top of page
Search

@Buti na lang may SSS | April 24, 2022


Dear SSS,


Magandang araw po. Nais kong itanong ang SSS death benefit claim ng tatay ko. Namatay siya noong Disyembre 12, 2021. Makukuha ba ng nanay ko ang pensyon ni Tatay? May unang pinakasalan po siya gayundin si nanay. Maililipat ba ang pensyon ni Tatay sa kanya?


Salamat po.


— Sarah


SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Sarah!


Ang pagkakasunud-sunod o order of preference ng mga benepisyaryo ng isang miyembro ng SSS ay ang mga sumusunod: Una, primary beneficiaries o pangunahing benepisyaryo na tumutukoy sa legal na asawa at menor-de-edad na anak, kasama ang legal na ampon at incapacitated; Ikalawa, secondary beneficiaries na binubuo ng mga magulang ng namayapang miyembro kung siya ay single o walang asawa; Ikatlo, designated beneficiaries o ang itinalaga ng miyembro bilang kanyang benepisyaryo sa SS Form E-1/E4; at ikaapat, ang Legal heirs o mga legal na tagapagmana ng namatay na miyembro na naaayon sa Civil Code of the Philippines.


Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security of 2018, ang may karapatan sa batas na

makatanggap ng death benefit ng miyembro ay tanging ang mga legal na benespisyaryo ng SSS katulad ng ating nabanggit.


Kung ang namatay na miyembro ay pensiyonado, ililipat ang pensyon nito sa kanyang legal na asawa na katumbas ng 100 porsyento na tinatanggap ng namayapang miyembro noong siya ay nagpepensyon sa ilalim ng SSS Retirement Benefit Program. Kung may anak naman siya na wala pang 21 taong gulang, makatatanggap ang kanyang anak ng dependents’ pension. Ito ay katumbas ng P250 o 10% ng basic monthly pension, alinman ang mas mataas.


Samantala, maaari itong ipagkaloob sa limang menor-de-edad na anak, simula sa pinakabata ngunit walang kaukulang substitution. Matitigil lamang ang benepisyong ito kapag umabot na siya ng 21 taong gulang, nakapag-asawa, nakapagtrabaho o kaya ay namatay.


Sa kaso ng iyong namayapang ama, Sarah hindi maituturing na benepisyaryo ang iyong

nanay dahil hindi siya ang legal na asawa ng iyong tatay. Idagdag pa rito, may ibang asawa rin ang iyong nanay. Kaya hindi siya kwalipikadong tumanggap ng pensyon mula sa SSS.


Kung wala nang menor-deedad sa inyong magkakapatid, maaari kayong makatanggap ng nalalabing balanse ng inyong tatay na nakapaloob sa five-year guaranteed period kung hindi pa nakakalagpas ng limang (5) taon ang pagtanggap ng pensyon ng miyembro.


Sa ilalim ng five-year guaranteed period, kapag ang miyembro ng SSS na nakatatanggap ng retirement pension o total permanent disability pension ay mamatay bago pa umabot sa limang taon ng kanyang pagtanggap ng pensyon, ang balanse nito ay ibibigay sa mga secondary, designated o legal heirs na babayaran naman sa pamamagitan ng lumpsum benefit.


***


Nais naming ipaalam sa ating mga miyembro na patuloy na tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 5 hanggang Mayo 14, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro ang mga naipong multa o penalties sa hindi niya nabayarang utang sa SSS gaya ng Salary loan, Calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency loan at restructured loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Samantala, patuloy namang tatanggap ng aplikasyon para sa Housing Loan Restructuring and Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 4.


Tatanggap ang SSS ng aplikasyon hanggang Mayo 21, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro o mga tagapagmana nito ang mga naipong multa o penalties sa hindi nabayarang housing loan. Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa SSS

Housing and Acquired Asset Management Department na nasa SSS Main Office sa Quezon City at sa Housing and Acquired Asset Management Section ng piling sangay ng SSS sa labas ng Metro Manila.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | April 10, 2022


Dear SSS,

Magandang araw po. Ang mother-in-law ko ay isang SSS pensioner. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Tring, Hertfordshire, United Kingdom. Nais sana niyang malaman kung paano siya makakapag-comply sa ACOP? Kailangan pa bang umuwi siya rito sa Pilipinas para gawin ito? Salamat po. — Samantha

SAGOT:

Mabuting araw sa iyo, Samantha!

Muling ibinalik ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagrereport ng mga pensyonado sa SSS noong Oktubre 2021. Layunin nito na masiguro na ang tamang benepisyaryo ang tumatanggap ng pensyon at maprotektahan ang pondo ng SSS. Nais naming ipaalam sa iyo na pinalawig ng SSS ang deadline sa compliance sa ACOP hanggang Hunyo 30, 2022.

Kinakailangang mag-comply sa ACOP ang mga sumusunod na uri ng pensyonado upang hindi maputol ang pagtanggap nila ng kanilang buwanang pensyon:

  • retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa;

  • total disability pensioners;

  • survivor pensioners; at

  • dependent (minor/incapacitated) pensioners na nasa pangangalaga sa ilalim ng guardianship.

Dati, kailangang magpunta pa ng isang pensyonado sa mga opisina ng SSS para sa kanyang ACOP. Subalit, sa pamamagitan ng pinaigting na digitalization effort ng SSS, mas pinadali, mas pinasimple at mas pinabilis ang pag-comply sa ACOP. Nagpatupad ang SSS ng mas ligtas at mabilis na alternatibong pamamaraan upang makasunod dito sa ACOP na hindi na nangangailangan ng personal appearance sa SSS.

Samantha, para sa mga pensyonado na naninirahan sa ibang bansa, tulad ng iyong iyong mother-in-law, may tatlong paraan upang isagawa ang ACOP.

Option 1: Sa pamamagitan ng video conference (Microsoft Teams). Mag-send siya ng appointment request sa ofw.relations@sss.gov.ph. Hintayin ang e-mail confirmation mula sa SSS na naglalaman ng transaction reference number (TRN) at ng link sa Microsoft Teams. Sa scheduled video conferencing, dapat siyang mag-present ng isang (1) primary ID card o dalawang (2) secondary ID cards.

Option 2: Maaaring ipadala ang mga required na dokumento sa e-mail address ng pinakamalapit na SSS foreign office. Sa United Kingdom, ang aming foreign office ay matatagpuan sa No. 11 Embassy of the Philippines, Suffolk St., London, SW1Y 4HG.

Option 3: Maaari ding ipadala ang mga required na dokumento sa pamamagitan ng koreo sa SSS OFW-Contact Services Section, Social Security System Main Office, East Avenue, Diliman, Quezon City 1100.

Para sa Option 2 at 3, dapat ihanda ng mother-in-law mo, Samantha ang sumusunod na mga dokumento:

  • duly-accomplished ACOP Form;

  • isang primary o dalawang secondary ID cards;

  • half-body photo ng pensyonado na may hawak na kasalukuyang dyaryo o di kaya’y nasa background niya ang TV news crawler o ticker kung saan makikita ng malinaw ang news headline at kasalukuyang petsa.

Maaari mong i-download ang SSS ACOP form sa link na ito https://bit.ly/3mC8TkE.

Nais naming ipaalala na kung hindi makakapag-comply sa ACOP ang iyong mother-in-law hanggang Hunyo 30, 2022, maaaring maputol ang pagtanggap niya ng buwanang pensyon simula sa Setyembre 2022.


◘◘◘


Nais naming ipaalam sa ating mga miyembro na pinalawig ang application period ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 5 hanggang May 14, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro ang mga naipong multa o penalties sa hindi niya nabayarang utang sa SSS gaya ng Salary loan, Calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency loan at restructured loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Bukod dito, pinalawig din ang application period para sa Housing Loan Restructuring and Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 4. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para dito hanggang Mayo 21, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro o mga tagapagmana nito ang mga naipong multa o penalties sa hindi nabayarang housing loan. Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa SSS Housing and Acquired Asset Management Department na nasa SSS Main Office sa Quezon City at sa Housing and Acquired Asset Management Section ng piling sangay ng SSS sa labas ng Metro Manila.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 5, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Inihayag ng pangulo at CEO ng Social Security System (SSS) na si Michael G. Regino na ang deadline ng pagsunod para sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) para sa taong 2021 ay extended mula Marso 31, 2022, hanggang Hunyo 30, 2022.


Sakop ng ACOP ang mga sumusunod na uri ng pensiyonado:


• Survivor pensioners (receiving pensions through Death Benefit),

• Total disability pensioners,

• Guardians and their dependents, and

• Retirement pensioners residing abroad.


Ang mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas ay nananatiling exempted sa pagsunod sa ACOP.


Sinabi ni Regino na layon ng extension na bigyan ng mas mahabang panahon ang mga hindi pa nakasunod sa ACOP para maiwasan nila ang pagsususpinde ng kanilang buwanang pensiyon.


“Originally, we have given covered pensioners a period of six months from October 1 last year to comply with the ACOP for the calendar year 2021. But in view of the restrictions that were implemented at some point earlier this year due to the Omicron variant along with other considerations, we decided to extend the deadline for another three months or until June 30,” pahayag ni Regino.


“We urge those who have not yet complied with the program to submit their compliance immediately for them to not miss the new deadline. We have various methods for compliance that we developed with the utmost consideration for their safety and convenience,” dagdag pa niya.


Ang mga guideline at dokumentaryong kinakailangan para sa iba't ibang paraan ng pagsunod gaya ng sa pamamagitan ng e-mail, mail, courier, drop box, video conference, at home visit (para sa kabuuang mga pensioner na may kapansanan na naninirahan sa Pilipinas) ay maaaring ma-access sa https://bit .ly/3iwZBUE.


Ang mga sakop na pensiyonado sa ilalim ng ACOP na nakasunod na para sa taong 2021 ay hindi na kailangang muling isumite ang kanilang compliance. Ang karaniwang iskedyul ng ACOP ay magpapatuloy sa Hulyo 1, 2022.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page