top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | Nov. 10, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang stock clerk ng isang department store. Nais ko sanang malaman kung puwede na akong mag-loan sa SSS? At ano ang kailangan kong gawin?  Salamat. — Charles



Mabuting araw sa iyo, Charles! 


Ang salary loan ang isa sa pinakasikat na programa na pautang ng SSS at maraming miyembro ang ginagamit ito upang matugunan ang kanilang mga panandaliang pangangailangang pampinansyal.


Upang makahiram ka sa programang ito, ikaw ay dapat nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 na buwanang kontribusyon o tatlong taon kung saan ang anim na kontribusyon ay naihulog sa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng pagpa-file mo ng loan application. 


Ang halaga naman ng maaari mong mahiram sa SSS ay nakabatay sa monthly salary credit (MSC) o ang salary level ng iyong buwanang kita. Samantala, ang MSC naman ang batayan ng computation ng lahat ng mga benepisyo at loan sa SSS. 


Charles, kung ikaw ay mayroong 36 hanggang 71 monthly contributions, ang halaga ng maaari mong hiramin sa SSS ay katumbas ng average MSC o ang average ng MSC ng huling 12 hulog mo sa SSS. Halimbawa, kumikita ka ng P19,200 kada buwan. Ang halagang ito ay sakop ng P19,000 na MSC. Kung kaya, P19,000 ang katumbas na loanable amount na maaari mong makuha para sa one-month salary loan. 


Samantala, kung ikaw ay nakapaghulog ng 72 buwanang kontribusyon at higit pa rito, ang matatanggap mong loan amount ay katumbas sa two-month salary loan o doble ng iyong average MSC. Kung pagbabatayan natin ang iyong kita, P38,000 ang iyong loanable amount o doble ng P19,000 na kasalukuyan mong MSC. 


Sa kasalukuyan, ang maximum loanable amount naman para sa salary loan ay hanggang P40,000 lamang. 


Maaaring bayaran ang utang sa loob ng 24 na buwan o dalawang taon. Ito ay may interes na 10% bawat taon batay sa diminishing balance o natitirang balanse ng utang at ibabawas din sa utang ang kaukulang 1% na service fee.


Maaari kang mag-renew ng iyong salary loan kapag nabayaran mo ang 50% ng iyong loan at 50% na rin ito ng installment term.


Charles, online na rin ang pagpa-file ng salary loan application sa pamamagitan ng My.SSS Portal na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph. Kinakailangan lamang na ikaw ay rehistrado at mayroong kang My.SSS account gayundin ang enrolled bank/savings account sa Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na makikita rin sa SSS website. 


Kinakailangan din na isertipika na iyong employer online ang iyong aplikasyon gamit ang kanilang employer account sa My.SSS bago ito aprubahan. 


Dagdag dito, sa iyong rehistradong bank account iki-credit ng SSS ang iyong salary loan na mas mabilis mo namang matatanggap.


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Nov. 3, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais kong itanong ang SSS death benefit claim ng tatay ko. Namatay siya noong August 21, 2023. May unang pinakasalan siya gayundin si nanay. Maililipat ba ang pensyon ni tatay sa nanay ko? Salamat. — Sanya

 


Mabuting araw sa iyo, Sanya! 


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat ginugunita natin ang Undas o ang All Saints’ Day at Araw ng mga Kaluluwa o ang All Souls’ Day ngayong Nobyembre 1-2. Kaya mahalagang matalakay natin ang ukol sa benepisyo sa pagkamatay o death benefit na ibinibigay ng SSS sa mga naulila ng namayapang miyembro.


Ang benepisyo sa pagkamatay ay ang halagang ibinabayad bilang buwanang pensyon o lump sum amount sa mga legal na benepisyaryo ng namatay na miyembro. Samantala, ang order o pagkakasunud-sunod na kategorya sa pagkilala sa mga benepisyaryo ng SSS ay ang:


  1. primary beneficiaries tulad ng asawa at mga menor-de-edad na anak;

  2. secondary beneficiaries kung saan ang binabayaran ng SSS ay ang mga magulang ng binata o dalagang miyembro namatay;

  3. designated beneficiaries o ang mga itinakdang benepisyaryo tulad ng kapatid, anak ng namayapang miyembro na itinalaga ng miyembro sa kanyang SS Form E-1 o E-4; at

  4. legal heirs o tagapagmana ng namayapang miyembro na karaniwan ay kanyang “blood relative” ayon sa Civil Code of the Philippines.


Samantala, kung nakapaghulog ang miyembro ng 36 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng kanyang pagkamatay, ang kanyang primary beneficiaries o legal na benepisyaryo ay makakakuha ng buwanang pensyon. Kung namatay naman ay pensyonado, ang 100% ng basic monthly pension niya ay isasalin sa kanyang legal na asawa at dependent’s pension naman sa mga menor-de-edad na anak.


Ang lump sum benefit naman ay ibinibigay kapag hindi umabot sa 36 buwan ang naihulog ng miyembro bago ang semestre ng kanyang pagkamatay. Lump sum benefit din ang benepisyong ibinibigay kung walang primary beneficiaries o legal na asawa o menor-de-edad na anak ang miyembro.


Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security of 2018, ang may karapatan sa batas na makatanggap ng death benefit ng miyembro ay tanging ang mga legal na benepisyaryo ng SSS katulad ng ating nabanggit kanina.


Kung ang namatay na miyembro ay pensyonado, ililipat ang pensyon nito sa kanyang legal na asawa na katumbas ng 100% na tinatanggap ng namayapang miyembro noong siya ay nagpepensyon sa ilalim ng SSS Retirement Benefit Program. Kung may anak naman siya na wala pang 21 taong gulang, makakatanggap ang kanyang anak ng dependents’ pension. Ito ay katumbas ng P250 o 10% ng basic monthly pension, alinman ang mas mataas. 


Samantala, maaari itong ipagkaloob sa limang menor-de-edad na anak, simula sa pinakabata ngunit walang kaukulang pagpapalit o substitution. Matitigil lamang ang benepisyong ito kapag umabot na ang bata sa kanyang ika-21 taong gulang, nakapag-asawa, nakapagtrabaho o kaya ay namatay.


Kung sakali namang wala nang legal na asawa at wala nang menor-de-edad sa inyong magkakapatid, Sanya, ay maaari kayong makatanggap ng nalalabing balanse ng inyong tatay na nakapaloob sa five-year guaranteed period kung hindi pa nakakalagpas ng limang taon ang pagtanggap ng pensyon ng miyembro. Sa ilalim ng five-year guaranteed period, kapag ang miyembro ng SSS na nakatatanggap ng retirement pension o total permanent disability pension ay namatay bago pa umabot sa limang taon ng kanyang pagtanggap ng pensyon, ang balanse nito ay ibibigay sa mga secondary, designated o legal heirs na babayaran naman sa pamamagitan ng lump sum benefit.


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.




Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 28, 2024





President Ferdinand R. Marcos Jr. named Social Security System (SSS) Executive Vice President for the Branch Operations Sector Atty. Voltaire P. Agas as the Officer-in-Charge (OIC) of SSS.

 

In a memorandum signed by Executive Secretary Lucas P. Bersamin dated October 17, Agas was designated as the OIC of the state-run pension fund to ensure the continuous and effective delivery of public service to its members, pensioners, and their beneficiaries.

 

Agas started his career at the SSS in 2012 as its Chief Legal Counsel, a position he held until 2022. Since March 2022, he has been overseeing all SSS branch operation activities nationwide, including membership expansion programs, contribution collections, and benefit processing.

 

He is a seasoned public servant with more than three decades of government service in various capacities, such as in the Public Attorney’s Office (PAO), National Prosecution Service, both under the Department of Justice (DOJ), and as a trial judge in Quezon City.  He is the first career official coming from the ranks of the SSS to be designated to serve as its OIC.

 

After obtaining his law degree from the San Beda University, Agas began his legal career as a PAO lawyer, which he held from 1989 to 1994. His exemplary service as a public attorney has earned him the Outstanding Public Servant Award, a recognition recently given to him by PAO in August 2024 during the 8th MCLE-Accredited National Convention of Public Attorneys.

 

In the private sector, after graduation from the University of the Philippines, he was engaged as a socio-economist in community development projects under the Asian Development Bank and the World Bank.  As a lawyer, he had more than a decade of experience as a corporate legal manager and chief compliance and governance officer in the Ayala Life Insurance Group now known as the BPI AIA Life Assurance Corporation (BPI AIA).

 

He replaced Commissioner Robert Joseph M. De Claro who was earlier designated by the Social Security Commission (SSC), the policymaking body of the SSS, as the OIC to ensure the continuous day-to-day operations of the pension fund “until a replacement is designated or appointed by the President.”  De Claro will remain a member of the SSC, wherein he represents the Employers' Group.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page