top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 18, 2023

ni Janice Baricuatro | February 18, 2023



ree

Nasawi ang isang mag-ina nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Noveleta, Cavite kahapon ng hatinggabi habang nasa kasarapan ng tulog pero nakaligtas naman ang kanyang mister at isa pa nilang anak.

Base sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police Director PCol. Christopher Olazo, alas-12:42 ng hatinggabi nang sumiklab ang apoy sa Bgy. Salcedo 2, Noveleta.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nakalabas pa ang noo’y mahimbing na natutulog na mag-inang sina Maria Cristina, 8, at Marilen Tamayo, 39, kapwa residente ng nasabing barangay.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na nagmula ang apoy sa panggatong na naiwang may silab ng apoy sa kanilang kusina at mabilis na kumalat sa buong kabahayan dahil gawa lamang umano ito sa light materials.

Ala-1:04 ng madaling-araw na nang maapula ang apoy na kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng pulisya.


 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 9, 2023



ree

Isang sunog ang sumiklab sa Araneta City Bus Terminal sa Quezon City ngayong Huwebes ng hapon.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-4:46 ng hapon na itinaas sa Task Force Bravo. Ang apektado ring lugar ay food at amusement park.


Sa mga lumabas na larawan, kitang-kita ang makapal na usok na nanggagaling sa sunog kahit na nasa malayo.


Ayon sa manager, mabilis na nakalikas ang mga tenants ng bus station. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad subalit, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa napakaraming tao sa nasabing lugar. Patuloy pang inaapula ang sunog.


 
 
  • BULGAR
  • Jan 28, 2023

ni Lolet Abania | January 28, 2023



ree

Dalawa ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa residential area sa kahabaan ng Gumamela Street sa Barangay Roxas, Quezon City, ngayong Sabado ng hapon.


Alas-3:06 ng hapon itinaas sa unang alarma ang sunog at umabot sa ikalawang alarma makaraan ang 6 na minute.


Batay sa command post ng Bureau of Fire Protection (BFP), isang 63-anyos na lolo at isang 15-anyos na babae ang nai-report na nasugatan dahil sa sunog. Naapula naman ng mga bumbero ang apoy ng alas-4:33 ng hapon.


Ayon sa local disaster response monitoring team, tinatayang 100 pamilya o 300 indibidwal ang apektado sa insidente. Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang naging dahilan ng sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page