top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 25, 2025



Photo: Diwata Pares Overload Fanpage


Na-miss ng mga dumayo at nanood ng Panagbenga Festival Grand Parade sa Baguio ang mga celebrities na may karosa at nakikisaya sa taunang parada.


Absent sa grand parade sina Sen. Bong Revilla, Jr., Lito Lapid, Coco Martin, Niño Muhlach, atbp.. Ang dumating lang na mga celebrities at nakasama sa Panagbenga Grand Parade ay ang cast ng Home Along ‘Da Riles (HADR) na may sariling karosa at nakasakay sina Claudine Barretto, Nova Villa, Boy2 Quizon, Vandolph, atbp.. 


May sarili ring karosa ang Pares Overload na si Diwata upang ikampanya ang Vendors Partylist. Feel na feel niya na sikat pa siya, kahit marami ang nagsasabing ‘laos’ na siya at sawa na ang mga tao sa kanyang Pares Overload. 


Dumating din sa parada si Lovi Poe na endorser ng isang beauty product.

Samantala, marami ang naghintay sa karosa ng Batang Quiapo (BQ) at nagbabakasakali na darating sila, kasama ang iba pang cast ng BQ sa pangunguna ni Coco Martin. 


Samantala, kahit saang rally makarating ang grupo ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, lutang na lutang at pinapalakpakan sina Sen. Bong Revilla at Sen. Lito Lapid na itinuturing na tagapagtanggol ng mahihirap. At karamihan sa mga botante ngayon ay mga nabibilang sa sektor ng mga mahihirap, kaya patuloy silang naniniwala sa mga senatoriables na may malasakit sa mga ordinaryong mamamayan at sa mga senior citizens.


‘Di pa man nailalantad…

KRIS, MAY NATUKLASAN SA BF NA DOKTOR KAYA HIWALAY NA


Brokenhearted na naman si Kris Aquino. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit pinutol na niya ang relasyon sa nobyong doctor na si Michael Padlan, isang trauma surgeon sa Makati Medical Hospital.


Hindi pa man daw naipapakilala nang lubos ni Kristeta sa publiko ang bago niyang nobyo ay split na sila. 


Si Kris mismo ang nag-post na wala na siyang love life ngayon. Pero, hindi naman niya sinabi kung ano ang dahilan ng breakup. 


Sa pagkakaalam ng marami, dating kasal na si Dr. Mike at may dalawa itong anak sa unang karelasyon. Dalawang kurso ang tinapos ni Dr. Padlan sa FEU, Medtech at Medicine, at nagpakadalubhasa rin ito sa Neurosurgery sa USA.


Maganda ang background ng pamilya ni Dr. Mike Padlan na tubong-Pangasinan. Isa ring doktor ang kanyang ama at maganda ang track record ni Dr. Mike bilang resident doctor ng Makati Med, kaya curious ang lahat na malaman kung anong bagay ang natuklasan at inayawan ni Kris sa kanya.


Sa health condition ngayon ni Kris, kailangan niya ng isang taong lubos na magmamahal sa kanya upang magsilbing inspirasyon at magbibigay sa kanya ng moral support.


Pero, may ilang netizens naman ang nagsasabing mas dapat siguro na magpahinga muna sa pag-ibig si Krissy, at mag-focus na lang sa kanyang pagpapalakas at pagpapagaling sa kanyang karamdaman. 


Marami namang nagmamahal sa kanya na mga kaibigan na handang dumamay sa kanyang pinagdaraanan.



PAREHO palang yapper (madaldal) sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Kung titingnan lang daw si Kobe, tahimik ito at mahiyain. Pero, kapag komportable na sa isang tao, madaldal ito at palabiro. 


At ito ang natuklasan ni Kyline habang nagtatagal ang kanilang relasyon, kaya nagkakasundo at swak na swak sila sa isa’t isa. 


Marami rin ang nakakakita na seryoso talaga si Kobe kay Kyline. Naipakilala na rin ni Kobe si Kyline sa kanilang mga kamag-anak nang magbakasyon sila sa LA, California. 


Ngayon lang daw ginawa ito ni Kobe Paras, kaya marami ang labis na naiinggit kay Kyline dahil siya ang pinili ni Kobe maging nobya.



TIYAK na magugulat at magtataka ang mga fans ni Julie Anne San Jose sa kanyang role na gagampanan sa murder/mystery seryeng Slay na may pagka-offbeat at kontrabida.


Makakasama rito ni Julie Anne sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.


Ipapalabas ang Slay sa Viu ngayong Marso. Tiyak na aabangan ng mga viewers kung ano’ng role ang gagampanan nina Gabbi, Mikee at Ysabel sa SLAY


Magsisilbing hamon ito sa kakayahan nila dahil kakaibang character ang kanilang gagampanan.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 24, 2025



Photo: Sam Milby - IG


Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan sa marami kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ni Sam Milby at ng kanyang GF na beauty queen.


Walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita kung bakit umabot sa breakup ang lahat, ganoong nakatakda na ang kanilang kasal.


Ayon na rin kay Sam Milby, walang third party involved. Nauna na niyang itinanggi na nagkaroon siya ng kaugnayan kay Moira.


Pero, may ilang nakakaintrigang isyu na pinagpipiyestahan ngayon ng mga Marites. May nagsasabi na umiral ang pagiging chickboy ni Sam, kaya umatras magpakasal. 


Gayunpaman, hindi maitatago nang matagal ang anumang sikreto dahil lalabas din ang totoo.


Isang certified na chickboy si Sam. Katunayan nga, sobrang dinamdam ni Anne Curtis ang breakup nila noon dahil four years ding tumagal ang kanilang relasyon. Si Sam Milby daw ang nagdesisyong makipaghiwalay.


Ka-level ng mga pulitiko…

BULLETPROOF CAR NI COCO, P34M, KAY VICE, P17M NAMAN



DAHIL umiinit na ang kampanyahan ngayon ng mga kandidato para sa midterm elections sa Mayo, ang sipag-sipag na nilang umikot sa iba’t ibang key cities upang humingi ng boto. 


At dahil sila ay mga high-profile personalities, bukod sa mga bodyguards, may mga gamit din silang bulletproof na sasakyan upang makatiyak ng kanilang kaligtasan. 


Nangunguna sa mga celebrity politicians na may bulletproof na sasakyan sina Manny Pacquiao, Raffy Tulfo, Willie Revillame at Chavit Singson (na nag-back-out na sa pagtakbong senador). 


Bukod sa mga nabanggit na pulitiko, ang pinakamayamang artista ng ABS-CBN na sina Coco Martin at Vice Ganda ay nagmamay-ari rin ng mamahaling bulletproof na sasakyan. 


Ang armored car na INKAS Armored ni Coco Martin ay nagkakahalaga ng P34 M, samantalang ang TESLA Cybertruck ni Vice Ganda ay P17M ang halaga.


Well, bukod sa ibinibigay na proteksiyon ng mga sasakyang bulletproof sa mga celebrities, isa rin itong status symbol ng mga artista.


At patunay din na sina Coco Martin at Vice Ganda ang super-rich na artists ng Kapamilya Network.



MAKAKABUTI para kay Mavy Legaspi ang pagkakapili sa kanya upang madagdag sa mga hosts ng PBB Collab Celebrity Edition. Matututo siyang makipag-blend sa iba pang hosts at lalawak ang kanyang karanasan.


For sure, paghahandaan ito ni Mavy kung ito na ang fit sa kanyang linya para magkaroon ng stable na showbiz career.


Bago maabot ni Mavy ang tagumpay, kailangang patunayan na isa siyang seryosong aktor. At malaki ang maitutulong ng kanyang parents na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi upang alalayan siyang maabot ang kanyang goal bilang isang host-celebrity.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 23, 2025



Photo: Leila De Lima at Nadine - Instagram, ML Partylist


May ilang netizens ang namba-bash ngayon kay Nadine Lustre dahil sa lantaran niyang pagsuporta kay dating Senador Leila de Lima na kumakatawan ngayon sa Mamamayang Liberal Partylist (ML). 


Kaya lang daw tumutulong si Nadine sa nasabing partylist ay dahil sa malaking ibinigay na bayad sa kanya ng ML. Hindi raw totoong kusa at walang bayad niyang tinutulungan at sinusuportahan ang dating senador.


Well, wala namang balak si Nadine Lustre na ipagtanggol ang kanyang sarili sa maling akusasyon ng mga bashers.



Lahat gagawin, dedma sa bashers…

IPE, TODO-SAYAW SA KAMPANYA MANALO LANG NA SENADOR


Ratsada na ngayon ang mga kandidato sa kanilang pangangampanya sa iba’t ibang posisyon. Umiikot sila sa mga lalawigan at nanunuyo upang makakuha ng boto.


Sa mga campaign rallies ay agaw-pansin ang ilang celebrities na kumakandidato tulad nina Sen. Bong Revilla Jr., Lito Lapid, Willie Revillame, Phillip Salvador, Bayani Agbayani, atbp..


May kani-kanya silang diskarte sa pangangampanya. Pero, ang kadalasang natatandaan ng mga tao ay mga kandidatong sikat na artista.


Marami ang naaaliw sa mga kandidatong ito dahil kumakanta, sumasayaw at nagko-comedy kapag nasa mga campaign rallies, tulad nina Sen. Bong, Sen. Lapid at Phillip.


Si Ipe (palayaw ni Phillip), marami ang hindi makapaniwala na kaya pala niyang sumayaw kapag nasa stage. Talagang sineryoso niya ang pagpasok sa political arena. At kahit na may ilang personal na isyu na ibinabato sa kanya, natutunan ni Phillip na tanggapin ang mga kritisismo sa kanya ng lahat. 


Kahit na ano pang paninira ang ipukol sa kanya ng mga bashers, hindi niya hahayaan na sirain ang kanyang imahe sa publiko.


Taas-noo niyang sasabihin na wala siyang taong inapi, inagrabyado at niloko.



NA-ENJOY nang husto ni Barbie Forteza ang kanyang pagbabakasyon sa South Korea na nag-iisa. Kinunan niya ng pictures ang bawat magagandang tanawin na kanyang pinupuntahan.


Feel na feel ni Barbie ang kakaibang excitement at kaligayahan sa kanyang pagbabakasyon bilang bahagi ng kanyang ‘solo’ era. Hindi siya nakakaramdam ng kalungkutan.


Bagong adventure at experience ito para kay Barbie. Nagkaroon siya ng oras na makapag-isip-isip sa mga kaganapan sa kanyang buhay.


Suportado naman ng pamilya at mga tagahanga ni Barbie ang kanyang solo journey kapag bumibiyahe abroad. Isa rin itong paraan upang makapag-recharge ang aktres bago sumabak sa bago niyang project sa GMA-7. Magiging abala na naman siya sa kanyang pag-iikot sa mga regional shows ng kanyang TV network. 


It seems hindi naman gaanong ramdam ni Barbie Forteza ang breakup nila ni Jak Roberto. Nagsilbing therapy ng aktres ang pagiging busy sa kanyang career.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page