top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 21, 2025



Photo: Robin Padilla - Instagram


Magkakaiba ang reaksiyon ng publiko sa lantarang pagsuporta at pakikisimpatya ni Sen. Robin Padilla kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang ito ay hulihin ng INTERPOL at ibiniyahe papuntang Hague, Netherlands. 


Dito nakatakdang litisin ng ICC ang dating Pangulong Duterte. Maging ang mga fans at supporters ay hindi makapaniwala sa ginawang pagtatanggol ni Sen. Robin kay Digong. 


Naging malapit si Robin kay Duterte noong nakaraang election, kung saan full support ang ibinigay sa kanya ni Digong kaya naging No. 1 senator siya. May utang na loob na tinatanaw si Robin sa dating pangulo, kaya kahit ano pa ang mangyari, at sa kabila ng mga batikos ng nakararami kay Duterte, hindi matatawaran ang loyalty ni Sen. Padilla sa kaibigang ex-president.


Kahit na i-bash pa si Sen. Robin at madamay siya sa galit ng mga anti-Duterte, hindi niya iiwanan sa laban ang dating pangulo.


Well, marami ang nakakaintindi sa sitwasyon ngayon ni Sen. Robin. Malalim ang pinagsamahan nila ng dating pangulo at hindi ito matutumbasan ng anumang halaga. 


Kung durog na durog ang pagkatao ni Duterte sa nakararaming Pinoy, hindi siya basta tatalikuran ni Sen. Robin. Ganoon magpahalaga ng kaibigan ang naturingang Bad Boy ng showbiz.


Ganito rin ang nararamdaman ng aktor na si Phillip Salvador na naging malapit din sa dating Pangulong Duterte. Nabigla siya sa bilis ng mga pangyayari at sa paraan ng paghuli ng INTERPOL kay Duterte.



MARAMING viewers ng Eat… Bulaga! (EB!) ang nagtatanong kung babalik pa ba sa show si Atasha Muhlach?


Sa EB! unang nabigyan ng magandang exposure si Atasha. Madali siyang nakagaanan ng loob ng iba pang hosts ng noontime show tulad ng TVJ at nina Allan K., Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Carren Eistrup, Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola. Ang dali niyang makasundo dahil sa kanyang likas na pagiging jologs at masayahin.


Magaling din siyang sumayaw at marunong kumanta. Maging ang mga viewers ng EB! ay natutuwa sa pagiging kalog at kikay ni Atasha. Bumagay sa kanya ang pangalang “Tashing” na tawag sa kanya ng TVJ. 


Marami nang viewers ng EB! ang naghahanap kay Tasha, pero magiging abala na siya ngayon sa paggawa ng pelikula. Siya ang bibida sa Pinoy version ng Thai movie na Bad Genius (BG). Naka-schedule na siyang mag-record ng sarili niyang mga awitin.



SA kanilang bagong bahay na tutuloy si Megan Young at ang kanilang baby ni Mikael Daez kapag siya ay nakapanganak na. At excited na sa pag-aayos ng nursery room sina Megan at Mikael. Timing ang pagdating ng kanilang little boy dahil tapos na rin ang kanilang dream house. 

Ilang taon ding pinaghandaan nina Mikael at Megan ang pagkakaroon ng sariling bahay. At makukumpleto na ang kanilang kaligayahan ngayong nabiyayaan na sila ng anak. 

Para kay Megan, fulfilling ang maging isang ganap na ina. Ilang taon ang kanilang hinintay bago dumating ang kanilang little angel, at dumating ang blessing na ito sa kanilang buhay nang pareho na silang handa sa responsibilidad bilang mga magulang.



KAABANG-ABANG ang 38th Star Awards for Television na gaganapin sa Dolphy Theater sa Linggo, March 23. 


Bukod sa star-studded ang nasabing event, kumpirmado rin na ang magho-host ng awards night ay sina Alden Richards, Kim Chiu at Piolo Pascual.


Ang Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang magbibigay ng bonggang opening number at si Martin Nievera naman ang magbibigay ng special tribute sa yumaong Movie Queen na si Gloria Romero. 


May special number din si Christian Bautista. At sa finale ay kakanta si Jed Madela, kasama ang Eat…Bulaga! (EB!) Singing Queens. 


Sa taong ito, ang napiling German Moreno Power Tandem ay ang BARDA (Barbie Forteza at David Licauco) at ang KIMPAU (Kim Chiu at Paulo Avelino). 


Ang 38th Star Awards for TV ay mula sa direksiyon ni Eric Quizon at produced ng Airtime Marketing.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 20, 2025



Photo: Ms. Ai Ai Delas Alas - IG


Idolo ngayon ng mga babaeng brokenhearted si Ai Ai delas Alas. Nakikita kasi nila kung paano nilabanan ng Comedy Queen ang kanyang lungkot, galit at sama ng loob nang lokohin at hiwalayan ng kanyang mister na si Gerald Sibayan. 


Idinaan na lang ni Ai Ai sa pagsu-zumba ang lahat ng kanyang hinagpis at kabiguan sa pag-ibig. 


Well, nagkaroon ng panibagong sigla ang kanyang buhay. Dahil sa Zumba ay gumaan ang pakiramdam ni Ai Ai at unti-unti na siyang nakaka-move on. 


Nagpapasalamat din si Ai Ai sa kanyang psychiatrist na si Tyrone Tamayo na tumulong sa kanya at nagpaliwanag ng journey na kanyang pinagdaraanan nang maghiwalay sila ni Gerald. 


In due time, muli nang maririnig ang masasayang halakhak ni Ai Ai delas Alas at handa nang muling harapin ang mga hamon ng buhay.


Ex ni Tom…

CARLA, TYPE SINA PIOLO, ECHO AT SAM


ANG laki ng ipinayat ni Carla Abellana nang makita namin sa wake ng kanyang yumaong lola na si Delia Razon. Tingin namin ay bumata si Carla at maaliwalas ang kanyang aura. 


Kuwento ni Carla, inabot ng kanyang lola ang panahon ng kanyang pag-aartista at madalas daw na ipinapayo sa kanya ni Delia na manatiling humble at huwag magbabago ang ugali. 


Matagal nakasama ni Carla ang kanyang lola, kaya napaka-close nila sa isa’t isa. 

May kontrata pa si Carla sa GMA Network at katatapos lang niyang gawin ang Widows’ War (WW) kasama sina Bea Alonzo, Jean Garcia, atbp..


Wish ni Carla na makagawa naman ng seryeng action/drama o kaya comedy. Pangarap din niya na makatrabaho sa serye sina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Sam Milby. 

Dahil nauuso na ang collab between GMA-7 at ABS-CBN, posibleng matupad ang wish ni Carla na makapareha si Papa P (Piolo Pascual) sa isang pelikula. Magpapaalam daw siya sa Regal Films kung saan mayroon siyang kontrata. Kinumusta rin namin ang love life ni Carla. Well, open naman daw siyang umibig muli kung may darating sa kanyang buhay. 


Sa ngayon ay sa negosyo siya nakatutok, may sosyo siya sa ilang negosyo. At kahit papaano ay nakapagpundar na for future.



KAHIT abala na sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ng nobyong si Edgar Allan (EA) Guzman, nabigyan pa rin ni Shaira Diaz ng panahon ang kanilang negosyo na matagal niyang pinangarap at pinag-ipunan. 


Nagkaroon ng opening ang Baa Baa Thai Tea na matatagpuan sa BF Homes, Parañaque. 

Hands-on si Shaira Diaz sa kanyang milk tea business kahit abala siya sa programang Unang Hirit (UH) at Lolong


Super excited at ang saya-saya ni Shaira dahil natupad ang dream nilang negosyo. Binigyan nila ito ng panahon, bago pa sila maging abala sa kanilang wedding preparations. 


Ang pagkakaroon ng negosyo ay bahagi ng paghahanda nina Shaira at EA para sa kanilang future.



DESIDIDO na si Bela Padilla na muling harapin ang kanyang showbiz career. Kaya naman nagdesisyon na siya na tuluyang iwanan ang kanyang tirahan sa London, kung saan siya namalagi simula noong 2021. 


Hinakot na ni Bela ang kanyang mga gamit at nag-empake, pero nalulungkot siya na lisanin ang London. Marami siyang memories na mahirap niyang kalimutan. 


Nagbigay naman ng moral support ang ilang kaibigan at nagpadala ng kanilang mga mensahe sa kanyang pinagdaraanan. At isa na nga sa mga dumamay kay Bela ay si KC Concepcion.


Samantala, regular host ng It’s Showtime (IS) si Bela Padilla at nag-e-enjoy siya sa kanyang daily exposure sa show. Kaya muling nabuhay ang interes niya na balikan ang showbiz. 


Nakapagsulat na siya ng ilang scripts na pampelikula at nakapagdirek na rin.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 19, 2025



Photo: Martin Nievera at Gary V. - IG


May ilang netizens ang nagtataka-nagtatanong kung bakit walang masyadong ineendorsong produkto si Martin Nievera gayung sikat naman siya at magaling na singer? 


Maski noong height ng kanyang kasikatan ay hindi siya kinukuhang endorser ng malalaking fast food chains o anumang produkto, samantalang ang karibal niya sa kasikatan na si Gary Valenciano ay maraming endorsements na malalaking produkto. 


At hanggang ngayon, may mga endorsements pa rin si Mr. Pure Energy. Ang latest niya ay ang isang kilalang pizza house at dito ay kasama ni Gary V. si Marian Rivera. 


Well, ang comment ng iba, masyado raw sosyal ang personalidad ni Martin Nievera kumpara kay Gary V. na pang-masa ang appeal kaya paborito ng mga advertisers. ‘Yun ang bentahe ni Gary V. sa archrival niyang si Martin Nievera.



Naging bahagi na ng routine ni Alden Richards ang pagtakbo upang mapanatiling malusog at fit ang kanyang katawan. Regular niyang ginagawa ito kapag wala siyang commitment at kasama niya sa pagtakbo ang mga running buddies na sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin. 


Kaya naman ni Alden na magkaroon ng fundraising event na ang beneficiaries ay ang mga manggagawa sa pelikula na miyembro ng Mowelfund. 


Kaya inaasikaso niya ang run for a cause event na Lights, Camera, Run! (Takbo para sa Pelikulang Pilipino) na gagawin sa Mall of Asia Arena (MOA) sa May 11, 2025. 


Ang kikitain sa event na ito ay mapupunta sa pondo ng Mowelfund. Open sa lahat ng gustong sumali at maaari silang magsuot ng gusto nilang costume (superheroes, mapa-local or international). 


Maraming celebrities ang iimbitahan sa nasabing event upang tumakbo. 

Bilang isa sa mga board members ng Mowelfund, aktibo si Alden sa mga fundraising projects ng foundation. At labis siyang pinasasalamatan ni Boots Anson-Rodrigo (chairman) at Rez Cortez (Mowelfund president) sa kanyang effort.



TULUYAN na palang iniwan ni Enrique Gil ang ABS-CBN at pumirma na ng kontrata sa Kapatid Network o TV5. May mga shows na gagawin si Enrique at may pelikula rin. 


Taong 2020 nang pumirma ng kontrata si Enrique sa Kapamilya Network, pero wala naman siyang nagawang project. Huli siyang nakita sa ABS-CBN noong 2023. 


Inalok si Enrique upang mapasama sa cast ng seryeng Incognito, pero kanyang tinanggihan. Aangat kaya ang kanyang career sa kanyang paglipat sa Kapatid Network? 


Well, pareho lang sila ni Liza Soberano na tumamlay ang career dahil sa maling desisyon nilang ginawa. 


Sa dami ng mga baguhang artista ngayon na bukod sa guwapo ay magagaling pang umarte, hindi na makapagmamalaki pa ang mga datihang artista. Anytime ay maaari silang palitan agad. May ilang baguhan nga ang handang magbaba ng talent fee (TF) mabigyan lang ng exposure sa TV at pelikula.


Wais mag-isip ng content…

IVANA, PATOK ANG VLOGS KAHIT JOLOGS



MAIKLI man ang araw ng pananatili ni Ivana Alawi sa Pinoy Big Brother (PBB) house, nagmarka naman sa mga housemates at viewers ang kanyang naging exposure. 


Gustung-gusto ng mga housemates si Ivana. Ang saya-saya ng kanilang bonding sa aktres-vlogger, kaya nanibago sila nang pinalabas na sa Bahay ni Kuya ang sexy content creator ng QC. 


At kahit walang pelikula at regular TV show si Ivana, popular pa rin siya at isa sa top content creators na may milyones na subscribers at followers. 


Napakanatural kasi niyang kumilos at magsalita. Jologs ang kanyang dating. Mahusay dumiskarte at magaling mag-isip si Ivana Alawi ng patok na content sa kanyang vlog. 


Maging noong panahon ng pandemic, nakaisip siya ng magagandang contents dahil nakakatulong sa mga taong nangangailangan ang kanyang YouTube (YT) channel. Namimigay kasi siya ng ayudang bigas at groceries, at may cash pa.

Recently, pinakyaw naman ni Ivana ang lahat ng paninda sa isang tindahan. Sinubukan ng kanyang staff na humingi ng pagkain sa tindera at nagbigay naman ito. 


Nasubok ni Ivana ang kabaitan ng tindera, kaya pinakyaw niya ang lahat ng paninda, pero ipinamigay naman sa mga taong nasa paligid ng sari-sari store. 

Umabot ng P80,000 ang panindang binayaran niya. Pati ang tindera ay binigyan niya ng P20,000 cash.


Well, kumikita man ng milyones si Ivana Alawi sa kanyang vlogs, nagse-share naman siya sa mga nangangailangan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page