top of page
Search

@Buti na lang may SSS | August 13, 2023


Dear SSS,

Good morning! Itatanong ko lang regarding sa sick leave ko kasi nalito ako sa pag-fill-up. Nais ko sanang baguhin ang number of days nito. Ang nailagay ko ay 8 days instead of 30 days kasi naoperahan po ako. Puwede ko pa ba itong mapalitan?


Salamat. — Jose


Mabuting araw sa iyo, Jose!


Maaari mo namang palitan ang bilang ng araw na ikaw ay nagkasakit at na-confine sa iyong bahay o sa ospital. Mag-refile po kayo online ng inyong sickness benefit application na pang 30 araw at i-evaluate po iyan ng SSS kung may basehan ang dagdag na benepisyo.


Maaaring mapagkalooban ang isang miyembro ng benepisyo sa pagkakasakit o sickness benefit ng hanggang 120 araw sa loob ng isang taon at karagdagang 120 araw sa susunod na taon kung magpapatuloy ang dati mong sakit.


Samantala, ang sickness benefit ay cash allowance na ibinabayad sa miyembro para sa bawat araw na hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit o pagkapinsala ng katawan. Ibinibigay ito sa kwalipikadong miyembro kasama ang mga employed, self-employed, voluntary at Overseas Filipino Workers (OFWs). Dapat ay nakapaghulog din siya ng hindi bababa sa 3 buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan.


Halimbawa, Jose, na-confine ka sa ospital mula Mayo 25 hanggang Hunyo 2, 2023. Ang semestre ng iyong pagkakasakit ay mula Enero hanggang Hunyo 2023. Hindi natin isasama sa bilang ng komputasyon ng iyong naihulog sa SSS ang panahong ito dahil ito ang semestre ng iyong pagkakasakit. Kaya, ang huling 12 buwan bago ang semestre ng iyong pagkakasakit ay mula Enero hanggang Disyembre 2022. Sa panahong ito naman ay dapat mayroon kang hindi bababa sa 3 buwanang kontribusyon upang maging kwalipikado sa benepisyong ito.


Para sa mga empleyado naman, kinakailangan din na nagamit na niyang lahat ang kanyang company sick leaves. Napakahalaga lamang na tandaan ang 10-day notification period kung saan kinakailangan ng employed member na siya ay makapag-notify sa kanyang employer mula sa unang araw ng kanyang pagkakasakit.


Gayundin, binibigyan ang mga employer ng karagdagang 5 araw upang ipagbigay-alam ang pagkakasakit ng kanyang empleyado sa SSS. Kung sakaling maantala ang pag-notify ng empleyado sa employer at ng employer sa SSS, may kaukulang reduction o pagbabawas sa maaaprubahang bilang ng araw ng pagkakasakit ng empleyado.


Dagdag dito, habang tayo’y nasa gitna ng pandemya, ang prescriptive period ng filing para sa hospital at home confinement sa ilalim ng sickness benefit ay pansamantalang suspendido simula noong Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.


Gayunpaman, kung mauubos mo ang 120 days at patuloy na hindi ka pa rin makapagtrabaho, makalipas ang 240 araw ay maaari ka nang mag-apply sa ilalim ng SSS Disability Benefit.


Para sa impormasyon ng ating mga miyembro, ang benepisyo sa pagkabalda o disability benefit naman ay ibinabayad sa isang miyembro na nawalan ng kakayahang magtrabaho o ang kanyang kakayahang kumita ay nabawasan dahil sa kanyang kapansanan na sanhi ng karamdaman o pagkapinsala.


Isasailalim ka sa pagsusuri ng mga doktor ng SSS upang malaman kung ang iyong pagkabalda ay kwalipikadong mabigyan ng nasabing benepisyo. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagkaputol ng daliri, kamay, braso, binti na may kaukulang bilang ng buwan ng pagtanggap ng benepisyo ng miyembro. Maaaring mabigyan ka ng disability pension o lump sum amount depende sa bilang ng iyong mga naihulog sa SSS.


***


Hanggang Setyembre 21, 2023 ay tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o 5 taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | August 6, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Mayroon akong SSS salary loan sa previous employer ko at hindi ko ito naipakaltas sa aking kasalukuyang employer. Dahil dito, hindi ko nabayaran ang aking loan mula noong 2018. Kaya nag-aalala ako na baka malaki na ang penalty nito.


Mayroon bang condonation program ang SSS ngayon? Salamat. — Sally, Quezon City


Mabuting araw sa iyo, Sally!


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) batay sa SSS Circular No. 2022-022 upang tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, Sally ang babayaran mo na lamang ay ang prinsipal at interes kung saan maaari itong bayaran nang buo o one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse sa pamamagitan ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o 5 taon, depende sa halaga ng iyong pagkakautang.


Para sa kapakanan ng ating mga miyembro heto ang talaan ng halaga ng pagkakautang at haba o payment terms na kinakailangang sundin para sa pagbabayad ng kanilang mga loan:


Consolidated Loan Remaining BalanceMaximum TermAbove P5,000 to P10,0006 monthsP10,001 to P18,00012 monthsP18,001 to P36,00024 monthsP36,001 to P54,00036 monthsP54,001 to P72,00048 monthsMore than P72,00060 months


Kinakailangan lamang na matugunan mo ang mga sumusunod na kondisyon:

  • mayroon kang hindi nabayarang short-term member loan hanggang sa araw ng iyong aplikasyon sa nasabing programa;

  • hindi ka pa nabibigyan ng final benefit claim tulad ng permanent total disability o retirement benefit;

  • hindi ka na-disqualify dahil sa panloloko o fraud laban sa SSS;

  • mayroon kang aktibong account sa My.SSS.


Hindi mo na rin kailangang magtungo sa sangay ng SSS sa pag-file nito sapagkat maaari mo na itong gawing online gamit ang iyong account sa My.SSS. Kaya dapat tiyakin mong may account kang nakarehistro na sa My.SSS.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account.


***


Ipinapaalala namin na hanggang Setyembre 21,2023 ay tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan.


Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay; Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | July 30, 2023


Dear SSS,


Magandang araw. Ako ay nag-resign sa aking work bilang salesclerk sa isang mall.


Ngayon ay nagtitinda naman ako ng manok sa isang wet market dito sa Quezon City.


Paano ko ba maipagpapatuloy ang aking paghuhulog sa SSS bilang self-employed? Salamat. —Mika

SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Mika!


Bilang tugon sa iyong katanungan, ipinapayo namin sa 'yo na magtungo ka sa pinakamalapit na sangay ng SSS upang palitan ang iyong membership type mula sa pagiging Employed member to Self-Employed member. Kinakailangan kang magpasa ng Member Data Change Request Form na maaari mong i-download sa website ng SSS, www.sss.gov.ph.


Sa nasabing form, makikita mo ang bahagi ukol sa “Change of Membership Type”, lagyan mo ng tsek ang “Employed” sa ilalim ng “From” at i-tsek mo rin ang “Self-employed” sa ilalim ng ‘To”.


Isulat mo rin ang uri ng iyong business. Maaari mong ilagay dito na ikaw ay chicken retail vendor.


Kailangan ding ibigay mo kung kailan ka nagsimula sa iyong negosyo at kung magkano ang iyong buwanang kita mula rito na siyang magiging batayan sa pagkukuwenta ng magiging buwanang hulog mo sa SSS.


Sinimulan ng SSS ang coverage ng mga self-employed workers noong 1980 na itinatakda ng Republic Act 1161 o Social Security Act of 1957.


Sa ilalim ng naturang batas, ay sinasaklaw ng SSS ang mga self-employed na indibidwal na may buwanang kita na P1,000 o higit pa mula sa kanyang sariling negosyo o propesyon na walang employer kung hindi ang kanyang sarili habang hindi pa siya umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coaches, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda na sinaklaw naman noong 1995. Kabilang din dito ang mga nagtitinda sa palengke, tricycle o jeepney drivers, at mga contractual at job order na empleyado na nagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 14% ng monthly salary credit na hindi hihigit sa P30,000. Halimbawa, Mika, ang idineklara mong buwanang kita ay P10,200 kada buwan mula sa iyong pagtitinda. Batay sa Schedule of Contributions, ito ay nasasakop ng P10,000 monthly salary credit (MSC) na may kaukulang monthly contribution na P1,400 kada buwan at P10 naman kada buwan ang para sa iyong Employee’s Compensation (EC) contributions na may kabuuang halagang kontribusyon na P1,410 kada buwan.


Para sa iyong kaalaman, ang EC Program ay para sa mga work-related contingencies bunsod ng pagkakasakit, pagkabalda, o kaya’y pagkamatay na maaaring mangyari sa self-employed na gaya mo habang nagtatrabaho. Dagdag-proteksyon naman din ito bukod sa regular SSS benefits na matatanggap mo, Mika, sa hinaharap.


Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng isang self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktwal na kinikita.


Kinakailangan din na nakapagrehistro ka sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website.


Gamit ang iyong account sa My.SSS, maaari kang mag-generate ng Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng iyong monthly contributions sa SSS.


Maaari ka ring makapag-generate ng PRN gamit ang SSS Mobile App. Kinakailangan mo lamang mag-log in sa nasabing mobile app gamit ang iyong existing na My.SSS username at password.


Sunod, i-tap mo ang “Generate PRN/SOA” icon na makikita sa iyong mobile screen.


Matapos nito, i-tap mo ang “Create” at punuan mo ang mga hinihinging impormasyon gaya ng buwan, halaga ng babayarang kontribusyon at type ng membership. Kapag naibigay mo na ang lahat ng kailangang impormasyon, i-tap mo ang “SUBMIT” at lalabas ang iyong PRN/SOA. Maaari mo itong i-download bilang PDF o kaya’y magtuloy na sa pagbabayad.


Maaari ka ring magbayad ng iyong kontribusyon gamit ang SSS Mobile App, e-wallet tulad ng GCash o iba pang online payment channels. Gayundin, maaari mo itong bayaran sa pamamagitan ng internet banking facility ng Security Bank at Union Bank of the Philippines, SSS tellering facility, mga accredited payment centers, at mga accredited partner agents ng SSS.


***


Mula Hunyo 22 hanggang Setyembre 21, 2023 ay tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay; Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page