top of page
Search

ni MC / Clyde Mariano @Sports | August 17, 2024


Sports News
Photo: Circulations / FB

              

Tulad ng inaasahan, maagang nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials nitong Huwebes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.


Nalagpasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundo Southeast Asian Age Group Qualifying Standard Time (QTS) para sa mga batang babae 14-15 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para makamit ang gold medal. Tinalo ng protegee ni coach Dax Halili sina Krystal Ava David (34.69) at Jamaica Enriquez ng Pangasinan (35.62) sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).


"It feels so amazing because I sacrifice so much for this moment. I woke up at 2am everyday to practice before going to school, there’s so much pressure on me but surprisingly I made it and I am so very happy with the results,” sambit ni Coleman, isang athletic scholar sa government-run National Academy of Sports sa Capas, Tarlac. “I was excited when I saw the name of Ate Kayla (Sanchez) in the starting list. I said to myself, wow I’m going to swim off with the Olympian medalist, but unfortunately her name was scratched at last minute, Sayang!,"panghihinayang ni Coleman sa nasayang na panahong makasabayan niya ang Fil-Canadian Olympian na bahagi ng heat 12 of 13 Finals sa naturang event.


Ayon kay PAI Secretary General Eric Buhain, ang Trials ang gagamitin bilang proseso ng pagpili ng mga miyembro ng National training pool na kakatawan sa bansa sa nakatakdang international competition ngayong taon hanggang sa unang dalawang quarter ng 2025.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 17, 2024


Sports News
Photo: One Sports & Ateneo De Manila University / FB

 Kinoronahan ang Ateneo de Manila University bilang pinakaunang kampeon ng UAAP Esports NBA 2K sa pagbukas ng bagong kabanata sa mayaman na kasaysayan ng nangungunang liga ng mga paaralan. Hawak ang bentahe na maglaro sa sariling tahanan, dinaig ni Paolo Jesus Medina ng Blue Eagles si Kegan Audric Yap ng De La Salle University Viridis Arcus sa Game 3 ng seryeng best-of-three, 74-63, Huwebes ng gabi. 


Sa Game One, humabol si Medina  mula sa 30-50 upang maagaw ang tagumpay, 77-75.  Bumawi si Yap at kinuha ang Game 2, 93-89. 


Winalis ni Medina si Daemiel Erzbet Argame ng University of Santo Tomas Teletigers sa semifinals, 96-92 at 119-81.  Kinailangan ni Yap ng tatlong laro bago pabagsakin ang isa pang Teletiger Eryx Daniel delos Reyes, 65-53, 72-83 at 88-67. 


Kinalimutan ni Medina ang pagkatalo niya sa unang dalawang laro sa Grupo A ng elimination round at nanaig sa huling limang laro upang magtapos sa 5-2 at pangalawa kay delos Reyes na 6-1.  Perpektong 7-0 si Argame sa Grupo B at 6-1 si Yap. 


Ang kampeonato ang bunga ng anim na buwan na paghahanda.  Ayon kay Ateneo coach Nite Alparas, malaking hamon na ipagsabay ang ensayo at pag-aaral subalit habang papalapit ang UAAP ay lumakas ang paniniwala niya na makukuha ng Blue Eagles ang titulo. 


Si Coach Alparas ang humahawak din sa pambansang koponan E-Gilas at nakikita niya ang potensiyal nina Medina at Yap na katawanin ang Pilipinas.  May parating na torneo ng E-FIBA na punong-abala ang Pilipinas sa Disyembre. 


Samantala, magsisimula ngayong Sabado ang inaabangang bakbakan sa Mobile Legends: Bang Bang.  Babalik ang walong paaralan sa Ateneo simula 10:00 ng umaga at tatakbo ang torneo hanggang Agosto 21.


 
 

ni MC / Clyde Mariano @Sports | August 17, 2024


Sports News
Photo: Phillipine Olympic Commitee

              

Isa sa pinakamagandang paraan upang manatiling buhay at makasaysayan ang achievements ng Filipino athletes hindi lamang iyong magandang performance sa dalawang Summer Olympics ay ang magkaroon ng sports museum sa loob ng Philippine Olympic Committee (POC) headquarters.


“We’ve participated in the Olympics for a century, but up to now, the POC still needs to have its own home,” saad ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa The Agenda media forum na host si Siegfred Mison sa Club Filipino sa San Juan kahapon.


“My vision about the House of POC includes a museum where the memorabilia of our great athletes, including those of Caloy [Carlos Yulo] and Hidilyn [Diaz-Naranjo], could be viewed by Filipinos,” aniya.


Sinimulan ni Tolentino ang adbokasiya ng House of POC makaraang magwagi si weightlifter Diaz-Naranjo ng kauna-unahang Olympic gold medal sa Tokyo 2020 (2021) habang naka-silvers sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze si Eumir Felix Marcial.


Aniya ang proyektong request niya sa Malacañang ay sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex ibase. “It would be ideal for the House of POC to be close to the airport for accessibility of foreign sports dignitaries who will come for official functions or for a visit,” aniya.


Hiniling na rin niya ito kay President Ferdinand R. Marcos sa kanilang welcome dinner sa Filipino Olympians mula sa Paris kasama si double gold medalist gymnast Carlos Yulo noong Martes sa Malacañang. “The President was receptive to the proposal and I’m hopeful our vision would be realized this time,” aniya.


Ang POC sa hinaba-haba ng panahon, nagsimulang lumahok ang bansa sa Olympics noong 1924 sa Paris, walang sariling permanenteng opisina o headquarters. “Timor Leste, the smallest among Southeast Asian countries, in fact, has a national Olympic committee headquarters complete with all amenities … the works.”


Aniya ito ay may museum, multi-purpose hall, office rooms, gym at maging laboratoryo.

May maliit na opisina ang POC sa Rizal Memorial Sports Complex ng ilang dekada bago inilipat sa PhilSports Complex (dating Ultra) na kontrolado ng Department of Education.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page