top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | Dec. 1, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 


Magandang araw! Ako ay isang SSS pensioner. Nais ko sanang itanong kung kailan ibibigay ang 13th month pension naming mga pensyonado. Happy holidays at maraming salamat. — Lolo Andy



Mabuting araw sa iyo, Lolo Andy!


Matatanggap na sa unang linggo ng Disyembre ang maagang pamasko ng SSS sa mga pensyonado – ito ay ang kanilang 13th month pension kung saan matatanggap ito ng unang batch ng SSS pensioners simula sa Disyembre 1, 2024. 


Simula Disyembre 1988, ipinagkakaloob na ng SSS ang 13th month pension sa mga SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners bilang regalo sa panahon ng Kapaskuhan at bilang pasasalamat din sa suporta ng mga pensyonado sa SSS noong bahagi pa sila ng workforce sa pribadong sektor.


Samantala, ang 13th month pension ay katumbas ng isang buwan na basic monthly pension ng isang pensyonado.  Halimbawa, Lolo Andy, kung ang inyong tinatanggap na pensyon ay pumapatak ng P8,500 kada buwan, ibig sabihin nito, ang 13th month pension ninyo ay katumbas din ng naturang halaga na buo n’yong matatanggap sa inyong bank account. 


Para naman sa mga pensyonado na tumatanggap na ng kanilang pensyon mula sa mga bangko na kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), ito ay ibibigay ng dalawang batch:


Petsa ng Pagtanggap ng Monthly Pension o Date of Contingency

Petsa ng Pagtanggap ng

December 2024 at 13th Month Pensions

  • Una hanggang ika-15 araw ng buwan

Disyembre 1, 2024

  • Ika-16 hanggang huling araw ng buwan

Disyembre 4, 2024


Para sa mga pensyonado na nag-avail ng advance 18 months, matatanggap nila ang kanilang 13th month pension sa Disyembre 4. Samantalang, para sa naipong pensyon dahil sa hindi pag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program, matatanggap nila ito sa Disyembre 16. 


Nakipag-ugnayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation upang pabilisin ang delivery ng 13th month at December 2024 pensions checks sa home address ng bawat pensyonado na tumatanggap pa nito batay sa kanilang record ng SSS.


Hangad namin mula sa SSS ang pagbibigay ng matinding kasiyahan sa aming mga pensyonado lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan!


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang  taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | Nov. 25, 2024



SSS

The Social Security System (SSS) today announced that its members in areas battered by tropical cyclones (TCs) Kristine, Marce, Nika, Ofel, and Pepito in the last few weeks may avail themselves of the calamity loan until 19 December 2024.

  

SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas said that SSS is offering a calamity loan to qualified members who can avail of a loan equivalent to their one monthly salary credit or up to P20,000.  


“Our country was battered by multiple tropical cyclones in less than a month, making life extremely difficult for our kababayans in devastated areas. SSS wants to extend a lending hand to them through this financial assistance to help them rebuild their lives and get back to normal,” Agas said. 


He added that members in the areas declared under state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) can avail of the calamity loan. 


Areas under state of calamity due to TC Kristine are Dagupan, Bani and Anda in Pangasinan; Ilagan and Roxas in Isabela; Provinces of Cavite, Laguna, Batangas and Quezon; Cardona and Binangonan, Rizal; Puerto Galera, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan, Mansalay, Bulalacao (San Pedro) in Oriental Mindoro; Paluan and Looc in Occidental Mindoro; Provinces of Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Camarines Norte, and Sorsogon; Naga City; Cataingan and San Fernando in Masbate; Calbayog, Samar; Jipapad, Arteche, San Policarpio, Oras, Masilog, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan and Mayodolong in Eastern Samar; Magnet, Cotabato; Alfonso Lista (Potia), Ifugao; and Quezon City in National Capital Region (NCR).  


Meanwhile, Quirino and Mountain Province; Santiago and Cabagan in Isabela; Baggao, Cagayan; Dilasag, Aurora; and Aguinaldo, Ifugao were also declared under state of calamity due to TCs Nika, Ofel, and Pepito.  


Pagudpud, Ilocos Norte; including Buguey, Gonzaga, Sanchez-Mira, Aparri, and Claveria in Cagayan were also included in the list of declared calamity areas due to TC Marce.   

Moreover, members in other areas that may soon be declared under state of calamity due to TCs Kristine, Marce, Nika, Ofel, and Pepito can also avail of the financial assistance. 


To qualify, tropical cyclone-affected members must: 

  • Have at least 36 monthly contributions, six of which must be posted within the last 12 months before the month of filing of application; 

  • Have at least six posted monthly contributions under the current membership type before the month of loan application for individually paying members such as self-employed, voluntary, and land-based Overseas Filipino Worker members; 

  • Be living or residing in the declared calamity area; 

  • Have no final benefit claim such as permanent total disability or retirement; 

  • Have no past due SSS Short-Term Member Loans; 

  • Have no outstanding restructured loan or calamity loan; and 

  • Must be certified by the employer through online (My.SSS facility) the loan application, if employed. 


Salary loan as an alternative option 


Agas said that tropical cyclone-affected members may also opt to avail of the SSS salary loan.  


“They must be under 65 years of age at the time of loan application and have not received any final benefit like total disability, retirement, or death benefits to qualify for the salary loan,” he explained.  


Aside from the age requirement, he emphasized that applicants should have at least 36 monthly contributions to get a loan of up to P20,000 or 72 monthly contributions to qualify for a loan of up to P40,000. “Six of these contributions must have been paid in the last 12 months before the month of the loan application and must be under their current membership type.”  


Apply through the My.SSS Portal 


Agas said that interested members can submit their calamity and salary loan applications online using their My.SSS account via www.sss.gov.ph


“Once approved, the loan proceeds will be credited to the member’s registered Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM Card or their active accounts with a Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating bank,” Agas explained. 


He added that members can pay the calamity and salary loans in installment for 24 months or two years with a low annual interest rate of 10 percent based on the members' diminishing balance.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Nov. 25, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Nais kong itanong kung paano ba kino-compute ang SSS sickness benefit? Salamat.  — Shawn



Mabuting araw sa iyo, Shawn!


Ang benepisyo sa pagkakasakit ay cash allowance na ibinabayad sa miyembro para sa bawat araw na hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit o pagkapinsala ng katawan. Ibinibigay ito sa kuwalipikadong miyembro kasama ang mga employed, self-employed, voluntary at Overseas Filipino Workers (OFWs). Dapat ay nakapaghulog siya ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan. 


Para sa mga empleyado, kinakailangan din na nagamit na niya ang lahat ng kanyang company sick leaves. Napakahalaga lamang na tandaan na kinakailangan ng employed member na siya ay makapag-notify sa kanyang employer mula sa unang araw ng kanyang pagkakasakit. Gayundin, binibigyan ang mga employer ng limang araw upang ipagbigay-alam ang pagkakasakit ng kanyang empleyado sa SSS. 


Maaari namang mapagkalooban ang isang miyembro ng benepisyo sa pagkakasakit ng hanggang 120 araw sa loob ng isang taon at karagdagang 120 araw sa susunod na taon kung magpapatuloy ang dating sakit. Gayunpaman, kung ang pagkakasakit ay tatagal ng higit pa sa 240 araw, siya ay maaari nang mag-apply sa ilalim ng SSS Disability Benefit.


Ganito kinukuwenta ang halaga ng sickness benefit. Una, alamin ang semestre ng pagkakasakit. Ang isang semestre ay ang dalawang magkasunod na quarter na nagtatapos sa quarter ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan. Ito ay nagtatapos sa buwan ng Marso, Hunyo, Setyembre o Disyembre.


Ikalawa, alamin ang huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan. Ikatlo, alamin ang anim na pinakamataas na monthly salary credit sa loob ng nasabing 12 buwan. Ang monthly salary credit ang batayan ng halaga ng benepisyong tatanggapin ng miyembro sa SSS.  


Ikaapat, sumahin ang anim na pinakamataas na salary credit upang makuha ang total monthly salary credit. Kailangang i-divide ito sa 180 days upang makuha ang average daily salary credit saka i-multiply sa 90% para makuha ang daily sickness allowance.


Kung anuman ang suma nito ay ang karampatang halaga ng benepisyo o daily sickness allowance ng miyembro batay sa inaprubahang bilang ng mga araw ng kanyang pagkakasakit.  


Halimbawa, nagkasakit ang isang miyembro ng pitong araw nitong Hunyo 2024. Ang semestre ng kanyang pagkakasakit ay mula Enero hanggang Hunyo 2024. Ang huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit ay mula Enero hanggang Disyembre 2023. Ipagpalagay natin na ang anim na pinakamataas na monthly salary credit ay P16,000 bawat isa. Samakatuwid, ang kabuuang monthly salary credit ay P96,000 at may average daily salary credit na P533.33. Ang 90% ng kanyang average daily salary credit ay P480. Ito ang kanyang daily sickness allowance. I-multiply ang daily sickness allowance o P480 sa pitong araw at ang lalabas na halaga ay P3,353. Ito ang kabuuang benepisyo sa pagkakasakit ng miyembro para sa pitong araw nitong Hunyo 2024.


Dapat tandaan na ang bilang ng araw na bibigyan ng sickness benefit ay ang bilang ng araw na inaprubahan ng SSS dahil ito lang ang babayaran ng SSS sa employer. Malalaman ng employer kung para sa ilang araw naaprubahan ang sickness claim ng miyembro sa aprubadong sickness notification. Kaya matapos maipasa ng employer ang sickness notification sa SSS ay dapat balikan ng representative ng employer sa branch kung saan ito na-file. Kapag nakuha na ang aprubadong sickness notification, maaari nang ipauna ng employer ang benepisyo.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation

program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page