top of page
Search

by Info @Brand Zone | May 2, 2025





Isang pangarap ni dating gobernador Luis “Chavit” Singson ang natupad nang pinasinayaan noong Lunes ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas, na nagbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon.


Sa loob ng malawak na planta, ipinahayag ni Singson ang kanyang adhikain: bigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon.


“Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney dahil ito ang hiling ng mga tsuper at transport groups, Kinakailangan din ito ng gobyerno. Ngunit ngayon, ginagawa natin itong sustainable,” sabi ni Singson na matagal nang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga transport workers.


Ang bawat unit ay nagkakahalaga ng P1.2 milyon, kumpara sa P2.5-P3 milyong presyo sa merkado -- na kayang bawiin ng mga tsuper sa loob ng 2-3 taon.


Ayon kay Singson, kayang bawiin ng mga tsuper ang puhunan sa loob ng 2-3 taon at may buong suporta sa lokal na maintenance ang pasilidad na magpo-produce ng 500 unit bawat buwan.


“Kapag may nasira, maaayos natin dito,” giit ni Singson. “Target naming gumawa ng 500 unit bawat buwan, at dadami pa ito kung tataas ang demand.”


Lahat ay asembolado sa planta ng mga Pilipinong manggagawa. Dalawang oras lang at apat na trabahador para sa bawat unit, paliwanag niya.


Ang planta na magbibigay ng trabaho sa humigit-kumulang 80 na manggagawa at palalawakin pa sa Visayas at Mindanao.


Hindi ito pulitika, ayon kay Singson. “Ayoko mabahiran ng kulay kaya ako nag-withdraw. Gusto ko ng solusyon.”


Si Rep. Richelle Singson ng Ako Ilokano Ako Partylist ay nauna nang nangakong ipagpapatuloy ang adhikain: “Tinutuloy namin ang laban ni daddy.”


Ipinangako niya na pangungunahan ng Ako Ilokano Ako Partylist ang pagtulong sa mga tsuper at operator sa harap ng hamon ng PUV modernization program.


Gayunpaman, ang maliit na hadlang, ani ni Chavit, ay ang pag-apruba ng ruta ng e-jeepney.


Dagdag ng dating gobernador na hinihintay nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iproseso ang mga aplikasyon ng prangkisa para sa mga serbisyo sa transportasyon ng e-jeepney.


Habang naghihintay ng mga lokal na permit, sinabi niya na lumalaki ang internasyonal na interes. Ang Paraguay ay nag-order na ng 60 unit sa P2.5 milyon bawat isa — isang deal na inamin niyang makakatulong na mabawi ang kanyang gastos.


Samantala, matibay ang suporta ng mga transport group.Ipinagpasalamat ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, ang planta: “Si Manong Chavit, siya nakaisip na yumakap sa amin sa transportation, at lalo na sa LTFRB. Kami ay natutuwa dahil sa wakas naitayo na ang kauna-unahang assembly plant ng e-jeepney sa Pilipinas.”


Ayon kay Zaldy Pingay ng Stop and Go Transport Coalition: “Nagpapasalamat kami kay Gov. Chavit dahil magbibigay ng napakamura, zero downpayment at interest.”


“Pilipino kukunin nilang workers. ‘Yung magtatarabaho rito sa planta at service center. Maraming trabaho ang ibibigay. Malaking tulong sa ating ekonomiya. Hindi na mawawala ang mukha ng jeepney.”


Ang planta ay bunga ng partnership ng LCS Group at E-MON Co. ng Korea, na nagdisenyo ng 27-seater na e-jeepney na pinagsama ang modernong teknolohiya at klasikong disenyong Pilipino.


Nakatakda na rin ang pagpapalawak sa Visayas at Mindanao, na magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.

 
 

by Info @Survey | Feb. 15, 2025



SM Supermalls is enhancing Holy Week travel for Electric Vehicle (EV) owners with its growing network of 123 Electric Vehicle Charging Stations (EVCS), with 50 more planned for 2025. This expansion offers free charging at 69 SM malls, supporting eco-friendly journeys for northbound and southbound trips. 



SM Southmall supports sustainable travel with its accessible Electric Vehicle (EV) charging points.


SM Supermalls, a Department of Energy (DOE)-accredited operator of EVCS, ensures its stations meet national standards, addressing infrastructure limitations and promoting EV adoption in line with DOE goals. This initiative positions SM as a key driver in the Philippines' low-carbon future. 


The use of EV reduces the amount of greenhouse gas emissions, such as carbon dioxide (CO2), in the atmosphere, which leads to global warming. Their use has no direct emissions as compared to gasoline- or diesel-powered vehicles. 


For Holy Week road trips, free EV charging is available at 69 SM malls, including: 


Northbound Adventures

Heading to Baguio? An EV trip from SM Mall of Asia (MOA) to SM City Baguio (266km) may typically consume ~50kWh one way, avoiding approximately 0.067 metric tons of CO₂ on a roundtrip, which is also equal to 7.6 gallons of gasoline or 74.6 pounds of coal. Top-up stops are available at SM City Rosales and SM City Urdaneta Central.

From SM North EDSA (253km), a similar route saves 0.065 tons of CO₂ (or 7.3 gallons of gasoline), while SM City Fairview (252km) may not even need a charging stop, with 0.06 tons of CO₂ avoided.

Shorter northern trips like SM MOA to SM City Clark (96km) or SM North EDSA to Clark (83km) may require no stopovers, offering up to 0.02 metric tons of CO₂ savings, equivalent to 2 gallons of gasoline.


Southbound escapades

Popular eco-friendly road trip spots include Tagaytay (65km one way from SM MOA, ~0.017 tons CO₂ saved), Laguna (SM City Santa Rosa, SM City San Pedro), Batangas (SM City Lipa), and Legazpi (SM City Legazpi).


Skyranch Tagaytay now powers your eco-friendly journeys with our convenient Electric Vehicle (EV) charging station.


For longer drives, travelers heading to SM City Naga from SM MOA can stop at SM City Lucena (248km), with roundtrip CO₂ savings of 0.061 metric tons—equal to 6.9 gallons of gasoline or 67.8 pounds of coal.


Visayas and Mindanao

Eco-friendly travel is easy with charging stations at SM City Cebu, SM City Cagayan de Oro (Downtown & Uptown), and SM Lanang in Davao. A 280km roundtrip between SM City CDO Downtown and SM Lanang in Davao avoids 0.035 tons of CO₂—equal to 3.9 gallons of gasoline or 38.5 pounds of coal—with no stopovers needed.


An electric vehicle (EV) recharges conveniently at the SM J Mall in Cebu EV charging station.


Join the green revolution and conveniently charge your Electric Vehicle (EV) at SM CDO Downtown.


This Holy Week, #RechargeWithSM and experience the freedom of worry-free, eco-friendly travel, powered by SM Supermalls’ growing network.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 31, 2025



SSS DICT


Hello, Bulgarians! Mainit na tinanggap ni Social Security System (SSS) President and CEO Robert Joseph Montes De Claro (kanan) si Secretary Henry Rhoel Aguda (kaliwa), ang bagong hinirang na kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sa isang courtesy visit noong Marso 26, 2025 sa SSS Main Office Quezon City, upang talakayin ang malawak na hanay ng partnership opportunities sa pagitan ng dalawang institusyon ng gobyerno.


Sinabi ni De Claro na ang SSS ay nasasabik na makipagtulungan sa bagong DICT chief sa maraming larangan, partikular na tinatalakay ang mga pamantayan ng information technology at cloud/edge computing technologies sa isang dinamikong kapaligiran at kung paano ito magagamit para mapabuti ang mga serbisyo sa mga miyembro ng SSS. 


“Through our strengthened partnership with DICT, Secretary Aguda can guide SSS as we navigate our way through the fast-changing IT landscape,” paliwanag ni De Claro. 

Sa kanyang bahagi, binalangkas ng kalihim ang mga prayoridad upang mapabuti ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga nasasakupan.


“We will promote changes to reduce queues in availing government services by pushing interconnectivity in a secure environment,” sabi ni Aguda.


Ang pagpupulong sa pagitan nina De Claro at Aguda ay hudyat ng panibagong pakikipagtulungan ng naturang institusyon para sa digitalization at modernization efforts na naglalayong pahusayin ang SSS online services at pagyamanin ang higit na kahusayan sa paghahatid ng mga benepisyo sa social security sa milyun-milyong miyembro ng SSS, lalo na ang overseas Filipino workers (OFWs) gaya ng ipinangako ni De Claro na magbibigay ng mas mahusay na social security protection.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page