top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 30, 2023



ree

Sumosyo ang New Orleans Pelicans at Indiana Pacers sa maagang liderato ng NBA sa kanilang ikalawang mga panalo kahapon. Wagi ang Pelicans sa New York Knicks, 96-87, habang nanaig ang Pacers sa Cleveland Cavaliers, 125-113.


Naglabas ng husay sina Brandon Ingram na may 26 puntos at Zion Williamson na may 24. Nakasalalay ang tagumpay ng Pelicans sa kalusugan ni Williamson na tinamaan ng sari-saring pilay sa nakalipas na dalawang tao.


Tatlong Pacers ang nagsumite na 20 o higit sa pangunguna ni Aaron Nesmith na may 26 puntos. Sumuporta sina Tyrese Haliburton na may 21 at 13 assist at Myles Turner na may 20 at 12 rebound.


Samantala, pinaalala ni Joel Embiid na siya pa rin ang nakaupong MVP ng liga at kasama si Tyrese Maxey ay binuhat ang Philadelphia 76ers sa 114-107 panalo sa Toronto Raptors. Parehong nagsumite ng tig-34 puntos sina Embiid at Maxey kaya pumantay ang kanilang kartada sa 1-1.


Sinunog din ng Phoenix Suns ang Utah Jazz, 126-114. Mainit si Kevin Durant na may 26 at Eric Gordon na may 21 puntos.


Pinalamig ng Minnesota Timberwolves ang Miami Heat, 106-90. Nagbagsak ng 25 si Naz Reid kasabay ng 19 puntos ni Anthony Edwards.


Sa ibang laro, wagi ang Detroit Pistons sa Chicago Bulls, 108-102. Itinulak ng Washington Wizards ang Memphis Grizzlies sa kanilang ikatlong sunod na talo, 113-106.

 
 

ni GA @Sports | October 29, 2023



ree

Mga Laro sa Martes

(FilOil EcoOil Arena)

2:00 n.h – Cherry Tiggo vs Gerflor

4:00 n.h. – Farm Fresh vs Creamline

6:00 n.h. – Cignal vs Akari

Mabilis na tinapos ng F2 Logistics Cargo Movers ang laro laban sa Galeries RiseTower sa bisa ng straight set, 25-15, 25-22, 25-17 upang makuha ang ikalawang panalo sa harap ng nagtitiliang mga manonood ng 6th Premier Volleyball League All-Filipino Conference eliminasyon kahapon sa Candon City Arena in Ilocos Sur.

Nanguna sa puntusan si Ara Galang na humambalos ng 14 puntos mula sa 11 atake, 2 ace at isang block, kasama ang 12 digs at 9 receptions, habang sumuporta rin sina Jolina Dela Cruz sa 11pts at 5 receptions, at Majoy Baron sa 10pts

Not perfect. But that’s how it is. Hindi naman straight line ang improvement. It’s a series of good and bad games. Eventually, magkakaron ng okay na laro,” wika ni coach Regine Diego. “Hopefully, sa mga ganitong laro, experience-wise, mas magkaroon sila ng connection.”

Wala namang nagtapos na double digit sa Galeries na pinangunahan ni Norielle Ipac sa 7pts at Rapril Aguilar sa 6pts.

Sunod na makakalaban ng F2 Logistics ang Petro Gazz Angels, habang reresbak ang Galeries laban sa Choco Mucho sa Nov2.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 27, 2023



ree

Gumawa agad ng ingay ang bisitang Sacramento Kings sa kanilang 130-114 panalo sa Utah Jazz sa ikalawang araw ng NBA kahapon mula sa Delta Center. Ito na rin ang unang opisyal na laro ni PBA alamat Jimmy Alapag bilang assistant coach ng Kings at katapat ang koponan ni kabayan Jordan Clarkson.


Umabot sa 110-87 ang lamang ng Sacramento sa dalawang buslo nina Javale McGee na minsan naging kandidato para sa Gilas Pilipinas at Chris Duarte na nagbukas ng huling quarter. Nanguna sa Kings sina Harrison Barnes na may 33 puntos at Domantas Sabonis na may 22 at 12 rebound.


Nasayang ang 24 puntos ni Clarkson. Itinalaga si Alapag noong Agosto at ang kanyang opisyal na tungkulin ay Player Development Coach sa ilalim ni Head Coach Mike Brown.


Nagising ang bisitang Dallas Mavericks sa 2nd half upang mabigo ang San Antonio Spurs at numero unong rookie Victor Wembanyama, 126-119. Triple double si Luka Doncic na 33 puntos, 13 rebound at 10 assist kumpara sa numerong 7’4” Wembanyama na 15 puntos.


Sa ibang laro, pumukol ng three-points na may 13 segundo sa orasan si Donovan Mitchell upang isalba ang Cleveland Cavaliers sa Brooklyn Nets, 114-113. Parehong nagtapos na may tig-27 puntos sina Mitchell at Max Strus.


Wagi ang Boston Celtics sa karibal New York Knicks, 108-104. Malupit si Jayson Tatum sa kanyang 34 puntos at 11 rebound at nag-ambag ng 30 si Kristaps Porzingis sa kanyang unang laro matapos lumipat galing Washington Wizards noong Hunyo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page