top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 8, 2023



ree

Laro ngayong Miyerkules – Binan Stadium

4 p.m. Stallion Laguna vs. Terennganu


Umaasa ang Stallion Laguna na ang paglalaro sa sariling tahanan na Binan Stadium ang magtutulak sa kanila sa unang panalo sa simula ng Round 2 ng 2023-2024 AFC Cup Group Stage. Haharapin nila muli ang Terengganu, ang parehong koponan na umukit ng 2-2 tabla noong kanilang unang pagkikita noong Oktubre 26 sa Malaysia, simula 4 p.m.

Umarangkada agad ang Stallion, 2-0, sa mga goal nina Griffin McDaniel (6’) at Junior Sam (41’). Biglang nakalusot ng isa si Sonny Norde upang lumapit bago magwakas ang first half at kinumpleto ng Adisak Kraisom ang pagbangon ng Terengganu sa panablang goal sa ika-91 at bago wakasan ng reperi ang laro.

Kahit mapait ang kinalabasan, nakita ng Stallion na kaya nilang sabayan ang beteranong kalaro. Ito ang unang sabak ng mga Pinoy sa prestihiyosong torneo habang ito na ang pangatlong beses na kasali ang Terengganu.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Grupo G ang Stallion na may isang puntos mula isang tabla at dalawang talo. Numero uno ang Central Coast Mariners ng Australia na may 6 puntos at sinusundan ng Terengganu na may lima at Bali United ng Indonesia na may 4 na puntos.

Samantala, hahanapin ng Dynamic Herb Cebu ang ikalawang panalo sa Grupo F sa pagdalaw sa Shan United ngayong Huwebes. Nanalo ang Gentle Giants sa kampeon ng Myanmar National League, 1-0, noong Oktubre 26 din sa Rizal Memorial Stadium salamat sa goal ni Ken Murayama.

Hawak ng Phnom Penh Crown ng Cambodia ang liderato ng grupo na may malinis na 9 na puntos mula tatlong tagumpay. Pangalawa ang MacArthur FC ng Australia na may anim at Cebu na may tatlo habang 8 puntos ang Shan.


 
 

ni GA @Sports | November 8, 2023




ree

Mga laro sa Huwebes

(Philsports Arena)

12:00 n.t. – Gerflor vs F2 Logistics

2:00 n.h. – Galeries vs PLDT

4:00 n.h. – NXLed vs Chery Tiggo

6:00 n.g. – Creamline vs Petro Gazz


Nilipad ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang ika-apat na sunod na panalo upang makisalo sa four-way tie kasunod na mabilis na walisin ang NXLed Chameleons sa iskor na 25-11, 25-20, 25-19 sa unang laro ng triple-header kahapon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naging mahusay na pagtitimon sa panalo ng Flying Titans si ace playmaker Deanna Wong na namahagi ng kabuuang 20 excellent sets upang maging pangunahing tagapagsimula ng atake ng Choco Mucho upang mabiyayaan si leading scorer Cherry Ann Rondina ng 16 puntos mula sa 14 atake at dalawang blocks, gayundin ang 12 excellent digs at pitong excellent receptions tungo sa 4-1 kartada para sa ika-apat na sunod na panalo, katabla ang Petro Gazz Angels, PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers na naghahanda sa magandang pwestuhan patungo sa semifinals round.

Coming to the match syempre laging sinasabi nila coach is yung sistema lang talaga, game by game it works, pero syempre there’s always room for improvement. Masaya and grateful kami sa panalo na ito with the guidance of the coaches and the management and team mates namin, pero may mga susunod na games pa, kaya whatever yung nangyari sa court kanina, kung anong pwede naming matutunan, dadalhin namin sa susunod pang games,” pahayag ng 25-anyos mula Minglanilla, Cebu, na naging malaki umano ang nagawang pagbabago sa kanyang laro sapol ng mahawakan ni coach Dante Alinsunurin ay coach Jessie Lopez.


 
 

ni MC @Sports | November 6, 2023



ree


Nakabawi rin si “Thunder Kid” Adiwang laban kay Jeremy “The Jaguar” Miado matapos makakuha ng unanimous decision victory sa ONE Fight Night 16: Haggerty vs. Andrade noong Sabado sa labang idinaos sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.


“You saw my fights and I end my fights quickly, but I’m happy that I got this finally,” aniya.


“This fight is for all the fans who wanted to see the rematch. I think we showed that this is the ending and I won that fight.”


Impresibo itong striking display para sa Soma Fight Club student na nagpakitang husay matapos magpadapo ng solidong left hook, panunuhod nang magkabila at magpaulan ng suntok sa karibal sa unang round.


Pero matibay din si Miado, hindi sumusuko at lumalaban pa at nakikipagsabayan sa kapwa Pinoy. Siksik pa sa hangin ang baga ng T-Rex MMA sa loob ng 3 rounds at binigyan pa si Adiwang ng sugat sa kanang mata.


Pero ipinakita na rito ni Adiwang na hawak niya ang gabi at hindi kinakitaan ng anumang iniindang dating injured na tuhod dahil paulit-ulit siyang bumibigwas ng sipa sa tatlong sunod na rounds.


“For all of my supporters who were asking about my leg, I think I answered it now. I showed that and I think that’s one key to winning this fight,” aniya, still harking back to their first encounter at ONE X in March 2022 where he suffered the ACL injury. “I got injured but I got back, I got redemption, I got the rematch, and I used my leg so it’s fine now. I’m back.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page