top of page
Search

Sumang-ayon si UFC superstar Khabib “The Eagle” Nurmagomedov na labanan si undefeated-retired at future Hall of Famer Floyd “Pretty Boy” Mayweather – ngunit, may kondisyon ito – maglaban sila ng 11 rounds ng boxing at isang round ng Mixed Martial Arts.

“If you want to make [the] fight, we can make [the] fight like this: 11 rounds… box, 1 round MMA,” pahayag ni Khabib sa ginanap na press conference ng sunod niyang laban sa UFC 249 main event. “If you make deal, we can fight… we have $100 million offer to fight him at middleweight. We have offer.”

Inanunsyo ito ng kasalukuyang UFC lightweight champion kasunod ng mga espekulasyon na pinagtatapat ang dalawang undefeated fighters mula sa magka-ibang mundo ng pampalakasan at professional sports.

Inamin nito na may posibilidad ang kanilang pagtatapat kung sakaling papayag lamang ang American boxer/promoter sa kanyang kondisyon.

“I think Mayweather, he’s a very big name. He’s a very big name. Right now, I have big name too. We can fight. But we need like, 11 round box, 1 round MMA. Let’s go, I’m ready,” hirit ni Khabib, na naghahanda sa kanyang susunod na laban sa Abril 18 kay Tony Ferguson para sa UFC lightweight title.

Nauna nang sinabi ni Mayweather na nakipag-usap ito kay UFC president Dana White hinggil sa pagkakaroong muli ng Mayweather-Conor McGregor rematch o ang laban kay Khabib.

“Like we talked about on social media, there’s two names right now,” wika ni Mayweather sa isang UK event, ayon sa isang website.

“We talked about the Conor McGregor fight, we talked about the Khabib fight. For myself, the number is $600 million. If I’m going to go out there and risk it, it’d have to be worth it.

 
 

Maagang rumatsada ang Builders Warehouse-UST sa pangunguna ni Soulemane Chabi Yo para gapiin ang Diliman College, 106-93 sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Paco Arena sa Manila.

Nagtala ang nakaraang taong UAAP MVP ng 24 puntos, 9 na rebounds at 2 blocks upang pamunuan ang Growling Tigers sa ikalawang sunod nilang panalo at makamit ang maagang pamumuno sa torneo.

Giniyahan ni Chabi Yo ang 16-5 na panimula ng UST na pumukol ng limang triples para iposte ang 37-18 na kalamangan sa first quarter.

“We told him that he had to exert effort because for the past games, ‘di pa nakakalaro ng maayos si Chabi. We told him to play well, makakuha siya ng rhythm niya and he did,” wika ni UST coach Aldin Ayo.

Kasunod ni Chabi Yo, tumapos na may double-double 14 puntos at 11 rebounds si Dave Ando na sinundan nina Rhenz Abando na may 13 puntos, Deo Cuajao na may 11 puntos, at Zach Huang na may 10 puntos at 5 rebounds.

Nanguna si Senegalese center Abdoulaye Niang para sa Blue Dragons sa itinala niyang 30 puntos at 16 rebounds.

Sa ikalawang laro, gaya ng inaasahan humanay sa pangingibabaw ang Marinerong Pilipino matapos itala ang ikalawang sunod nilang tagumpay pagkaraang talunin ang ADG Dong-Mapua, 83-69.

Tumapos na leading scorer para sa Skippers si Jamie Malonzo na may 23 puntos, kasunod sina Juan Gomez de Liaño at Alfred Batino na may 18 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nanguna sa natalong Mapua (0-1) si Lawrence Victoria na may 16 puntos.

Samantala, gaya ng naunang dalawang laban, wagi din ang paboritong EcoOil-La Salle kontra Karate Kid-Centro Escolar University, 79-73.

Nagposte si Justin Baltazar ng 20 puntos kasunod si Encho Serrano na may 18 puntos upang pamunuan ang nasabing ikalawang sunod na panalo ng La Salle na nagtabla sa kanila sa liderato kasalo ng Marinerong Pilipino at ng Builders Warehouse-UST.

Nanatili namang walang panalo ang CEU matapos ang dalawang laro.

 
 

Kinapos ang mga beteranong manunumbok ng Pilipinas kaya buong giting na pumagitna ang Pinoy na si Zorren James “Dodong Diamond” Aranas para maisalba ang korona ng 9-Ball Open Division laban sa 127 iba pang aspirante nang magsara ang 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament sa West Monroe, Los Angeles, California.

Walong panalo at isang talo ang pinakamakinang na rekord sa torneo at iyon ay pag-aari ng sumisibol na si Aranas.

Ito rin ang naghatid sa kanya sa unang kampeonato at ikaapat na podium finish ngayong 2020.

Nauna rito, pumangatlo ang Pinoy sa Derby City Classic (DCC) 9-Ball (Indiana, Pebrero), Turning Stone Classic XXXIII (New York, Enero) at Cajun Coast 9-Ball Open (Louisiana, Pebrero).

Pampito rin siya sa kasalukuyan sa malupit na AZBilliards Moneyboard. Sina Gabriel Alexander (9-5), David Walker (9-4), Hapones na si Naoyuki Oi (9-5), Justin Hall (7-0), kababayang Roberto “Superman” Gomez (9-6), Tony Chohan (9-5) at Shane McMinn (9-6) ang mga biniktima ni Aranas para makapasok sa championship face-off tangay ang twice-to-beat na bentahe.

Sa unang salang, nasingitan siya ni Josh Roberts, 8-9, pero sa pangalawang sagupaan na nagsilbing ring rubber match ay sinelyuhan na niya ang unang puwesto, 7-3.

Naiwagayway nang husto ang bandila ng Pilipinas sa maigting na paligsahan.

Sa One Pocket na labanan, isang 1-3 na palabas ang ipinakita nina Billiards Congress of

America (BCA) Hall of Famer Francisco “Django” Bustamante at AZBilliards Moneyboard frontrunner Dennis “Robocop” Orcullo. Si Orcullo, 10-Ball SEA Games gold medalist at dating hari ng 8-Ball sa buong mundo, ang siya ring nagwagi sa 10-Ball mini event.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page