top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 12, 2025



Photo: Yassi Pressman - IG


Marami ang halos hindi na makilala si Yassi Pressman nang lumabas ang larawan niya sa social media. 


Wala na ang bakas ng dating ganda ni Yassi sa kanyang hitsura ngayon sa dami ng ipina-enhance niya sa kanyang face. Naging kamukha na raw siya ng rockstar at lead vocalist ng Aerosmith na si Steven Tyler, kaya marami ang labis na nanghihinayang kung bakit nag-undergo pa si Yassi Pressman sa cosmetic enhancement gayung maganda na siya. 


Wala namang latest na update sa estado ng love life ngayon ni Yassi. Sila pa ba ng karelasyon niyang pulitiko sa Bicol region na si Luigi Villafuerte?


May balak pa ba siyang bumalik sa showbiz? 


Sayang na sayang si Yassi Pressman na maganda na sana ang takbo ng career, pero mas naging prayoridad ang kanyang love life.


Inilantad na… GENEVA, NATIONAL ATHLETE ANG BAGONG DYOWA


FIVE years nang single si Geneva Cruz, at ngayon ay muling umibig sa isang atleta, ang national athlete na si Dean Roxas na miyembro ng jujitsu team. 


Masaya ang Pasko at New Year ni Geneva last year dahil kapiling niya si Dean. 


Sa edad na 48 ay dalawa ang naging anak ni Geneva, at akala niya ay forever na siyang magiging single. Hanggang sa na-meet niya nga si Dean Roxas na muling nagpatibok sa kanyang puso. 


Binata na ngayon ang panganay niyang anak na si Heaven at nasa USA na ito at may trabaho na. 


Teen-ager na rin ang anak niyang si London, kaya nahaharap na ni Geneva ang kanyang showbiz career. 


Sa taong ito ay magse-celebrate si Geneva ng kanyang 30th anniversary sa showbiz. Isang special concert ang kanyang inihahanda, ang GENREVOLUTION


Blooming si Geneva Cruz ngayon dahil masaya sa bago niyang BF na isang national athlete. Tanggap din ni Dean ang dalawang anak ni Geneva. 


Wish ng mga fans ng singer-actress na muling magkasama-sama ang mga miyembro ng Smokey Mountain sa GENREVOLUTION concert.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 11, 2025



Photo: Miguel Tanfelix at Ysabel - IG


Sa guesting ni Miguel Tanfelix at ng kanyang Mommy Grace sa Toni Talks (TT), ibinuking ng huli na ang first heartbreak ni Miguel ay si Barbie Forteza noong 14 years old pa lang siya. At talaga raw heartbroken at umiyak si Miguel nang sabihin kay Mommy Grace na break na sila ni Barbie.


After Barbie ay umibig muli si Miguel sa ilang Kapuso stars tulad nina Kyline Alcantara at Bianca Umali. 


Mabilis namang naka-move on si Miguel sa bawat kabiguan sa pag-ibig. Sa career siya nag-focus ng kanyang panahon. 


Binibiro naman siya ng ilang kaibigan na “chickboy” o mahilig sa babae sa dami ng niligawan at naging GF.


Ngayon ay si Ysabel Ortega ang GF ni Miguel at naipakilala na niya ito sa kanyang mom. 

Super proud si Mommy Grace sa anak niyang si Miguel, lumaki itong mabait at marespeto sa mga elders, hindi rin ito mahilig bumarkada. 


Bata pa si Miguel, hilig na talaga ang umarte, kaya sumali noon sa StarStruck Kids ng GMA-7. Nahasa nang husto sa pag-arte si Miguel dahil nagsimula siya bilang isang child star. Halos sa GMA-7 na lumaki si Miguel Tanfelix at marami na siyang nilabasang serye.


Well, lead star ngayon si Miguel sa seryeng Mga Batang Riles (MBR). Mature na siya at palaban ang kanyang role. Kapag may mahihirap na stunts o fight scenes siyang gagawin sa serye ay binibigyan siya ng tips ni Ronnie Ricketts.



IPINAKILALA na ang mga housemates na kasama sa PBB Celebrity Collab Edition. Pero, maraming viewers ang dismayado dahil bakit daw karamihan sa mga pumasok na housemates ay hindi naman masasabing sikat na at isang celebrity. At paano at ano’ng basehan sa pagkakapili sa mga housemates?


Ang inaasahan ng mga viewers ay mga celebrities talaga ang makakapasok sa PBB Celebrity Collab. Ang partisipasyon ni Ivana Alawi ay panandalian lamang dahil guest celebrity lang siya sa reality show. Gayunpaman, okey sa mga viewers ang big surprise na partisipasyon ni Ivana Alawi sa PBB Celebrity Collab Edition kaso ang inaabangang mga personalidad sa show ay ‘yung may impact at gumawa ng ingay sa social media tulad nina Herlene Budol, Diwata atbp.. 


Well, bongga si Ashley Ortega dahil maganda ang magiging exposure niya sa PBB, ganoon din si Michael Sager. 


Sinu-sino pa kaya ang Kapamilya stars na magge-guest sa PBB Celebrity Collab Edition pagkatapos ni Ivana Alawi? Posible kayang si Andrea Brillantes o si Maris Racal?



BONGGANG-BONGGA ang grand launching ng bagong girl group na Bodies: Next Gen na ginanap sa Great Eastern Hotel sa Quezon City last March 8. 

Labingtatlong (13) kababaihan edad 18 pataas ang masuwerteng napili sa hanay ng mga applicants sa Search for Bodies: Next Gen audition. Nag-undergo sila ng training at hinasa sa pagsasayaw, pagkanta at sa pag-arte. 

Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa personality development. Ginastusan sila nang husto ng executive producer ng Premiere Water Plus Productions na si Maryneth Gamboa. 

At ngayon, may mga naka-book na silang shows abroad.

Ang Bodies: Next Gen ay nagtataglay ng sariling karisma, ganda, talento at determinadong sumikat at magkaroon ng impact sa showbiz. Sila ang bagong girl group na handang pantayan ang kasikatan ng VIVA Hotbabes at Baywalk Beauties.

Makikilala ang Bodies: Next Gen bilang mga “BODI” at tatawagin sa pangalan nilang BODI Wen, BODI Chanel, BODI Amara, BODI Iris, BODI KZ, BODI Mycky, BODI Selena, BODI Jade, BODI Darra, BODI Kesha, BODI Sherie, BODI Dior at Bodi Tia.

One of these days, mapapanood na ang Bodies: Next Gen sa kanilang guestings sa iba’t ibang TV shows.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 10, 2025



Photo: Herlene Nicole Budol - Instagram


Aware si Herlene Budol, a.k.a. “Hipon Girl” na ang impression sa kanya ng marami ay bobo at mahina ang kanyang IQ (intelligence quotient). 


Alam niya na nilalait siya at pinagtatawanan kapag siya ay nakatalikod, kaya kung minsan ay tumatahimik siya at dumidistansiya kapag nakakaramdam ng pangmamaliit sa kanyang pagkatao. 


At sa halip na ma-offend at mag-self-pity, gumagawa si Herlene ng paraan upang kahit papaano ay may matutunan siya sa kanyang mga kasamahang artista. 


Hindi niya iniisip na kasingtaas ng kaalaman ng iba ang laman ng utak niya at hindi niya sinisisi ang mga taong tinatawag siyang bobo dahil willing naman siyang matuto. Nagtatanong siya kapag may mga bagay na hindi niya alam.


Very supportive naman kay Herlene Budol ang karamihan sa mga artistang kasama niya sa Binibining Marikit (BM). Nakisama siyang mabuti at nag-effort na maging professional sa trabaho. At hindi niya naramdaman ang panghuhusga sa kanyang pagkatao.


Pantakip sa balikan issue nila ni Daniel…

MAYOR NA BF DAW NI KATHRYN, PROPS LANG



Marami ang hindi makapaniwala sa biglang paglutang ni Lucena Mayor Mark Alcala na diumano ay BF ngayon ni Kathryn Bernardo. 


Parang ang bilis, bigla naman daw nagkaroon ng karelasyon si Kath, ganoong binubuo pa nga ng ilang fans ang KathDen (Alden Richards at Kathryn Bernardo) tandem.


Parang ang cheap ng ganitong publicity para lang masabing may love life si Kathryn. 


May ilang netizens naman ang nagsasabi na baka isang tactic ang pagsulpot ni Mayor Mark Alcala upang mailayo sa isyu na may balikan kina Kathryn at Daniel Padilla. 


Well, mukhang bantay-sarado ng mga fans ni Kathryn ang lahat ng mga may balak manligaw. Kailangan na pasado sila sa mga fans at supporters ni Kathryn Bernardo.




LINGID sa kaalaman ng publiko, at maging sa kanyang mga fans, dumaranas din pala si Vice Ganda ng matinding depresyon, at bigla na lang daw niya itong nararamdaman. 


Sa kabila ng kanyang pagiging billionaire at pagkakaroon ng mga mamahaling gamit at luxury cars, nalulungkot din pala si Meme Vice. At ‘yun ang pilit niyang nilalabanan at itinatago. 


Hindi siya puwedeng tumigil at magpahinga sa kanyang trabaho sa It’s Showtime (IS). Hindi lang kasi siya host ng IS, bahagi rin siya ng creative team na nag-iisip ng magagandang segments para sa kanilang noontime show. 


Si Vice Ganda ang tumatayong main man o poste ng noontime show, kaya mahirap at malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang balikat. 


Well, bawal siyang magkasakit, hindi rin siya puwedeng magbakasyon. Nakatali sa IS si Vice Ganda, at ito marahil ang dahilan ng nararamdaman niyang depresyon. 


Kaya, pinapayuhan siya ng mga psychics na maging maingat sa kanyang mental health.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page