top of page
Search

ni Rey Joble @Sports News | August 22, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB

Sa ikalawang sunod na laro, muling ipinamalas ni Rondae Hollis-Jefferson ang kanyang bagsik at gabayan ang TNT sa kanilang pangalawang panalo matapos dispatsahin ang All-Filipino champion na Meralco, 93-73, sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup nitong Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


Bukod kay Hollis-Jefferson, ang dating Best Import awardee ng Tropang Giga na siya ring namuno sa koponan sa pagkopo ng titulo sa kaparehas na torneo dalawang season na ang nakakaraan, todo kayod rin ang isa sa pinakabagong manlalaro ng TNT na si Rey Nambatac.


Kinuha noong off season kapalit nina Kib Montalbo, Jewel Ponferada at ang second round pick ng Tropang Giga sa 53rd season ng liga, madaling nakapag-adjust si Nambatac sa kanyang bagong koponan kung saan malaki ang kanyang ginagawang papel bilang isa sa premyadong guwardiya ng mga bataan ni coach Chot Reyes.


Sa pagkawala ni Mikey Williams na tuluyan nang hindi pinapirma ng kontrata ng Tropang Giga, naging katuwang ni Jayson Castro si Nambatac hindi lang sa pagbibigay ng puntos sa backcourt kasama na rin ang pagtitimon sa koponan. May naipong 25 puntos si Hollis-Jefferson, kabilang rito ang 14 na naitala sa third period, habang sumikwat rin ng 12 rebounds at nagbigay ng walong assists. Nagbuhos naman ng 16 na puntos si Nambatac at nagdagdag ng pitong rebounds. Ito ang ikalawang sunod ng panalo ng TNT para kuhain ang solo liderato sa torneo. “If there’s one thing that we’re seeing it’s the integration of the newbies with the rest of the team,” ang sabi ni Reyes. Maganda ang ipinakikita ng Tropang Giga na tila hindi iniinda ang pagkawa ng mga injured players na sina Kelly Williams at Roger Pogoy. Kasalukuyan ring nagpapagaling pa ang sophomore forward ng koponan na si Henry Galinato na may iniindang pilay sa tuhod. “Roger still has some back issues, although the MRI showed no major structural damage and did some light workouts at practice while Kelly is day-to-day depending on the pain on his calf,” dagdag pa ni Reyes.


 
 

ni MC @Sports | August 20, 2024


Sports News
Mapapalaban ang Gilas Women sa Brazil, Hungary at maging sa Senegal. (SBP pix)

Aaksiyon ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament sa  Kigali, Rwanda. Kauna-unahan ito sa   women’s national basketball team na sasabak sa labas ng FIBA Asia borders. 


Nasa ranked 40th ang Pilipinas, sa  women’s division ng FIBA at ka-grupo ang Brazil (8th), Hungary (16th), at Senegal (25th). Nakakuha ang Filipina ballers ng ticket sa Rwanda nang maka-sixth-place finish sa FIBA Women’s Asia Cup 2023 sa Australia noong Hunyo. 


Heavy underdog ang Gilas women sa torneo bilang may lowest-ranked competitor sa labas ng host Rwanda pero ayon kay coach Patrick Aquino at sa buong team na habang pinag-iibayo nila ang performance mula sa inihandang programa, ibig sabihin positibo sila sa kanilang estado.


Moving up the rankings means we’ll have to learn how to step outside our comfort zone,” ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Erika Dy. “Our Women’s Team has shown us they can be competitive in the region but there’s still a lot of work to be done to reach the next level." 


Ayon sa FIBA article, dalawang Pinay ballers ang dapat abangan sa hanay ng 8 teams - sina April Bernardino at Jack Animam. "Known for her athleticism and relentlessness to win, Afril is one of the best players I have seen in the country. Her constant will to learn and determination to work harder than anybody else has made her who she is now,” ani Aquino hinggil sa ace players. 


Haharapin ng Pilipinas ang Brazil sa August 19 ng 8pm. Kasunod ng  showdown kontra  Hungary sa August 20 ng 11pm. Paghahandaan din nila sa  group stage assignment ang  Senegal sa August 22 ng 5pm.

 
 

ni MC @Sports | August 20, 2024


Sports News
Ang Alas Pilipinas men kasama sina Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann at Philippine National Volleyball Federation officials led by president Ramon “Tats” Suzara, secretary-general Donaldo Caringal, chairman Dr. Arnel Hajan, vice president Ricky Palou at directors Tonyboy Liao, Yul Benosa at Karl Jeffrey Chan II nang mag-bronze medal sa SEA V. League sa Ninoy Aquino Stadium noong Linggo. Photo: pnvfpix

Isang makasaysayang bronze medal at dalawang individual awards  ang nagbigay ng inspirasyon at lakas para sa Alas Pilipinas para sa isang taon na preparasyon ng koponan sa idaraos na solo hosting ng  prestigious FIVB Volleyball Men’s World Championship sa 2025.


Ibinuhos ng Alas Pilipinas ang tapang para masungkit ang unang  bronze medal sa Men’s Southeast Asia V. League first leg nitong Sabado ng gabi at umangat ang kabayanihan ng team.


Dahil sa injured sina Bryan Bagunas at Marck Espejo, sumandala ang Alas kina Kim Malabunga at Buds Buddin para masungkit ang podium finish at tuluyang anihin sa huli ang bunga ng pagsisikap. 


Itinanghal si Malabunga bilang  Second Best Middle Blocker habang ang batang si Buddin, National University varsity ang Second Best Outside Spiker honor.


Higit pa riyan, ang tatag sa kasaysayang mataos ang magkasunod na 4th place finish ang nagpahamon kay Italian head coach AngiolinoFrigoni sa kanyang  debut tournament sa Pilipinas. 


It’s a bronze medal. It's better to start with a bronze medal than start without a medal,” ayon sa natutuwang coach na unang sumalang sa Olympics kasama ang Italy women’s team. “But for me, we are just starting, we only played in this competition this year,” 


Nitong Hulyo lamang naswak si Frigoni bilang coach bunga ng pasadong credential na ipinasa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ni President Ramon “Tats” Suzara. 


Si Kissada Nilsawai ang itinanghal na Most Valuable Player ng first leg nang maipanalo lahat ng laro.  Si Hendra Kurniawan ang First Best Middle Blocker, DioZulfikri -(Best Setter) ng silver medalist Indonesia, Thailand’s NapadetBhinijdee (First Best Outside Spiker) at TanapatCharoensuk (Best Libero) maging si Vietnam’s Pham Van Hiep (Best Opposite Spiker) ang kumumpleto sa mythical team. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page