top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 9, 2023



ree

Patay ang dalawa katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, ngayong umaga ng Huwebes.


Ayon sa SPD, edad 40 na lalaki at 62-anyos na babae ang namatay.


Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-12:36 ng hatinggabi at umabot ito sa third alarm alas-12:54 ng hatinggabi.


Naapula naman ang sunog alas-3 ng madaling-araw.


Nasa 60 katao o 40 pamilya ang apektado matapos masunog ang higit-kumulang sa 20 bahay at establisimyento.


Sinabi ng BFP na nasa P75,000 halaga ng ari-arian ang nasira. Nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay.


Patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 5, 2023



ree

Isang sunog ang sumiklab ngayong Linggo ng umaga sa isang residential area sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City.


Nagsimula ang sunog alas-7:30 ng umaga na nakaapekto sa Kaingin Bukid.


Alas-8:30 ng umaga nang itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa third alarm.


Pansamantalang nag-evacuate ang ilang apektadong residente sa kalapit na compound.


Nakontrol naman ng mga bumbero ang sunog alas-10:01 ng umaga.


Tatlo ang iniulat na sugatan sa insidente na kinilalang sina Mary Grace Bermil, 28, na may malalim na sugat sa kanyang kaliwang binti; Cristina Pascual, 47, na nagkaroon ng hyperventilation dahil sa panic attack, pagduduwal, at pananakit ng tiyan at isang 22-anyos na lalaking fire volunteer.


Ayon sa BFP, apektado ng sunog ang hindi bababa sa 20 bahay ng mga informal settler.


Patuloy ang mga tauhan ng BFP sa kanilang mga operasyon upang tiyakin na walang natirang apoy sa lugar habang isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog.

 
 

ni Mai Ancheta @News | September 29, 2023



ree


Nasunog ang isang tanker truck na may kargang coconut oil habang bumabaybay sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong Miyerkules ng madaling-araw.


Naganap ang insidente sa boundary ng Sto. Tomas, Batangas at Calamba City, Laguna pasado alas-5 ng madaling-araw.


Ayon sa Sto. Tomas City Police, galing sa Calamba ang tanker patungo sa Sto.Tomas at habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay nasunog ito.


Agad namang nakaresponde ang mga operatiba ng Calamba City Fire Station upang apulahin ang apoy.


Nakaligtas sa insidente ang driver at pahinante ng trak dahil mabilis na nakalabas ang mga ito sa sasakyan.


Pansamantalang natigil ang biyahe ng mga sasakyan sa southbound lane ng SLEX dahil sa insidente.


Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng tanker truck.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page