top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021



Umabot sa 2,429 katao ang inilikas sa Batangas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PRDRRMO) ngayong Sabado nang hapon.


Ani PDRRMO Chief Lito Castro sa isang panayam, “Mayroon nang record na tumaas ang bilang ng mga evacuees. Nakita namin na maraming ‘di nagpunta sa evacuation center at pumunta sa kani-kanilang mga pamilya sa labas ng Batangas.


“Ngayon ay may 2,429 individuals na nag-evacuate.” Ayon naman sa Civil Defense Philippines, umabot sa 778 pamilya o 3,141 katao ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.


Karamihan umano ng mga nasa evacuation centers ay mula sa Agoncillo, Laurel, San Nicolas at Lemery, Batangas.


Samantala, joint forces naman ang Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross sa pag-a-assist sa mga nasa evacuation centers.


 
 

ni Lolet Abania | July 1, 2021



Isinailalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Taal Volcano sa Alert Level 3 matapos ang eruption o pagsabog nito na umabot ng isang kilometrong taas ng phreatomagmatic plume ngayong Huwebes nang hapon.


Ayon sa PHIVOLCS, ang main crater ay bahagyang sumabog na nagbuga ng 1 kilometer-high phreatomagmatic plume ng alas-3:16 ng hapon subalit wala namang kasamang pagyanig.


Sinabi ng PHIVOLCS na ang naganap na phreatomagmatic eruption ay tumagal lamang ng hanggang alas-3:21 ng hapon o limang minuto. Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, inilagay sa Alert Level 3 ang Taal na ang ibig sabihin ay nakapagtala ang bulkan ng "magmatic unrest".


“’Yung pagsabog po kanina, short-lived lang naman siya, mga limang minuto pero maitim po ‘yung pinaka-eruption column,” ani Solidum. “Ibig sabihin, may laman bago ‘yan pero hindi ganu’n kataas, isang kilometro lang ang inabot,” dagdag niya.


Inirekomenda na rin ng PHIVOLCS sa mga residente ng Taal Volcano Island at iba pang high-risk barangay gaya ng Agoncillo at Laurel na magsilikas dahil posibleng magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.


“The public is reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone, and entry into the island as well as high-risk barangays of Agoncillo and Laurel is prohibited,” pahayag ng PHIVOLCS.


Pinapayuhan din ng ahensiya ang mga nasa komunidad sa paligid ng Taal na maging maingat at magbantay sa posibleng aktibidad naman ng lakewater.


Subalit ayon kay Solidum, stable pa ang bulkan. “Sa aming pagbabantay, tinitingnan namin kung titindi pa ang pamamaga niya. Hindi ganu’n ang ano, ang nakikita natin. Steady lang. So, may kaunting pressure na naipon at ‘yun ang pagbuga,” sabi ni Solidum.


Binanggit din ni Solidum na ang bulkan ay nakapaglabas ng tinatayang 13,000 tons ng sulfur dioxide o SO2 mula Huwebes nang umaga hanggang hapon, mas kaunti kumpara sa 14,326 tons na ibinuga nito noong Lunes.


“Nonetheless, kailangan nating pag-ingatan ang Taal. Kasi nagkakaroon na ng explosion. Puwede naman na talagang mangyari ito na after one year, may sumunod na activity,” ayon sa opisyal. Gayundin, noong Martes, ang Taal Volcano ay naglabas ng sulfur dioxide na umabot sa National Capital Region at karatig-lalawigan ng Miyerkules.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 13, 2021




Naapektuhan ang mga pananim sa ilang barangay sa Batangas matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mataas na lebel ng sulfur dioxide sa Bulkang Taal.


Ayon sa PHIVOLCS, natuyo ang mga pananim sa Barangay Banyaga, Bilibinwang at Subic Ilaya. Nakaranas din umano ng pangangati ng lalamunan ang mga residente ng nasabing mga barangay dahil sa ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal.



Sa latest Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS, wala naman umanong na-detect na volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras ngunit naitala rin ng ahensiya ang sulfur dioxide emission na 2,009 tonnes/day noong June 12 na senyales ng patuloy na paggalaw ng magma.


Nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Taal Volcano at paalala ng PHIVOLCS sa publiko, sa naturang alert level, possible ang biglang pagbuga nito ng steam o gas-driven explosions, volcanic earthquakes at minor ashfall. Ipinagbabawal din ng PHIVOLCS ang pagpunta sa Taal Volcano Island, Taal’s Permanent Danger Zone (PDZ), lalo na sa lugar malapit sa main crater nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page