top of page
Search

ni Mai Ancheta | June 21, 2023



ree

Ipinasara ng lokal na gobyerno ang anim na beach resort sa Tacloban City matapos makitaan ng fecal coliform ang tubig.


Ito ay matapos lumabas sa resulta ng water sampling analysis ng Environmental Management Bureau ng city government ang mataas na level ng fecal coliform sa tubig-dagat sa lugar.


Ang fecal coliform ay isang uri ng bacteria na nabubuhay mula sa bituka ng hayop o tao at posibleng dumami kapag ang dumi ng tao o hayop ay direktang tumatapon sa dagat o hindi tama ang paggamit ng weage system.


Ayon sa Tacloban City Business Permits and Licensing Division, ang mga ipinasarang beach resorts ay nasa Bgy. 66, San Jose, Tacloban City.


Maaari lamang buksan ang mga ipinasarang beach resort sa sandaling makasiguro ang pamahalaang lungsod na malinis na ang lugar at hindi maghahatid ng peligro sa kalusugan ng tao.


Bukod sa mataas na level ng bacteria sa tubig sa anim na ipinasarang beach resorts, lumabag din umano ang mga ito sa ordinansa ng lungsod na may kinalaman sa Tacloban City Revenue Code.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 24, 2021



ree

Nilinaw ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez na ang ginawa niyang pagpapaturok kontra COVID-19 ang humikayat sa ibang healthcare workers ng lungsod na magpaturok din, ayon sa panayam sa kanya ngayong umaga, Marso 24.


“Alam n’yo nu'ng nabakunahan ako, ‘yung 350, naging 790,” kuwento pa niya.


Iginiit niyang natatakot magpabakuna ang mga healthcare workers ng Tacloban kaya nagdesisyon siyang magpabakuna gamit ang Sinovac upang tumaas ang kumpiyansa ng mga ito at para hindi na bawiin ang mga bakuna pabalik sa National Capital Region (NCR).


Aniya, "Tinatanong nila sa akin, Mayor, sabay na lang ako sa 'yo 'pag nabakunahan ka. Sabi ko, 'Hindi ako priority.' Akala nila siguro, naghihintay ako, baka may mas magandang bakuna.


Sasabay sila sa akin." Bagama’t hindi kasama sa prayoridad ang alkalde ay nagpabakuna pa rin siya.


Nakahanda naman siyang sagutin ang mga kumukuwestiyon sa kanya at makikipagtulungan siya sa gagawing imbestigasyon ng pamahalaan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page