top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Info @Buti na lang may SSS | June 28, 2026



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 


Magandang araw po. Ang mother-in-law ko ay isang SSS pensioner. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Tring, Hertfordshire, United Kingdom. Nais sana niyang malaman kung paano siya magkakapag-comply sa ACOP gamit ang Facial Authentication? Salamat.  — Sonny



Mabuting araw sa iyo, Sonny!


Ang Annual Confirmation of Pensioners Program o ACOP ay ang taunang pagre-report ng mga pensiyonado sa Social Security System (SSS) upang masiguro ang patuloy nilang pagtanggap ng buwanang pension.

Inilunsad ng SSS ang Facial Authentication with Liveness Check para sa ACOP sa pamamagitan ng PhilSys e-Verify System. Ang bagong programang ito ay naglalayon na mapatunayan at maberipika ang pagkakakilanlan ng mga pensiyonado kaya’t higit nitong pinatitibay ang integridad ng pagbabayad ng pensiyon.


Ang Facial Authentication ay gumagamit ng makabagong proseso ng beripikasyon sa ilalim ng PhilSys e-Verify biometric authentication, kung saan ang mga pensiyonado ay nagsasagawa ng face scan. Tinitiyak ng prosesong ito ang presensya ng isang buhay na indibidwal (liveness check) sa oras ng beripikasyon, na nagsisilbing karagdagang proteksyon laban sa panlilinlang at maling pagkakakilanlan.

Sinisiguro ng SSS ang madali at ligtas na ACOP compliance sa pamamagitan ng protektadong Facial Authentication. Maaari nang kumpletuhin ng mga pensyonado ang kanilang ACOP requirement online nang hindi na kinakailangang bumisita sa SSS branch.


Ang Facial Authentication method ay maaaring magamit ng mga sumusunod na uri ng pensiyonado na naka-rehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system:

Retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas na 80 taong gulang pataas;

Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa; at

Survivorship (death) pensioners.

Sa online option na ito, pinapadali ng SSS ang ACOP compliance ng mga pensiyonado sa pamamagitan ng ligtas, mabilis, at fraud-proof na Facial Authentication gamit lamang ang mobile phone, computer, o iba pang camera-enabled device. Sa pamamagitan nito, nagiging mas madali at mas maginhawa ang beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga pensiyonado nang hindi isinasakripisyo ang seguridad. Hindi na kailangang mag-log in ng pensiyonado sa kanilang My.SSS account dahil pwedeng ma-access ang facility na ito sa SSS website, www.sss.gov.ph


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong SSS loans matagal nang hindi nababayaran. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


***

Pinag-iingat ang mga pensiyonado at miyembro laban sa mga taong nagpapanggap na taga-SSS. Ang tunay na empleyado ng SSS ay hindi tumatawag o magpapadala sa miyembro ng link ng isang app para i-install sa kanilang smartphone mobile devices. Kumuha lamang ng tamang impormasyon sa official social media accounts ng SSS. Bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH. Maaari rin kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Brand Zone | June 23, 2026



SSS


QUEZON CITY, 23 June 2026 – The Social Security System (SSS) announced that its Pension Booster Program, also known as the Voluntary Provident Fund, continues to deliver strong financial performance in 2026, posting an average return on investment (ROI) of 6.2 percent from January to May this year despite prevailing economic challenges.


The program remains a reliable retirement savings option for Filipino workers. While slightly lower than the previous year’s performance due to changes in interest rates implemented by the Bangko Sentral ng Pilipinas, the return remains competitive and continues to exceed market benchmark rates.


Finance Secretary and Social Security Commission ex-officio Chair Frederick D. Go said the program reflects the government’s commitment to strengthening retirement security.


“The continued strong performance of the SSS Pension Booster underscores our commitment to protecting the financial future of Filipino workers. Through prudent management of members’ funds, we are helping build a more secure and dignified retirement for every Filipino,” Go said.


SSS noted that the 2026 performance follows the 6.83 percent return in 2025, surpassing the prevailing 91-day treasury bill rate which has a year-to-date average of approximately 4.77 percent.


In 2025, contributions rose to 21.8 percent to P699 million from P574 million in 2024, reflecting growing member confidence in the program.


To maximize members’ earnings, SSS waived the one percent management fee on the total balance of Pension Booster accounts from 2025 to 2028, allowing members to fully enjoy investment gains.


SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. de Claro said the program reflects prudent investment management and long-term value creation. He added that members may now conveniently monitor the monthly compounding growth of their Pension Booster savings through their My.SSS accounts, allowing them to track the progress of their retirement funds and make more informed decisions in planning for their future.


“The strong performance of the Pension Booster demonstrates disciplined and professionally managed savings. We remain committed to providing members greater financial security during retirement,” de Claro said.


The Pension Booster is open to all SSS members to build additional savings for their retirement. It allows individuals to save starting at P500, with no maximum contribution limit.


Contributions are pooled and invested in government securities, corporate bonds, fixed-income instruments, equities, and money market instruments, with tax-free earnings credited proportionately to members’ accounts.


De Claro urged members to start early and stay invested longer to maximize returns, citing the benefits of compound growth.


“Planning and saving for retirement should begin early. The longer the members stay invested, the greater their potential returns,” he said.

Interested SSS members may enroll in the Pension Booster Program online through their My.SSS account.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | June 21, 2026



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay doktora rito sa Mandaluyong City. Ano ang schedule ng pagbabayad sa SSS ng katulad kong doktora? Salamat po. — Mia





Mabuting araw sa iyo, Mia! 


Itinuturing ng SSS ang mga katulad ninyong doktora bilang mga self-employed member. At para sa mga self-employed member, ang deadline ng pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS ay tuwing huling araw ng kasunod na buwan ng applicable calendar quarter.


Kung nagbabayad ka ng quarterly, tuwing last working day ng kasunod na buwan ng applicable quarter ang inyong deadline. Ibig sabihin, ang iyong kontribusyon para sa 2nd quarter ng 2026 (Abril hanggang Hunyo 2026) ay maaari mong bayaran hanggang 31 Hulyo 2026.


Ito rin ang sinusunod na deadline ng contribution payment ng mga voluntary at non-working spouse member ng SSS gayundin ng ibang self-employed members na katulad mo.


Subalit alinsunod sa SSS Circular No. 2022-028, ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang self-employed members na kabilang sa informal economy ay mayroong flexible payment schedule kung saan pinapayagan ng SSS na bayaran nila ang kanilang kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan. Halimbawa, ngayong buwan ng Hunyo 2026, maaari nilang bayaran ang mga kontribusyon para sa Hunyo 2025 hanggang Mayo 2026.


Iba rin ang payment schedule ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) members. Ang kanilang SSS contributions para sa sa Enero hanggang Hunyo 2026 ay maaari nilang bayaran hanggang sa huling working day ng Hulyo 2026.


Tandaan na hindi pinahihintulutan ng SSS ang retroactive payments. Halimbawa, kung hindi nabayaran ng isang self-employed member ang kaniyang kontribusyon para sa Disyembre 2025, hindi na niya ito maaaring bayaran pa ngayong buwan at ito ay magiging laktaw sa kaniyang contribution records. Napakahalaga na alam ng isang miyembro ang akmang contribution payment deadline sa kaniya.


Mas pinadali na rin ng SSS ang pagbabayad ng kontribusyon na maaaring gawin sa iba’t ibang SSS-accredited payment channels tulad ng accredited banks, payment centers, online banking, at e-wallet facilities.


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


***

Pinag-iingat ang mga pensyonado at miyembro laban sa mga taong nagpapangap na taga-SSS. Hindi tatawag ang sinumang tunay na empleyado ng SSS at magpapadala ng isang link ng isang app para i-install sa kanilang smartphone mobile devices. Kumuha lamang ng tamang impormasyon sa mga official social media accounts ng SSS. Bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH. Maaari rin kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph



Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page