top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 4, 2025



SSS

Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ito ay nagsusumikap upang mas mapabuti ang mga serbisyo para sa mga pensyonado, para bawasan ang rate ng interes sa mga programa nito sa salary/calamity loan, at upang ituloy ang self-employed coverage. 


Mas magandang serbisyo para sa mga pensyonado. Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, “We are reviewing our guidelines on the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program in relation to manner of compliance, requirements, and other verification processes toward making the experience more convenient to pensioners.”  


Aniya, ang naturang pagsusuri ay bilang reaksyon sa karanasan at sentimyento ng mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas na 80 taong gulang pataas na kailangang sumunod sa kasalukuyang mga alituntunin sa ACOP sa ilalim ng SSS Circular No. 2023-013 na may petsang 21 Disyembre 2023 upang matiyak ang patuloy na pagtanggap ng kanilang pension benefit. Ang hindi pagsunod ay magreresulta sa pagsususpinde o pagkansela ng benepisyo. Sa pagtatapos ng 2024, mayroong 157,493 na mga pensyonado ang SSS.


Ipinaliwanag din ni De Claro, “Our review of the current guidelines and profile of pensioners include analysis of age and geographical distribution of SSS pensioners, all possible means for ACOP compliance, and available SSS resources to facilitate convenient and easy compliance – including visit to home address by designated SSS branch or office personnel.” 


Mas mababang interest rate para sa salary at calamity loan. Nasa pipeline rin para sa 2025 ay ang pagbabawas ng interest rate sa salary loan at calamity loan programs ng SSS. Sa kasalukuyan, ang rate ng interes para sa mga naturang programa ay nasa 10% kada taon.


“Given the consistent, solid performance of SSS’ investment portfolio, it is now timely to revisit the interest rate of our salary and calamity loan programs toward reducing it to increase the cash proceeds from loan applications by qualified SSS members,” pahayag nito.

Ang taunang Return on Investment (ROI) ng SSS mula 2021 hanggang 2024 ay nasa pagitan ng 5.8% hanggang 6.6%, kahit na sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Ituloy ang coverage ng mga self-employed. Binanggit pa ni De Claro, “We will also pursue better collection compliance from other groups of workers, particularly self-employed professionals (e.g., Accountants, Doctors, Engineers, etc.), by coordinating and meeting with the Professional Regulation Commission (PRC) to discuss opportunities for cooperation and ensure SSS coverage of such workers.” 


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Mar. 2, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw. Ako ay isang tricycle driver dito sa Quezon City. Batid ko sa araw-araw na aking pamamasada ay may kalakip itong panganib. Kaya nais kong malaman kung maaari rin ba akong makapaghulog sa SSS? Salamat.  — Tirso



Mabuting araw sa ‘yo, Tirso!


Malugod naming ipinaaalam sa ‘yo na maaari kang maging miyembro ng SSS bilang self-employed basta kayo ay may sariling pinagkakakitaan na negosyo o propesyon at wala kayong employer kundi ang inyong sarili habang hindi pa kayo umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coach, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda. Kabilang din dito ang mga nagtitinda sa palengke, tricycle o jeepney drivers.  


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 15% at ang monthly salary credit ay hanggang P35,000. Maaari mo namang ibatay ang halaga ng iyong magiging buwanang kontribusyon, Tirso, sa monthly salary credit o ang salary level kung saan nakabase ang iyong buwanang kita na idineklara mo naman sa iyong registration form o SSS Form E-1 (Personal Record). Samantala, ang Schedule of Contributions ay makikita sa SSS website, www.sss.gov.ph o kaya’y sa Facebook page nito sa Philippine Social Security System. Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktuwal na kinikita.


Para sa iyong kaalaman, Tirso, ang EC Program ay para sa mga work-related contingencies bunsod ng pagkakasakit, pagkabalda, o kaya’y pagkamatay na maaaring mangyari sa self-employed na gaya mo habang nagtatrabaho. Dagdag-proteksyon naman din ito bukod sa regular SSS benefits na matatanggap mo sa hinaharap. 


Kung wala ka pang SS number, maaari ka na ring mag-apply sa pamamagitan ng online. Magtungo lamang sa SSS website at i-click ang link na Apply for an SS Number. 


Matapos nito, maaari ka ng magbayad ng iyong kontribusyon kada buwan o kaya ay quarterly. Para makapagbayad ka naman ng iyong kontribusyon, kailangan mo munang makakuha ng Payment Reference Number (PRN) para sa iyong gagawing pagbabayad. Maaari kang makapag-generate ng PRN gamit ang iyong My.SSS account. 


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Feb. 23, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang delivery rider ng isang food delivery app. Marami akong nais itanong sa SSS ukol sa mga benepisyo nito ngunit hindi ko alam kung saan ako maaaring makahingi ng kasagutan. Salamat.  — Oscar



Mabuting araw sa iyo, Oscar!


Napapanahon ang iyong katanungan dahil sa nasa yugto tayo ng panahon na lubhang laganap ang fake news at misinformation. Karaniwang dilemma na ng tao ngayon kung accurate ba ang mga impormasyong nakikita nila na pumapasok sa feed nila sa Facebook at iba pang social media platform.


Gaya ng ibang organisasyon, ang Social Security System (SSS) ay nagiging subject din ng hindi accurate na impormasyon o fake news sa social media. Kaya mahalaga na malaman mo at ng mga miyembro ng SSS kung saan ba makakakuha ng tamang impormasyon.


Kung tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, iminumungkahi namin na i-follow mo ang mga opisyal na social media pages ng SSS. Nasa sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber ang SSS at ang tangi mong gagawin ay hanapin lang ang MYSSSPH. Tinitiyak namin na ang makukuha mong impormasyon dito ay tama dahil ang mga content sa mga nasabing social media pages ay opisyal na mula sa SSS. 


Kung ikaw naman ay may katanungan o query, maaari kang magpadala ng iyong mensahe sa usssaptayo@sss.gov.ph. May mga nakatalagang SSS employees na handang sumagot sa mga katanungan ng miyembro na nagpapadala ng kanilang inquiries sa nasabing email.


Mayroon ding hotline ang SSS na maaari mong tawagan para sa iyong katanungan. I-dial lang ang 1455 at may sasagot sa iyo na SSS member representative upang magbigay linaw sa iyong queries.


Bukod dito, maaari mo ring kontakin ang SSS branch office na malapit sa iyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa corporate e-mail address ng nasabing sangay ng SSS o ‘di kaya’y tawagan ang telephone number nito.

Madali lang hanapin ang contact details ng aming mga branch offices. Bisitahin lang ang aming website, www.sss.gov.ph, at i-click ang “See Branch Directory” upang makita ang branch office na malapit sa‘yo. Makikita mo rito ang address ng aming branch office, telephone number at e-mail address nito.


Maraming kaparaanan upang makahingi ng kasagutan sa inyong inquiry sa SSS.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Batay sa SSS Circular 2022-022, maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page