top of page
Search

ni VA @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: NCAA & UAAP / FB

Inaasahang muli na namang magiging mainit ang mangyayaring tapatan ng dalawang pangunahing collegiate leagues ng bansa na National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na kapwa nagtakda ng kani-kanilang season openers sa darating na Setyembre 7, 2024.


Ipagdiriwang ng NCAA ang kanilang Centennial season na sisimulan nila sa Mall of Asia Arena habang magbubukas naman ng kanilang 87th Season ang UAAP sa Araneta Coliseum.


Unang nag-anunsiyo ng kanilang opening para sa susunod nilang season ang UAAP sa nakaraang  closing ceremony ng Season 86. Sumunod naman ang NCAA makalipas ang isang buwan. Ang Lyceum of the Philippines University ang magsisilbing host ng Centennial o Season 100 ng NCAA habang ang University of the Philippines ang sa UAAP.


Inaasahan namang magkakaroon ng mga magagarbo, makukulay at engrandeng palabas ang dalawang liga para sa kani-kanilang opening rites.


Kaugnay nito, nagsimula na rin parehas ang dalawang liga ng iba't-ibang mga aktibidad upang i-promote ang darating nilang season.


Isa-isa ng nagdaos ng kanilang pep rally at pagpapakilala ng mga atletang kakatawan sa kanila sa iba't-ibang mga sports ang sampung member schools ng NCAA sa pangunguna ng reigning overall champion San Beda University na siya ring defending champion sa season opener event na men's basketball. Idinaos ng UAAP ang paglulunsad ng inaugural Esports tournament kung saan nagkampeon ang University of the East.  

 
 

ni Rey Joble @Sports News | August 25, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB

Malamig man ang kanilang simula, nakuha naman ng San Miguel Beer ang init ng kanilang laro sa second half bago tuluyang idispatsa ang walang import na Blackwater, 128-108 , sa PBA Governors’ Cup nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.


Nanalasa para sa Beermen ang kanilang import na si Jordan Adams na tumipa ng 50 puntos at 11 rebounds kung saan madali niyang ipinagpag ang depensa ng Blackwater, na humahanap pa rin ng kapalit para sa sinibak na import na si NBA veteran Ricky Ledo.

Ito ang ikalawang sunod na panalo sa singdaming laro para sa Beermen.


Ginising ni coach Jorge Gallent ang kanyang mga bataan sa halftime kung saan lumamang ng 10 puntos sa first half ang Bossing, 63-53.


“We just had to remind them that we were not playing San Miguel basketball,” ang sabi ni Gallent. “We were selfish in the first half and we didn’t share the ball. But in the second half, I just told them to play our usual game and we did a better job defensively in the second half.”


Para naman kay Adams, mas madali ang kanyang paglalaro dahil napapaligiran siya ng magagaling na kakampi sa San Miguel.


“We have a great team and there were a lot of guys who can knock down shots. It makes my job a lot easier,” dagdag pa ni Adams.


Ang panalong ito ng Beermen ay magsisilbijng magandang preparasyon para sa kanilang susunod na laro kung saan haharapin nila ang Barangay Ginebra sa Martes sa Smart Araneta Coliseum.


Batid ni Gallent na hindi uubra ang istilo ng larong kanilang ipinakita kontra Blackwater.

“If we showed up with the kind of effort we played in the first half, Ginebra is going to blow us out,” dagdag pa ni Gallent.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | August 24, 2024


Sports News
Photo: SpinPH

Mga laro ngayong Sabado


(University of Bangued Gymnasium)


4 n.h. – Imus vs. Pasay


6 n.g. – Binan vs. Sarangani


8 n.g. – Valenzuela vs. Abra


Nagpamalas ng mahusay na atake si Juneric Baloria upang pangunahan ang hometown bet Batangas City Rhum Masters para kabugin ang South Cotabato Warriors upang makapagtala ng malaking agwat sa puntusan sa 2nd quarter tungo sa panalo para maiselyo ang ikatlong sunod na panalo sa bisa ng 91-82 sa main battle noong Miyerkules ng gabi ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 6th Season na ginanap sa Batangas City Coliseum sa Poblacion, Batangas City.


Iniangat ng 2013 NCAA Rookie of the Year mula UPHSD Dalta Altas ang 21 puntos kasama ang dalawang free throws, 6 assists para sa ika-17 panalo at 7 talo ng Batangas City. Sumuporta rin sa koponan na makamit ang solong ikatlong puwesto sa South Division sina Cedric Ablaza sa 19 puntos,  Levi Hernandez sa 17 puntos at 2  rebounds, Jeckster Apinan sa 12 puntos, 10 rebounds  at Carlos Isit sa 9 puntos.  


Angat para sa South Cotabato si Val Acuna sa kinargang 20 puntos kasama ang 2 rebounds at isang assist, gayundin ang ambag nina Nico Elorde sa 12 puntos, Jammer Jamito sa 12 puntos, 7 boards at 2 blocks at John Paul Calvo na may 12 puntos, na bumagsak sa 15-9 kartada.


Natakasan  ng Zamboanga Master Sardines ang Davao Occidental Tigers sa 67-65, gayundin ang Negros Muscovados ang Muntinlupa Cagers ELBURG Paramount sa 80-77 sa naunang dalawang laro ng single-round robin ng 29-team tournament.


Patuloy na nanguna para sa Zamboanga, na pinutol ang kanilang two-game losing skid, si dating league MVP Jaycee Marcelino sa 24 puntos. Lumista rin sa iskoring sina Pedrito Galanza Jr, na nagselyo ng panigurong free throw sa walong puntos. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page