top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 8, 2025



Photo: David Licauco - Instagram


Dahil mayaman at marunong sa negosyo bago pa siya nag-artista, hindi na nakapagtataka na kumikita ng P50 million si David Licauco. Masinop siya sa paghawak ng kanyang finances at hindi lang siya umaasa sa kanyang kikitain bilang artista. 


Mas nakatutok siya sa mga negosyo niyang itinayo. Hands-on siya sa pamamahala ng kanyang mga negosyo kahit may serye at pelikula siyang ginagawa kapareha ni Barbie Forteza. 


Thirty years old na si David at 8 yrs. na siya sa showbiz. Nag-level-up ang kanyang career nang mabuo ang BarDa love team. 


Pati sa mga endorsements ay mabenta ang tandem nila ni Barbie Forteza at lumalawak ang kanilang fan base. 


Sa isang interview, sinabi ni David Licauco na gusto na niyang mag-settle down. Nasa tamang edad na siya at financially stable na. 


Gayunpaman, aminado si David na hindi pa siya ready na harapin ang mga responsibilidad at may career siyang dapat na bigyan ngayon ng prayoridad.



MUKHANG sisikat din ang BFF ni David Licauco na si Dustin Yu, na isa sa mga housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. Mabigyan lang si Dustin ng magandang break at role para ma-push ang kanyang career, mapapansin din ito at gagawa ng pangalan.


Bagama’t tahimik lang si Dustin sa loob ng Bahay ni Kuya, nakakasundo naman niya ang ibang housemates. Marunong kasi siyang makisama at hindi feeling pabida. Kapag may challenge na ipinagagawa sa mga housemates, tumutulong si Dustin. 


BFF ni David si Dustin, kaya mahilig din siya sa negosyo. Kay David natuto si Dustin na magluto ng iba’t ibang recipes kaya pangarap niyang gayahin si David Licauco. 


Samantala, marami ang kinilig noon sa kanila ni Ivana Alawi. Mismong ang mga housemates ang nagsasabing bagay sila. 

Sayang nga lang at hindi nagtagal si Ivana sa loob ng PBB house. Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa isa’t isa.



SA darating na Biyernes, April 11, pararangalan ng Film Development Council of the Phils. (FDCP) ang mga higanteng artista sa pelikulang Pilipino. Ang event ay bilang pagbibigay-parangal sa mga living legends sa movie industry na malaki ang naging ambag sa industriya. 


Ang theme ng event ay “Mga Higante sa Kasaysayan ng Ating Pelikula”.

Ang awarding ay gaganapin sa Seda Vertis North, 5 PM. Ang mga tatanggap ng Lifetime Achievement Award ay sina Joseph Estrada, Charo Santos-Concio, Laurice Guillen at Lav Diaz. 


Ang awarding ceremony ay pangungunahan ni Iza Calzado. 


Bibigyan din ng Annual Achievement Award ang pelikulang Iti Mapukpukaw (The Missing) directed by Carl Joseph Papa. 


Ang mga itatampok na pelikula ay Sa Kuko ng Agila kung saan bida si Joseph Estrada, directed by Augusto Buenaventura; Itim, na bida si Charo Santos, directed by Mike de Leon; Tanging Yaman, directed by Laurice Guillen; at Ang Babaeng Humayo, directed by Lav Diaz.



MASYADO raw madaldal at pabida ang Sparkle artist na si Michael Sager, kaya marami ang nagsasabing siya ang nanganganib na sunod na matanggal at mabigyan ng red flag sa PBB Celebrity Collab Edition


Pero pinatawad pa rin si Michael dahil si Mika Salamanca ang na-evict sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition


Magpapatuloy pa rin ang journey ni Michael kahit dismayado sa kanya ang maraming housemates. May kani-kanyang strength ang bawat isa at masusubok ang kanilang tatag at diskarte sa mga tasks na ipagagawa sa kanila.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 7, 2025



Photo: Ivana Alawi - Instagram


Bentahe ang pagiging beauty queen ni Michelle Dee (MMD) nang pinarampa siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kasama ang ibang housemates.


Walang kahirap-hirap si Michelle nang umawra na mala-model. 

At maging nang dumalo si MMD sa ABS-CBN Ball ay nakaw-eksena siya dahil napakaelegante ng kanyang suot na gown. Hindi siya nagpakabog sa ibang Kapamilya stars sa rampahan. Iba pa rin ang ‘aura’ at impact ng isang beauty queen kapag dumadalo sa mga special events. 


Well, para sa amin, bukod kay Michelle Dee, ay stand-out din sa ABS-CBN Ball (base sa kanilang total look) sina Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Kim Chiu, Julia Montes, Sue Ramirez, Maymay Entrata, Nadine Lustre, Ashley Ortega, Janine Gutierrez at Heart Evangelista. 


Marami naman ang dismayado sa gown ni Julia Barretto, kasi hindi raw bumagay sa kanya. 


Maging si Ivana Alawi ay hindi lumutang sa kanyang sexy pink gown na nagpakita ng kanyang kalahating butt. Inokray-okray tuloy siya ng mga bashers.



Umalma ang libu-libong Vilmanians sa lalawigan ng Batangas nang tawaging ‘laos’ ng isang basher si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto. Nagalit din at dumepensa ang mga lolo’t lola na nagmamahal kay Ate Vi. 


Para sa mga senior citizens, hindi kailanman mawawalan ng ningning ang isang Vilma Santos kahit bihira nang gumawa ng pelikula. Nagmarka pa rin sa mga Batangueños ang magandang serbisyo niya sa lalawigan ng Batangas. 


Mahigit na 5 dekada na sa showbiz ang Star for All Seasons, sanay na sanay na siya sa mga batikos at intriga, kaya hindi na siya naapektuhan sa paninira ng kanyang mga kalaban. Nagpatuloy siya sa sinserong pagtulong sa mga nangangailangan. 


Nagsimula ang political career ni Ate Vi nang mahalal siyang mayora ng Lipa City. Tatlong termino siya sa kanyang puwesto. Nakuha niya ang tiwala ng mga Batangueños kaya noong 2007 hanggang 2016 ay ibinoto siyang gobernador at nanungkulan ng 3 termino. Naging congresswoman din siya sa 6th District ng Batangas.


Ngayong midterm elections, kumakandidatong muli bilang gobernador ng Batangas ang Star for All Seasons. Vice-governor naman ang anak niyang si Luis Manzano. Ang bunso niyang si Christian ay tumtakbo ring congressman. Dahil dito, hindi nakaligtas si Ate Vi sa issue ng dynasty sa pulitika. 


Gayunpaman, naniniwala si Vilma Santos na basta sinsero ang hangarin nilang magsilbi at makatulong sa kanilang mga kababayan, ang mga Batangueños naman ang huhusga kung karapat-dapat silang iboto. At ilang taon nang pinatunayan ng Star for All Seasons na isa siyang hardworking public servant.



TIYAK na maninibago ang mga fans sa bagong hairstyle ngayon ni Barbie Forteza, pero bumagay naman sa kanya ang short hair. Mas bumata siyang tingnan, at mas naging komportable siya sa kanyang “summer look”.


Patuloy namang kinikilig ang mga fans sa tambalan nina Barbie at David (BarDa) Licauco. Marami na ang nag-aabang sa seryeng kanilang pagsasamahan at ang pelikulang kanilang pagtatambalan. 


Sey pa ng mga BarDa fanatics, mahigit 3 buwan nang break sina Barbie at Jak Roberto. Puwede na raw ituloy at seryosohin ni David ang panliligaw kay Barbie. 

Marami rin ang nakakapansin na hindi na asar si David kapag tinutukso sila ni Barbie sa isa’t isa. 


Sa kanyang mga interviews, consistent si David Licauco sa pagsasabing, “I care for her a lot.” 


At inamin din ni Barbie na very caring si David dahil ito ang nag-alaga sa kanya nang magkasakit noong nag-show sila sa Cebu.



TIYAK na marami pa rin ang nakakakilala kay Leni Santos, ang kapareha noon ni Rey “PJ” Abellana during the ‘80s. 


Big hit noon sa mga viewers ang serye nilang Anna Lisa (AL). Sumikat nang husto noon si Rey PJ na ama ni Carla Abellana.


Noong 2014, nagkaroon ng reunion sina Leni at PJ nang mag-guest sila sa programang Sarap, ‘Di Ba? (SDB) at sa The Ryzza Mae Show (TRMS). Hindi nagtuluy-tuloy ang pagka-comeback sa showbiz ni Leni, kaya piniling manatili na sa Amerika. 


Pero marami pa rin sa mga dating tagahanga ng Leni at PJ love team ang humihiling na magkaroon sila ng reunion project. 


Kaya naman nagawang kontakin ni Julius Babao si Leni Santos na sa USA na naninirahan ngayon. At si Leni ang kanyang itatampok sa kanyang latest vlog. 


Paniniyak ni Julius Babao, uuwi sa ‘Pinas si Leni Santos para sa exclusive interview niya. Tiyak na marami ang mag-aabang at gustong malaman kung ano ang naging buhay ni Leni Santos nang isantabi ang showbiz.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 6, 2025



Photo: Kylie Padilla - Instagram


Nang maghiwalay sila ni Aljur Abrenica, pinanindigan na ni Kylie Padilla ang pagiging single mom. Gusto niyang patunayan na kaya niyang buhayin ang dalawang anak na sina Alas at Axl.


Kahit papaano, may mga projects naman siya sa GMA Network at nakaka-survive sila. Kinaya ni Kylie ang hindi paghingi ng tulong at financial assistance sa kanyang ama na si Sen. Robin Padilla dahil desisyon niya ang pakikipaghiwalay kay Aljur. 


Pero ngayon, dumating na sa punto na nakakaramdam na rin ng pagod si Kylie sa pagtatrabaho upang itaguyod ang dalawang anak, lalo na’t lumalaki na ang mga ito at nadaragdagan ang mga gastusin at pangangailangan. 


Sa pakikipag-usap ni Kylie sa kanyang Tita BB Gandanghari, nai-share niya ang kanyang nararamdaman. Gusto na rin daw ni Kylie na humanap ng isang katuwang na makakapag-provide sa pangangailangan nilang mag-iina. 


At this point of her life, gusto ni Kylie na makasama nang matagal ang kanyang mga anak at hindi na iiwan ang mga ito kapag may trabaho siya. 


Tuloy, nagtatanong ang mga netizens kung nagbibigay ba si Aljur Abrenica ng sustento sa kanilang mga anak? Ipinaubaya na ba ni Aljur kay Kylie ang responsibilidad na buhayin sina Alas at Axl?


Mabuti na lang at may mga bagong projects ngayon sa GMA si Kylie Padilla. Kasama siya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS), at ganoon din sa My Father’s Wife (MFW) with Gabby Concepcion.


Wa’ raw siyang sustento, nambubugbog pa…

RESBAK NI BUBOY: ANGILLYN, MAS UNANG NAGKAANAK SA IBA


PAGKATAPOS ng mga pasabog ng kanyang ex-wife na si Angillyn Gorens, nagsalita na rin ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA)


Dito ay isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon na ibinibintang sa kanya ng dating karelasyon na si Angillyn, kung saan may dalawa siyang anak. 


Nasa pangangalaga ngayon ng mga magulang ni Angillyn ang kanilang anak at nahihiram ni Buboy tuwing Linggo. 


Maayos din ang naging usapan tungkol sa sustento ni Buboy sa mga anak, base sa kanyang kinikita sa showbiz.


Itinanggi ni Buboy ang akusasyon ni Angillyn na sinasaktan niya ito. Naging magulo raw ang kanilang pagsasama noon dahil hindi magkasundo ang kanyang ina at si Angillyn, kaya minabuti nilang bumukod ng tirahan.


Ang tungkol sa bago niyang pamilya ngayon ay hindi niya itinago, ipinaalam niya ito kay

Angillyn. Pero ang hindi alam ng marami, naunang nagkaroon ng anak at bagong karelasyon si Angillyn Gorens sa Amerika bago sila nagsama ni Isay Sampiano. Kaya umaasa si Buboy Villar na maiintindihan ni Angillyn kung may bago na rin siyang pamilya ngayon. 


Well, ang publiko na lang ang huhusga ngayon kung sino kina Buboy Villar at Angillyn Gorens ang nasa tamang katwiran at nagsasabi nang totoo.



MEDYO may pressure sa parte ni Glaiza de Castro na marami ang nag-aabang at nagtatanong kung kailan sila magkakaroon ng baby ng kanyang mister. 


Ang mga nakasabayang artista kasi ni Glaiza ay may mga anak na at na-experience na ang pagiging nanay. Pangarap din naman ni Glaiza ang makumpleto ang kanilang pamilya. Pero hindi pa nga ibinibigay sa kanila ang kanilang “little angel”.

Anytime raw na dumating ay ready na si Glaiza, puwede muna siyang magpahinga sa pag-aartista. 


Nakikita ng aktres kung gaano kasaya sina Jennylyn Mercado, Anne Curtis, Angelica

Panganiban, Iza Calzado at Solenn Heussaff sa pagkakaroon ng “little princess”. At nasa tamang edad na rin siya upang magkaroon ng anak na bubuo sa kanilang pamilya. 


Well, may ilang commitments lang si Glaiza na dapat tapusin tulad ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na may bagong chapter na uumpisahan. Dito ay kasama ni Glaiza sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Rhian Ramos. Ginastusan ito nang malaki ng GMA Network. 


Halos dalawang dekada na rin sa GMA-7 si Glaiza de Castro at nakagawa na ng maraming serye. Tumatatak sa mga viewers ang bawat character na kanyang ginagampanan. Tiyak na aabangan ng lahat ang karakter ni Glaiza sa ECS.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page