top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B
Search

by BRT @News | October 9, 2026



Paglikas sa pagputok ng bulkan - Mayor Cindy Reyes

Photo: Courtesy Mayor Cindy Reyes



Lumikas ang 29 pamilya o 107 residente sa Agoncillo, Batangas, matapos ang bahagyang pagputok ng Bulkang Taal nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 8.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuee sa socio-civic center sa Barangay Pansipit matapos maapektuhan ng ashfall ang mga barangay ng Bilibinwang at Banyaga.


Sinabi ng PHIVOLCS na tumagal ng limang minuto ang phreatomagmatic eruption na nagsimula alas-6:06 ng gabi. Umabot sa 4,000 metro ang taas ng ibinugang abo at usok.


Pinayuhan naman ng Department of Health ang publiko, lalo na ang may sakit sa paghinga, na umiwas sa abo.


Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 23, 2023





Nakapagtala ng mas mataas na seismic activity ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Huwebes.


Ngayong Nobyembre 23, naitala ng aktibong bulkan sa Batangas ang 66 na volcanic tremors na may tagal mula isa hanggang limang minuto, isang pagtaas mula sa 48 na naitala noong Nobyembre 22.


Ayon din sa Phivolcs, umabot ang paglabas ng sulfur dioxide sa average na 4,991 tonelada bawat araw hanggang Nob. 20.


Napansin rito ang "moderate" emission of plume na may taas na 1,000 metro bago ito lumutang pa-southwest.


Kasalukuyan pa ring nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nangangahulugang nasa low-level unrest ang kalagayan nito.


Binabalaan ang publiko sa mga posibleng panganib na maaaring maganap, kabilang ang explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions of volcanic gas.


Ipinagbabawal din ang pagpasok sa Taal Volcano Island na isang permanenteng danger zone, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, pati na rin ang pagtambay at pamamangka sa Taal Lake.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023




Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagtaas sa bilang ng mga pagyanig ng bulkang Taal sa nakaraang 24 oras.


Iniulat ngayon ng Phivolcs ang 79 pagyanig ng bulkan na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto, na mas marami kaysa sa 11 na lindol nu'ng nakaraang araw.


Saad nila, ang paglabas ng sulfur dioxide (SO2) ay may average na 7,084 tonelada bawat araw nu'ng Oktubre 29 dahil sa patuloy na pag-akyat ng mainit na likido mula sa bulkan sa mga lawa ng Taal.


Ang Taal ay nananatiling nasa Alert level 1 ngunit nagbabala na rin sila sa publiko.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page