top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 23, 2023




Pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., ang kulang sa sandaling maratipikahan ang panukala na magpapatibay sa 'chalk allowance’ na layuning taasan ang taunang supply allowance ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan.


Sa botong 22 na mga senador na present sa sesyon, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 1964 o ang ‘Kabalikat ng Pagtuturo Act’ na iniakda at ini-sponsor mismo ni Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. na naglalayong dagdagan ang allowance ng public school teachers.


Sinabi ni Revilla na sobra-sobra na ang trabaho ng mga pampublikong guro ngunit kulang naman ang kanilang suweldo na tumatanggap ng P24 bawat araw sa ilalim ng kasalukuyang P5,000 teaching supplies allowance para sa buong school year.


Aniya, naoobliga ang mga public teachers na maglabas ng sariling pera upang makabili ng mga materyales at iba pang supplies na ginagamit sa pagtuturo.


Sa ilalim ng SBN 1964, ang teaching allowance ay unti-unting tataas mula sa kasalukuyang P5,000 ay magiging P7,500 para sa school year 2023-2024 at P10,000 kada guro para sa school year 2024-2025 hanggang sa mga susunod pa at ang karagdagang benepisyo ay hindi kakaltasan ng buwis.


Ayon pa kay Revilla ang kasalukuyang cash allowance ay kabilang na ang P500 alokasyon para sa medical examination na kung ibabawas pa umano ang gastos sa teaching materials ay bababa pa sa P22 kada araw.


 
 

ni Madel Moratillo | May 9, 2023




Sa Kamara, isinusulong ang panukala para sa P3,000 insentibo sa mga guro tuwing Teacher’s Day.


Sa kasalukuyan, may 1 libong piso ang mga guro sa pampublikong eskwelahan tuwing World Teachers’ Day.


Pero sa ilalim ng House Bill No. 7840, nais ni Makati City Rep. Luis Campos, Jr. na gawin itong 3 libong piso.


Giit ni Campos, makatutulong ito sa mga guro at pati na rin sa satisfaction at fulfillment


sa kanilang ginagawang sakripisyo para sa mga kabataan.


Nabatid na 2019 sinimulan ang programa na ito, at ngayong taon, nasa 900 milyong piso ang inilaang pondo.


 
 

ni BRT | March 30, 2023




Tinawag na imposible at hindi reyalistiko ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte ang pagha-hire ng 30,000 public school teachers, gayundin ang budget na P100 bilyon kada taon.


Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kasunod ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers sa DepEd na mag-hire ng 30,000 guro kada taon, hanggang sa taong 2028, upang makamit ang ideal class size na 35 mag-aaral.


Naniniwala rin si Duterte na ang pahayag ng ACT ay naglalayong i-divert ang atensyon ng publiko mula sa NPA-initiated violence sa Masbate.


Sinabi naman ng Bise na layunin ng DepEd na mag-hire ng karagdagang teaching at non-teaching personnel ngayong taon.


Nakatakda rin silang mag-deploy ng mas maraming school administrative officers para mag-complement sa workforce at bawasan ang administrative tasks ng mga guro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page