top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 15, 2023



ree

Patay ang isang indibidwal habang dalawa pa ang nawawala kung saan naapektuhan din ang biyahe ng Light Rail Transit Line 2 sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.


Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawi sa sunog, gayundin ng mga nawawalang biktima.


Nasa 1,200 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog, na sinasabing nagsimula umano sa isang paupahang gusali na pagmamay-ari ng isang Joker Flores at inookupa ng isang Balong Flores.


Nabatid na umabot sa ikalimang alarma ang sunog, na tumupok sa tinatayang 400 bahay bago naideklarang under control alas-6:43 ng umaga at tuluyang naapula alas-12:04 ng tanghali.


Tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.


Kaugnay nito, dahil malapit ang sunog sa Recto Station ng LRT-2 naapektuhan din nito ang biyahe ng mga tren ng LRT-2.


Ayon sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), alas-5 ng madaling-araw nang ipatupad ang provisionary service mula Antipolo Station hanggang V. Mapa Station sa Maynila.


Sinabi ng LRTA na napilitan silang magpatupad ng limitadong operasyon dahil naapektuhan ng sunog ang power supply at signaling systems sa Recto Station.


Tumagal ang limitadong train operations hanggang alas-10:56 ng umaga, upang matiyak ang kaligtasan ng riding public.


Dakong 10:57 ng umaga ay pinalawak na ng LRT-2 ang kanilang operasyon mula Antipolo Station hanggang Legarda Station at vice-versa.


Nabatid na napinsala din ng sunog ang elevated connecting bridge, na nagsisilbing link o transfer of passengers mula LRT-2 Recto Station sa LRT-1 Doroteo Jose Station at sa kasalukuyan ay hindi pa maaaring daanan.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 10, 2023



ree

Nais ni House Speaker Martin Romualdez na may managot sa pagkasunog ng barkong MV Lady Mary Joy 3, na naging dahilan ng pagkamatay ng 31 katao at 2 pa ang nawawala sa karagatang ng Baluk-baluk Island sa Basilan kamakailan.


Kinalampag din ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno't dulo ng pagkasunog ng barko.


Dapat umanong natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.


Ani Romualdez, mismong si Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan ang nagsabi na nahirapan ang mga otoridad sa rescue operation dahil sa inaccuracy ng passenger manifesto.


Binanggit din na kung pagbabatayan ang bilang ng mga naligtas at bilang ng nasawi, hindi ito tugma sa record ng PCG.


Aniya, dapat na may managot sa insidente at pahintuin na muna ang paglalayag ng iba pang barko ng naturang shipping line.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 30, 2023

ni Loraine Fuasan (OST) | March 30, 2023



ree

Nasa 38 katao ang kumpirmadong nasawi, dahil sa sunog noong Lunes ng gabi, sa migration center sa Ciuidad Juarez sa Mexico.


Bukod sa mga namatay, mayroon pang 28 katao ang sugatan na idinala sa apat na lokal na ospital.


Ayon kay Mexico President Andres Manuel Lopez Obrador, nagsimula umano ang sunog habang may mga nagpoprotesta sa National Migrant Institute (INM) office.


Hindi pa naglabas ang mga awtoridad ng pagkakakilanlan ng mga biktima. Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page