top of page
Search

@Buti na lang may SSS | July 22, 2024



Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Nais kong itanong kung ano ang disability benefit na ibinibigay ng SSS at paano makaka-avail nito ang isang miyembro na tulad ko? Salamat.  — Shawn


Mabuting araw sa iyo, Shawn!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat simula Hulyo 17 hanggang Hulyo 23 ay ipinagdiriwang ang National Disability Rights Week na may temang “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access.” Kaya sa pagkakataong ito ay ating tatalakayin ang isa sa benepisyong ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembro nito – ang disability benefit.

Ang benepisyo sa pagkabalda o disability benefit ay ibinabayad ng SSS sa isang miyembro na nawalan ng kakayahang magtrabaho o ang kanyang kakayahang kumita ay nabawasan dahil sa kanyang kapansanan na sanhi ng karamdaman o pagkapinsala. Isasailalim siya sa pagsusuri ng mga doktor ng SSS upang malaman kung ang kanyang pagkabalda ay kuwalipikadong mabigyan ng nasabing benepisyo.

Para sa iyong kaalaman, Shawn, may dalawang uri ng pagkabalda:


1. Permanent Partial Disability


Maituturing na permanent partial disability ang pagkawala ng kakayahang gamitin o lubusang pagkawala ng alinman sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:


  • isang hinlalaki ng kamay o paa; 

  • isang hintuturo; 

  • isang hinlalato; 

  • isang palasingsingan; 

  • isang hinliliit; 

  • isang kamay; 

  • isang braso; 

  • isang paa; 

  • isang binti; 

  • isa o dalawang tainga; 

  • pagkawala ng pandinig ng isa o dalawang tainga; at 

  • pagkawala ng paningin o pagkatanggal ng isang mata. 


Samantala, may iba pang mga uri ng pagkabalda na maaaring aprubahan o bayaran ng SSS bukod sa mga nabanggit. 

Buwanang pensyon naman ang ibinabayad sa miyembro na may permanent partial disability kung siya ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng pagkabalda. Ang bilang ng buwan na tatanggap siya ng pensyon ay nakabatay sa resulta ng pagsusuri ng Medical Evaluation Section ng SSS.

Samantala, lump sum amount naman ang ibinabayad kung ikaw, Shawn, ay hindi nakapaghulog ng 36 buwanang kontribusyon.


2. Permanent Total Disability


Itinuturing naman na permanent total disability ang mga sumusunod:


  • ganap na pagkabulag ng dalawang mata; 

  • pagkaputol ng dalawang kamay o dalawang paa; 

  • permanente at ganap na pagkaparalisa ng dalawang kamay o dalawang paa; 

  • pagkapinsala ng utak na naging sanhi ng pagkasira ng isip; at 

  • iba pang mga kaso na itinuturing ng SSS na lubusang pagkabalda. 


Buwanang pensyon ang ibinabayad sa miyembro na may permanent total disability kung siya ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng kanyang pagkabalda. Halimbawa, pagkabalda ng isang miyembro ay noong Pebrero 2024. Ang semestre ng kanyang pagkabalda ay mula Oktubre 2022 hanggang Marso 2023.

Ang permanent total disability pension ay lifetime na matatanggap ng isang miyembro. Bukod dito, may matatanggap din siya na P500 na supplemental allowance kada buwan.

Pinapaalalahanan din natin ang mga miyembro at pensyonado na magkaroon ng kanilang bank account na kinakailangang i-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) para sa crediting ng kanilang mga benepisyo at loan privileges mula sa SSS. Kaugnay nito, kailangan din na may sarili kang My.SSS account, Shawn, na matatagpuan naman sa SSS website. Ito’y upang ganap na i-access ang iba’t ibang online service facilities ng SSS lalo na sa pagpa-file ng iyong mga application para sa loans at benefit claims mo. 

Kabilang ang filing ng disability benefit claim sa mga benepisyong maaaring mai-file online gamit ang My.SSS Portal. Ito ay batay sa SSS Circular 2022-039 o ang Online Filing of Social Security (SS) Disability Claim Application (DCA) Through the MY.SSS Portal. Para sa iba pang detalye ukol sa online filing ng disability benefit claim, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3ZdYwou.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | July 19, 2024



SSS

Antique Province – The Social Security System (SSS) said that over 8,000 SSS members can now pay their monthly contributions through their respective cooperatives after SSS signed partnership deals with two additional cooperatives in the province of Antique.


SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet said that SSS inked an agreement with Belison and Hamtic Multi-Purpose Cooperatives (MPC) on July 9 that will allow them to accept contribution payments and facilitate the online transactions of their members who are also SSS members.


Under the SSS Accreditation Program for Cooperatives, Macasaet said that authorized cooperatives can collect and remit the SSS and Employees’ Compensation (EC) contributions, adding that “their members can also pay their monthly loan amortizations through this arrangement.”


“Establishing durable partnerships with cooperatives is crucial in securing the active SSS membership of our members as well as in fulfilling member-borrowers’ responsibility to pay their monthly amortizations regularly,” Macasaet said.


Aside from being SSS collection partners, they are also authorized to facilitate selected SSS transactions such as membership and My.SSS registrations, disbursement account enrollment, and online submission of benefit and loan applications.


“In providing such assistance to its members, the cooperatives may claim a service fee of P6.00 from SSS for every processed and approved transaction,” Macasaet added.

He also shared that more than 2,000 co-op members who do not have SSS membership will be registered as SSS members as part of the agreement.


Through the Antique-based cooperatives, he said SSS could ensure the social security protection of their members, primarily farmers, fisherfolks, government employees, and businessmen.


“It will give their members a more convenient way of conducting SSS transactions through Hamtic and Belison MPC. It will also help them save money because they no longer have to visit SSS Antique, which is approximately 8 to 16 kilometers away from their towns, for their SSS transactions,” Macasaet said.


Macasaet added that aside from Hamtic and Belison MPC, there are five existing partner cooperatives in Antique: DAO MPC, Barbaza MPC, Patnongon MPC, Pandan MPC, and Libertad MPC.


Moreover, Macasaet and other SSS top officials also met with over 100 employers, barangay officials, self-employed members, and local media practitioners in a Stakeholder’s Forum held at the Eagles Place Hotel and discussed the value of SSS membership and updates on its programs and services.


Also present during the forum were Antique District Representative Antonio B. Legarda Jr. and Senator Loren B. Legarda who pledged to subsidize the one-month SSS contributions of nearly 4,720 barangay officials of Antique amounting to P2.6 million.

 
 

@Buti na lang may SSS | July 14, 2024


Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang construction worker dito sa Taguig City. Nais kong itanong kung bakit kinakailangan akong magpamiyembro sa Social Security System (SSS)? Bakit ba ito mahalaga sa isang manggagawa na katulad ko? Salamat


 — Rob



Mabuting araw sa iyo, Rob!


Isa sa pinakamagandang maireregalo mo sa iyong sarili ay ang pagkakaroon ng social security coverage, lalo na sa mga manggagawang katulad mo, Rob, na nagtatrabaho sa pribadong sector. 


Para sa iyong kaalaman, ang SSS ay naitatag noong Setyembre 1, 1957 sa bisa ng Republic Act No. 1161 o ang Social Security Act of 1954. Layon ng batas na mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa pribadong sektor, maging mga propesyunal at nasa informal sektor. Bilang tugon, ang SSS ang itinalaga ng gobyerno upang pangasiwaan ang iba’t ibang social security programs para sa mga miyembro nito.


Samantala, ang paghuhulog sa SSS ay isang paraan ng pag-iipon para sa iyong pagreretiro, maging ang paghahanda sa oras ng pangangailangan o contingencies. 

Bilang isang miyembro, maaari kang makakuha ng benepisyo para sa pagkakasakit (sickness), panganganak (maternity), pagkabalda (disability), pagkawala ng trabaho (unemployment), pagreretiro (retirement), pagpapalibing (funeral) at pagkamatay (death). Kailangan lamang na makatugon ka sa mga kuwalipikasyon ng bawat benepisyo. Gayundin, maaari kang makahiram sa mga programang pautang nito tulad ng salary loan, calamity loan, educational assistance loan, at pension loan para naman sa retirement pensioners. 


Sinusundan ng SSS ang defined benefit system kung saan nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng sickness at maternity allowance at pensyon na kinukuwenta gamit ang bilang ng naihulog na kontribusyon at monthly salary credit o ang salary level kung saan ibinabase ang halaga ng buwanang kontribusyon ng miyembro. Dahil dito, ang bawat manggagawa na nagiging miyembro ng SSS ay siguradong makatatanggap ng kaukulang benepisyo mula sa SSS basta’t may sapat na kontribusyon.


May kasabihan na “once a member, always a member” dahil panghabambuhay ang pagiging miyembro sa SSS. Kahit pa mahabang panahon na siyang hindi nakapaghulog ay hindi mawawalang bisa ang kanyang mga naihulog na kontribusyon sa SSS. 


Kaya, malaki ang maitutulong ng SSS sa mga taon ng iyong pagtatrabaho, Rob. Sa panahon ng iyong pagreretiro ay mapapakinabangan mo na ang naimpok mo sa SSS bilang pensyon na tatanggapin mo habang ikaw ay nabubuhay.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang  taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page