top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 16, 2025



Photo: Andrea Brillantes at Maris Racal - Instagram


Nasa pamamahala na ngayon ni Shirley Kuan ang career ni Andrea Brillantes. Iniwan na niya ang Star Magic at piniling lumipat sa manager nina Bea Alonzo at Albert Martinez.


Sey ng mga netizens, si Maris Racal ang dahilan kaya nagbabu sa Star Magic si Andrea. Si Maris daw kasi ang mas pinapaboran at ibini-buildup nang husto ng Star Magic, kaya medyo napapabayaan na si Andrea. 


Mas magaganda rin ang exposure at TV shows ni Maris, tulad ng pagkakasama niya sa Incognito.  


Well, mas marami ang nagkakainteres sa mga kaganapan ni Maris sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng cheating scandal kasama si Anthony Jennings. 


At game na game rin si Maris sa kahit anong gimmick para sa kanyang career, tulad ng pagpayag niyang tumakbo nang naka-bra at panty lang sa isang eksena niya sa Incognito.


Kakayanin ba ‘yun ni Andrea Brillantes at higitan ang ginawa ni Maris Racal?

Naging attraction din ang pagrampa ni Maris sa Berlinale International Film Festival (BIFF) dahil kalahok ang movie niyang Sunshine sa nasabing film fest. 


Well, dapat kumilus-kilos na rin si Andrea Brillantes bago siya mapag-iwanan.

Paglilinaw din ni Andrea, nasa ABS-CBN pa rin siya kahit nagpa-release na sa Star Magic. At mapapanood din ang pagpasok niya sa Batang Quiapo. 


Third party daw sa surfer at kay Andi, sinira in public… DEREK KAY PHILMAR: MAGPAKALALAKI KA!



HINDI magiging madali para kay Andi Eigenmann ang pakikipaghiwalay sa karelasyong si Philmar Alipayo. Kahit na ilang beses pa silang mag-away at magkaroon ng problema sa kanilang pagsasama, hindi niya basta maiiwan ang surfer. 


May dalawa silang anak na unang maaapektuhan dahil malapit ang mga ito sa kanilang ama. 


Besides, ayaw ni Andi ng broken family. Gusto niya ng isang buo at kumpletong pamilya, kaya nga mas pinili niya si Philmar at manatili sa Siargao. Tinalikuran ni Andi ang mundo ng showbiz dahil ang gusto lang niya ay simpleng buhay sa isla. 


Kaya naman madali niyang napatawad si Philmar at kinalimutan na ang isyu sa 224 tattoo sa girl best friend nito na si Pernilla Sjöö.  


Bagama’t may pagkakamali rin si Philmar sa pagpayag niyang magpa-tattoo sila ni Pernilla, may mga nagsasabing mali rin si Andi sa kanyang pag-e-emote sa social media.


Lumaki ang nasabing isyu at pinagpiyestahan ng mga bashers sina Philmar at Pernilla.

Kaya ang advice ng mga netizens kina Andi at Philmar ay putulin na ang friendship nila kay Pernilla upang maiwasan ang gulo. At dapat ding lumugar si Philmar sa tama dahil may pamilya na siya.


Sey nga ni Derek Ramsay sa kontrobersiyal na surfer, “Magpakalalaki ka, Philmar, at ‘wag mandamay ng iba! Dapat kang mag-sorry kay Pernilla dahil sinira mo ang pagkatao n’ya sa publiko.”



NAGING abala sa pag-iikot sa mga bayan-bayan sa Davao si Sen. Bong Revilla, Jr., kaya doon na siya inabutan ng Valentine’s Day. 


Ganunpaman, nakasama naman niya ang kanyang lucky charm at First Lady na si Congw. Lani Mercado. Nabigyan niya si Lani ng bouquet of roses at nakapag-dinner together. 


Masaya ang kanilang naging Valentine celebration dahil nakapag-bonding kahit hectic ang schedule sa pangangampanya.


Maraming gimik at paandar si Sen. Bong sa kanyang pangangampanya. Bentang-benta pa rin at gustung-gusto ng mga tao ang kanyang pagsasayaw na may halong pagpapatawa. 


Marami rin ang nakapansin na buung-buo ang kumpiyansa ni Sen. Bong at sanay na sanay makihalubilo sa mga tao. 


Para ngang show at hindi kampanya kapag nasa stage na si Sen. Bong at nagsasalita. Ang lakas ng karisma niya.


Malaking factor din na napanood pa rin si Sen. Bong sa action seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) bago nagsimula ang campaign period. Nagmarka sa mga viewers ang character niya bilang si Tolome. Kaya naman sa recent survey ng mga senatoriables ay pasok siya sa Top 12. 


Kasama si Bong sa mga pambatong senador ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 14, 2025



Photo: Marvin at Jolina - Instagram


Marami ang nagtatanong kung bakit walang gaanong ingay at kulang sa promo ang reunion movie nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, ang Ex Ex Lovers (EEL) na Valentine offering pa naman para sa kanilang mga diehard fans, kaya dapat ay na-push nang husto.


Nasaan na ang mga tagahanga nina Jolens at Marvin na nangungulit noon na muli silang magtambal sa pelikula? Dapat ay all-out sila ngayon sa pagsuporta sa tambalang iniidolo nila.


May kilig pa rin naman ang tambalang Jolina at Marvin. Ang tagal na naghintay ang

kanilang mga fans upang muli silang magkasama sa isang project.  

Dapat siguro ay tumulong ang mga tagahanga nina Jolens at Marvin na magpa-block screening upang magkaroon ng awareness ang mga moviegoers sa pelikulang EEL. Bugbugin sa promo sa TV at maging sa social media. 


Kung lahat ng mga fans nina Jolens at Marvin ay sama-samang magpo-post sa social media para i-promote ang EEL, tiyak na magkakaroon ng interest ang publiko na panoorin ang nasabing reunion movie ng tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin, lalo na’t Valentine’s Day at perfect para sa isang movie date.



Ano kaya ang magaganap na pasabog sa 40th birthday celebration ngayon ng fashion icon na si Heart Evangelista? 


Curious ang marami na malaman kung ano ang birthday gift sa kanya ni Sen. Chiz Escudero. Wala pang post sa social media si Heart tungkol sa kanyang birthday bash. Isang bagay lang ang kanyang binanggit, at ito ay ang malaking birthday cake na customized at may nakasulat na, “Charaught.” 


Pero nauna na rito, isang surprise advanced birthday party ang inihanda para kay Heart ng kanyang mister na si Sen. Chiz, ng kanyang kapatid at malalapit na kaibigan. Tunay na nag-enjoy si Heart sa kanyang advanced birthday party.


Inaabangan naman ng kanyang mga fans ang kanyang isusuot na outfit ngayong kanyang kaarawan. Knowing Heart Evangelista, tiyak na fabulous ang kanyang gown sa kanyang birthday party.


Samantala, sobrang proud si Heart sa Sorsogon, ang lalawigan ng kanyang mister na si Senate Pres. Chiz Escudero. Ang Sorsogon ang itinuturing niyang ‘my home.’ Kahit na abala siya sa mga fashion events sa New York at Paris, lagi pa rin niyang hinahanap ang warmth at ambiance ng Sorsogon. Dito siya nakakaramdam ng real peace and happiness.


Kaya naman nang ma-feature si Heart sa Harper’s Magazine (Singapore edition) ay buong-pagmamalaki niyang ibinida ang magagandang tourist spots ng Sorsogon na dapat puntahan.


Itinampok din sa magazine ang mga cottage industries na ipinagmamalaki ng Sorsogon. Kaya naman napamahal na rin sa mga kababayan ni Sen. Chiz si Heart, bonggang-bongga kasi ang pagpo-promote ng aktres sa Sorsogon.


‘Di lang pang-Christmas songs…

JOSE MARI CHAN, NAG-ALA-ELVIS PRESLEY


HINDI lang ‘pag Pasko mabenta sa mga shows ang veteran singer/composer na si Jose Mari Chan. Kapag Valentine’s Day, isa siya sa mga kinukuha sa mga Valentine shows at concerts. Marami siyang love songs na paborito ng mga Pinoy.


Pero nagulat at naaliw kami nang mapanood namin minsan sa RJTV si Jose Mari Chan na kumakanta ng pinasikat na awitin ng King of Rock ‘n Roll na si Elvis Presley, ang (Let Me Be Your) Teddy Bear. Bigay na bigay ang pagkanta ni Jose Mari, with matching twist ng legs na mala-Elvis Presley. ‘Yun ang masasabing total change of image, at talagang nag-enjoy kami sa panonood kay Jose Mari Chan.


Hindi lang pala siya magaling na balladeer, kaya rin niyang bumanat ng rock songs.  

Pero sa RJTV lang ‘yun ginawa ni Jose Mari Chan dahil friend niya si Ramon Jacinto. Sana ma-revive rin ni Jose Mari Chan ang iba pang Elvis Presley songs.



SA March 9 pa magsisimulang ipakilala ang mga mapipiling housemates na papasok sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab Celebrity Edition. Pero ngayon pa lang ay excited na ang mga viewers at may ilang nagsa-suggest na sana ay makasama sa mga housemates ang ilang Kapuso artists tulad nina Paolo Contis, Buboy Villar, Rufa Mae Quinto, Herlene Budol, Rita Daniela at si Barbie Forteza.


Mismong si Gabbi Garcia, na isa sa mga hosts ng PBB Collab ay gusto rin na makuhang housemate si Barbie Forteza. May ilan naman ang nagsasabing isama na rin sina Diwata at Boss Toyo.


Sa mga artists naman ng Star Magic, may ilang nagsa-suggest na ipasok sina Maris Racal at Anthony Jennings, ganoon din si Andrea Brillantes. 


Mas interesting daw panoorin ang PBB Collab Celebrity Edition kung popular at medyo kontrobersiyal ang mga housemates na papasok sa Bahay ni Kuya. Dito magkakaalaman kung sinu-sino ang smart, madiskarte at palaban. 


Anu-anong challenging tasks kaya ang ipagagawa sa kanila ni Big Brother?



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 13, 2025



Photo: Philmar Alipayo - IG


Dahil sa kanyang pagiging champion surfer sa Siargao, maraming turistang babae ang humahanga kay Philmar Alipayo. 


Kahit na sabihin pang hindi naman siya kasingguwapo nina Richard Gomez at Gerald Anderson, still, ang lakas ng karisma niya sa mga chicks. 


Madalas daw, kapag nakikita si Philmar ng mga babaeng turista sa Siargao ay niyayakap at hinahalikan siya kahit nasa public place. Feeling heartthrob ang dating ni Philmar dahil type na type siya ng mga foreigners.


Si Andi Eigenmann mismo ang nagbuking kay Philmar nang sabay silang mag-guest noon sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Ito ang una nilang guesting sa show ni Abunda at wala pa silang isyu sa hiwalayan that time. 


Hindi raw nakakaramdam ng selos noon si Andi kahit nakikitang niyayakap at hinahalikan ang karelasyong si Philmar. Natural na raw kasi na laging pinagkakaguluhan ng mga chicks ang surfer na parang isang celebrity. 


Pero, iba ang friendship nina Philmar at Pernilla Sjöö na may couple tattoo pa, at ‘yun ang hindi nakayanan ni Andi na palampasin. 


Ngayon ay back in each other’s arms na sina Andi at Philmar, na nabigyan ng advice ng lolo’t lola ni Andi na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. 


Ang aabangan ngayon ng mga netizens ay kung mapaninindigan ni Philmar Alipayo ang pagbabago alang-alang kay Andi at sa kanilang mga anak.  



MARAMI ang nakakapansin na malaki ang pagbabago ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl sa aspetong pisikal. Napaka-obvious daw ng kanyang mga ipinagawang enhancements sa kanyang ilong, labi at boobs. 


Halata rin daw na nagpa-botox ito, kaya ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Mas lumitaw ang kanyang ganda at kaseksihan.


Kung tutuusin, hindi big deal ang pagpaparetoke ni Herlene Budol dahil nagbibida na siya ngayon sa mga serye ng GMA-7. 


Una siyang nagbida sa Magandang Dilag (MD) at marami rin siyang TV guestings. 

Ngayon, may bago na naman siyang afternoon soap, ang Binibining Marikit (BM) kung saan dalawa ang kanyang leading men.


Dahil sa bago niyang serye sa Kapuso Network, nagpahinga muna si Herlene Budol sa pagsali sa beauty pageants. Prayoridad niya ngayon ang kanyang career. 

So far, wala pa siyang inaamin tungkol sa kanyang love life. At hindi na rin siya nabu-bully ngayon. Sinikap niyang maging professional sa kanyang trabaho at pinakikisamahan ang lahat ng kanyang co-stars sa BM.


Nagpapasalamat si Herlene sa GMA Network dahil wholesome ang mga projects na ibinibigay sa kanya, hindi siya ibini-build-up na sexy star. 


Madalas ay api-apihan ang kanyang role sa serye, kaya nakiusap si Herlene Budol na wala siyang kissing scenes sa kanyang mga leading man.



NANG mag-guest si Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin na rin niya na may relasyon sila ni Mavy Legaspi. 


Three years ang tanda ni Ashley kay Mavy, pero mature nang mag-isip ang aktor.

Na-meet na raw ni Ashley ang parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pati ang kakambal nitong si Cassy. Mababait daw ang mga ito, kaya palagay ang kanyang loob. 


Well, it seems nakatagpo na nga ng bagong pag-ibig si Mavy pagkatapos ng breakup nila ni Kyline Alcantara.  


Ayon sa ilang netizens, mukhang magkakasundo sina Ashley at Mavy kahit magkaiba sila ng ugali dahil pareho sila ng interes at hindi nagsasapawan sa exposure. Tahimik lang si Mavy, samantalang si Ashley ay outgoing, jolly, at super cool. 


Wish ng mga fans ni Mavy na maging good influence si Ashley sa aktor. 

Isa pa, mukhang hindi rin magkakaproblema si Ashley sa pakikitungo sa pamilya ni

Mavy, kaya mukhang magtatagal ang kanilang relasyon.



PORMAL nang naghalal ng mga bagong opisyal ang organisasyon ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon). 


Nahalal bilang pangulo si Hero Bautista. Si Rhene Imperial ang internal vice-president at si Rey PJ Abellana naman ang external VP.


Si Jimmy Tiu ang itinalagang secretary, at si Lyn Madrigal naman ang treasurer. 

Kabilang sa mga bagong Board Members sina Archie Adamos, Jethro Ramirez, Jerry Roman, at Josie Tagle.  


Maraming nakalinyang projects ang KAPPT sa taong 2025, kaya inaasahan ang kooperasyon ng mga miyembro. 


Malaking challenge ito sa mga bagong opisyal, lalo na sa pangunguna ng pangulo na si Hero Bautista. Ngunit sisikapin nilang muling maging aktibo ang KAPPT.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page