top of page
Search

ni VA @Sports | August 23, 2024


Sports News
Photo: Carlos Yulo, Manuel V. Pangilinan, & EJ Obiena / FB

Inanunsiyo ni business tycoon Manuel Pangilinan kahapon na ginawaran niya ng P10-million cash reward si Filipino gymnast Carlos Yulo sa pagkakapanalo ng 2 gold medals sa nagdaang 2024 Paris Olympics.


Makatatanggap naman ang coaching team ni Yulo ng P5-M mula kay Pangilinan. Sa anunsiyo niya sa X (dating Twitter) account, sinabi ni Pangilinan na bibiyayaan din niya ng tig-P2-M reward sina boxers Aira Villegas at Nesthy Petecio na nakapag-uwi ng Olympic bronze medals, plus P2 million sa kanilang coaches. "Like always, they can count on our continued support until LA 2028. Mabuhay ang atletang Pinoy! (Long live Filipino athletes!)" saad ni Pangilinan sa post.


Samantala, tumapos na katabla sa ikatlong puwesto nina Sondre Guttormsen ng Norway at Kurtis Marschall ng Australia ang Filipino pole vaulter na si Ernest John 'EJ' Obiena matapos magtala ng 5.82 meters sa Lausanne leg ng Diamond League na idinaos sa Stade Olympique de la Pontaise sa Switzerland kahapon ng madaling araw (Manila time).


Nakatig-isang attempt lamang ang tatlong pole vaulters sa nasabing taas ng baras upang umabot ng podium at makapag-uwi ng premyong $3,500 bukod pa sa qualification points para sa finals na gaganapin sa Setyembre. Ang panalo ay nagsilbing pagbawi ni Obiena mula sa naging fourth place finish niya noong nakaraang Paris Olympics.


Nagwagi naman ng gold at leg winner prize na $10,000 sa nasabing kompetisyon si 2-time Olympic gold medalist Armand Duplantis ng Sweden na nagtala ng 6.15 meters habang pumangalawa sa kanya si Sam Kendricks ng  US na nagposte ng 5.92 meters para maiuwi ang silver medal at premyong $6,000.  

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 23, 2024


Sports News
Photo: OneSports / FB

Laro ngayong Biyernes – Yogyakarta


8 p.m. Pilipinas vs. Indonesia 


Masusubukan agad ang bagong tuklas na husay ng Alas Pilipinas sa pagharap nila sa host Indonesia sa unang araw ng pangalawang yugto ng SEA Men’s V.League 2024 ngayong Biyernes simula 8:00 ng gabi sa Yogyakarta.  Patutunayan ng mga Pinoy Spiker na hindi tsamba ang kanilang tanso sa unang yugto noong nakaraang linggo sa Ninoy Aquino Stadium.


Matatandaan na sumuko ang Alas sa mga bisitang Indones – 23-25, 25-19, 25-11 at 25-21 – kung saan nasayang ang 17 puntos ni kapitan Bryan Bagunas at 16 ni Michaelo Buddin.  Ngayon, wala si Bagunas na napilay ang tuhod habang inihatid niya ang huling serbisyo ng laro kaya mas malaki ang inaasahan kay Buddin na napiling Best Outside Spiker at Kim Malabunga na hinirang na Best Middle Blocker ng torneo.


Pagkatapos ng Indonesia ay haharapin ng Alas ang kampeon ng unang yugto Thailand sa Sabado.  Tatapusin nila ang kampanya kontra Vietnam sa Linggo ang parehong koponan na binigo nila upang maitala ang unang panalo sa dalawang taon ng V.League at ilatag ang daan patungong tanso. 


Samantala, may inihahandang mga laro o munting torneo ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) upang markahan ang isang taon bago magsimula ng FIVB Men’s World Championship sa bansa mula Set. 12 hanggang 28, 2025.  Maliban sa Pilipinas, pasok na sa torneo ang defending champion Italya, Poland, Slovenia, Pransiya, Japan, Iran, Qatar, Ehipto, Algeria, Libya, Estados Unidos, Canada, Cuba, Argentina, Brazil at Colombia habang malalaman sa Agosto 30 ang 15 iba pang kalahok ayon sa FIVB Ranking.  


 
 

ni Rey Joble @Sports News | August 23, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB

Todo-buhos ang Magnolia Hotshots sa pagsungkit sa unang panalo sa bagong season ng PBA at nitong Biyernes ng gabi, nagpamalas ang Hotshots ng mas solidong laro para idispatsa ang Converge, 105-93  sa Smart Araneta Coliseum.


Umangkla ang Hotshots sa matinding depensa pero kinailangan pa ring sumandal sa mga beteranong players sa dulo para pigilan ang paghahabol ng FiberXers.


Limang players ang tumapos sa double figures para sa Hotshots sa pangunguna ng kanilang import na si Glen Robinson III.


Ang anak ng dating NBA star na si Glen Robinson ay nagtala ng 28 puntos para giyahan ang Hotshots sa kanilang unang panalo sa tatlong laro habang tig-14 na puntos ang naiambag nina Paul Lee, Jerrick Ahanmisi at Ian Sangalang at tumapos ng 10 puntos si Calvin Abueva.


Para kina Lee at head coach na si Chito Victolero, kapansin-pansin ang bagong sigla sa larong ipinakikita ni Ahanmisi.


“I’m not gonna lie, sobrang sipag nu'ng bata,” ang sabi ni Lee. “We saw the results. Hands up ako doon sa bata kasi coming from a season na hindi talaga siya nagagamit, andun siya sa court every morning, ginagawa 'yung routine niya.”  


Halos hindi na nagagamit noong nakaraang dalawang taon, ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Ahanmisi matapos magkaroon ng oportunidad na mas makapaglaro ng mahabang minuto matapos ma-trade ang guwardiyang si Jio Jalalon at habang nagpapagaling pa ang rookie na si Jeron Lastimosa.   “Jerrick works hard, andun lang siya sa period of adjustment na he’s being converted into a point guard kasi shooting guard talaga siya dati,” dagdag pa ni Victolero.


Pero sa bagong season ng PBA, kinakitaan ng mas mataas na kumpiyansa si Ahanmisi, kung kaya naman lumalabas ito sa kanyang laro.    


“I think so,” sagot ni Ahanmisi sa mga sportswriters nang tanungin kung inaasahan ba ang kanyang breakout season.


“For the past couple of years, I’ve been putting in the work, I don’t know how long I can remember, but before practice and after practice, whether I play a lot or not, I tried to increase and improve my game.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page