top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 9, 2025



Photo: BB Gandanghari - Toni Talks


Nang maging maayos na ang relasyon ni BB Gandanghari kina Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez, saka lang inamin ni BB na noong una ay hindi niya tanggap si Mariel para kay Robin. 


Medyo naiintriga pa raw si BB nang dalhin ni Robin si Mariel sa bahay ng kanilang Ate Roda upang ipakilala sa kanilang magkakapatid. Dito nila napatunayan na seryoso na ang relasyon nina Robin at Mariel. 


May mga naunang karelasyon noon si Robin Padilla, pero hindi niya pormal na ipinakilala sa kanyang mga kapatid.


Sey pa ni BB Gandanghari, labis siyang nagtataka at nagtanong kung ano ang meron kay Mariel upang pakasalan ni Robin? 


Isa pa sa mga inamin ni BB Gandanghari ay hindi siya naging close kay Mariel noong nakikitira siya sa bahay nina Robin. Pero, eventually, naramdaman naman niya ang kabutihang loob ni Mariel at tinanggap kung ano ang kanyang pagkatao. 


At all-out din ang support na ibinigay ni Mariel noong nag-concert si BB Gandanghari, nagsama pa si Mariel ng mga kaibigan upang panoorin ang concert niya. 


Ngayon, para kay BB, si Mariel Rodriguez ang pinaka-the best na sister-in-law.



NAKAKAAWA, pero marami ang bumilib sa tibay ng loob ni Rufa Mae Quinto sa kanyang pagharap sa mga pagsubok na pinagdaanan. 


Naakusahan na siya at nademanda dahil sa nagiging problema sa ine-endorse niyang Derm Clinic, nakadagdag pa sa bigat na kanyang dinadala ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang mister na si Trevor Magallanes. 


Sa ilang interviews kay Rufa Mae, halatang pinipilit lang niyang maging masaya at mahinahon. Ayaw niyang ipakita sa publiko na mahina siya at gusto nang sumuko.


Minsan, idinadaan na lang niya sa pagko-comedy at adlib ang sakit na kanyang nararamdaman. At kitang-kita sa kanyang mga mata ang lungkot na pilit niyang itinatago.


Dati-rati, during her younger days at wala pa siyang asawa at anak ay napaka-jolly ni RMQ. Marami siya noong projects, maraming manliligaw, sikat at kumikita nang malaki. Bihira siyang makitang malungkot at panay ang biyahe at shopping niya abroad.

Todo-todo kung siya ay mag-enjoy sa buhay at hindi niya inakala at inisip na magiging bigo siya sa larangan ng pag-ibig. 


Ganunpaman, survivor sa buhay si RMQ. Hindi siya ang tipong basta na lang susuko at magpapatalo sa buhay. Ang kanyang anak ang nagsisilbing lakas at inspirasyon upang patuloy na maging positibo ang kanyang pananaw.



SA isang interbyu kay Bianca Umali, natanong siya kung meron bang girl best friend ang nobyo niyang si Ruru Madrid? At kung meron man, ano ang reaction niya tungkol dito? 


Inamin naman ni Bianca na merong girl best friend si Ruru at ito ay ipinagtapat sa kanya ng aktor. Ito ay ang Kapuso actress at host ng programang Lutong Bahay (LB) na si Mikee Quintos. Hindi naman daw niya pinagselosan ang aktres. 


Besides, siya man ay meron ding male best friend, at alam din ito ni Ruru. Iba naman ang sitwasyon ng aktor at ni Mikee. Alam ng aktres kung saan siya lulugar. Hindi sila matutulad sa nangyari kay Philmar Alipayo at sa girl best friend nitong si Pernilla Sjöö. 


Kaya hindi makakaramdam ng selos at hindi mai-insecure si Bianca Umali kay Mikee Quintos. At malaki ang tiwala ni Bianca sa BF niyang si Ruru Madrid at alam niya na hindi ito gagawa ng mga bagay na makakasira sa kanilang relasyon.

 
 

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 9, 2025



Photo: KaladKaren - IG


Todo-flex ang news reporter-content creator na si KaladKaren o Jervi Wrightson ng mga sweet photos nila ng kanyang British husband na si Luke Wrightson habang nasa Los Angeles, California, USA.


Sa kanyang Instagram (IG) page, ibinahagi ni KaladKaren na masaya silang magkasama ni Luke, na may caption na: “Look who followed me in Los Angeles.”


Ipinakita rin ni KaladKaren ang kanyang wedding ring bilang patunay na sila pa rin.

Nag-viral kasi kamakailan si KaladKaren nang kumalat ang balitang hiwalay na sila ng kanyang mister, matapos ang isang TikTok video kung saan ini-lipsync niya ang kantang We Can’t Be Friends ni Ariana Grande, at ang umano’y pagkawala ng kanilang wedding photos sa kanyang IG feed. 


Gayunpaman, agad na nilinaw ni KaladKaren ang mga isyu, “Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson. Lilinawin ko lang po 'yung issue tungkol sa amin ni Luke. Our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, s'yempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.


“For 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa,” dagdag pa niya.


Tungkol naman sa TikTok (TT) video, sey ni KaladKaren, “‘Yung TikTok ko po na song ni Ariana Grande na ‘We Can’t Be Friends,’ feel ko lang s'ya i-TikTok noong araw na ‘yon.” 


Ipinaliwanag din niyang ang pagkakatanggal ng wedding pictures sa IG ay dahil inaayos ito ng kanyang management para sa kanyang feed, at ibabalik din ang mga ito.


Nagbigay ddin siya ng paalala sa publiko na maging maingat sa mga fake news.

“Napagtagpi-tagpi lang ng netizens 'yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice 'yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue.


“Let’s be responsible with the content we receive and consume,” dagdag ni KaladKaren.


Well, tama nga naman, na kailangan nating maging maingat sa interpretation ng mga napapanood natin sa socmed (social media) at huwag agad maniniwala sa mga balitang wala namang kumpirmasyon mula sa source o sa taong pinag-uusapan tulad ni Kaladkaren.


Text, ibinulgar sa socmed…

JAM, NAGMAMAKAAWA KAY JELLIE BALIKAN LANG


IBINULGAR ng DJ at social media influencer na si Jellie Aw ang screenshot ng mga mensahe mula sa kanyang ex-fiancé na si Jam Ignacio na nambugbog sa kanya kamakailan. 


Base sa screenshots, makikitang nagmamakaawa si Jam na balikan siya ni Jellie at pinipilit niya raw na maging maayos ang relasyon nila. 


Mensahe ni Jam, “Kahit kailan hindi kita kayang lokohin. Nagmamakaawa ako sa ‘yo.


“Nangangarap ako para sa atin... Bakit mo ako ginaganito? Bakit? Sige lang, Jellie... Sige lang. 


“Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.”


Sagot ni Jellie mula sa caption ng IG Story, “Ano gagawin ko? (smirking & doubting emoji).”


Well, balikan pa kaya ni Jellie Aw si Jam Ignacio matapos ang pambubugbog sa kanya nito? Abangan!


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 8, 2025



Photo: Atong at Sunshine - Circulated, FB


Super-guwapo, sikat na sikat, macho at kinababaliwan ng maraming babae — ito ang lalaking kinakikiligan ni Sunshine Cruz at type na niya kahit noong dalaga pa siya. 


Taob ang porma ni Atong Ang sa ‘bagong guy’ ni Sunshine. Pero, wala namang dapat na ikabahala si Atong sa kanyang karibal sa aktres. Hanggang crush lang naman hahantong si Sunshine dahil mahirap abutin ang lalaking kanyang kinakikiligan. 

At ito ay walang iba kundi ang Hollywood actor na si George Clooney!


Minsan nang inamin ni Sunshine na super crush niya ang Hollywood actor, pero mananatili na lamang na pantasya niya ito. Mas abot-kamay pa rin niya ang businessman na si Atong Ang.



MAY plano kaya si Max Collins na sumunod sa yapak nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach, kaya sunud-sunod ang rampa niya ngayon abroad? 


Una siyang rumampa sa New York Fashion Week. Sumunod ay nasa Milan Fashion Week din si Max suot ang mga outfit brands na Fendi at Jimmy Choo. Ang next na aabangan kay Max Collins ay ang pagrampa niya sa Paris Fashion Week. 


Madalas na ipino-post ngayon ni Max sa kanyang IG account ang kanyang lifestyle goals. At kapag bakante ang kanyang schedule ay nanonood siya ng mga Broadway shows sa New York. 


Well, nakikita rin si Max na kahalubilo ang mga richie rich sa New York City. Balitang-balita rin na may rich siyang suitor na madalas magpadala sa kanya ng bouquet of flowers at ipinost ito ni Max sa kanyang Instagram (IG). It seems nakatagpo na ng bagong pag-ibig ang ex-wife ng Kapuso actor na si Pancho Magno.



SA araw na ito ay eere na ang programang Where In Manila hosted by Kapuso actress Rhian Ramos at mapapanood sa GMA Network, 11:30 PM. 


Ang Where In Manila (WIM) ang bale pumalit sa time slot ng Dear SV ni Sam Verzosa. Ito’y isang lifestyle at travel show na produced by TV8 Media. 


Aabangan ng lahat kung saan-saan mag-iikot si Rhian Ramos at ano’ng lugar ang una niyang itatampok sa kanyang show. Sanay na mag-host ng show si Rhian dahil naging co-host siya dati ni Willie Revillame sa programang Wil To Win (WTW) sa TV5. 


Well, likas na malapit sa tao si Rhian at malakas ang karisma. Madalas niyang sinasamahan ang nobyong si Sam Verzosa sa pag-iikot at pangangampanya sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Kumakandidato kasi bilang mayor ng Maynila si SV. 


Ayon kay SV, malaki ang naitulong sa kanya ni Rhian dahil pinapayuhan siya kapag may major decision siyang gagawin sa kanyang political career. Asset ni SV si Rhian Ramos dahil malapit nga sa tao ang aktres. Jologs kasi ito at napaka-down-to-earth. Marami nga ang hindi makapaniwala na kumakain din pala si Rhian ng street food tulad ng isaw, fish ball, betamax, atbp..



MAY balak na nga bang magpakasal sina Jake Vargas at ang nobyang si Inah de Belen? Ito ang tanong ng mga netizens matapos lumabas sa social media ang larawan nina Jake at Inah na parehong nakasuot ng puting damit at may caption na “prenuptial photos”.


So far, wala pa namang reaksiyon ang parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada. At maging ang cast ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kwento (PM:TAK) ay hindi pa aware sa planong pagpapakasal ni Jake.


Si Jake Vargas na gumaganap na Chito sa PM ay panganay na anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) sa sitcom. 


May mababago kaya sa takbo ng kuwento ng PM kapag nagpakasal na sina Jake Vargas at Inah de Belen? 


Well, at this point ng buhay ni Jake Vargas, nasa tamang edad na siya upang bumuo ng sariling pamilya. Ganoon din naman ang nobya niyang si Inah. Besides, ilang taon na rin silang nagli-live-in at kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa. 


At kahit papaano, may savings na sila upang maging puhunan sa kanilang pagsisimula.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page