top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 17, 2026



TEKA NGA - IVANA, NAPASOK SA BAHAY NG STALKER NA FAN_FB Ivana Alawi

Photo: FB Ivana Alawi



Maraming natuwa sa latest vlog ni Ivana Alawi kung saan tinuruan niyang maglaba ang socialite na si Small Laude.


Matatandaang unang napansin ng lahat si Ivana nang gawin niyang content ang paglalaba na nakasuot lamang ng kaswal na duster at walang suot na bra. 

Million views ang nakuha nito at nagkasunud-sunod na ang pagtaas ng kanyang viewership.


Game rin naman si Small na sumabak sa paglalaba kahit na in real life ay hindi siya marunong maglaba dahil super-rich at maraming kasambahay. 


For sure, ang susunod na ipagagawa ni Ivana kay Small ay ang paglilinis ng kotse.

Samantala, maraming fans ang naalarma at nag-alala sa kuwento ni Ivana kay Small na napasok sila ng isang tao na hindi nila kilala. 


Isa itong fan na sobrang obsessed. Madalas daw na pumunta sa kanilang bahay ang fan o stalker at nagdadala ng kung anu-anong pagkain. 


Minsan ay nakapasok na ito sa kanilang bahay at nagpakilala sa driver ni Ivana Alawi na siya ang nobyo ng sexy actress. Kaya ngayon ay mas mahigpit na sila sa mga taong bumibisita.



ANG pagiging chickboy ni John Estrada ang dahilan kaya siya iniiwan ng kanyang mga nakakarelasyon. Bagama’t sinasabing good provider ang aktor bilang padre de familia, hindi naman iyon sapat na garantiya upang tumagal ang pagsasama nila ng kanyang mga nakakarelasyon.


Ang pagsasama nila ni Janice de Belen ay tumagal ng 12 years. Apat ang kanilang naging anak – sina Inah, Moira, Kaila at Yuan. 


Na-annulled ang kanilang kasal kaya nagawa niyang magpakasal sa beauty queen na si Priscilla Meirelles. Thirteen years din silang nagsama at nagkaroon ng isang anak na babae, si Anechka.


Ayon sa isang interview ni Priscilla, ginawa niya ang lahat upang isalba ang kanilang marriage ni John. Nag-undergo sila ng marriage counselling, seminars, atbp.. Gusto ni Priscilla na bigyan ang kanyang anak ng isang buong pamilya. 


Pero umabot na sa punto na hindi na niya kinaya ang pambababae ni John Estrada. Hindi niya kayang magpakamartir sa mahabang panahon kaya nag-file siya ng divorce noong 2024.


Labis itong ikinagulat ng aktor at hindi niya akalain na hahantong sa divorce ang lahat. Nakiusap siya kay Priscilla Meirelles na bigyan siya ng second chance, pero hindi na nga nagbago ang desisyon nito.



MARAMING fans ng Sexbomb girls ang dismayado sa mister ni Izzy Trazona na si Alvin Aragon, lalo na nang pintasan nito ang mga sexy outfits nila sa naganap na reunion concert.


May ‘angas’ daw ang dating ni Alvin at tila feeling malinis at banal-banalan. 

Kaya labis na ipinagtataka ng marami kung ano ang nagustuhan ni Izzy kay Alvin. Kaya raw siguro kumalas si Izzy sa grupo ay dahil sa impluwensiya ng kanyang mister. 


Sey ng mga netizens, ayaw lang daw ng mister na masapawan siya sa kasikatan ng kanyang misis. 


At bakit pati ang tungkol sa gap ni Izzy at ng kanyang anak na si Sofia Trazona ay ginagawang isyu at pinakikialaman ni Alvin Aragon? Hindi naman niya anak ang transwoman na ngayon na si Sofia. Problema na ng mag-ina ang lahat.


Well, ang dapat paghandaan ngayon ni Alvin ay ang resbak sa kanya ng Sexbomb sa pagpintas niya sa kanilang sexy outfits na isinuot noong reunion concert. At patulan din kaya siya ni Vice Governor Alex Castro na binanggit din ni Alvin Aragon sa kanyang interview na pinapayagan ang misis na si Sunshine na magsuot nang malaswa at pagtinginan daw ng mga lalaki?


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 15, 2026



Ken Chan

Photo: Ken Chan / Instagram



Magandang balita para sa mga fans kung totoo ngang uuwi na si Ken Chan sa ‘Pinas upang harapin ang mga kasong isinampa ng kanyang mga business partners. 


Ngayong 2026, posible raw na magpakita na si Ken upang linisin ang kanyang pangalan. 

Mahirap man ito para sa actor, magandang move ito upang maipakita niya sa kanyang mga business partners na handa siyang ayusin ang mga atraso niya sa kanyang mga kasosyo. 


Hopefully, may mga taong tumulong kay Ken upang makabangon siyang muli. 

Nariyan pa naman ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na puwede niyang lapitan at hingan ng tulong. 


Sayang ang career ni Ken Chan matapos siyang mawala at hindi nagpakita ng halos dalawang taon. Makakabawi naman siya at makakabangon kapag binigyan ng second chance ng GMA-7. 



Gustong maka-try ng kakaiba… 

BARBIE, GAME RIN SA KAPWA BABAE



BAGO pa dumating kay Barbie Forteza ang pelikulang Until She Remembers (USR), na pinagbibidahan nila nina Boots Anson-Rodrigo at Charo Santos, may offer na sa kanya na gumawa ng isang GL movie (girls’ love). 


Game naman si Barbie sa nasabing project at may naisip na siyang magaling na aktres na gusto niyang makasama. Sikat din ito at halos magkaedad lamang sila. 

Challenging para sa aktres ang gumawa ng GL movie dahil mas lalalim pa ang kanyang pagiging aktres at hahamon sa kanyang kakayahan. 





Ganunpaman, hindi natuloy at hindi nag-materialize ang nasabing GL movie ni Barbie, kaya inakala niyang wala pa sa panahon ang pagtanggap ng mga ganitong movies na tiyak na ikaka-shocked din ng kanyang mga diehard fans. 


Pero ang movie na USR ay GL ang tema — isang love story ng dalawang senior

ladies na ginagampanan nina Boots at Charo. 


Tiyak na marami ang makaka-relate sa istorya. Ito ay mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza.



SAMANTALA, maraming fans ang natuwa nang mapanood sa TikTok (TT) si Boots Anson-Rodrigo kasama sina Charo Santos-Concio at Barbie Forteza. 

Ang cute nilang panoorin at puwede naman pala silang sumabay sa uso ngayon. 


Sa isang interview, binanggit ni Boots na pangarap niya ang makapagsayaw sa ASAP Live kasama sina Charo at Helen Gamboa. Hindi man sila kasinghusay ng Sexbomb Girls sa paghataw sa dance floor, nakakasunod naman sila sa uso. 


For sure, marami ang mag-aabang kina Boots, Charo at Helen kapag ready na silang mag-perform sa ASAP at dito nila maipapakita ang iba pa nilang talent bukod sa pag-arte. 


Maraming fans naman ang nag-suggest na gumawa sila ng comedy movie na iikot sa buhay ng mga senior single ladies, para naman hindi laging drama ang mapapanood sa kanila.



ALIW na aliw ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa vlog nina Alex Gonzaga at Luis Manzano. Hindi pinalampas ng aktres ang vlog nila dahil nakakagaan ng mood. 


Magaan at simple lang ang mga atake nina Alex at Luis sa kanilang vlog, pero marami silang napapasaya sa mga viewers. 

Natural na natural ang pagiging kikay at kengkoy ni Alex, kaya patok sa mga subscribers. 


Kahit na minsan ay may mga pranks siya sa kanyang guests, si Luis naman ay puno ng energy, maraming jokes at napaka-witty. 


Puwedeng mag-collab sina Alex Gonzaga at Luis Manzano dahil swak silang comedy tandem. Riot tiyak kapag pinagsama sila.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 12, 2026



TEKA NGA - WILLIE, TALO SA BIDDING NG ROLLS ROYCE NG DISCAYA COUPLE_FB Wilyonaryo

Photo: FB Wilyonaryo



Nagkaroon ng auction ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga nakumpiskang luxury cars ng Discaya couple, at kasama na rito ang kontrobersiyal na Rolls Royce na may kasamang payong. 


Tatlo ang nag-bid sa Rolls Royce Cullinan na may starting bid na P29 milyon. Isa sa mga nag-bid para sa Rolls Royce ay ang TV host-comedian na si Willie Revillame. 


Sad to say, hindi napanalunan ni Wil ang sasakyan ng mga Discaya. Ang nanalo sa auction ay ang Igorot Stone Kingdom, Inc., na siyang nagpagawa ng Igorot Stone Kingdom sa Baguio. 


Ayon sa balita, nabenta ang kontrobersiyal na Rolls Royce ng Discaya couple sa halagang P29,026,000.



SA February 14 pa ang kanyang kaarawan, pero isang advance birthday celebration na ang isinagawa ni Heart Evangelista para sa kanyang 41st birthday. 


Bumisita siya sa mga foundation na kanyang sinusuportahan. May sarili na siyang foundation, ang Heart Can Foundation, na tumutulong sa mga batang may sakit. 


Maging ang Corridor of Hope at Cerebral Palsy of Sorsogon ay suportado rin ng Heart Can Foundation. 


Aktibo ang aktres-fashion icon sa kanyang mga advocacies, tulad ng pagsuporta sa karapatang-pantao ng LGBTQIA+ community, mental health awareness at pagtulong sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na sumasagip sa mga stray dogs at cats. 


Malapit din ang puso ni Heart sa mga senior citizens, kaya bumisita siya sa Homes for the Elderly at namigay ng mga basic needs ng mga seniors. 

Kaya naman naging fulfilling para kay Heart Evangelista ang kanyang 41st birthday celebration.



NATATAWA na lang ngayon si Luis Manzano kapag naaalala niya na tinatawagan siya ni Toni Gonzaga kahit na madaling-araw kapag broken hearted ito. At to think na isa siya sa mga masusugid na manliligaw nito that time, ha? 


Masakit iyon para kay Luis, pero hindi niya matiis ang aktres-TV host. At kahit hindi siya pinalad, naging best friends naman sila at sinusuportahan ang isa’t isa. 


Happy si Luis para kay Toni na nakahanap ng perfect guy na tulad ni Direk Paul Soriano. Sila talaga ang meant for each other. 


May chemistry sina Toni at Direk Paul. Mas nag-grow ang aktres at mas humusay sa pagho-host. Nag-level-up nang husto ang career niya. 


Maraming aktor ang nanligaw noon kay Toni Gonzaga, pero si Direk Paul Soriano ang tumagal at hindi sumuko sa panliligaw, kaya pumasa rin siya sa pamilya Gonzaga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page