top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 18, 2025



Photo: David Licauco - IG


Nakaka-limang girlfriends na pala ang Kapuso actor na si David Licauco at puro non-showbiz ang mga ito. Ito ang inamin mismo ni David kay Nelson Canlas na reporter ng GMA-7.


At the age of 30, isa nang self-made man si David at matagumpay na negosyante. Maaga niyang natutunan ang pagnenegosyo dahil ito ang linya ng kanilang pamilya. 


Sa food and beverage luminya si David, may ilang resto at coffee shops siyang itinayo. At kapag walang showbiz commitments, personal niyang sinu-supervise ang kanyang mga negosyo. 


It seems wala sa immediate plan ni David ang pag-aasawa kahit nasa marrying age na siya ngayon. Malakas ang tandem nila ni Barbie Forteza at in demand ang BarDa (Barbie at David) sa mga endorsements. Nagkakatulungan sila sa kanilang career. 


Aminado si David na malaki ang naitulong ni Barbie upang maging professional siya sa kanyang trabaho. At masaya siya sa kanilang friendly relation ni Barbie Forteza.


Mas pinili ang mga anak kaya sobrang hurt…

KRIS, INALOK NA NG KASAL, BIGLA PANG INIWAN NI BISTEK


MALALIM pala ang sakit na naramdaman ni Kris Aquino nang mawasak ang relasyon nila ng dating QC mayor na si Herbert Bautista (HB). 


Base sa naging pahayag noon ni Kris, noong hindi pa siya nagkakasakit, nag-propose na sa kanya si Bistek at binilhan na siya ng engagement ring nang magbiyahe sila sa Holy Land. Umasa si Krissy na sa kasalan na mauuwi ang love story nila ni HB. Tanggap na rin si Bistek ng mga anak niyang sina Josh at Bimby. 


Pero nagkaroon ng problema dahil tumutol ang mga anak ni HB sa relasyon nila ni Kris. Mas pinili ni Herbert ang kanyang mga anak kesa kay Kristeta, kaya labis na nasaktan si Kris sa ginawang pagtalikod sa kanya ni Bistek. 


Kaya naman, isang kanta ang laging nagpapaalala sa kanya sa naudlot nilang pagmamahalan. Naaalala ni Krissy si HB sa tuwing naririnig niya ang awiting Separate Lives na kanta nina Marilyn Martin and Phil Collins. 


Sobra siyang nakaka-relate sa mga lyrics ng kanta at kahit hindi diretsahang inamin ni Kris na si Bistek ‘yun, bigay na bigay naman ang kanyang clue at sinabing “May flag ceremony siya ngayon.”


Mister, kahit ‘di pa rin tanggap ng madir…

SARAH, NA-HURT NA ‘DI IPINAGLABAN NINA JOHN LLOYD AT GERALD KAY MOMMY DIVINE, JACKPOT KAY MATTEO


HINDI pinagsisihan ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang kanyang piniling pakasalan at ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan. 


Bagama’t hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Mommy Divine ang ginawang pagpapakasal ni Sarah, sa kabila ng kanyang pagtutol, ibinibigay pa rin ni Sarah ang kaukulang respeto sa kanyang ina. 


Maraming nagkagusto at nanligaw noon kay Sarah bago niya naging nobyo si Matteo. Nabanggit sa kanilang mga interviews ang pangalan nina Mark Bautista, Rayver Cruz, John Lloyd Cruz at Gerald Anderson. Maging sina Coco Martin at Sam Milby ay na-link din noon kay Sarah. 


Aminado si Sarah na nasaktan siya nang hindi siya nagawang ipaglaban noon nina Gerald at John Lloyd. Naunahan sila ng takot noon kay Mommy Divine. 


At ayon din sa mga loyal fans ni Sarah, taong 2012 nang huli siyang nasaktan sa breakup nila ni Gerald. 


Pero nang dumating sa buhay niya si Matteo, hindi ito sumuko. Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ni Mommy Divine kay Sarah, pinatunayan ni Matteo na tunay ang kanyang pagmamahal sa Pop Princess.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 17, 2025



Photo: Mavy at Ashley sa PBB / Circulated


Tiyak na makakahinga na nang maluwag ngayon si Carmina Villarroel dahil nakalabas na sa Bahay ni Kuya ang anak niyang si Mavy. 


Naging emosyonal naman ang batang host-aktor dahil naging mga kaibigan na niya ang mga housemates. Labis na ikinalungkot ni Mavy na mahihiwalay sa nobyang si Ashley Ortega at ilang araw lang silang nagkasama sa Pinoy Big Brother (PBB) house. 


Samantala, maraming viewers naman ang na-turn-off sa ginawang paghalik ni Mavy Legaspi sa kilikili ni Ashley na napanood ng marami on national television. 


Sobra raw in love si Mavy sa nobya, kaya nagawa nitong halikan ang kilikili ni Ashley. 

Well, wala namang magagawa ang mga viewers na nagre-react sa kilikili issue na ginawa ni Mavy Legaspi. Hindi ‘yun big deal na big deal sa anak ni Carmina. 


Sa ibang ganap naman sa Bahay ni Kuya, dahil sa pagiging pasaway ni Ivana Alawi na naligo sa labas ng PBB house ay may violation siyang nilabag kaya tiyak na siya na ang kasunod ni Mavy na mae-evict sa Bahay ni Kuya.


Bahay daw muna… DERRICK, AMINADONG ‘DI PA KAYANG PAKASALAN SI ELLE


BALAK na pala ni Derrick Monasterio na pakasalan na ang nobyang si Elle Villanueva. 


Mahigit dalawang taon na silang magkasintahan at maayos ang kanilang relasyon. Magkasundo sila sa maraming bagay at supportive sa kani-kanilang career at marami silang plano sa kanilang future. 


Kasama sa plano nila ang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Pero 27 yrs. old pa lang ngayon si Derrick at ideal age para magpakasal at magkaroon ng pamilya ay pagtungtong niya ng 30 yrs. old. 


Aminado si Derrick na hindi pa siya handang magpakasal at maging “padre de familia”. Gusto muna niyang magpundar at magpatayo ng sarili niyang bahay bago niya yayaing magpakasal si Elle.


Gusto niyang may maipagmamalaki siya sa ina nito, kaya ngayon ay nagsisipag nang husto si Derrick upang makapag-ipon at magkaroon ng matatag na showbiz career.


Kaya naman sa bago niyang project sa GMA/Viu Channel, ang SLAY na isang serye na murder-mystery, ay kakaibang karakter ang kanyang gagampanan. Kasama ni Derrick sa SLAY sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Mikee Quintos at Ysabel Ortega. 



NOONG kasikatan ni Sen. Lito Lapid bilang action star, maraming female stars ang na-link sa kanya tulad nina Azenith Briones at Melanie Marquez. Halos nakarelasyon na niya ang lahat ng sikat na aktres sa showbiz, kaya nagmarka siya bilang “ladies’ man”.

Napakalakas ng karisma niya sa kababaihan. Dati lang siyang stuntman sa pelikula pero sumugal sa kanya ang movie producer na si Jesse Chua dahil kinakitaan ng malaking potensiyal upang sumikat. 


Pinagbida agad ni Jesse si Lito Lapid sa mga pelikula ng Mirick Films. At ang naging barometro ng kasikatan ni Lito ay nang magkasama sila sa isang pelikula ni Da King, Fernando Poe Jr. na produced ni Jesse Chua. 


Halos pantay ang billing nila ni FPJ, patunay lamang na narating na ni Lito Lapid ang level ng mga sikat na action stars kaya madali siyang nakatagos sa political arena. 


Minahal siya ng kanyang mga kababayan sa Pampanga. Nahalal siyang vice-gov. at governor ng lalawigan. Taong 2004 ay nahalal naman siyang senador  at tumagal ang termino hanggang 2016. 


At kahit hindi siya gumagawa ng pelikula, regular na napapanood sa telebisyon kasama ni Coco Martin. Una silang nagsama ng aktor-direktor sa Ang Probinsyano (AP) at hanggang sa Batang Quiapo (BQ). 


Well, hindi naging madali para kay Sen. Lito Lapid ang kanyang journey bilang senador. Noong una niyang term ay nilalait at pinagtatawanan siya ng ilang beteranong senador, pero ngayon ay gamay na gamay na ni Sen. Lapid ang kanyang mga tungkulin sa Senado. Marami na siyang batas na naipanukala. 


Malapit sa mga kababaihan si Sen. Lapid, lalo na sa mga seniors. Kaya naman ngayong Marso na Women’s Month, suportado niya ang lahat ng mga advocacy ng mga kababaihan.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 16, 2025



Photo: Gretchen Barretto - FB


Marami ang siguradong magugulat at maninibago ngayon sa mga kaganapan sa buhay ni Gretchen Barretto. Kung dati-rati ay bongga at may mga pasabog siya sa social media, ngayon ay ibang Gretchen na ang makikita ng lahat. 


Nang magdiwang si La Greta ng kanyang 56th birthday, naging intimate lang ang selebrasyon sa piling ng malalapit na kaibigan. Hindi nagpa-party nang super-bongga si Gretchen na tulad ng dati niyang ginagawa. 


At base sa mga larawan na ipinost niya sa social media, kitang-kita na napakasaya niya at maaliwalas ang aura ni La Greta habang kasama ang kanyang mga loyal friends. 


Dahil nasa larawan si Shaina Magdayao na dumalo sa party, may nagtaka dahil kaibigan din pala ni Gretchen ang younger sister ni Vina Morales.


Kasabay ng kanyang 56th birthday celebration, may mababago na sa kanyang buhay ngayon. Mas gusto na niya ng simple at tahimik na kapaligiran, wala nang mga pasabog na kaganapan na tulad ng dati. Ayaw na niyang maging sentro ng mga intriga sa showbiz. 


Teka, hindi na rin kaya siya nagre-react sa mga balita kina Sunshine Cruz at Atong Ang?



Bago yumao ang 98-year-old na tatay ni Angel Locsin, umugong na ang bali-balita na magbabalik-showbiz na siya at may malaking serye na gagawin sa ABS-CBN, kaya marami sa kanyang mga fans ang natuwa at nag-abang. 


Na-miss nila nang husto si Angel dahil matagal itong hindi nagpakita sa publiko at nag-semi-retire na sa showbiz.


Tanging ang BFF niyang si Dimples Romana lang ang may direct communication kay Angel at nang namatay ang tatay ni Angel na si Angelo Colmenares, inakala ng lahat na magbibigay ng statement ang aktres tungkol sa balita ng kanyang pagbabalik-showbiz.


Pero, nanatiling tahimik si Angel Locsin at walang kumpirmadong naganap.

Gayunpaman, may ilang mga netizens na nakakita nang malapitan kay Angel sa burol ng ama sa Heritage Park at sila na mismo ang nagsasabing matatagalan pa bago tuluyang makabalik sa showbiz ang aktres. 


Physically ay hindi pa ready si Angel, kailangan pa niyang magbawas ng timbang. 

Well, sa panahon ngayon ay wala nang imposible kung gugustuhin lang ni Angel Locsin.


Ginawa ngang example si Megastar Sharon Cuneta na ang laki ng ipinayat ngayon sa tulong ni Dra. Aivee Teo. Slim na slim na ngayon si Shawie at bumata pang tingnan.


At maging si Claudine Barretto, 80 pounds ang nabawas sa kanyang timbang sa loob lang ng apat na buwan.

Kakayanin kaya ni Angel Locsin ang magpapayat tulad nina Sharon at Claudine?



DAHIL sa sipag at dedikasyon sa kanyang singing career, nakamit ni Julie Anne San Jose ang tagumpay. Hasang-hasa na siya bilang singer/performer. Natuto din siyang mag-host ng talent show at puwede pa rin siya sa mga serye dahil nakakaarte rin. 


Maraming taon din na nagsumikap si Julie Anne San Jose upang mapansin ang kanyang singing and acting talent. Bata pa ay determinado na siyang maging mahusay na singer/performer. Halos nasalihan na niya ang lahat ng singing contests.


Sinuwerte si Julie Anne San Jose sa GMA Network. Sinuportahan ng Siyete ang kanyang singing career, kaya nakuha niya ang titulong “Limitless Star” at successful ang kanyang mga shows at concerts abroad. 


Bukod sa pagiging mainstay ng All-Out Sundays (AOS) ay nagho-host din sila ni Rayver Cruz ng The Clash (TC) na muling magbabalik. 


Sa kabila ng kanyang tagumpay bilang singer, may isa pang pangarap si Julie Anne. Gusto niyang maka-collab si Lea Salonga at maranasan ang mag-concert sa Araneta Coliseum, at ‘yun ang kanyang paghahandaan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page