top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 30, 2025



Photo: Julie Anne San Jose at Rayver - IG


Maganda ang rule na sinusunod at pinaiiral nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa kanilang relasyon ngayon. Lagi silang aware na dapat ay “no sleepover” kahit na sabihin pa na nasa tamang edad na sila at ilang taon nang magkasintahan.


Bagama’t super sweet sila sa isa’t isa kapag magkasama sa mga lakaran at regular na nagde-date, still, may limitation pa rin kung hanggang saan lang sila dapat lumugar. Hindi sila dapat lumampas kung ano ang nararapat, hangga’t hindi pa sila kasal.


Ayon na rin kay Julie Anne, malaki ang respeto sa kanya ni Rayver at maging sa kanyang mga magulang. Hindi sisirain ni Rayver ang tiwala sa kanya ng partido ni Julie Anne, kaya paninindigan nila ng singer ang rule na “kasal muna bago baby”.


Well, at this point of their lives, pareho namang naka-focus ang panahon nina Julie Anne at Rayver sa kanilang career. Maraming oportunidad ang dumarating na dapat nilang samantalahin. 


Kailangang paghandaan muna nila ang kanilang future bago magpakasal. Malayo pa ang mararating ng kanilang career. Maganda ang tandem nina Julie Anne at Rayver Cruz dahil pareho silang singer-performer.


Bukod sa acting, kaya rin nilang mag-host. Kaya walang dahilan upang magmadali silang magpakasal.


Petisyon sa green card ng mister, after ipabawi…

AI AI, IDI-DIVORCE NA SI GERALD


PINABORAN ng US Citizen Immigration Services (USCIS) ang apela ni Ai Ai delas Alas na i-revoke ang Green Card petition para sa ex-husband niyang si Gerald Sibayan.


Third party ang ibinigay na dahilan ni Ai Ai, kaya “automatically revoked” ang kanyang petition para sa green card ni Gerald. Ang desisyon ng USCIS ay inilabas noong Marso 17, 2025.


Hiniling din ni Ai Ai na makansela ang travel at work permit ng kanyang ex-husband. Meaning, hindi na maaaring mag-apply ng trabaho si Gerald sa USA. 


Ayon na rin sa USCIS, hindi na maaaring iapela ni Gerald ang kanilang desisyon. 

Suportado si Ai Ai ng kanyang legal counsel, ang Lewis Law Group ng Sta. Ana, California, sa tulong ni Atty. Pia Dyquiangco. 


Ang susunod na aayusin naman ni Ai Ai ay ang divorce nila ni Gerald.

Sa ngayon, masasabi nang naka-move on na ang Comedy Queen at tanggap na ang paghihiwalay nila ng mister.


Ayaw pang ilantad in public… SANYA, CHINESE BUSINESSMAN ANG UNANG DYOWA



MAY love life na ang Kapuso actress na si Sanya Lopez pero ayaw pa niyang aminin kung ano ang pagkatao ng special guy na isang Chinese businessman. 


Ayaw pa ni Sanya na ilantad sa publiko ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Nasa dating stage na raw sila ngayon.


Kung saka-sakaling ang Chinese businessman ang unang magiging BF ni Sanya ay tiyak na susuportahan nito ang career ng Kapuso actress. 


Busy ngayon sa kanyang career ang aktres. Bukod sa All-Out Sundays (AOS), may bago rin siyang movie, ang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) kasama sina David Licauco, Buboy Villar, atbp.. 


Pagdating sa trabaho, very professional si Sanya kaya kasundo niya ang kanyang mga direktor at co-stars. At sa bawat tagumpay na kanyang nakakamit, lagi pa rin niyang naaalala ang yumaong “The Master Showman” na si German Moreno na naging mentor niya noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 29, 2025



Photo: Kathryn at David sa Bench Body of Work - FB


Nang mag-guest sa programang Unang Hirit (UH) ang Mommy Eden ni David Licauco, maraming natuwang fans nina David at Barbie Forteza. 


Sinabi kasi ni Mommy Eden na suportado niya ang BarDa love team. Bagama’t hindi pa raw niya na-meet nang personal si Barbie, pina-follow naman niya ito sa social media kaya updated siya sa mga kaganapan ng BarDa tandem. 


Thankful din si Mommy Eden sa mga fans at supporters ng BarDa dahil malaking tulong sila sa career ng kanyang anak. Dahil sa BarDa love team, nagkaroon ng malalaking endorsement si David.


Ganunpaman, nabanggit ni Mommy Eden na pangarap din ni David na makatambal si Kathryn Bernardo sa isang movie project. Nasubaybayan daw ni David ang career ni Kath noong hindi pa siya artista at nagkaroon nga ng pagkakataon na magkita-magbatian din sina Kathryn at David sa ginanap na Bench Body of Work. 


Sey naman ng ilang netizens, hindi nakatali si David sa BarDa love team. In fact, puwedeng tumanggap ng project si David na hindi si Barbie ang kapareha. At ngayon nga ay may movie si David sa GMA Films, ang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM)


Dito ay gaganap si David bilang isang pari. Mas lumalawak ang experience ni David Licauco sa pag-arte kapag nakakatrabaho niya ang magagaling na artista at director.



Grabe ang naging pasabog ni Kathryn Bernardo sa kanyang 29th birthday. Hindi ine-expect ng marami na isang daring na sexy pictorial ang kanyang gagawin na labis na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.


Ibang-iba ang imahe na kanyang ipinakita, malayung-malayo sa dating Kathryn na naive at conservative.


Sabagay, sa edad na 29, dapat ay may makita sa kanyang pagbabago. At hindi naman ito nangangahulugan na tatanggap na si Kathryn ng sexy role.


Well, hati naman ang reaction ng publiko sa ginawang pagbubuyangyang ni Kath sa kanyang pictorial. Aprub na aprub ito sa mga kalalakihan dahil may ipakikita naman daw ang ex-GF ni Daniel Padilla. Ang lakas daw ng sex appeal nito, puwedeng maging Calendar Girl. 


Pero marami rin ang hindi boto sa sexy pictorial ni Kathryn. Magaling naman daw siyang artista at hindi na kailangang magbuyangyang pa para pag-usapan ng lahat. Mas gusto pa rin ng marami ang dating Kathryn na sweet at conservative.


For sure, maging si Mommy Min ay hindi gusto na ibuyangyang ni Kath sa publiko ang kanyang katawan. Gayunpaman, inirerespeto niya ang desisyon ng anak.

Well, career move ba para kay Kathryn Bernardo ang ginawa niyang sexy pictorial?



SA pagdating ng kanilang first baby, kumpleto na ang kaligayahan ng showbiz couple na sina Megan Young at Mikael Daez. 


Ilang taon din nilang hinintay ang kanilang “little angel” at ito ay ipinagkaloob sa kanila sa tamang panahon. Napaghandaan na nina Megan at Mikael ang kanilang pagiging magulang. Nakapagpundar na sila ng sariling bahay. Nalibot na rin nila ang mga bansa na gusto nilang puntahan. Ngayon ay isa na silang masayang pamilya. 


Kung noong unang taon ng kanyang married life ay may takot pa si Megan na magbuntis, ngayon ay no regrets siya dahil kaligayahan ang hatid sa kanila ng kanyang ipinagbubuntis. 


Sa kanilang anak ngayon nakasentro ang mundo nina Megan at Mikael. Ibang-iba ang feeling ng beauty queen-actress ngayon, isa na siyang ganap na ina. Mas nagkaroon ng kulay at kahulugan ang lahat. 


Very supportive husband naman si Mikael kaya naging madali para kay Megan ang kanyang journey para maging mom.



NAGPAABOT ng pasasalamat sa PMPC ang buong cast and crew ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) dahil sa karangalan na iginawad sa PM bilang Best Comedy Show sa 38th Star Awards for TV. 


Magsisilbi itong inspirasyon upang patuloy silang magbigay ng masasayang episodes linggu-linggo. 


At kasabay din ng summer episode ng PM ang selebrasyon para sa 15th anniversary ng sitcom. Fifteen years nang naghahatid sa mga viewers ng mga nakakaaliw na palabas ang PM tuwing Sabado ng gabi. Ipinangako rin ni Michael V at ng buong cast ng PM na patuloy silang maghahatid ng masasayang episodes. 


Well, ang sikreto kaya tumagal sa ere ang PM ay ang pagiging simple ng istorya at ang true-to-life situations, kaya nakaka-relate ang mga viewers. 


Laging masaya ang set ‘pag taping ng PM, para na kasing malaking pamilya ang buong cast nito. Dito na rin lumaki at nagdalaga si Clarissa (Angel Satsumi), na bunsong anak nina Elsa at Pepito (Manilyn Reynes at Michael V.).


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 28, 2025



Photo: Rainier at Mark - IG


No offense meant kina Mark Herras, Rainier Castillo, at sa singer na si Jojo Mendrez, pero nagmumukhang circus at sarsuwela na ang kanilang mga drama na pinaggagagawa. 


Mukhang cheap na tuloy tingnan ‘yung pagkaka-link ni Jojo sa dalawang StarStruck 1 winners na sina Mark at Rainier. 


Puwede namang umingay ang ini-record na awitin ni Jojo sa tamang paraan ng promo, at hindi na kailangang ma-link pa siya kina Mark at Rainier, lalo na’t may sariling pamilya na rin ang dalawang aktor. 


Kaya naman may nagtatanong kung gipit ba sa pera ngayon si Rainier kaya pumayag siyang maging escort ni Jojo sa mga lakad ng singer? At alam naman ng lahat na nauna si Mark kay Jojo, tapos pumasok pa sa eksena si Rainier. Hindi man lang inisip ni Rainier na dati silang magkaibigan ni Mark. 


May panawagan tuloy sa GMA Network ang mga fans nila na bigyan ng projects ang dalawang aktor upang may pagkakitaan. Pareho namang magaling umarte sina Mark at Rainier at kilala pa rin ng marami dahil sa StarStruck.



NAG-VIRAL sa social media ang ginawang “Fairy Walk” sa tubig ni Anne Curtis nang magbakasyon siya sa Siquijor. Doon ay pinagkaguluhan ng lahat si Anne, na game namang bumati at nagpa-picture sa mga fans.


Nag-post si Anne ng kanyang mga kaganapan sa Siquijor. Maraming nagbigay sa kanya ng kung anu-anong amulets at souvenirs. May ritwal din na ginawa kay Anne ng ilang mga manggagamot/herbalists. Pinausukan pa siya at sinuob.


Well, dahil may imahe ang Siquijor na kinatatakutan dahil sa mga aswang, malaking boost sa kanilang turismo ang pagpunta rito ni Anne Curtis. Posibleng maakit din ang ibang turista na tuklasin ang ganda at misteryo ng lalawigan. 


May serye palang ginagawa ngayon doon ang aktres at sumegue lang ito ng adventure.  


Sino kaya ang susunod kay Anne Curtis at susubok sa challenge ng Siquijor?



MASAYANG-MASAYA ngayon ang mga fans ng Kapuso actress na si Andrea Torres dahil binigyan siya ng bagong project ng GMA Network. 


Matagal-tagal din na walang serye si Andrea, puro guestings lang ang kanyang naging exposure sa GMA-7, at minsan ay sumasama sa mga regional events ng Kapuso. 


Ngayon ay bibida nang muli si Andrea kasama si Benjamin Alves sa seryeng Akusada

Dati nang nagkasama sa isang serye sina Andrea at Benjamin, kaya komportable na sila sa isa’t isa. 


Matagal nang gumagawa ng seryoso at mature role si Andrea. Naging memorable para sa kanya ang seryeng Better Woman (BW) dahil na-in love siya sa kapareha niyang si Derek Ramsay. 


Pagkatapos ng kanilang breakup, pareho silang nanahimik. Nanatiling single si Andrea at hanggang ngayon ay wala pang ipinakikilalang bagong karelasyon. 



MAS kaabang-abang ngayon ang mga magaganap sa buhay ni Lolong (Ruru Madrid) sa kanyang pagkakapadpad sa Maynila. Makakaharap niya ang mas mabibigat na kalaban at may mga bagong karakter na susulpot. 


Magkakaroon ng partisipasyon sa bagong kabanata ng Lolong sina Tessie Tomas at Rowell Santiago. At may isa pang malaking aktor ang babago sa buhay ni Lolong. 


Ano na ang mangyayari kay Elsie at sa nanay ni Lolong


Samantala, napakasalbahe ng role ni Jean Garcia bilang si Dona Banson. Tiyak na kasusuklaman siya ng mga viewers ng Lolong. Isa si Dona sa magpapahirap kay Ruru.

Pero, ang dating Lolong ay magiging pangil ng Maynila at maniningil sa mga taong nagpahirap sa kanya at mga mahal sa buhay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page