top of page
Search

Handa na ba kayo para sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ?

Naghahanda na sa kasalukuyan ang Philippine Sports Commission ( PSC) para sa nalalapit na pagpapatupad ng MECQ sa kalakhang Maynila.

Kahapon ay nagpulong ang PSC sa pamamagitan ng online Board meeting upang pag-usapan ang kanilang plano sa nalalapit na MECQ ngayong Mayo 16.

Napagkasunduan ng Board na bumili ng mga Personal Protective Equipments (PPE), face masks at mga disinfection supplies para sa kaligtasan ng mga tao sa nasabing tanggapan.

Bumuo si PSC Chairman William Ramirez ng isang health committee na siyang mangangasiwa sa kaligtasan ng mga tao sa ahensiya alinsunod sa occupational at health safety standard para sa mga pampublikong tanggapan na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang mga ahensiya ng CSC, DOH at DOLE.

Si Executive Director Merly Ibay ang magsisilbing pinuno, habang sina Deputy Executive Directors Dennis Rivera at Atty. Guillermo Iroy, kasama si Chief of Staff Marc Velasco ang mga deputies.

Aaksyunan din ng pamunuan ng PSC ang iba pang maaaring mangyari sa gitna ng sitwasyon sa bansa base sa kapasidad ng kanilang pondo.

 
 

Sinorpresa ni American wrestler Justin Gaethje ang madla nang pabagsakin nito ang heavy-favored na si Tony Ferguson upang makamit ang UFC interim Lightweight title at magkaroon ng karapatan para labanan ang undisputed champion na si Khabib Nurmagomedov.

Ibinuhos lahat ni Gaethje ang lakas upang ibigay ang isang technical knockout victory laban kay Ferguson sa 3:39 mark ng 5th round sa loob ng bakanteng VyStar Veterans Memorial Arena.

Ipinakita ni Gaethje ang kabuuang dominasyon sa laban simula sa unang round pa lamang ng paulit-ulit nitong gulpihin ni Ferguson sa matatalim na suntok, sipa at mga kumbinasyon kung saan sa huling round ay tila sumuko na si Ferguson mula sa mga suntok ni Gaethje para tuluyang ipatigil ni referee Herb Dean ang laban.

“I'm waiting for the real one,” sambit ni Gaethje matapos makuha ang interim title at ihagis ito sa gilid. “I knew I was a killer stepping in here. I'm good bro."

Muli namang nadepensahan ni Henry Cejudo ang kanyang UFC bantamweight title nang patumbahin nito si dating kampeon na si Dominick Cruz sa 2nd round dulot ng malulupit na tuhod – ngunit tila ito na rin ang huling beses na makakapagpatumba siya sa loob ng octagon – matapos ideklara nito ang kanyang pagreretiro sa MMA world.

Nakabawi naman sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo si dating lightweight champion Anthony Pettis nang talunin nito si Donald “Cowboy” Cerrone sa pamamagitan ng unanimous decision sa welterweight division.

Nakamit ng 33-anyos na si Pettis ang panalo mula sa mga hurado sa pamamagitan ng 29-28, 29-28 at 29-28 upang umangat ang rekord nito sa 23-10-0. Nakabawi si Pettis sa dalawang sunod na talo mula kina Carlos Diego Ferreira sa rear-naked choke sa UFC 246 at kay Nate Diaz noong UFC 241 (decision).

Nagwagi rin sa kani-kanilang laban sina Francis Ngannou kay Jair Rozenstruik via first-round TKO (punches), Calvin Kattar kay Jeremy Stephens via second-round knockout (elbow), Greg Hardy kay Yorgan de Castro via unanimous decision (30-27, 30-27, 30-27), Aleksei Oleinik kay Fabricio Werdum via split decision (29-28, 28-29, 29-28), Carla Esparza kay Michelle Waterson via split decision (30-27, 27-30, 29-28), Vicente Luque kay Niko Price via third-round TKO (doctor stoppage), Bryce Mitchell kay Charles Rosa via unanimous decision (30-25, 30-25, 30-24) at Ryan Spann kay Sam Alvey via split decision (29-28, 28-29, 29-28).

 
 

Inangkin ng powerhouse China ang korona ng unang FIDE Chess.com Online Nations’ Cup sa gitna ng pananalasa ng COVID-19.

Inilampaso ng mga Intsik ang oposisyon sa double round robin na yugto ng kompetisyon para unang makapasok sa final round kahit na may dalawang rounds pa ang natitira. Bukod sa pagiging unang finalist, tabla na lang ang kailangang hugutin ng China mula sa magiging no. 2 qualifier at selyado na nito ang trono.

Nakuha naman ng USA ang karapatang makaharap sa finals ang China matapos maungusan ang Europe sa maigting na karera papasok sa finals.

Isang 2-2 na resulta naman sa finals ang nasaksihan ng mga sumusubaybay online kaya nakuha na nang tuluyan ng China ang korona sa bakbakang nilahukan din ng Russia, India at Rest of the World kung saan pinairal ang rapid chess na format (25 minuto + 10).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page