top of page
Search

by Info @Brand Zone | November 16, 2023



The Social Security System (SSS) tapped the Land Bank of the Philippines (LBP) and the Development Bank of the Philippines (DBP) as its new local fund managers to enhance the return on investment (ROI) from its investment portfolio for the next three years.

SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet announced that LBP-Trust Banking Group (LBP-TBG) and DBP-Trust Banking Group (DBP-TBG) will manage the P2 billion worth of investible funds for Pure Fixed Income starting October 2023.

LBP-TBG and DBP-TBG received P1 billion in investment funds each, which they got in two tranches last October 13 and 17. They will manage the funds within specific risk parameters for three years to expand the SSS investment portfolio and generate more earnings.

“We see that SSS will greatly benefit from tapping external fund managers to manage a portion of our investible funds. We can take advantage of their expertise to help grow the SSS funds and diversify the investment portfolio,” Macasaet said.

LBP-TBG and DBP-TBG will complement the other fund managers hired to manage Pure Fixed Income investibles. Earlier this year, SSS tapped Bank of the Philippine Islands (BPI) Asset Management and Trust Corporation, and Security Bank Corporation-Trust and Asset Management to handle P2 billion funds allocated for Pure Fixed Income investments.

SSS Executive Vice President for Investments Sector Rizaldy T. Capulong said that under Republic Act No. 11199 or the Social Security Act of 2018, SSS can appoint local or foreign fund managers to handle its Investment Reserve Fund (IRF). IRF is a portion of the SSS Reserve Fund allocated for investments wherein income derived from it goes back to the reserve fund and helps it grow.

Hiring qualified local fund managers has been part of SSS' investment strategy since 2016. “Tapping more investment savvy fund managers is a best practice worldwide, particularly with pension funds. This strategy allows pension funds like SSS to access the expertise of fund managers in frontier markets where they do not have a competitive advantage like foreign investments,” SSS Senior Vice President for Fund Management Group Ernesto D. Francisco, Jr. explained.

To date, SSS has already awarded the management of seven segregated investment mandates for Pure Fixed Income Fund, Balanced Fund, and Pure Equity Fund worth P8 billion to five local fund managers.


ree

LEARN MORE

Social Security System


Maaaring bisitahin ang official website ng SSS sa https://www.sss.gov.ph o tumawag sa mga numerong 1455 ( SSS Hotline ) at 1-800-10-2255777 ( Toll-Free No. )


 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | November 15, 2023


ree

Hello, Bulgarians! Kamakailan ay nakakuha ang Social Security System (SSS) ng pagkilala mula sa Civil Service Commission (CSC) para sa 100% complaints resolution rate sa mga ahensya ng gobyerno noong 2022.


Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na niresolba ng SSS ang lahat ng mga reklamong inendorso ng CSC’s Contact Center ng Bayan (CSC-CCB) mula Enero hanggang Disyembre 2022.


“This recognition from the CSC underscores our commitment to address and resolve the concerns of our members and a reflection of our tagline,‘masayang tumulong, serbisyong ramdam’,” pahayag ni Macasaet.


Nakatanggap ang SSS ng 556 referral mula sa CSC-CCB, na hinati ito sa 448 request for assistance, 67 complaint, 25 status verifications, 13 komendasyon, at tatlong mga katanungan. Matagumpay na nalutas ng SSS ang lahat ng mga referral na may average response time na 1.7 araw.


Paliwanag pa ni Macasaet na kapag nag-refer ang CSC-CCB ng reklamo o kahilingan, inuuna ito ng SSS at agad itong inaaksyunan para sa resolusyon.


Ang magandang halimbawa ay ang kaso ng isang babaeng miyembro tungkol sa kanyang maternity benefit. “Our team verified her records and coordinated with the concerned bank. We discovered her maternity benefit was not credited because she provided an incorrect bank account.


We informed the member and guided her on enrolling the correct bank account on the Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) and Benefit Redisbursement Module (BRM) using her My.SSS account so she can finally receive her maternity benefit,” sabi ni Macasaet.


Ayon sa datos ng CSC, bukod sa SSS, ang Department of Foreign Affairs (DFA), ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine National Police (PNP) ay nakakuha rin ng resolution rate na 100% noong 2022. Ang iba pang ahensya ng gobyerno na kasama sa top ten ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 98.08%, Department of Education (DepEd) na may 93.91%, Land Transportation Office (LTO) na may 92.16%, at ang Land Registration Authority (LRA) na may 84.62%.


Itinatag ng CSC ang CCB noong 2012 upang suportahan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 9485 o ang Anti-Red Tape Act (ARTA) of 2007. Ito ay nagsisilbing feedback mechanism na itinalaga bilang central helpdesk ng gobyerno kung saan ang mga mamamayan ay maaaring humingi ng impormasyon at tulong sa mga pamamaraan ng serbisyo ng gobyerno at mag-ulat ng mga papuri, pagpapahalaga, reklamo, at puna.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

@Buti na lang may SSS |November 12, 2023


Dear SSS,


Magandang araw! Noong nakaraang buwan ay nagtanggalan sa pinapasukan kong kumpanya at kasama ako sa nawalan ng trabaho. Mayroon ba akong matatanggap na benepisyo mula sa SSS? Salamat. — Sheena


Mabuting araw sa iyo, Sheena!


Oo, may matatanggap kang unemployment benefit mula sa SSS kung ikaw ay nakapaghulog ng 36 na kontribusyon at 12 rito ay nasa loob ng nakaraang 18 buwan, at dapat din ay involuntary o hindi mo kagustuhan ang pagkakatanggal sa iyong trabaho.


Halimbawa, nahiwalay ka sa trabaho ngayong Oktubre 15, 2023, Sheena, dapat ay may hulog ka na 36 months kung saan ang 12 kontribusyon mo ay dapat nakapaloob sa 18 buwan nito. Kinakailangan na posted na sa iyong SSS records ang mga kontribusyon mula Enero 2022 hanggang Hunyo 2023 kung saan nakapaloob ang 12 kontribusyon mo.


Ang Social Security System (SSS) ay mayroong tinatawag na Unemployment Insurance o Involuntary Separation Benefit na mas kilala sa Unemployment Benefit Program. Ito ang bagong benepisyo na ibinibigay ng SSS sa mga miyembro nito simula noong March 6, 2019 mula noong maging epektibo ang Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.


Sa ilalim nito ang mga kuwalipikadong miyembro tulad ng mga covered employees o ang mga miyembro ng SSS na mayroong employer ay makakatanggap ng cash benefit allowance sakaling sila ay inboluntaryong mawalan o matanggal sa trabaho.


Ano nga ba ang inboluntaryong nawalan ng trabaho, Sheena? Kumpara sa mga ordinaryong resignasyon sa trabaho, ang dahilan ng pagkakatanggal ng isang miyembro sa trabaho ay hindi nila kagustuhan at may mas malalim na kadahilanan na hindi kontrolado ng empleyado.


Una, para sagutin din ang mga katanungan mo, ating alamin ang qualifying conditions ng programa. Kinakailangan na ang miyembro ay mayroong 36 monthly contributions, kung saan ang 12 ay nabayaraan sa loob ng 18-month period bago ang buwan ng inboluntaryong separasyon sa trabaho.


Upang malaman ng ating mga miyembro gayundin ikaw, Sheena, ang benepisyong ito ay katumbas ng 50 percent ng iyong average monthly salary credit (AMSC) na ibinibigay para sa maximum ng two (2) months. Ang AMSC ay alinman sa mas mataas sa dalawang komputasyon:


  • Resulta ito kapag dinivide ang kabuuang halaga ng 60 monthly salary credits ng miyembro bago ang semester ng contingency sa 60; o


  • Resulta kapag dinivide ang lahat ng monthly salary credits bago ang semester ng contingency sa bilang nito.


Halimbawa, ang AMSC ng miyembro ay P16,000, ang kanyang unemployment benefit ay: P16,000 x 50% = P8,000 x 2 (para sa dalawang buwan) = P16,000 (kabuuang halaga na matatanggap na benepisyo sa SSS).


Ito rin ay one-time payment kaya matatanggap na ng miyembro ang benepisyo para sa dalawang buwan.


Ikalawa, ang edad niya ay hindi dapat humigit sa 60 sa panahon na mangyari ito, pero kung siya naman ay underground o surface mineworker, hindi din dapat ito humigit sa 50, at 55 naman kung siya ay isang racehorse jockey.


Ikatlo, kailangan na ang dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho ay hindi niya kagagawan. Ilan d’yan ay ang authorized causes for termination of employee na nakapaloob sa Articles 298 (283) at 299 (284) ng Presidential Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippines, as amended, na kinabibilangan ng installation ng labor-saving devices, closure o pagtigil ng operasyon, pagkakasakit, kung saan ang patuloy niyang pagtatrabaho ay makakasama sa kanyang kalusugan o ng kanyang mga katrabaho, at iba pa.


Kasama rin d’yan ang just causes na isinasaad sa Article 300 ng Labor Code of the Philippines, as amended, kung saan maaari niyang wakasan ang kanyang employment relationship nang walang abiso sa kanyang employer. Halimbawa nito ay serious insult mula sa employer o ng representative niya sa dangal o katauhan ng empleyado, hindi makatao o hindi katanggap-tanggap na pagtrato ng employer o ng representative niya, at iba pang kahalintulad na mga sitwasyon.


Kabilang rin dito ang economic downturn, natural o human-induced calamities o disasters, at iba pang kondisyon na papahintulutan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng SSS.


Samantala, hindi naman kuwalipikadong makatanggap ng unemployment benefit ang miyembro kung ang dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa just causes na isinasaad sa Article 297 (282) ng Labor Code of the Philippines, as amended, gaya ng serious misconduct, sinasadyang hindi pagsunod sa mga makatarungang utos, gross at habitual na pagpapabaya sa mga tungkulin, at iba pa.


Batay sa SSS Circular 2023-008 na petsang Oktubre 16, 2023, muling ibinalik ang prescriptive period sa filing ng unemployment benefit claim application na isang taon mula sa petsa ng involuntary separation. Pansamantalang sinuspinde ang prescriptive period sa filing ng nasabing benefit claim dahil sa pandemya alinsunod sa SSS-DOLE Joint Memorandum Circular No. 001 na may petsang Disyembre 22, 2021.


Dagdag dito, ang unemployment benefit ay maaari lamang i-claim ng isang beses sa loob ng tatlong taon.

***


Hanggang Nobyembre 14, 2023 na lamang tatanggap ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na nasalanta ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone (TC) Egay. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pampanga, Cagayan, Bataan, Cavite, Abra, at Mountain Province; mga bayan ng Luna at Bangar sa La Union, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan, Paombong at Pulilan sa Bulacan, Camiling sa Tarlac, at Sablayan sa Occidental Mindoro, at sa Lungsod ng Dagupan.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page