya si Mark Herras na naba-bash ngayon dahil lang sa pagsayaw sa isang gay bar. 


Para kay Yas, wala namang masama sa ginawa ni Mark dahil trabaho ‘yun na kanyang tinanggap upang itaguyod ang kanyang pamilya. 


Walang inaagrabyadong sinuman ang Kapuso actor, wala siyang niloko at tinapakan, kaya hindi dapat hinuhusgahan agad ang pagkatao nito.


Si Mark Herras ay ka-batch ni Yasmien sa StarStruck 1 at pumasok sila sa Grand Finals. Sina Yasmien at Rainier Castillo ang naging first runner-up, at sina Jennylyn Mercado at

Mark Herras ang itinanghal na Ultimate Female & Male StarStruck Survivors.


Halos 20 years nang nasa bakuran ng GMA-7 si Mark Herras at nabigyan ng maraming shows. Medyo dumalang lang ang kanyang projects noong panahon ng COVID pandemic, pero naka-survive naman siya. 


Nang magkaroon na ng pamilya, sineryoso na ni Mark ang kanyang career. Lahat ay ginagawa niya upang magkaroon ng extra income dahil buntis ang kanyang karelasyon sa kanilang 2nd baby.


Kaya naman nakikiusap si Yasmien Kurdi sa mga bashers na huwag basta husgahan ang pagkatao ni Mark Herras. Trabaho at pagdamay ang kailangan ngayon ng dating Kapuso actor.



Ipinabura na raw ni Philmar Alipayo ang kanyang controversial matching tattoo sa Swiss girl na sinasabing best friend niya kung saan ang nakasulat sa kanilang braso ay “224” na ang ibig daw sabihin ay “2day, 2morrow and 4ever”.  


Kasabay din nito ang pagbubura naman ni Andi ng kanyang mga cryptic posts sa social media tungkol sa girl best friend nga ni Philmar na si Pernilla Sjoo.  


May mga larawan din na lumabas sa social media, kung saan makikitang dumating sa Siargao ang lolo’t lola ni Andi na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Magkakasama silang nag-lunch at nandu’n din si Ellie plus ang dalawa pang anak nina Andi at Philmar na sina Lilo at Koa. 


It seems na namagitan na sa problema nina Andi at Philmar sina Eddie at Rosemarie upang hindi tuluyang mauwi sa paghihiwalay ang dalawa.


Pero, dismayado ang mga netizens kay Philmar dahil iginigiit pa rin nito na nagseselos lang si Andi sa girl best friend niyang si Pernilla. Wala raw siyang kasalanan at pagkukulang. Kailanman ay hindi siya nag-cheat kay Andi. 


Well, si Andi na rin ang magdedesisyon kung muli pa niyang patatawarin si Philmar upang manatiling buo ang kanilang pamilya. 


Pero payo ng ilang kaibigan, dapat ay mag-set din si Andi Eigenmann ng boundaries at alamin kung hanggang saan lang ang kaya niyang tiisin sa piling ni Philmar. Matuto na siyang magtira para sa sarili at ipakita sa mister ang kanyang tough side.



Para sa Kapuso actor na si Paolo Contis, hindi siya naniniwala na walang malisya ang ‘girl best friend relationship’.


Ayon sa kanya, ang mga lalaki, in general, ay iba ang nararamdaman kapag sobrang lapit nila sa isang kaibigang babae. Hindi ‘yun normal dahil ang mga lalaki ay mas gustong makasama ang kapwa lalaki bilang tropa. Mas komportable sila kapag lalaki ang kasama sa gimmick at happenings.  


At weird kung sa kaibigang babae magko-confide ang isang lalaki ng kanyang mga personal na problema — lalo na pagdating sa usaping pampamilya.


Kaya nang mag-guest si Paolo Contis sa podcast nina Tuesday Vargas at Buboy Villar na Your Honor (YH), nagkatuksuhan nang sagutin niya ang tungkol sa girl best friend issue.


Naging topic ito sa showbiz dahil sa hiwalayang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, kung saan involved ang isang Swiss girl na BFF daw ng surfer.


Lalaki si Paolo Contis, kaya alam niya ang diskarte ng mga lalaking lapitin ng chicks. Hindi man daw aminin ni Philmar Alipayo, tiyak na nagkaroon din ito ng feelings para sa kanyang girl best friend.




 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 10, 2025



Photo: Winwyn Marquez - Instagram


Maraming netizens ang nagtatanong kung bakit sasali pa sa Miss Universe PH si Winwyn Marquez gayong may korona na siya bilang 2017 Reina Hispanoamericana?


Hindi ba siya proud sa una niyang titulo bilang beauty queen?  


Sa totoo lang, hindi ganoon kadali para kay Winwyn ang kanyang desisyon na sumali sa Miss Universe PH. Pero sa dami ng kanyang kaibigan na nag-push sa kanya, naengganyo si Winwyn na sumali sa Miss Universe PH. Pinaghandaan niya nang husto ang mga trainings sa iba’t ibang aspeto.  


Ayaw niyang maramdaman ang regrets, pagsisisi, at panghihinayang kapag hindi niya sinubukan ang karanasang maging kandidata sa Miss Universe PH beauty pageant. 


Kaya para tuluyang maalis ang kanyang agam-agam, susubukan niya ang kanyang magiging kapalaran sa Miss Universe PH.  


At dito, suportado si Winwyn ng kanyang pinsan na si Michelle Dee, na dating Miss Universe PH winner. Tiyak na binigyan din ni Michelle ng tips si Winwyn kung ano ang gagawin upang mapansin ng mga judges.  


Physically, mentally, at emotionally fit si Winwyn Marquez sa kanyang pagsabak sa Miss Universe PH pageant.


Swiss girl na BFF daw ng mister, pangalawa na lang… ANDI AT PHILMAR, NAGHIWALAY NA RIN NOON DAHIL SA IBANG BABAE


BUGBOG-SARADO ngayon sa mga bashers ang surfer na si Philmar Alipayo dahil sa isyu ng pagkakaroon ng third party. 


Mismong si Andi Eigenmann na ang nagsalita at nag-post sa kakaibang relasyon ni Philmar at sa babaeng diumano ay best friend niya.


Nasagad na ang pasensiya ni Andi nang malaman niyang sabay na nagpa-tattoo si Philmar at ang Swiss lady photographer na si Pernilla Sjöö. Magkapareho ang kanilang tattoo na “224”. 


Taong 2013 pa ay magkakilala na raw sina Philmar at Pernilla, na may asawa’t anak din. May mga kaibigang celebrities din si Pernilla tulad nina Derek Ramsay, Donny Pangilinan, at iba pa na madalas bumisita sa Siargao. 


Feeling ni Andi ay inahas ni Pernilla ang kanyang karelasyong si Philmar. 


Marami naman ang nagsasabing mabuti na lang at hindi natuloy ang kanilang pagpapakasal ni Philmar dahil chickboy ang surfer. Dati na rin daw nagkahiwalay noon sina Andi at Philmar dahil din sa isang babae. Pero alang-alang sa kanilang mga anak na sina Lilo at Koa ay pinatawad ito ni Andi E. at binigyan ng second chance.


Ngayon ay inaabangan ng lahat kung mapapanindigan ni Andi ang pakikipaghiwalay kay Philmar Alipayo. Kung nabubuhay lang ang aktres na si Jaclyn Jose, tiyak na hindi ito papayag na balikan ni Andi ang lalaking tulad ni Philmar na marupok at babaero. 


Kakayanin naman ni Andi na buhayin ang dalawang anak nila ni Philmar, at puwede pa niyang balikan ang kanyang showbiz career.


Kasamang businessman, nagsalita na…

MARK, PINAGSAYAW SA HOTEL, NAG-CASINO PAGKATAPOS


NAGBIGAY na ng paliwanag at clarification sa media ang singer-businessman na si Jojo Mendrez tungkol sa kumalat na tsismis na nakita silang magkasama ni Mark Herras sa Okada Hotel at nag-casino pa.


Inamin ni Jojo na totoong nagpunta siya sa nasabing hotel upang makipagkita kay Mark Herras para sa isang offer. Kasama noon ni Mendrez ang kanyang handler, manager, atbp.. Ang pakay nila ay alukin si Mark Herras para sa content at TikTok ng bago niyang single na Somewhere in My Past.


Kumuha sila ng room sa hotel upang doon gawin at kunan ang pagsasayaw ni Mark para sa kanta at nang matapos na ni Mark ang pagsasayaw ay nagkayayaan silang mag-casino. Nanalo pa si Mark ng P60,000.


Maaga raw umuwi si Jojo Mendrez at naiwan si Mark at mga kasama sa casino. 

Well, lahat ng kilos at kaganapan sa buhay ngayon ni Mark ay inaabangan at sinusubaybayan ng lahat. 


May ilang gay bars ang gusto na ring kunin si Mark Herras upang makakuha ng pansin at ma-promote ang kanilang negosyo.  


Sana naman, dumagsa rin ang TV guestings upang maayos na makapagtrabaho si Mark para sa kanyang pamilya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page